You are on page 1of 19

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula

Isang maganda at kahanga-hangang katangian ng tao ang pagkakaroon ng malawak na

komprehensyon. Sa yugto ng pag-aaral, ito ay panahon ng malawakang pagbabasa at

pagsususulat. Ito ay napakahalaga sa sariling pagkatuto upang matamo ang mga kaalaman at

impormasyon na nauukol sa mga bagay-bagay na hindi pa nalalaman. Kailangan ang pagbasa at

ito ay dapat linangin. Hindi sapat para sa tao na siya matutong bumasa. Dapat maunawaan din

niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang binasa. Ito ay tinatawag na kasanayan sa pagbasang

may pag-unawa.

Ang pagbasa ay nakaukit at kakambal na ng pamumuhay ng bawat tao. Ito ay ang tiyak at

maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng kahulugan at kaisipan,

isang gawaing di nahihiwalay sa buhay ng tao. Paggising pa lang sa umaga, pagkatapos

magpasalamat sa Dakilang Lumikha, ang tao ay magsisimula ng gawaing pagbabasa. Babasahin

niya ang oras, ang mga kailangan niya sa paghahanda ng kanyangikabubuhay, anupat sa

maraming sandali at oras ay kailangan niyang magbasa. Ang pagbasa ay isang proseso o paraan

ng pagkuha ng ideya, impormasyon o kahulugan sa mga simbulong nakalimbag. Ito ay

nakakatulong rin sa ating kaalaman upang lumawak ang ating isipan.Sa pamamagitan nito tayo

ay nakakatanggap ng mensahe galing sa damdamin at kaisipan ng kapwa tao sa mga titik at

simbulong nakalimbag sa pahina. Ito’y nakakatulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang

larangan. Naghahasa ito ng kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng

pananaw, nagbibigay ng kasiyahan at nagbubukas dinitong daan upang matuto sa ibat ibang
disiplina tulad ng kasaysayan, matematika at iba pa. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng

mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ito ng pasalita. Ito rin ay

pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng

pagkilala, pagpapakahulugan at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag.Ito ay humuhubog ng

pag-iisip.Isang bahagi ng komunikasyon.Ito ay haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang

nais ipahayag ng nagsulat.

Ang pagbasa bilang isa sa mga makrong kasanayang pangwika ay damdam na yatang

bumababa ang antas ng kalinangan sa kasalukuyan gawa ng pagsulpot ng mass media- radyo,

telebisyon, at pelikula, na sa halip na magbasa, mas kinikilingang-hilig ng mga kabataan ang

panonood o pakikinig, tuloy maraming detalye ang nakaalpas sa kaalaman (Arrogante et

al.,2007).

Sa kabila pa man ng mga nabanggit na halaga ng pagbasa may ilan ding mag-aaral ang

nawawalan ng interes sa pagbasa sa kanilang sariling kadahilanan, meron din namang mag-aaral

na may kakayahan na bumasa subalit wala silang kakayaha na unawain ang tekstong binabasa

Sa pagtuturo ng pagbasa, ang isa sa mga maituturing na kabiguan ng guro ay ang kawalan

ng kakayahan ng mag-aaral na unawain ang kanyang binabasa, may kakayahan silang basahin

ang bawat salita ngunit hindi nauunawaan ang mensahe na nais iparating nito, at hindi ito lingid

sa ating kaalaman na ito ay isa sa mga salik na dinadahilan kung bakit nakakabagut sa kanila ang

pagbasa. Mayroon din namang nakakaintindi subalit karamihan sa kanila ay hindi nakakasagot

sa katanungan na hango sa kwento na sumusukat sa kakayahan ng isipan kaugnay ng mga

kasanayang pangkaisipan na dapat malinang sa bawat mag-aaral.


Sa mahigit ilang buwan na pagmamasid sa ika sampung baitang na mga estudyante ng

Northeastern College ng Malvar, Santiago City, Isabela napansin namin na sa tuwing

nagpapabasa ang kanilang guro ng kwento napakaaktibo nila sa binabasa kaya nagkaroon kami

ng interes na alamin kung ang pagiging aktibo nila sa pagbasa ay ganoon ang pag-unawa sa

binabasang akda kaya nagkainteres ang mga mananaliksik na pag-aralan ang antas sa pag-unawa

nila sa pagbasa.

