You are on page 1of 5

"Epekto ng Pagbabasa ng Wattpad sa Pag-aaral ng mga

Mag-aaral ng Grade 11 HUMMS sa


Northern Zambales College,Inc."

PANGKAT 4
Margie Ann Pajarillo
Jasmine Rose Misola
Kate Bugarin
Roselle Mendio
Joyce Eclevia
Ailyn Ebal
Lester Muñoz
Jezabelle Flores
Vrich Arvie Empeño
Janyn Hermoso
KABANATA 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Habang tumatagal at lumilipas ang panahon ay siya namang pagdating ng mga


pagbabago na patuloy na nararansan ng bawat tao ngayon dahil na rin sa dulot ng mga
makabagong teknolohiya na nagpapagaan at nagpapadali ng mga gawain o
pamumuhay ng bawat isa. Tulad nalang ng aspeto ng pagbabasa sa modernong
panahon ngayon. Noon, pumupunta sa silid-aklatan ang mga kabataan upang kumalap
ng mga impormasyon o mga babasahin gamit ang iba't-ibang klase ng mga libro. Sa
kasalukuyan, ngayon na dulot na rin ng impluwensya ng teknolohiya sa mga kabataan
ay madali ng makahanap ng iba't-ibang babasahin na may magkakaibang genre gamit
lamang ang mga makabagong teknolohiya tulad ng computer, laptop, at maging sa
ating mga selpon.
Isa sa pinaka-popular na babasahin sa panahon ngayon na higit na
kinahuhumalingan ng mga kabataan ay ang Wattpad. Ano nga ba ang Wattpad? Ang
Wattpad ay isa sa mga kinaaadikan at pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon,
pati na rin ng mga matatanda. Ito ay isang internet site, kung saan maaari kang
makapagbasa ng iba't-ibang klase ng istorya na gawa din mismo ng ating kapwa
kabataan. Mula sa pangalan nito na wattpad, ito ay literal na “pad” o sulatan. Maaari
kang magsulat ng sarili mong tula, simpleng kwento, nobela at kahit reaksiyon
lamang na may iba`t ibang genre na kagigiliwan ng mga kabataan. Ang Wattpad ay
dulot ng teknolohiya na ang mga imposible noon ay posible na ngayon. Kung dati ang
mga kabataan ay nagbabasa lamang ng libro, ngayon ay maaari ng makapagbasa
gamit lamang ang ating selpon, laptop, at iba pa. Ito rin ay isang uri ng social
networking site at isa ring online community kung saan maaaring makapagbasa ng
mga likhang kwento na isinulat ng awtor na ala nobela. Puno ito ng kwento na may
iba`t ibang genre na gaya ng action, fantasy, thriller, mystery, romance, horror, fiction
at non fiction. Dito din ay malaya kang makakapagbasa ng walang bayad. Maaari ka
ring gumawa ng sarili mong kwento at maging isang awtor.
Ang Wattpad ay nabuo o itinatag noong December, 2006 ngunit ito ay naging
tanyag lamang sa lahat noong 2011. Ito ay itinatag nina Allen Lau at Ivan Yuen.
Inilagay naman sa appstore at playstore IPhone at andriod at Blackberry noong 2008.
Sa taong 2010 kinakailangan namang magdagdag ng mga manunulat at full time
employees dahil unti-unti ng pumapatok ang wattpad. Taong 2011 ng makaabot sa 1
million ang rumehistrang bilang ng mga gumagamit at nagbabasa ng Wattpad. Sa
taong 2012 naman umabot ng 17.3 milyong dolyar (USD) ang kita ng wattpad
company. Makalipas ang dalawang taon lumipat na ng lugar ang buong Wattpad team
dahil sa rumarami na silang mga nagtatrabaho at kinakailangan ng malaking space.
Kung saan sila ay lumipat sa St. Lawrence Market Office (downtown Toronto).
Kinilala ang Wattpad bilang Top Canadian Startup Employer of The Year of
Techvibes. Binigyan naman ng award sina Allen Lau at Ivan Yuen ng Erust and
Young's Entrepreneur of The Year.
Ang pagbabasa ay isang mabisang sandata at kalasag sa pag aaral. Ito ay
nakatutulong sa kanilang mga proyekto at takdang aralin na mag kaugnay sa
literatura. Ang mga mambabasa ay nakakuha ng aral at nakadadagdag ng kaalaman.
Ito rin ay nakakapagpalawak ng isipan. Ang pagbabasa ay isang paraan upang tayo ay
matuto at madagdagan ang kaalaman tungkol sa isang bagay. Ang pagbabasa ng
Wattpad ay ginagawang libangan ng mga mag aaral upang mabawasan ang stress na
dala ng pag aaral. Ang pagbabasa ay nagtuturo sa mga mambabasa upang maging
kritikal sa pagbabasa at upang mas basahin at mas damdamin pa nila ang kwento.
Sina Allen Lau at Ivan Yuen ay may dalawang layunin; una binuo nila ito dahil
hilig nila ang pagbabasa at naisipan nilang gamitin ang panitikan sa negosyo,
pangalawa upang tanggalin ang tradisyunal na hadlang at palaganapin ang
demokratisasyon sa panitikan kung saan kahit sino mula sa masa at para sa masa ang
mga akdang malilikha nito. Layunin ng Wattpad na bigyang linaw at maipahayag sa
mga mag-aaral ang mga bagay na dapat nilang malaman tungkol sa kanilang
pagbabasa ng Wattpad, mag-bigay aliw, at mag silbing pampalipas oras ng mga
mambabasa.
Ang Wattpad ay humuhubog sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at
pagsusulat at bukabolaryo. Ito din ay nakakatulong sa mga mag-aaral dahil meron
ditong aral na nakukuha at nakakatulong sa kanilang mga proyekto sa kanilang
paaralan na may kinalaman sa literatura. Napapalawak nito ang imahinasyon ng
mambabasa, nakakatuklas sila ng mga salita na hindi pamilyar sa kanila at
natututunan din nila at naisasaisip ang mga kahulugan nito. Ang Wattpad ay isa sa
mga nakakawiling site dahil hindi lamang ito nakakapagbigay ng kasiyahan sa mga
gumagamit bagkus binibigyan nito ng opurtunidad ang mga tao na ipakita ang
kanilang galing at talento.
Kung merong mabuting epekto ang pagbabasa ng Wattpad, meron rin itong
masamang naidudulot sa mga mambabasa. Ito din ang minsan dahilan kung bakit
maraming estudyanteng napapabayaan ang kanilang pag-aaral, dahil may ibang
mambabasa ng Wattpad na umaabot ng umaga upang makapagbasa lang at dahil doon
ay wala silang ganang pumasok dahil sa sila'y .puyat. Nawawalan sila ng oras sa
kanilang pamilya dahil sa sobrang pagkakahumaling sa pagbabasa ng Wattpad.
Kadalasan din ay halos hindi na kumakain ang mga ito na nagiging dahilan ng
komplikasyon sa kanilang kalusugan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay mapag-alaman at mailahad


