You are on page 1of 7

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

PANIMULA

“Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang alin mang pagkakatulad

ng nilalaman ng kuwentong ito sa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari sa totoong buhay,

ay hindi sinasadya, at produkto lamang ng mayamang imahinasyon ng may akda.”

Ang mga katagang iyon ang siyang nagbubukas sa ating mga babasahin na

karaniwang may layuning magbigay ng aliw sa mambabasa na sa huli ay naghahangad na

magbigay ng aral tulad ng mga nobela, at maging sa Wattpad. Mga kwento mula sa

malikhaing pag-iisip ng manunulat at kanyang mga karanasan na makapagbibigay ng

impormasyon sa mga mambabasa.

Sa ating panahon, tinatangkilik ng mga estudyante ang maraming iba't ibang uri ng

social media at iba pang bagay na maaaring gawin gamit ang teknolohiya. Kapansin-pansin

ang dami ng pagbabago noon hanggang ngayon, sa larangan lang ng pagbasa ay may

malaking pagkakaiba dahil sa teknolohiya. Ang hilig ng bagong henerasyon sa mga libro

ay unti-unting nawawala, ngunit ang kapalit nito ay ang paglitaw ng mga bagong istilo ng

pagbasa na muling gumigising sa puso ng mga mag-aaral na muling buksan ang iba't ibang

uri ng libro.

Ang Wattpad ay isang uri ng social networking site at isa ring uri ng online

community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yue ngunit sumikat lamang

noong 2011. (Vanessa Gemida et. al., 2019). Kung saan malayang nagsusulat ng mga

kwento ang may-akda at malayang nakakabasa rin ang mga mambabasa. Ito’y naglalaman

ng iba't ibang uri ng teksto tulad ng nobela, maikling kwento, tula, sanaysay, at artikulo.

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

Ilan sa mga tanyag at sikat na mga manunulat sa wattpad ay si Jonah Mae Pacala

na kilala bilang Jonaxx, siya ay ang most-followed author sa wattpad na may 5 milyong

followers at tinatagurian ding “Wattpad Queen.” Isa rin sa mga tanyag na manunulat sina,

Maxine Lat Calibuso na kilala bilang Maxinejiji, Abigail De Silva na kilala naman sa

pangalang CeCeLib, Raymond Velasco na kilala naman bilang KnightInBlack, Maria

Cristina Lata na kilala bilang Blue Maiden, at si Mia Alfonso na kilala sa pangalang

binibining_mia.

Ang Wattpad ay isa sa mga naging dahilan ng pagkahumaling ng mga kabataan sa

pagbabasa ng nobela at iba pang uri ng tekstong naglalayong magbigay ng aliw sa mga

mambabasa. Isa rin ito sa naging instrumento ng maraming kabataan na makapag hayag ng

kanilang karanasan at damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat ng kuwento gamit ang

kanilang imahinasyon.

Ito ay kadalasang matawag na reality escape ng mga kabataang nagbabasa nito.

Madalas nilang maihalintulad ang kanilang mga sarili sa mga karakter ng mga nobelang

nababasa nila kaya’t labis silang nahuhumaling sa pagbabasa nito. Sa kabilang banda,

kaakibat ng wattpad ang salitang “distraksyon” at “bad influence” dahil ang tingin ng

karamihan dito ay walang magandang dulot. Ang iba ay hindi malaman kung ano maaari

ang maibibigay nitong mabuting bagay sa isang estudyante at sa kanyang pag-aaral.

Kung kaya’t nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin kung ano nga ba ang epekto

ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa

San Jose City National High School.

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng Baitang 11 HUMSS sa San Jose City

National High School. Sa partikular, nilalayon ng pananaliksik na ito na maisakatuparan

ang mga sumusunod:

1. Malaman ang sosyo-demogerapikong katangian ng mga mag-aaral ng HUMSS 11

ng San Jose City National High School tulad ng pangalan, edad, kasarian, at oras

na iginugugol sa pagbabasa ng Wattpad.

2. Malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa San Jose City National

High School.

3. Matukoy ang mga dahilan ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral ng

mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa San Jose City National High School.

4. Malaman ang mga epektibong pamamaraan ng paggamit ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa San Jose City National

High School.

5. Matukoy ang kahalagahan ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral

batay sa sarili, pamilya, at lipunan.

3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto ng

paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa

San Jose City National High School. Sa partikular, ang pag-aaral na ito ay naglalayong

mahanap ang mga kasagutan sa mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang sosyo demograpikong katangian ng mga mag-aaral sa HUMSS 11

ng San Jose City National High School-Senior High school tulad ng pangalan,

edad, kasarian, at bilang ng oras na iginugulo sa pagbabasa ng Wattpad?

2. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa San Jose City

National High School?

3. Ano-ano ang mga dahilan ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral

ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa San Jose City National High School?

4. Ano-ano ang mga prosesong pamamaraan ng epekto ng Wattpad sa

akadamekong pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 sa San Jose City

National High School?

5. Ano-ano ang kahalagahan ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral

batay sa sarili, pamilya at lipunan?

Paghihinuha

Sa pamamagitan ng mahusay na pagbuo ng mga suliranin ay nabuo ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod na hinuha:

4
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

1. Walang kaugnayan ang sosyo demograpikong katangian ng mga HUMSS 11, tulad

ng edad, kasarian, at bilang ng oras na iginugulo sa pagbabasa ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral.

2. Walang inihahandog na positibo at negatibong epekto ang paggamit ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral.

3. Walang kaugnayan ang mga dahilan ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-

aaral.

4. Walang ibinibigay na epektibong pamamaraan ang Wattpad sa akademikong pag-

aaral.

5. Walang kahalagahan ang paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral batay sa

sarili, pamilya, at lipunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang positibo at negatibong epekto

ng paggamit ng Wattpad sa akademikong pag-aaral kung kaya’t ang magiging resulta ng

pag-aaral ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa mga sumusunod:

Sa Pamunuan ng Paaralan

Ang Pag aaral na ito ay mahalaga sa pamunuan ng paaralan sapagkat ang resulta ng

pag-aaral na ito ay maaaring maging batayan ng epekto ng Wattpad sa akademikong pag-

aaral ng mga mag-aaral.

5
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

Sa mga Mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral ukol sa pagpapalawak ng

kanilang kaalaman sa pagsulat ng nobela at iba pang uri ng teksto. Makatutulong rin ito sa

pagpapalawig ng bokabularyo ng mga mag-aaral.

Sa mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay kaalaman sa mga guro tungkol sa magandang

epekto ng Wattpad sa akademikong pag-aaral ng kanilang mga estudyante na puwedeng

magamit bilang kasangkapan sa kanilang pagtuturo.

Sa mga Mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ang positibo at

negatibong epekto ng Wattpad sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral mula sa

HUMSS 11 ng San Jose City National High School.

Sa mga Susunod na Mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay maaaring magbigay gabay at magbigay ng karagdagang

mga impormasyon sa mga susunod na mga mananaliksik tungkol sa epekto ng Wattpad sa

akademikong pag-aaral.

6
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa “Epekto ng Paggamit ng Wattpad sa

Akademikong Pag-aaral ng Humanities and Social Sciences sa Baitang 11.” Ang pag-aaral

na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral ng Baitang 11 HUMSS strand na nililimita

lamang sa loob ng San Jose City National High School.

Ito ay para lamang sa Ikalawang Semestre Taong Panuruan 2022-2023.

7
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

You might also like