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tiyakin ang antas ng kasanayan sa pagbasang pang-

unawa ng mga mag-aaral ng ikasampung baitang ng Northeastern College, Santiago City.

Ang mga sumusunod na mga tanong ay sisikaping sasagutin sa pag-aaral na ito:

Ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa:

1.1 Kasarian

1.2 Unang Wika

1.3 Mga kinagigiliwang babasahin:

a.) Aklat

b.) Modyul

c.) Wattpad

d.) Manga

e.) E-Books

f.) Web Novels

1.4 Mga kinagigiliwang panoorin sa Telebisyon:

b.) Dokumentaryo

c.) Pelikula
d.) Balita

e.) Teleserye

f.) Kartoons/Anime

g.) K-Drama na merong subtitle

2. Ano ang antas ng pagbasang pagka-unawa ng mga mag-aaral batay sa:

2.1 Wastong paggamit ng mga salita

2.2 Paggamit ng idyomatikong pahayag

2.3 Paggamit ng tayutay

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mapaunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng mga

mag-aaral ng Ikasampung Baitang ng Northeastern College sa kwentong binasa, taong

panuruang 2021-2022.

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na naging respondent upang

masukat ang kakayahan nila sa pag-unawa ng kwento na kanilang nabasa gamit ang dulog na

“Gallery Walk Human Approach”.

Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay malaking tulong sa mga mag- aaral, guro, gurong

nagsasanay, administrador o tagaplano ng kurikulum at sistema ng edukasyon.

Mga mag-aaral.Napaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag- unawa sa kwentong

binasa sa pamamagitan ng “Gallery Walk Human Approach”mas madali nilang naunawaan at

nasagot ang mga tanong ukol sa kwetong binasa, at magkaroon din sila ng interes sa pagbasa.
Mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay nakatulong upang malaman nila kung

umunlad ang kakayahan sa pag-unawa ang kanilang mga anak sa pagbasa ng kwento.

Mga guro. Nagsilbing gabay ng mga guro upang makalipon ng karunungan na maaring

gamitin para mapaunlad ang kasanayan ng mga bata sa pag- unawa sa pagbasa. Nakakatulong

din sa kanila upang makalikha ng mga bagong istratehiya upang mas lalong maging epektibo ang

pagtuturo ng Filipino.

Gurong nagsasanay. Nagsilbing patnubay ang pananaliksik na ito sa mga gurong

nagsasanay upang mapaunlad ang paraan ng kanilang pagtuturo. Nagkaroon din sila ng

karagdagang kaalaman upang mas lalo pang mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino.

Tagaplano ng kurikulum. Ito ay nagsilbing patnubay ng mga tagaplano ng aralin sa

pagpapaunlad ng kurikulum ng mga paaralang sekondarya upang maiangkop sa makabagong

paraang gamit ang teknolohiya.

Katuturan ng mga Talakay

Ang bawat salita na nabanggit at naipaloob sa aming sulating pananaliksik ay nakatulong

upang maunawaan ang tungkol sa naisagawang pag-aaral.

Pag-unawa. Tumutukoy sa kakayahan ng mga mag- aaral o mambabasa na unawain o

intindihin ang kwentong binasa.

Gallery Walk Human Approach. Ang dulog na ginamit ng mga mananaliksik upang

mapaunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng binasang kwento ng mga mag-aaral. Ang “Gallery

Walk Human Aproach” ay isang dulog sa pagtatalakay na makakatulong sa mga mag-aaral sa


pagkamit ng kooperasyon at partisipasyon. Magagamit din ito upang mapaunlad ang

metacognitibong kakayahan ng mga mag-aaral. Binubuo ito ng mga sumusunod na hakbang:

Una: Pagpili ng Teksto

Maaring guro ang pumili at maari din naming kasama ng guro ang desisyon ng mga mag-

aaral sa pagpili.

Pangalawa, Pag organisa ng teksto sa klasrum

Ang teksto ay naka-display. Maaring sadingding ng klasrum o sa mesa ng guro. Ito ay

dapat magkakalayo upang di masikip ang espasyo ng bawat pangkat na babasa sa bawat bahagi

ng teksto na nai-display na parang gallery.

