You are on page 1of 2

Caveiro, John Russel S.

XI-VALOR (HUMSS)

FILIPINO 1102

DESKRIPTIB

Ito ang isa sa pinaka magandang lugar na


aking napuntahan sa ngayon. Tagaytay
City, mayroon itong mga napakagandang
lugar, mga establisyemento, parke tulad
ng tagaytay highlands, tagaytay picnic
grove, People’s Park, skyranch at marami
pang iba, bukod sa lahat ay may
maaliwalas na tanawin ang meron ito na
siyang laging dahilan kung bakit ito
dinarayo. Isa pang nakakahikayat na
puntahan dito at tikman na siya ring
bagay na pamares na rin sa malamig na
klima dito ay ang kanilang mainit at
masarap na kape na kanilang tinatawag na signature of tagaytay dahil sa
sikat ang kanilang lugar pagdating sa iba’t ibang uri ng kape at isa na rito
ang kapeng barako. At isa pang hindi mawawala sa listahan ay ang kanilang
masarap at ipinagmamalaking pagkain dito, ang may malambot na laman at
malinamnam na sabaw, ang Bulalo kung saan ay napakaraming kainan nito
na dito mo lang mahahanap at matitikman ang iba’t ibang uri ng luto nito
kasama na rin dito ang kanilang mga sariling likha sa pagkain man o sa mga
materyal na bagay. Isa ang tagaytay sa pinaka pinupuntahan at binibisita ng
mga tao upang pasyalan at pagdausan ng iba’t ibang okasyon na ginaganap
ng bawat pilipino dahil sa ganda ng tanawin na meron ito, nitong mga
nakaraang taon napasama ang tagaytay sa mga lugar na pinaka most
visited places in the Philippines kasama ang Baguio at Cebu.

You might also like