You are on page 1of 5

Kabanta 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang pagbabasa ay isang mabisang sandata at kalasag sa pag-aaral. Ang pagbabasa

ng wattpad ay humuhubog sa kasanayan ng mag-aaral sa pagbabasa, pagsusulat at

bokabularyo. Ito ay nakakatulong sa kanilang mga proyekto at takdang-aralin na may

kaugnayan sa literatura.

Sa ating henerasyon na ika-21 na siglo ay madaling maisapubliko ang mga libro

sa pamamagitan ng teknolihiya kagaya nalamang ng wattpad, ang wattpad ay isang

digital na plataporma na may kalayaan ang mga may akda na lumikha ng mga kwento sa

kahit na anong dyanra, sa kabilang banda ang mga mambabasa ay maaaring makipag-

ugnayan sa nilalaman nang mas direkta. Ang pagbabasa ng wattpad ay ginawang

libangan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang problema na dala ng pag-aaral, ang

pagbabasa ay nagtuturo sa mga mambabasa upang maging kritikal sa pagbabasa at upang

mas basahin at mas damdamin pa nila ang mga kwento.

Ano ngaba ang maikling kwento?, ang maikling kwento ay isang masining na uri

ng akdang pampanitikan na naglalaman ng isang salaysay tungkol sa isang mahalagang

kaganapan. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang pagbabasa nito ay

maararing matapos sa isang upuan o sa isang impresyon lamang, ang pangyayari sa

akdang ito ay karaniwan nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat, maaari din

ito ay nakabatay sa karanasan ng may akda.


Ayon naman kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang ama ng maikling kwento, ito

ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip ng may akda, na

maaaring hinango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Ang wattpad ay nagsilbing tulay sa pangarap ng mga estudyanteng manunulat

na maipamalas ang mga likhang maikling kwento sa mga tao. Sikat ang wattpad sa mga

estudyanteng mambabasa kaya naman madali lang makilala ang likha ng may akda.

Napakalaking kahalagahan ang naidudulot ng pagsusulat sapagkat sa

pamamagitan ng pagsusulat ay maisasariwa at mapapakinabangan pa nang mga susunod

na henerasyon ang kasaysayan at iba pang mahahalagang pangyayari sa bansa o lupang

ating kinaroroonan, ito rin ay sumisimbolo sa pagiging malikhain ng isang tao lalo na’t sa

mga pilipio dahil alam naman natin na ang mga Pilipino ay may angking galing na

gumawa ng mga babasahin.

Paglalahad ng suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang maunawaan ang karanasan ng mga

estudyante sa pagbabasa ng mga maikling kwento sa wattpad sa loob ng Jose V. Yap

National High School-ANNEX

Layunin ng pag-aaral na ito na masagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang iyong mga naranasan sa pagbabasa at pagsusulat ng maikling kwento sa

wattpad?

2. Ano-ano ang iyong naging inspiration sa pagbabasa at pagsusulat ng maikling kwento

sa wattpad?

3. Ano-ano ang iyong mga Teknik sa pagsusulat ng maikling kwento sa wattpad?


4. Paano ito nakakaapekto sa iyong pang araw-araw na buhay?

5. Ano-ano ang iyong mga naging implikasyon sa pagsusulat?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang ilang mga estudyante ay hindi alam kung paano gumawa ng maikling kwento

kaya’t ito’y nakakaapekto saa kanilangpag-aaral, Kayat may ibang mga mag-aaral na

nahihirapatan dahil dito. Kaya ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga estudyanteng

gumagawa ng maikling kwento sa wattpad sa loob ng paraalan ng Jose V. Yap National

High School-ANNEX. Ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral

upang maunawaan ng lubos ang maikling kwento at maintindihan ang mga elemento ng

maikling-kwento, makakatulong rin ito upang makagawa ang mga estudyante ng Teknik.

Sa mga Guro, ang pag-aaral na ito may makakatulong sa mga Guro na maituro

ang maikling kwento ng maayos at magbigay ng halimbawa ng mga napapanahon na

pag-aaral.

Sa mga magulang, ang pag aral na ito ay makakatulong sa mga magulang na

maunawaan ang kanilang anak sa mga napapanahon na babasahin tulad ng wattpad, at

sila ay makabuo ng pundasyon para mas makilala at manawaan pa nila ang kanilang mga

anak.

Sa mga manunulat, ang pag-aaral pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga

manunulat na sila’y mabigyan ng panibagong ideya sa pagsusulat at panibagong

kaalaman.
Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga susunod na

mananaliksik upang maging batayan ng kanilang pag-aaral, at sila ay magkaroon ng

kaalaman.

Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay upang maunawaan ang mga manunulat ng

maikling kwento sa wattpad loob ng Jose V. Yap National High School-ANNEX 2022-

2023 upang aming maunawaan ang kanilang kalagayan at kung ano-ano ang kanilang

ginagamit na paraan sa pagsusulat ng maikling kwento, ang delimitasyon ng pag-aaral na

ito ay hindi naming pag-aaralan o hindi naming malalaman ang mga iba pang uri ng aang

kanilang personal na pamumuhay.

Depenisyon ng mga terminolohiyang ginamit

Ang mga sumusunod a ang mga depenisyon ng mga salita:

Bungang-isip- nilalaman ng isip o mga nakapaloob sa isipan

Guni-guni- ito ay maihahalintulad sa imahinasyon o palagay na walang batayan

Malikot na imahinasyon- ito ay naglalalrawan sa malikhain na tao, ito ay tumutukoy na

ikaw ay mabilis mag-isip.

Maikling kwento- ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning

magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunaing tauhan.

Saklaw- sakop ng isang bagay


Wattpad- ito ay isang digital na plataporma kung saan maaari kang magbasa at gumawa

ng mga kwento.

You might also like