Pangatlo, Bigyang instruksyon ang mga mag-aaral kung paano ang pagbasa ng

teksto sa galleriya

Ang instruksyon ay nakadepende sa kung ano ang layunin ng aralin. Kung layuning

nakuha ang impormasyon sa nabasang kwento sa gallery, ang guro ay maaaring gumawa ng

graphic organizer kung saan isusulat ng mga mag-aaral ang kailangang impormasyon habang

tahimik nilang binabasa ang hiwa hiwalay at sunod-sunod na display sa gallery ng kwento.

Pagkatapos ng recording sa graphic organizer, babalik sa pangkat ang mga mag-aaral at

gagawang kanya-kanyang pangkatang ulat sa aralin.

Kakayahan.Ito ay kung ano ang antas ng abilidad o kakayahan ng isip ng isang mag-

aaral na unawain ang kwento na binasa.


Pagpapahayag ng Hinuha

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa kasama ang pagpapalagay na:

1. Matapat na sasagutin ng mga respondent ang mga katanungan.

2. Nasusukat at napapaunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag- aaral sa kwentong

binasa.

3. Ang gagawing pagsusulit sa pag-aaral ay mabisa, balido at angkop sa kakayahan ng mga

respondent.

Mga Sapantahang Nais Mapatunayan

Upang masubok ang layuning itinakda sa pag-aaral na ito ang sapantahang ito ay nabuo:

1. Walang epekto ang “Gallery Walk Human Approach”sa pagpapaunlad ng kakayahan

sa pag- unawa ng nasa ikasampung baitang sa kwentong binasa.

2. Walang pagkakaiba ang kakayahan ng pag-unawa ng mga mag- aaral sa pagbasa

gamit ang “Gallery Walk Human Approach” at ang hindi paggamit ng “Gallery Walk

Human Approach”.
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Teoretikal na Balangkas

Sa bahaging ito ay ipinakita ang kaalaman ukol sa mga nauugnay na pagsasaliksik at mga

impormasyong maaring makatulong sa pagpatibay sa mga bagong kaalaman na natuklasan ng

mga mananaliksik. Ito ay naglalahad ng ilang mga kaalamang patungkol sa paksang tinatalakay

ng mga mananaliksik.

Ukol sa Pagbasa ng may Pag-unawa

Ang tinutukoy na mga impormasyon ay ang sumusunod na talata:

Ang pagbasa nang may pag-unawa ay susi sa malawak na daigdig na kaalaman. Ito ay

tinaguriang asignatura sa dahilang ito ang batay o saligan ng halos lahat ng karunungan.

Lubhang mahalaga ang pagbasa nang may pag-unawa sa ikauunlad ng mga kabataan lalo na sa

panahon ngayon, mabilis ang pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Higit na nauunawaan at

maigapang ng mga mag-aaral ang kanilang sarili sa kanilang kapaligiran kung marunong silang

bumasa. Ang kakayahan at kasanayang bumasa nang may pag-unawa at pagpapahalaga ang susi

sa daigdig ng kaalaman at kawilihan. Ito rin ang mabisang kasangkapan sa pag-aaral ng iba’t

ibang asignatura gaya ng Agham, Matematika, Araling Panlipunan at iba pa.

Ang paniniwalang ito ay sinundan ng kumpermasyon ni de Peralta (2005) sa kanyang

pahayag na “ang pagbasa ay mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ng isang indibidwal upang

mabuhay, kaya masasabing ang pagtuturo sa kasanayag pagbasa ay napakalaking responsibilidad

ng mga guro sa lahat ng lebel ng paaralan maging sa antas ng terserya. Tungkulin ng guro na
patnubayan ang kanyang mag-aaral sa paglinang ng kanilang mga kasanayan sa iba’t ibang

larangan upang sila’y maging mahusay na mambabasa at nang sa gayon ay makaagapay silang

mabuti na pagbabago ng panahon. Ang katotohanan ng pahayag na ito ay nakasulat sa aklat ni

David Bouchard na pinamagatang The Gift of Reading na binangit ni Lazaro (2010) sa kanyang

artikulo. Sabi “ang pagbasa ay hindi lamang para sa ilan kundi ito ay karapatan ng bawat bata.

Ang pagtuturo ng pagbasa sa bata ay hindi responsibilidad ng kung sinu-sino. Ito ay

responsibilidad ng mga guro, administrador, at mga magulang.”

