You are on page 1of 2

“MALAMIG SA BAGUIO”

Deskriptibo

Inilathala ni:
Mark Justine Pelenia
Jodan Almoguera
Leenard Gotladera

Ang tinaguriang “Summer Capital” ng Filipinas na matatagpuan sa lalawigan ng

Benguet. Ang Lungsód Baguio (Bág·yo) ay nása ibabaw ng isang talampas na may 1,520

metrong taas mula sa dagat at may pangkaraniwang temperaturang 18 sentigrado. Ang

malamig na klima ng siyudad ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang puntahan

ito ng mga bakasyonistang Filipino at mga dayuhan lalo na sa panahon ng tag-init.

Ang lalawigan ng Benguet ay bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).

May 130 ang kabuuang bilang ng barangay ng Baguio. Tinatawag ang Baguio na

Kafagway ng mga katutubo mula sa iba’t ibang pangkating etniko dito.

Ang kasalukuyang pangalan ay sinasabing hango sa halamang “bagiw. ”Nagpunta

dito ang mga mananakop na Espanyol upang maghanap ng mga mina ng ginto, pilak, at

tanso. Nang masakop ng mga Amerikano ang Filipinas, itinatag nilá ang unang

pamahalaang sibil dito noong ika-1 ng Hunyo 1903. Hanggang 1909, ang siyudad ay

isang lugar na ginawang minahan ng Benguet Consolidated Mining Company.

Ang tatlong pangunahing daan patungo sa siyudad ay ang Naguilian Highway,

Marcos Highway, at ang Kennon Road. Ang Session Road ang pangunahing daan sa loob

ng lungsod. Makikita rin dito ang Burnham Park, ang pangunahing parkeng pasyalan ng

siyudad na ipinangalan kay Daniel Burnham, ang nagdisenyo ng plano ng siyudad. Ang

pamilihan ng siyudad na nása bahaging dulo ng Session Road ay tampok sa mga

panindang gulay, prutas, mga hinabing damit, at yaring-kamay na dekorasyon. Dinarayo


rin dito ang Wright Park, na may mga kabayong sinasakyan ng mga turista at tinatahak

ang daan patungong tarangkahan ng Mansion House, ang opisyal na bakasyunan ng

Pangulo ng Filipinas.

Ang ibang lugar pasyalan dito ay ang Mines View Park na nagpapakita ng

kabuuang lawak ng bulubundukin ng Benguet. Narito rin ang Camp John Hay na dating

kampo ng mga Amerikano at ngayon ay naglalaman ng mga pasilidad na bukás sa

publiko. Ang Philippine Military Academy (PMA) ay matatagpuan din sa may labas ng

siyudad. Bagong atraksiyon ang taunang Panagbenga Festival na nagtatampok sa

magagandang bulaklak na tanim sa malamig na kabundukan.

You might also like