ang iba't-ibang patunay ng pagiging isang Wattpader, ang mga dahilan ng
pagkahumaling ng mga mag-aaral ng grade 11 HUMMS sa pagbabasa ng Wattpad
kaalinsunod ng mabuti't masamang epekto nito sa kanila maging ang mga pananaw ng
mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Layunin rin ng pag-aaral na ito ay ang
mga suliranin hinggil sa mga estudyanteng nagbabasa ng Wattpad. Nais rin ng mga
mananaliksik na bigyang linaw at maipahayag sa mga mag-aaral ang mga bagay na
dapat nilang malaman tungkol sa kanilang pagbabasa ng Wattpad. Ang pananaliksik
na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad?
2. Paano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral?
3. Ano ang mabuti at masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral na malaman nila ang


mabuti at masamang epekto nito. Ito rin ang siyang magsisilbing babala sa labis-labis
na pagbabasa ng Wattpad at gabay na rin sa pagbabasa nito upang hindi bumaba ang
kanilang marka sa kanilang mga asignatura.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at paglahad ng mga patunay


ng pagiging isang Wattpader, mga epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa mga mag-aaral,
maging ang dahilan ng pagkahumaling ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad.
Nakatuon lamang ito sa mga mag-aaral ng grade 11 HUMMS para malaman ang mga
dahilan kung bakit maraming estudyante ang nahuhumaling sa pagbabasa ng Wattpad.
Ang pag-aaral ay gaganapin lamang sa Northern Zambales College, Inc. (NZCI). Ito
ay sisimulan ngayong Marso 2019 at inaasahang matatapos sa loob ng tatlong linggo.