Kaya ang kakayahang ito ay dapat matamo ng isang mag-aaral upang sa gayon ay

kanyang makamit ang tagumpay pero dahil sa kahirapan maraming mga mag-aaral ang hindi

marunong bumasa ng may pag-unawa sa kadahilanan na kulang sila sa wastong gabay at paraan

na makatulong sa kanila upang mas malinang ang kanilang kasanayan sa pagbasa nang may

pag-unawa.

Sa ginawang pag-aaral ni Barreras (2002) natuklasan na marami ang bumabagsak at

tumitigil sa pag-aaral dahil sa kahinaan sa pagbasa kaya napakahalaga na sukatin ang kasanayan

sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa para malaman kung paano mapaunlad o mapabuti

ito.

Debelopment ng mga kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa. Ito ang pangunahing

ninanais sa pagtuturo ng pagbasa. Pangunahin sa tunguhing ito ay ang paglinang ng mataas na

lebel ng proseso ng pag-iisip at hindi lamang iyong simpleng paggunita ng mga impormasyong

tuwirang nakalalahad sa teksto. Upang maisakatuparan ang tunguhing ito, kailangang lubos na

maunawaan ng guro ang mga tampok na katangian ng proseso ng komprehensyon ( Badayos,

1999)
Mga teorya at pananaw sa proseso ng pagbasa. Sinasabing napakahalaga para sa isang guro

ng pagbasa na magkaroon ng isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa. Ang

paniniwala o pananaw tungkol sa proseso ng pagbasa ay mapapangkat sa apat: una, teoryang

bottom-up, pangalawa, teoryang top-down, pangatlo, teoryang interaktib; at pang-apat ay

teoryang iskema. Ang una’y nananalig na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsimula sa yugto-

yugtong pagkilala ng mga titik tungo sa salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa

man ang pagpapakahulugan sa teksto. Ang ikalawa’y naniniwala na ang pag-unawa sa binasa ay

nagsimula sa isip ng tagabasa tungo sa teksto. Ang pangatlo’y naniniwala na ang teksto ay

kumakatawan sa wika at kaisipan ng may-akda at sa pag-unawa nito, gingamit ng mambabasa

ang kanyang dating kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan. At ang pang-apat ay

naniniwala na ang teksto, pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili

at ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano nila

gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman

Naniniwala ang mga mananaliksik sa pag-aaral ni Barreras dahil napatunayan niya na ang

gulang ay may kaugnayan sa pag-unawa. Higit na mahusay ang pag-unawa ng matatanda na

mag-aaral kaysa sa mga nakakabata dahil sa kanyang karanasan at malawak na pananaw sa

buhay, na higit na mahusay ang pag-unawa kaysa mga anak mahirap at ang kawalan ng angkop

na babasahin ay isa ring dahilan na mahina ang komprehensyon ng mga bata.

Sa panahon natin ngayon ay marami ng babasahin ang nagsilabasan. Bumabasa tayo ng

pahayagan, manga, patalastas, ebooks, web novel at iba pang nakalimbag at awtentikong mga

babasahin. Ang malinaw na pagkuha ng impormasyon ay isang bagay na nakukuha dahil hindi

lubos ang pagka-unawa sa mga nakasaad sa artikulo at seleksyon. Kung nauunawaan natin ang
isang bagay na ating binabasa ay inaasahang ating sasagutin ang mga katanungang inilahad o

kaya naman ay nakapagbabahagi tayo ng mga bagay na ating nagustuhan at handa tayong

magbigay ng puna o di kaya naman ay kumento na patungkol sa ating naintindihan sa akda o

teksto na ating binasa.

Sinabi sa pag-aaral ni Dao-yan (2005) na: “ang kakayahang komprehensyon ng mga

mag-aaral ay nakasalalay sa kakayahan ng mga guro sa paghahanda ng mga aktibidad sa loob ng

paaralan. Kailangan din ng guro na dumalo sa seminar at mga pagsasanay para sa karagdagan

pang kaalaman”.

Kung kayat nararapat lamang na magdiskubre ang mga guro ng iba pang paraan o

istratehiya kung papaano mapapaunlad ang antas ng pagkakaintindi o pag-unawa ng mga mag-

aral sa mga lahad na kanilang binabasa.

