You are on page 1of 10

BAGUIO

Ang Baguio ay isang lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas. Ginawang


"Summer Capital" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903 ng "Philippine
Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong 1
Setyembre
1909.
Ang
pangalang
Baguio
ay
hango
sa
salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa 1500
metro ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng
mga punong pino at mgahalamang namumulaklak. Dahil sa klima ng lugar,
nahikayat ang mga Amerikano na ayusin ang lugar bilang isang
bakasyonan.inumpisahang gawin ang "Kennon Road"noong 1901.inukit
angdaanang ito sa pagitan ng mga bundok at sinusundan ang ilog ng Bued
mula sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng La Union hangang sa Kafagway.
Naging madali ang paglalakbay patungo sa lugar na ito.
Isa ang Lungsod ng Baguio sa mga unang binomba ng pwersa ng Imperyo ng
Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Madaling nasakop ng mga
Hapon ang lugar. Sa pagbalik ng mga Amerikano sa mga huling buwan ng
digmaan, sa lungsod umatras ang karamihan ng mga sundalong Hapon sa
Luzon kasama na si Hen. Tomoyuki Yamashita. Noong ika-3 ng Setyembre ay
pormal na isinuko ni Hen. Yamashita sa mga hukbong Amerikano at Pilipino
ang mga natitirang puwersa ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay ginanap
sa "Camp John Hay" na matatagpuan sa silangang bahagi ng lungsod.

Nangyari ang Lindol sa Luzon sa Pilipinas noong 1990 noong Lunes ng Hulyo
16, 1990 ng 4:26 PM, lokal na oras sa Pilipinas. Luzon ang higit na
naapektuhan ng 7.8 na lakas ng lindol.
Ito ang pinaka malalang lindol na nangyari sa buong kasaysayan ng Pilipinas
at nadaigan ang lindol sa Casiguran noong 1968 at umapekto sa halos lahat ng
parte ng Luzon at ang pinaka maraming nasawi at nasirang ari-arian.sa sa mga
lubos na naapektuhan ay ang lungsod ng Baguio na ikinaguho ng 28 gusali ang
lindol, kabilang na ang ilang kilala't naglalakihang hotel, pabrika,
pampublikong gusali, maging ng mga pampribadong gusali't tahanan.Pininsala
rin ng lindol ang Loakan Airport, dahilan upang hindi makababa ang ilang
sasakyang panghimpapawid. Isa sa tanyag na gusaling gumuho ay ang Hyatt
Terraces hotel kung saan walumpung empleyado at bisita ang namatay. Ilan
din naman ang himalang nakaligtas, tulad ng isang kusinero na nabuhay nang
14 na araw sa ilalim ng gumuhong mga bato't semento.

KATUTUBO SA BAGUIO
Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa
Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. May anim na
etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot:
ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang
mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa
kanilang pinagmulan.Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa
ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.Ang Ibaloi, binabaybay ding
Ibaloy ay isa sa mga taong indihena (katutubo) o mga pangkat etniko sa
Pilipinas na kapag ipinagsama-sama ay kilala bilang Igorot. Sila ay
naninirahan sa kabundukan ng gitnang bahagi ng Cordillera sa Luzon.
Mayroong limamput-limang libong Ibaloi at karamihan sa kanila ay
matatagpuan sa timog bahagi ng probinsiya ng Benguet.Ang kanilang
lenggwahe ay Nabaloi. Ang kabuhayan ng mga ibaloi sa kasalukuyan ay ang
pag uukit na karamihan ay kagamitang pang bahay, Ang pagtatanim ng palay o
pagsasaka ang yumabong sa aspetong agrikultura ng mga Nabaloi at
pakikipagkalakalan ng mga Ibaloi sa mga taga-Pangasinan at La Union ng mga
bulak na tela, kumot, asin, tobako at aso.

MGA PASYALAN SA BAGUIO


MINES VIEW PARK
Mines View Park ay isa sa kilalang pasyalan sa
Baguio, sa mataas na lugar na ito maaring matanaw
ang Benguet's gold and copper mine at ang
nakapalibot na kabundukan sa Lungsod Baguio.

