You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Division of Misamis Occidental


District of Lopez Jaena
DAMPALAN INTEGRATED SCHOOL
S.Y. 2021-2022

LESSON PLAN IN FILIPINO 8


Ikatlong Markahan, Ika-7 linggo
I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, matututunan ng mga mag-aaral ang:
a. Nasusuri ang napanood na pelikula
b. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa pelikula
II. Paksang-Aralin:

Paksa: Dokumentaryong Pampelikula


Kagamitan: Powerpoint presentation
Sanggunian: Filipino 8 Gingoog City: Department Education
Estratehiya: Explicit Teaching
III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Paunang Gawain:
Magandang umaga sa inyo mga mag- Magandang umaga din po sa iyo, Bb.
aaral! Angelika B. Dolotallas.

 Panalangin: Tumayo tayo para sa “Ama Namin”


panalangin!

 Pagbati: Kumusta kayo? Maayos din po kami ma’am.

Mabuti!

 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pag tetsek ng liban at hindi liban
Makikinig ang mga mag-aaral.
Inaanyayahan ko kayong lahat sa araw na
ito para sa ating bagong aralin.
Inaasahasan ko rin ang inyong pakikilahok
para mas magiging masaya ang ating
talakayan. Tandaan na kung may taong
nagsasalita sa harap ay dapat nating
pakinggan at kung mayroon kayong
katanungan, itaas lang ang kanang kamay.
Kung kailanganin nyong pumunta sa Opo ma’am!
banyo, huwag kalimutan na humingi ng
pahintulot. Maliwanag ba?

(Indicator 2: Obj. 5: Established safe and secure


learning environments to enhance learning through the
consistent implementation of policies, guidelines and
procudures)
Gagawin ng mga mag-aaral ang gawain.
B. Pagsasanay:
Gawain 1: Kumpletuhin Mo Ako!
Sukatin muna natin ang inyong kaalaman.
Hali na’t sagutan natin ang inihandang
gawain para sa inyo.
Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

C. Pagbabalik-aral:
Bago natin talakayin ang bagong
paksa natin ngayong araw, sino ba sa inyo ang
makapagbibigay sa amin ng kaunting balik-
aral tungkol sa ating paksa kahapon. Sino ang Ang ating paksa kahapon ay tungkol sa
gustong magbigay? pakikipanayam.
Sige nga Laiza!
Ang pakikipanayam po ay ang pakikipag-
Salamat Laiza! usap sa kapwa.
Ano ang ibig sabihin ng pakikipanayam?
Sige nga Marty?

Magaling Marty!

Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan Sa pakikipagpanayam po ay dapat nating


kapag nakikipagpanayam? igalang ang ating kausap. Dapat tayong
making nga mabuti at dapat nating
Sige nga Lyca? isaalang-alang ang maaaring maramdaman
ng ating kakusap.
Magaling Lyca!
(Magpapalakpalakan ang mga mag-aaral)

Ating palakpakan ang lahat ng sumagot!

(Indicator 2: Obj. 6: Maintained leaning environments


that promote fairness, respect and care to encourage
learning)

D. Pagganyak:
Gawain 2: Ilarawan Mo Ako!
Pag-aralan ang mga larawan. Ano ang
masasabi ninyo
tungkol
sa mga
ito?

Maganda po ang pagkakakuha ng larawan


ma’am.

Ano ang inyong masasabi tungkol sa mga


larawan?
Mahalaga po na maayos ang pagkakakuha
Sige subukan mo Rupeboy! ng larawan para maging malinaw po ito sa
mga titingin.
Maraming salamat Rupeboy.

Ano sa tingin ninyo ang kahalagahan ng Opo ma’am! Sang ayon po ako kay Jasper
maayos na pagkuha ng larawan? na mahalaga talagang maayos ang
pagkakakuha sa larawan para maging
Sige nga Jasper? malinaw po to sa mga titingin. At dagdag
ko po ma’am na mahalaga rin ito para
maging mas malinaw po ang mensaheng
nais nitong iparating sa mga titingin.
Sang-ayon kaba kay Jasper Liza Mae?