UKOL SA “GALLERY WALK HUMAN APPROACH”

Ang “Gallery Walk Human Approach” ay isang estratehiya sa pagtatalakay na

makakatulong sa mga mag-aaral bilang aktibong grupo, makapagbabahagi ng kanilang ideya at

nakasasagot ng mga katanungan. Epektibo din ito sa pagkamit ng kooperasyon at partisipasyon

ng mga mag-aaral sa talakayan. Magagamit din ito upang mapaunlad ang metacognitibong

kakayanan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Taylor, P.(2001) ang “Gallery Walk Human Approach” ay magkakaoon ng

kolaborasyon nang sa ganoon ay magtatrabaho ang mga mag-aaral bilang isang grupo at

magkakaroon ng kanya-kanyang task. Binibigyang halaga ang ideya at sariling karanasan nga

mga mag-aaral.
Mula sa orihinal na teksto sa Ingles, ag impormsyong nababasasa paksang “Gallery Walk

Human Approach”.

Step one: Select texts


Select the text you will be using for the gallery walk human approach.You could also
have students, individually or in small groups, select the text for the gallery walk human
approach.
Step two. Organize texts around the classroom
Text should be displayed “gallery- style” in a way that allows students to disperse
themselves around the room, with several students clustering around a particular text. Texts can
be hung on wall or placed on tables. The most important factor is that the texts are spread far
enough apart to reduce significant crowding.
Step Three: Instruct students on how to walk through the gallery
Viewing instruction will depend on your goal for the activity. If the purpose of the gallery
walk is to introduce students to new material, you might want them to take informalnotes as they
walk around the room. If the purpose of the gallery walk is for the students to take away
particular informtion, you can create a graphic organize for students to complete as they view
the “ exhibit”, or compile a list of questions for them to answer based on the texts on display.
Sometimes teachers ask students to identify similarities and differences among a collection of
texts. Or, teachers give students a few minutes to tour the room and then, once seated, ask them
to record impressions about what they saw. Students can take a gallery walk on their own or
with a partner. You can also have them to travel in small groups, announcing when groups
should move to the next piece in the exhibit. One direction that should be emphasized is that
students supposed to disperse themselves around the room. When too many students cluster
around one next, it not only makes it difficult for students to view the text, but it also inceases the
likelihood of off-task behavior.
“During a Gallery Walk, students explore multiple texts or images that are placed
around the room.  Teachers often use this strategy as a way to have students share their work
with peers, examine multiple historical documents, or respond to a collection of quotations. 
Because this strategy requires students to physically move around the room, it can be especially
engaging to kinesthetic learners.
Ang ginawang pag-aaral na ito ay ay may pagkakahalintulad sa pag-aaral ni Pimienta,

et.al ( 2014 )Sa resulta ng kanyang pag-aral ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pretest

ay “mahina” samantalang “ mahusay” naman sa post test. Ang resulta ng pretest at post test ay

nagkaroon ng pag-unlad sa kakayahan ng pag- unawa ng mga mag-aaral sa mga makasaysayang

pangyayari pagkatapos gamitin ang “Gallery Walk Human Approach”.


Ang mga nabangit na pag-aaral ay kahawig ng ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik

gamit ang “Gallery Walk Human Approach” kung saan napaunlad din ang pag-unawa ng mga

mag-aaral. sa resulta ng pag-aaral ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa post test. Ang

pagkakaiba lang nito’y ang pananaliksik na isinagawa ni Pimienta ay nagkaroon ng pag-unlad

ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa makasaysayang pangyayari samantalang ang

pananaliksik na ito ay napa-unlad ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa ng

kwento.

Mga Dulog sa Paglinang ng Komprehensyon. May anim na mga dulog ang paglinang

ng komprehensyon. Ang mga ito ay: Ugnayang Tanong Sagot (UTS), Directed Reading-

Thinking Activity (DR-TA), Directed Reading Activity (DRA), Reciprocal Questioning

(ReQuest), Story Grammar, Group Mapping Activity (GMA), at What I Know, What I want to

Learn, Where Can I Learn This, What I Learned (KWWL).

Ang dulog UTS ay binuo upang mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagsagot ng mga tanong. Ito’y nabuo dahil sa obserbasyon na palaging may pinasasagutang

tanong ang mga guro pagkatapos bumasa subalit hindi man lamang nabibigyan ng kaunting

patnubay ang mga mag-aaral kung paano sasagutin ang mga tanong.

