You are on page 1of 2

R. G.

De Castro Colleges

Bulan, Sorsogon

Major 5

Mark Justine Pelenia

2nd year/ Bsed Fil (208)

Pamantayan ng MPP (Manunuri ng Pelikulang Pilipino)

Pamamaraan

Masasabing masining ang pamamaraan ng isang pelikula kung napagsanib ng film maker ng maayos ang
iba’t ibang elemento ng pelikula, direksyon, dulang pampelikula, pagganap, sinematograpiya, disenyong
pamproduksyon, musika, editing at tunog.

Direksyon

Epektibo ang direksyon kung matagumpay na naipabatid ng direktor ang pagkakaunawa niya sa
materyal sa pamamagitan ng malikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento sa pelikula.

Dulang Pampelikula

Epektibo ang dulang pampelikula kung ito ay may makabuluhang nilalaman o karanasanang sinusuri ng
midyum ng pelikula.

Pagganap

Epektibo ang pagganap kung ang artistang gumanap ay nagawang ipahayag ang kanyang papel at
nagawang mapaniwala ang manunuod ukol sa kanyang karakter na ginagampanan.
Sinematograpiya

Epektibo ang sinematograpiya kung matagumpay nitong naisalarawan ang nilalaman ng pelikula sa
pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang teknik ng kamera.

Disenyong Pamproduksyon

Epektibo ang disenyong pamproduksyon kung nagawa nitong isakatuparan sa malikhaing paraang ang
pook, tagpuan, meyk-ap, kasuotan at mga kagamitan na nagpapalinaw sa panahon, kapaligiran at
katauhang hinihingi ng realidad sa dulang pampelikula.

Editing

Epektibo ang editing kung malikhain nitong pinakitid ang oras, kalawakan, at galaw upang pangibabawin
ang anumang nais ipahayag ng film maker.

Tunog

Epektibo ang tunog ng pelikula kung naisalin nito nang buhay na buhay ang diyalogo, musika,
epektibong tunog at katahimikan, at ang mga ito’y naisasaayos sa malikhaing paraan.

Musika

Epektibo ang musika ng pelikula upang mapalitaw nito ang kahulugan, pinatitingkad ang atmospera at
damdamin, nakatutulong sa pagtitiyak sa katauhan at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.

You might also like