You are on page 1of 3

Galvez, Glecelyn M.

Pagsulat ng Lakbay - Sanaysay

STEM12 – 07 G. Paul John Mariano

Dayo

Sa dinarami raming lugar sa Pilipinas na aking pinaglakbayan kasama ng aking


pamilya at kaibigan ay walang hihigit pa sa aking bayang kinalakhan. Ito ang pinagmulan
ng maraming pista, produkto at tradisyon na sumasalamin sa mayamang kultura ng
bansa kung kaya’t ito’y kinalala bilang sentro ng sining ng Pilipinas. Ito’y aking
pinagmamalaki dahil sa angkin nitong yaman sa mga pinagkukunang resources, ito rin
ay puno ng magagandang tanawin at syempre masasarap na pagkain. Payak man ang
buhay ng mga tao roon ay sagana naman sila sa mabubuti at masasayang mga taong
magiliw na tumatanggap sa kanilang mga bisita.Talagang sa taon- taong paguwi ko dito
ay kalakip ang di ko malilimutang alaala na gumigising sa puso kong malikhain at
manlalakbay.

Isa isahin natin ang


mga pinuntahan naming
mga lugar roon. Una ay
ang lawa ng Laguna o
Laguna Bay kung tawagin
ng nakararami. Makikita
ang larawan sa kaliwa
kung saan ito’y
nagpapakita ng isang prusisyon noong pista ng pruvial. Malaking lawa ang mayroon sa
Rizal kung kaya’t maraming sariwang isda ang mabibili rito. Marami ring resorts sa bayan
ng Tanay na masarap paliguan lalo na’t may hot spring rin sila. Hindi lamang sa Tanay
makakakita ng mga gantong resorts, mayroon rin sa Angono, Cardona, Cainta, Jala Jala
at iba pa. Isang restaurant ang kinainan namin sa Rizal na naghahanda ng mga lutong
ulam na mula sa kanilang bukirin at palaisdaan. Masarap ang mga pagkain rito lalo na
ang mga isda sa iba’t ibang luto.

Makikita naman sa unang litrato


ang unti unting nagiging kilalang mga
windmills sa Pililia Rizal. Bakit ka pa
pupunta sa Ilocos kung sa Rizal pa
lamang ay meron nang windmills na
tulad rin lamang ng mga Bangui
Windmills roon? Kabubukas lamang ng
bagong tanawin na ito noong 2016 kung
kaya’t hindi pa ito kilala sa ngayon. Kung
ika’y nasa tuktok ay makikita mo sa
kanan ang palayanan ng Tanay, Rizal at sa kaliwa naman ay ang kapatagan ng Laguna.
Matatanaw mo rin rito ang Laguna de Bay, nakakamangha hindi ba? Ngunit hindi pa dyan
nagtatapos ang ganda ng Rizal. Dumayo tayo sa mga bundok rito.

Ilan sa mga kilalang mga bundok rito ay ang Bundok Maynobo, Bundok Kalbaryo,
Bundok Cayabu, Bundok Natad at Bundok Paliparan. Bagamat sa dami nito ay di pa rin
ako nakakaakyat sa ni-isa ngunit sigurado akong napakaganda at kamangha mangha
ang pakiramdam kapag nakarating sa tuktok nito. Bukas ang mga bundok na nasambit
upang akyatin ngunit may karampatang bayad ang pagupa sa mga guide upang maakyat
ito. Gayunpaman, hindi mo dapat palagpasin ang pagakyat sa isa sa mga bundok ng
Rizal! Nakakalungkot man pero ang nasilayan ko lamang doon ay ang mga makikinang
na bituin sa gabi lalo na kung malapit sa bundok kasabay ng malamig na simoy ng hangin.
Hindi mo ito maihahambing sa Maynila, likas na mahikal at hindi kapani-paniwala.

Ang isa pa sa mga


pinagmamalaki ng Rizal ay ang
kanilang mga pista. Sa aming
pagpunta rito ay nasilayan namin
ang pista ng pruvial. Tunay na
pinaghahandaan ang mga pista rito
sa Rizal, maraming pagkain,
makukulay na prusisyon at puno ng
palamuti ang bayan. Madami pang pista sa lalawaigan ng Rizal na kilalang kilala sa
bansa. Tulad na lamang ng kilalang Higantes Festival sa Angono, Bibingka Festival sa
Cainta, Kaluskos Festival sa Cardona, Parada ng Kakanin sa San Mateo at marami pang
iba! Tunay talagang napakakulay ng kultura ng Rizal, hindi ba? Ngunit hindi lamang yan
ang maipagmamalaki nila. Tunghayan natin ang tinatagong sining ng kinalakhan kong
bayan!

Ipinagmamalaki rito ang Pinto Art Museum na matatagpuan sa Antipolo, Rizal. Isa
rin ang Petroglyphs sa mga kilala rito – Ito ay ang sinasabing pinakamatandang gawa ng
sining na natagpuan sa bansa. Aming nasilayan ito sa Angono – Binangonan, madali
lamang ito puntahan at napakamura lamang ng bayad upang makapasok rito. Alam niyo
bang ang Angono ang Art Capital of the Philippines? Dito nakahimlay ang ilan sa mga
pinakakilalang pintor sa kasaysayan tulad na lamang ni Carlos “Botong” Francisco at iba
pa. Bilang isang alagad ng sining, masasabi kong isa ito sa mga lugar na tunay na
sumasalamin sa pagkamalikhain nating mga pilipino maging noon hanggang sa ngayon.

Pasilip pa lamang ito sa mga yamang tinatago ng lalawigan ng Rizal. Ang


paglalakbay sa lugar na ito ay puno ng magagandang alalang gusto kong ibahagi sa lahat
ng kapuwa ko Pilipino. Bakit hindi niyo subukang maglakbay at idiskubre ang mga
sikretong taglay ng kinalakhang bayan ko? Muli, bilang isang kabataan ng munting bayan
ng Pililia, pinapakilala ko sa inyo ang marikit na lalawigan ng Rizal!

You might also like