You are on page 1of 6

JALANG, JOHN LLOYD, SABONDO FILIPINO SA PILING LARANG

12 – DURKHEIM MODULE 4 – QUARTER 2

Subukin Natin – P.
1. *
2. *
3. *
4. *
5. *
6. *
7. *
8. *

Aralin Natin – P.
Gawin Natin – P.
Proyekto
Proyekto 1: Pag-tayo ng para sa Proyekto 2:
Materials Recycling barangay. Karagdagang Poste ng
Facility (MRF) sa Purok Ilaw sa Barangay

-Layuning maresolba
ang isang problema.

-Makakatohanan at
tiyak.

Proyekto 3: Debelopment ng
Sanayin kompyuterisadongNatin –
sistemang pang-
P. eleksyon para sa SSG ng
Politeknikong Unibersidad ng
Lungsod Matapat

Tandaan Natin – P.
1. Panukalang Proyekto
a. Detalyado ang pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa
proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at ang mga
kakailanganing resorses.
b. Malinaw at madaling basahin
c. Realistiko
d. Tiyak
2. Rebyu
a. Masaklaw
b. Kritikal
c. Napapanahon
d. Walang pagkiling
e. Mapananaligan
f. Orihinal
g. Makatuwiran
h. Natatangi
Suriin Natin – P.
Payabungin Natin – P.
The Gifted: Rebyu
Ang pelikulang “The Gifted” ay isang Pilipinong dark comedy-drama
ng 2014. Ito ay sa direksiyon ni Chris Martinez, isa sa mga pinakatanyag
na direktor ng panahong ito, at ito ay ipinamahagi ng Viva Films at MVP
Entertainment. Ang mga bida sa pelikulang ito ay sina Anne Curtis, Cristine
Reyes at Sam Milby. Ito ay ipinalabas noong Setyembre 23, 2014, at ito ay
kumita ng mahigit ₱79 milyon.
Ang pelikulang ito ay tungkol sa magkaibigang si Zoe at Aica.
Parehas silang mataas ang IQ o sa madaling salita, napaka talino nila at
parehas din silang pangit. Si Zoe ay mataba habang si Aica naman ay
malaki ang ilong, makapal ang kilay at nakasuot ng napaka kapal na
salamin. Buong buhay ni Zoe, lagi lamang siyang pangalawa kay Aica. Si
Aica kasi ang laging valedictorian ng klase o batch nila. Noong nasa huling
taon na sila ng hayskul, sinabi ng mga magulang ni Zoe sakanya na dapat
gawin niya ang lahat para siya ang maging valedictorian kahit na gamitin
pa niya ang kahinaan ni Aica para matalo niya ito. Kaagad namang naka-
isip nang paraan si Zoe noong nakita niya na in love si Aica kay Mark
Ferrer, isang varsity player na hindi marunong magbasa at hindi matalino.
Nakipagkasundo si Zoe kay Mark, gagawin niya ang mga takdang aralin at
mga proyekto nito at bilang kapalit dapat magpanggap si Mark na mahal
niya si Aica. Naging epektibo naman ang plano ni Zoe, siya ang naging
valedictorian pero nasira naman ang pagkakaibigan nila ni Aica.
Ilang taon na ang lumipas, naging matagumpay at maganda na si
Aica at Zoe ngunit magkagalit pa rin sila. Noong malaman ni Zoe na
matagumpay at maganda na rin si Aica, nainis siya at gumawa nanaman
ng paraan upang masira nanaman ang buhay at mawarak ang puso ni
Aica. Sa huli, dapat papatayin na ni Zoe si Aica pero niligtas ni Mark si
Aica. Nabuhay naman si Mark matapos ang nangyari ngunit pumangit siya.
Noong tapos na ang pelikula biglang pinakita na hindi naman pala totoo
yung mga nangyari. Ang kwento ni Zoe at Aica ay binase lamang kay Joey
at Mica na kaklase nang nagsulat ng libro, si Marco Yuzon.