KABANATA 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay SARAH MOORE sa kanyang Magazine "How To be a Student" nalaman


namin na ang mga salik ng Study Habits, ang Time Management, ang Study Skills, at
ang Learning Skills ay talagang may malaking epekto sa academic performance ng
isang mag-aaral. Ang mga studyanteng napakalaki ang ginugugol na oras sa pag-aaral
ang siyang mga estudyanteng nakakakuha ng matataas na marka sa kanilang mga
asignaturang pinag-aaralan sa paaralan. Ito ang mga estudyanteng huwaran sa
pagsisikap at pagtitiyaga para mapasaya ang kanilang mga magulang. Ang mga
estudyanteng nakilala dahil sa kanilang karangalan ay natutong magkaroon ng time
management. Naglalaan sila ng tamang oras para magpakasaya, para sa pamilya, sa
kaibigan, sa paaralan, at lalong-lalo na sa pag-aaral. Dahil sa study habits na mayroon
sila, lalong nahuhulma ang study skills na mayroon sila. Mas nahahasa ang kanilang
mga isipan at mas lumalawak ang kanilang kaalaman. Di na tayo magtataka kung
madali nilang naiintindihan ang mga leksiyon na itinuturo sa kanila sa paaralan,
nagkakaroon sila ng lakas ng loob para itaas ang kanilang mga kamay at ibahagi ang
kanilang nalalaman sa buong klase ng walang kaba dahil sa kasanayan nila sa
pagsasalita. Nahasa sila ng mabuti sa paraan ng paulit-ulit nilang pagbigkas ng mga
salitang nabasa nila sa kanilang aklat. Dahil sa madalas na silang aktibo sa klase,
dulot nito ang mga magandang academic performance na mayroon sila. Sa
pamamagitan ng time management, di na nahihirapan ang isang estudyante sa
pagbalanse ng kanyang pag-aaral at ng iba pa niyang gawain o pinagkakaabalahan. Sa
pagkasanay niya sa pagtakda ng gawain sa isang partikular na oras, malalaman niya
kung anong paraan ang gagamitin niya sa pag-aaral. Mahahasa ang kanyang isipan at
madali na para sa kanya ang umintindi ng mga bagay-bagay sa paligid niya. Dapat na
masanay ang mga estudyante sa pagkakaroon ng magandang study habits upang
maging maganda rin ang academic performance nila sa paaralan.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Zandt,J.C (2013) Ang panahon ay hindi lang nagbabago,ito ay ganap at
lubusang nagbabago. Habang ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin
isang malawakan at demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong
ng ugnayan sa isa't-isa, pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-
unting nahuhubog ang publiko, paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng
mga social media ngayon. Ang pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay
ang kakayahang pamamahayag nito na nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.
KABANATA 3: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungang surbey para malikom ang
mga kailangang datos. Ang mga tanong ay dinisenyo upang malaman ang epekto at
bunga ng pagbabasa ng Wattpad sa mga mag-aaral ng grade 11 HUMMS. May limang
tanong na nakapaloob sa talatanungan ng surbey upang malaman ng mga
mananaliksik kung bakit ito kinahuhumalingan at kasama na din kung nabubudget ba
nila ng tama ag kanilang oras sa pagbabasa ng Wattpad.

Mga Respondente

Ang mga respondente ay kinuha mula sa mga mag-aaral ng grade 11 HUMMS na


may kabuuang bilang na 153 na mga mag-aaral sa Northern Zambales College, Inc.

NORTHERN ZAMBALES COLLEGE, INC.


Bilang ng mga mag-aaral Bilang ng mga respondante
Grade 11 HUMMS 153 20

Instrumento ng Pananaliksik

Nagsimula ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng paggawa ng talatanungan


o kwestyoner na nagtataglay ng mga katanungang umaayon sa layunin ng pag-aaral.
Sumunod na rito ay ang pamamahagi ng talatanungan sa mga respondente ng pag-
aaral. At ang huli, ay ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na datos.

Tritment ng mga Datos

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik ng naaayon sa kanilang


kakayahan at hindi sa mabusisi at komplikadong pamamaraan. Upang makakalap ng
impormasyon ay bumuo ang mga mananaliksik ng isang kwestyoner. Mabuting
epekto, masamang epekto, lebel ng pagkahumaling, at mga patunay na isa kang
Wattpader lamang ang inalam ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng surbey.

You might also like