Para po sa akin ma’am, ang nais ipahiwatig


Tumpak Liza! ng mga larawan ay ang pagkaka-isa at
paggalang sa ating kapwa kahit anong lahi
Magaling mga bata! Ngayon ating tingnan ulit man ang pinanggalingan.
ang mga larawan, sino sa inyo ang
makapagbibigay ng mensaheng nais nitong
iparating sa mga manonood?

Sige Janice!
Makikinig ang mga mag-aaral.
Magaling Janice!

(Indicator 3: Obj. 10: Adapted and used culturally


appropriate teaching strategy to address the needs of
learners from indigenous groups.)

E. Introduction

Sa natapos nating gawain kanina na


pinamagatang “Kumpletuhin Mo Ako!” at
“Ilarawan Mo Ako”, mahihinuha natin na
ang ating aralin ngayon ay may kinalaman sa
sining at bahagi ng industriya ng libangan. Makikinig ang mga mag-aaral.

Matututunan natin ngayon ang pagsusuri sa


pelikula at pagbibigay kahulugan sa mga
salitang ginagamit sa pelikula.

F. Modeling (I Do)

Ang pelikula ay sinasakop ang mga gumagalaw


na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan. Samantalang
ang Dokumentaryo ay laging pumapatungkol sa
katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at
sa lipunan.

ELEMENTO NG DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA:


1. Sequence iskrip - nagsasaad sa wastong
hanay ng mga pangyayari ng kuwento sa
pelikula. Dito malalaman ang layunin ng
kuwento.
2. Sinematograpiya - Paraan ito ng pagkuha ng
tamang anggulo upang makita ang akmang
pangyayari sa pamamagitan ng paggamit sa
bisa ng ilaw at lente ng kamera
3. Tunog at musika - nagpapalakas ng ugnayan
ng tunog at linya ng mga dayalogo.
Nagpapagana sa pagtuon ng pokus ng mga
manonood.
4. Pananaliksik o riserts - mga pag-aaral na
itinatampok upang maging makatotohanan
ang mga detalye ng palabas.
5. Disenyong pamproduksyon – tinitiyak ang
kaawastuhan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para mailahad ang biswal ng
pagkukuwento na may kasiningan
6. Pagdidirehe - pamamaraan ng direktor sa
wastong pagpapatakbo ng kuwento sa
pelikula.
7. Pag-eedit - pagtatanggal at pagdurugtong ng
mga eksena na kinakailangan sa kuwento.

IBA’T IBANG ANGGULO AT KUHA NG KAMERA:


1. Malayuang kuha o Long Shot - Nakukuhanan
ang buong senaryo o tagpuan upang
mabigyan ng opinyon ang manonood sa
magiging kahihinatnan ng o dokumentaryo
2. Katamtamang kuha o Medium Shot-
Pakalahati ang kuha ng kamera. Halimbawa
mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Madalas ginagamit ito sa pagitan ng
maaksiyong kaganapan.
3. Malapitang kuha o Close-Up Shot - Nasa
isang partikular na bagay lamang ang pokus.
Ang kailangang makita ng manonood ang
siyang binibigyan-diin. Halimbawa nito ay
pagpokus sa pag-iyak (luha);.
4. Nakapukos na kuha o Extreme-Close Up -
Ang pinakamataas na lebel ng nakapukos na
kuha. Ang pinagtutuonang pansin ay isang
detalye lamang mula sa malapitan.
Halimbawa kapag mata lang dapat makita sa
mata lamang nakapokus ang kamera at hindi
sa buong katawan.
5. Mataas na anggulo ng pagkuha o High Angle
Shot - Nasa itaas ang kamera, kaya ang
anggulo o pokus ay mula sa mataas na bahagi
pailalim.
6. Mababang anggulo ng pagkuha o Low Angle
Shot - Nasa ibaba ang kamera, kung kaya ang
anggulo o pokus ay nanggagaling sa ibaba
patungo ng itaas.
7. Birds Eye-View - Tinatawag ding “aerial shot”
dahil ang anggulo na nanggagaling sa mataas
na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang
bahagi. Halimbawa, ay ang pagkakita ng
kabuuan ng karagatan at kabundukan na tila Gagawin ng mga mag-aaral ang gawain.
isang ibong lumilipad sa himpapawid ang
tagapanood
8. Panning Shot - Mabilisang pagkuha ng
anggulo ng isang kamera upang
masubaybayan ang detalyeng kinukunan.
Halimbawa, ang kuha sa isang sasakyang
kumakaripas ng takbo.