Ang mga karakter ay nabigyan ng hustisya sapagkat nagampanan
nang mahusay nina Anne Curtis, Cristine Reyes at Sam Milby ang kanilang
mga papel. Wala akong maipipintas sa pag-arte na ginawa nila. Ang mga
emosyon na ipinakita nila ay talagang nakakadala, mararamdaman mo na
parte ka ng palabas.
Samantala, ang iskrip na ginamit naman ng mga artista ay maganda
ngunit sa aking tingin maaari pa itong mapahusay sa pamamagitan nang
pagpapalawak nito upang mas makuha ng mga manonood ang pinupunto
ng mga aktor. Sa kabilang banda, may ilang mga linya mula sa pelikula
ang talagang tumatak sa isip ng mga manonood kagaya nalang ng sinabi
ni Zoe (Anne Curtis), “Anong akala mo, mamahalin ka niya maging sino ka
man?!” at ang isa pang linya ni Zoe (Anne Curtis), “He doesn’t love you for
who you are, he loves you for what you’ve become. A FAKE!”
Ang sinematograpiya naman ay nakatulong para mas mapaganda
ang mga eksena. Mahusay ang pagkaka-anggulo ng kamera dahil malinaw
ang bawat eksenang naganap. Ang paggalaw ng kamera ay nakatulong
upang mapaganda ang eksena kung saan hinahanap ni Zoe si Aica para
barilin. Nakatulong din ang pagpokus ng kamera sa mukha ng aktor, sa
pamamagitan nito ay mas nakita ang emosyong ipinapakita ng aktor.
Ang background music ay nakatulong naman para umangat ang bigat
at gaan ng mga eksena sa pelikula. Ang mga manonood ay mas
naramdaman ang emosyon ng mga tauhan o aktor kagaya ng kalungkutan
at kasiyahan dahil sa paglapat ng akmang musika sa pelikula. Maayos
naman ang pagkaka-edit sa pelikula, ang pagkakasunod-sunod ng eksena
ay tama, maayos at maganda.
Ang takbo ng istorya ay maganda, talagang maiintindihan mo bawat
eksena. Naipakita ng direktor ang mensahe ng pelikula. Mahusay ang
direktor sa paraan ng kanyang pagbuo ng kwento, hindi ko inaasahan ang
nangyari sa dulo. Sa kabuuan, ang direktor ay epektib at mahusay.
Ang props, kasuotan, gamit at background ng pelikula ay nakatugma
sa daloy ng istorya, mas lalong napaganda ng mga ito ang pelikula. Isang
halimbawa nito ay ang mga suot ng tauhan o aktor, ito ay hindi sobrang
magarbo. Ito ay tugma o akma lamang para sa mga eksena. Ang suot na
fat suit ni Anne Curtis ay mukhang namang makatotohanan, kaya lang
mukhang puwede pa itong mas mapaganda at mas magmukha pang
makatotohanan.
Napakaraming aral na makukuha sa pelikulang ito, ipinakita dito na
walang maidudulot na maganda ang inggit sa buhay ng tao. Dapat
hangga’t maaga pa lang ay mawala na ang inggit ng isang tao upang hindi
na ito mas lumalim pa, dahil kapag lumalim pa ang nararamdamang inggit
baka magaya pa kayo kay Zoe Ang inggit kasi ay isang masamang pag-
uugali na nakakalason ng isip ng mga tao. Natutunan ko din sa pelikulang
ito na dapat pahalagahan ang pagkakaibigan, ito ay napakaimportante at
hindi dapat ipagpalit sa kahit anumang bagay.
Ang pelikulang ito ay may kakaibang istorya na hindi pa gasgas.
Hindi ito kagaya ng ibang pelikula na madali mong masasabi kung anong
mangyayari sa mga susunod na eksena, kaya kapana-panabik itong
panoorin. Higit sa lahat, madami kang mapupulot na aral dito.

You might also like