BURNHAM PARK
Burnham Park ay matatagpuan sa sentro ng
Lungsod Baguio, isa itong paboritong pasyalan ng
mga turista at mga taga-Baguio. May mayroong
hugis bilog na lawa sa gitna ng pasyalang ito, na
maaring
umupa
ng
banka
kung
nais
maglibot.Ipinangalan ang pasyalang ito kay Daniel
Burnham, na isa sa nagdisenyo ng Baguio.

THE MANSION
The Mansion ay matatagpuan sa silangan bahagi ng
Baguio. Noong 1947, ipinaayos ito ng Pamahalaang
Filipinas, at magmula noon ay ito na ang naging
opisyal na tirahan ng Pangulo ng Filipinas kung sila
ay mapupunta sa Lungsod Baguio. Ang magarang
mansiyon na ito ay ginagad sa Buckingham Palace
na matatagpuan sa Britanya.

CAMP JOHN HAY


Camp John Hay ay kampong unang itinayo upang
maging pook-aliwan ng mga sundalo ng
Department of Defense ng Estados Unidos. Sa
kasalukuyan, maaaring maglaro ng golf sa loob nito,
o kaya'y umupa ng kuwarto at iba pang pasilidad na
maaring paglibangan.

STRAWBERRY FARM
Strawberry farm - sikat na pagkain sa Baguio ang
strawberry dahil sa malamig na klima nito. Kaya
naging kilala rin ang strawberry farm kung saan
makikita mo ang mga sagana at hinog na mga
stawberry.

LIONS HEAD
Lion's head - Panahon ni Ferdinald Marcos noong
1972 na magtayo ng lion's head para umunlad at
dirkesyon papuntang baguio ang kauna-unahang
lion's head ay gawa lamang sa bato noong maging
presidente si Manuel Quezon noong 1935.
Malaking ulo ng leon na inukit sa isang malaking
bato, na ipinagawa ng mga kasapi ng Lion's Club sa
Lungsod Baguio. Ipinagawa nila ito upang ipaalam
na ang kanilang samahan ay may lokal na sangay sa
naturang lungsod.

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY


(PMA)
Philippine Military Academy o PMA ay
matatagpuan sa Loakan, na may 10 kilometro ang
layo sa bayan ng Lungsod Baguio. Isa sa mga
dahilan kung bakit ito'y dinarayo ay dahil sa
sobrang kalinisan ng paligid.

BAGUIO CATHOLIC CATHEDRAL


Baguio Catholic Cathedral ay ang pinakamalaking
simbahan ng mga katoliko sa Lungsod Baguio, na
matatagpuan sa ibabaw ng isang burol sa loob
mismo ng lungsod. Ang kulay rosas nitong tuktok
ang kalimitang pang-akit sa mga mahilig kumuha
ng retrato.

KENNON ROAD
Kennon Road ang isa sa tatlong pangunahing
lansangan patungong Lungsod Baguio, kung
magmumula sa Kalakhang Maynila. Mas pinipiling
daan ito ng mga nagnanais makarating sa Baguio
dahil sa mga likas na tanawin.

BAGUIO BOTANICAL GARDEN


Ang Baguio Botanical Garden o Igorot
Village ay matatagpuan sa silangang bahagi
ng Lungsod ng Baguio, na nasa pagitan ng
Teachers camp at ng Pacdal Circle. Makikita
ang mga replika ng mga tirahan ng mga
katutubong Igorot, na at naglalarawan sa
kanilang kultura at pamumuhay. Maraming
magagarang halaman at bulaklak na nakatanim
dito na iyong kagigiliwan. Dito sa pasyalang
ito may makikitang mag Igorot na nakasuot
ng kanilang katutubong damit, na maaring
magpakuha ng larawan kasama nila.