(Indicator 1: Obj. 1: Applied knowledge of content


within and across curriculum teaching areas.)

G. Guided Practice (We Do)

Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral

 Unang Pangkat: Hanapin Mo Ako!


Hanapin sa kahon ang mga salita na may
kaugnayan sa pelikula sa pammagitan ng
pagbuo ng mga letra upang maging salita.

Ipaliwanag ang mga nahanap na salita.

 Pangalawang Pangkat:Ano nga ba ang


pinagkaiba ko?
Suriin ang mga palabas na kinatawan sa mga
nabanggit na pamagat. Gamit ang daygram sa
ibaba magtala ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad ng dokumentaryo at pelikula.

1. Panning Shot
(Indicator 2: Obj. 7: Maintained learning environments that
nurture and inspire learners to participate, cooperate and
collaborate in continued learning) 2. Low Angle Shot
H. Generalization:
1. Magbigay ng isang dokumentaryong 3. Birds Eye-view
pelikula na iyong napanood na
nagpapabatid ng realidad ng buhay.
2. Ano ang pinakamahalagang element
ng dokumentaryong pampelikula? 4. Establishing long shot
Bakit?
5. Extreme close-up
(Indicator 1: Obj. 1: Applied knowledge of content
within and across curriculum teaching areas.)

I. Independent Practice ( You Do)


Tukuyin kung anong uri ng anggulo at
kuha ng kamera ang nasa larawan.
1.

2.

3.

4.

5.

(Indicator 2: Obj. 6: Maintained leaning environments that


promote fairness, respect and care to encourage learning)

IV. Evaluation: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ito ay pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga


dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.
A. Pag-eedit B. Pagdidirehe
C. Tunog at Musika D. Disenyon Pamproduksiyon
2. Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na
bahagi tungo sa ilalim.
A. Establishing / Long shot B. High Angle Shot
C. Low Angle Shot D. Medium Shot
3. Isang anggulo ng kamera na tinatawag ding “scene setting”.
A. Low Angle Shot B. High Angle Shot
C. Establishing / Long shot D. Medium Shot
4. Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang
bahagi tungo sa itaas.
A. Low Angle Shot B. High Angle Shot
C. Establishing / Long shot D. Medium Shot
5. Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi
na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang
oras/panahon ang isang pelikula.
A. Pagdidirehe B. Pananaliksik
C. Disenyong Pamproduksyon D. Pag-eedit
6. Ang anggulo ng kamera ay nakapokus lamang sa isang detalye mula sa close-up.
A. Bird’s Eye View B. Close-up Shot
C. Panning Shot D. Extreme Close-up Shot
7. Sino ang direktor ng dokumentaryong pampelikula na “Manoro”?
A. Coco Martin B. Brillante Mendoza
C. Cathy Garcia Molina D. Joey Lamangan
8. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula.
A. Pagdidirehe B. Pag-eedit
C. Sequence Iskrip D. Sinematograpiya
9. Ito ay kinikilala din bilang isang pinikalang tabing?
A. Drama B. Musika
C. Teatro D. Pelikula
10. Nakapokus ang kamera sa isang partikular na bagay lamang.
Hindi binibigyang-diin ang nasa paligid.
A. Establishing / Long Shot B. High Angle Shot
C. Close-up Shot D. Panning Shot

V. Assignment:
Magbigay ng isang dokumentaryong pampelikula at ipaliwanag kung
ano ang katotohanan o realidad na pangyayari sa buhay at lipunan ang nais
nitong iparating sa mga manonood. Isulat sa kalahating papel ang iyong
sagot.

Prepared by:
Angelika B. Dolotallas
Teacher I
Noted by:
Nelly S. Bandiala
Master Teacher III
Approved by:
Delvin N. Desierto
School Head

You might also like