Ang dulog DR-TA ay para sa paglinang ng komprehensyon ng buong klase. Sa dulog na

ito, ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasaa

mataas na lebel ng pag-iisip. Layunin nito na matutulungan ang mga mag-aaral sa pagtakda ng

sariling layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating

kaalaman at kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis ng mga impormasyon,

pagpapatunay at pagbuo ng mga prediksyon at pagbuo ng isang konklusyon.


Ang dulog DRA ay naglalayong maihanda nang husto ang mga mag-aaral sa pagbasa ,

mabigyang-diin ang pagkilala sa salita at paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at

mapatnubayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento.

Ang dulog ReQuest ay naglalayong linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng mga layunin sa pagbasa, at

pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaaalang-alang din sa estratehiyang ito ang

pagmomonitor sa sarili hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa ng isang teksto. Ang

estratehiyang ito ay gumagamit ng tugunang pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang guro at

mga mag-aaral sa pagganap ng tungkuling tagapagtanong.

Ang dulog Story Grammar ay mahalaga para sa pag-unawa sa pagkakaroon ng kaalaman

sa kayarian ng kuwento o story sense. Ito’y makatutulong upang mahaka ng bumabasa ang

proseso kung paano inilahad ng may-akda ang isang kuwento. Ang kaalamang ito ang higit na

nakapagpapaliwanag na ang kwento ay binubuo ng sunod-sunod at magkakaugnay na

pangyayari. Sa maingat na pamatnubay ng guro, magagamit ang kaalaman sa kayarian ng

kuwento sa pagsusuri nito: gaya ng ginagawa natin sa pagsusuri sa bahagi ng isang pangungusap.

Ang dulog GMA ay isang estratehiya sa pagtuturo na mabisa sa paglinang ng pag-unawa

sa pamamagitan ng interaksyon at sintesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kuwento.

Ang dulog KWWL ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang dating

nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong ekspositori. Tinutulungan nito na magamit ng mga

mag-aaral ang dating kaalaman sa pagbasa ng mga bagong paksa at matulungan ang mga mag-

aaral na suriin at saliksikin ang mga impormasyong nasa loob at labas ng teksto
Balangkas na Konseptwal

Isang balangkas ang nabuo ng mananaliksik na nagsilbing batayan sa isinagawang pag-

aaral

Gallery Pag-unlad sa pag-unawa


gamit ang kasanayan sa
pagbasa na:
Walk a. Pagtukoy sa Detalye
b. Paghula
Human c. Sanhi at Bunga
d. Paglutas sa Sulranin
Approach e.
f.
Pagbigay ng Opinyon
Paggawa ng Kongklusyon
g. Pagtukoy sa Pangunahing
Ideya
h. Sikwensyal
i. Paggawa ng Konklusyon

Ilustrasyon

Sa balangkas na ito ay nailarawan ang relasyon ng “Gallery Walk HumanApproach”sa

Paglinang ng Kakayahan sa pag-unawa ng Grade 10 sa kwentong binasa. Pagkatapos gamitin

ang “Gallery Human Walk Approach” ay nalaman ng mga mananaliksik ang lebel ng kakayahan

ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa kwentong binasa batay sa mga sumusunod na

“Competencies” pagtukoy sa detalye, pagtukoy sa pangunahing ideya, sekwensyal, sanhi at

bunga, paghula, pagbibigay ng opinyon, paglutas sa suliranin at paggawa ng kongklusyon.


Kabanata III

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang panaliksik na ito ay ginamitan ng pretest at post test para malaman ang epekto ng

“Gallery Walk human Approach”sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pag- unawa ng Ika sampung

baitang ng Northeastern College, Taong Panunuruang 2021-2022 sa kwentong binasa.

GALLERY
WALK HUMAN
PRETEST POSTTEST
APPROACH

Figure 2. Disenyo ng Pananaliksik

Sa paglalarawan na ito ay nailarawan na nagbigay muna ng pretest ang mga mananaliksik

sa mga mag- aaral, ang kanilang kasagutan ay linikom at iwinasto para malaman ang kakayahan

ng mga mag- aaral sa pag-unawa sa pagbasa ng kwento. Bago sila nagbigay ng post test ay

isinagawa muna nila “Gallery Walk Human Approach” para malaman kung mapapaunlad ang

kanilang kakayahan sa pag-unawa sa pagbabasa.