MGA PAGKAIN/PRODUKTO
SA BAGUIO

STRAWBERRY JAM gawa sa mga

WALIS-Kilalarin sa Baguio ang matitibay

sariwang strawberries na galing sa taniman ng


Trinidad Valley. Ito ay may sikretong sangkap
kayat binalik-balikan ito ng mga tao.

nitong produkto na walis. Ang walis ay isang


kagamitan na ginagamit na panlinis ng bahay.

PANSIT BIHON GUISADO-Ang mga


ETAG- Pinakuluang leeg ng baboy na
piniritong lubog sa kumukulong mantika.
Kadalasang sinasawsaw sa hot sauce o suka.

PEANUT BRITTLE-ito ay gawasa asukal o


arnibal at mani.

bagong pitas na baguio beans,karots,repolyo


at pipino na nag bibigay ng kakaibang lasa sa
pagkain.ito ang dahilan kung bakit naiiba ang
pansit ng baguio,dahil na din sa natural ang mga
sangkap nito.

PAGDIRIWANG SA BAGUIO
PISTA NG PANAGBENGA (PISTA NG MGABULAKLAK)

Ang taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng


Pebrero. Ipinagmamalaki ditto ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio. Ang
salitang panagbenga ay may kahulugang, panahon ng pagyabong, panahon
ng nagsimula noong 1994, isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na pista sa
Pilipinas Fiesta Calendar.
Baguio, tinaguriang city of Flowers dahil sa isang buwan pagdiriwang na
kinapapalooban ng pagsasayakatulad ng Parade of Floats and Bands, Street
Dancing Competitions naginaganapsahuling Lingo ng Pebrero.
Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay isang napakalaki at engrandeng parada ng mga
sasakyang pinalamutian ng mgabulaklak na naani ng mga mag sasaka pagkatapos
ng pamumulaklak ng mga ito.

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Baguio
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRv3NNLX3XnAumN_JIl9uyHkrqhtEhRYtPiGRrL5tNyvZHA3xpFA
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Baguio...https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Lindol_sa_Luzon_(1990)...http://fil.wiki
pilipinas.org/index.php/1990:_Lindol_sa_Luzon
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Lungsod_Baguio.....http://itsmorefuninbaguio.blogspot.com/?m=1
http://wonderpinas.com/wp-content/uploads/2016/08/Mines-View-Park-Baguio.jpg
http://www.wonderingwanderer.com/wp-content/uploads/2013/04/Burnham-Park-Baguio-City-Swan-Boats.jpg
http://www.cityofpines.com/mansion02.jpg
http://www.thepoortraveler.net/wp-content/uploads/2014/01/camp-john-hay.jpg
http://www.traveltothephilippines.info/wp-content/uploads/2012/01/strawberry-benguet7.jpg
http://www.wonderingwanderer.com/wp-content/uploads/2013/03/Baguio-City.jpg
http://www.cityofpines.com/baguiosites1/pma01.jpg
http://2.bp.blogspot.com/X5D07T87bO4/ULhbtsmc_XI/AAAAAAAADzM/kBxRjECPqJU/s1600/Baguio+Cathedral+full+photo+front.j
pg
http://cityofpines.com/baguiokennon/kennon21.jpg
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/736x/30/4d/3f/304d3fc44999215a3f00a163e272e91c.jpg

http://anglungsodngbaguio.blogspot.com/2013/02/mga-produkto-ng-baguio.html
http://327471306460665032.weebly.com/mga-pagkain-at-produkto.html
http://baguioisthebest.blogspot.com/2013/03/beauty-of-baguio-city.html?m=1

http://327471306460665032.weebly.com/mga-pista-at-pagdiriwang.html

LEADER:
KYRYN ORTIZ

MGA MIYEMBRO
BOYS:
KYLE CORDERO
RANDY KAPANGYARIHAN
LYSANDER MABBAGU
GIRLS:
IELEA BARROZO
DAISY JANE CARTAGENA
MARGARETH OGATIA
GUILLIENNE PEREZ

You might also like