You are on page 1of 1

Batang Nepalese tinaguriang may

pinakamagandang sulat-kamay sa buong mundo


Inilathala Ni: Mark Justine Pelenia

Buhat ng tayo ay mag-aral, tayo ay tinuruan ng ating mga guro na magsanay sa


pagsusulat, isang mahalagang abilidad na kinakailangan ng bawat indibidwal,
ngunit papaano kung ikaw ay tinaguriang may pinakamagandang sulat-kamay sa
buong mundo? Isang batang babae mula sa Nepal ay nagkamit ng titulo ng may
pinakamagandang sulat-kamay sa buong mundo, siya ay tumanggap ng mga
karangalan mula sa Nepalese Government, at nagkamit ng iba't - ibang papuri
mula sa bawat sulok ng mundo. Ang kanyang sulat-kamay ay umani ng atensyon
sa social media at talagang pinag-uusapan. Siya ay si Prakriti Malla, isang grade
VIII na estudyante sa Sainik Awasiya Mahavidyalaya, kung saan ayon sa mga
pag-aaral simula nang kindergarten ay talagang pinagtutunan ng mga
estudyante ang halos 42 na porsyento ng kanilang oras sa paggugol sa gawaing
may kinalaman sa pagsusulat sa papel. Wala na yatang mas gaganda pa sa sulat-
kamay na ito. Si Prakriti Malla ay naging inspirasyon din ng mga taong hindi
makasulat ng isang disenteng sulat-kamay, na mas pag-ibayuhin at magsanay pa
upang maging maganda ang kanilang sulat-kamay.

(LATHALAIN NG PANGKATAUHAN)

You might also like