Sabjek ng pag-aaral

Ang naging paksa sa pag- aaral na ito ay ang mga estudyante na nasa ikasampung baitang

ng Northeastern College, high school department, Taong Panunuruang 2021-2022.

Kagamitan sa Pananaliksik

Upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral nang may pag-unawa ang mga

mananaliksik ay naghanda ng pagsusulit at ito ay sinagot ng mga mag-aaral at nagbigay sila ng

puntos batay sa ibinigay na pamantayan. Ito ay binuo ng tatlumpung aytem.

Ang ginawang pagsusulit ay dumaan sa maraming proseso. Una ipinabalideyt ng mga

mananaliksik sa kanilang tagapayo nang sa gayon ay maituwid ang kamalian. Pangalawa,

pinabalideyt sa 3 guro sa ika sampung baitang at muling ipinakita sa iba pang guro upang

matiyak ang kaangkupan nito sa lebel ng Grade 10.

Ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral ay ibinatay sa sumusunod na interpretasyon:

Iskor Palarawang Marka

24.2-30 ……………………………………………….. Pinakamahusay (P)

18.4-24.19 …………………………………………. Mahusay (M)

12.6-18.39 ……………………………………… Katamtaman ang Husay (KH)

6.8-12.59…………………………………………... Di Gaanong Mahusay (DM)

1-6.79 ……………………………………………… Mahina (MH)


Paraan ng Pagtitipon ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nakipag-ugnayan sa Punong-Guro ng Northeastern College

High School Department, Taong Panunuruang 2021-2022 at sa mga gurong patnubay upang

maisagawa ang pananaliksik.

Sa unang araw ng pananaliksik ay isinagawa ang pretest sa mga mag-aaral. Binigyan

nila ang mga ito ng sapat na oras para sagutin ang mga katanungan. Ang kanilang mga kasagutan

ay linikom at iwinasto ng mga mananaliksik upang malaman ang lebel ng kakayahan nila sa pag-

unawa sa kwentong binasa. Pagkatapos sagutin ng mga mag-aaral ay isinagawa na kaagad ang

pagtuturo gamit ang “Gallery Walk Human Approach”. Hinati ng mga mananaliksik ang klase

sa limang grupo, pagkatapos ay nagpabasa sila ng kwento sa pamamagitan ng dugtungang

pagbasa. Sa pagtalakay ng aralin, ginamit ng mga mananaliksik ang “Gallery Walk Human

Approach”.Ang mga mananaliksik ay naglagay ng walong istasyon sa loob ng klasrum bawat

istasyon ay may nakalagay na katanungan o “task” na kailangang gawin ng mga mag-aaral.

Bawat grupo ay binigyan nila ng limang minuto para malibot at masagot lahat ang mga

katanungan sa bawat istasyon.

Upang malaman kung mayroon bang pagbabago sa kakayahan ng mag-aaral sa pag-

unawa sa kwentong binasa, sa ikalawang araw ay nagbigay ng postest ang mga mananaliksik.

Nagpagawa ng pagtali ang mga mananaliksik sa post test at pretest at binigyan ng

kahulugan ang resulta nito.


Pagsusuring Istatistikal

Para masukat at masuri ang kakayahanng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa ang

mga sumusunod ang ginamit sa pagsuri sa mga datos na linikom.

Mean. Ito ay ginamitsa pagtukoy sa pagkakaiba sa kakayahan ng mga mag-aaral na pag-

unawa sa binasa.

Standard deviation. Ito ay ginamitsa pagtukoy kung gaano makalapit o magkalayo ang

iskor ng mga mag-aaral sa pre-test o posttest.

Bahagdan. Ito ay ginamit sa pagtukoy sa lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagbasa nang may pag-unawa sa tekstong binasa gamit ang “Gallery Walk Human Approach.”

Gain Ratio. Ang ginamit upang matukoy ang pagtaas ng marka ng mga mag-aaral mula

pre-test hanggang post test. .

T- Test. Ito ay ginamit sa patnubay kung epektibo ang “Gallery Walk Human

Approach”sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pag-unawa sa kwentong binasa

You might also like