Professional Documents
Culture Documents
Pagpag CH.3
Pagpag CH.3
Para Kay:
Sir Alvin Alejo
Ikalawang Semestre
2022-2023
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL
Metodolohiya:
Sa bahaging ito ay inilalahad ang pamamaraang ginamit
sa pag aaral ng mananaliksik. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa Positibong Epekto kapag maganda ang
abilidad magbasa ng isang mag-aaral at Negatibong
epekto kapag mahina ang abilidad ng isang mag-aaral
magbasa malalaman natin ang magiging epekto ng
kakayahan na makapag basa ng mga mag aaral sa San Jose
City National Highschool Senior Highschool. Malalaman
natin kung ano ang maaaring maging epekto nito sa mga
mag-aaral ng San Jose City National High School -
Senior High School.
Higit na mauunawaan ang mga epekto ng kakayahan na
makapag basa ng mga mag aaral sa San Jose City National
Highschool Senior Highschool.
Konseptwal na balangkas:
Ang pananaliksik na ito na may paksang "Pagsuri ng
kakayahan na makapag basa ng mga mag aaral sa San Jose
City National Highschool Senior Highschool" ay
ginamitan ng input-process-output model. Inilalalahad
ng input frame ang profile ng tagatugon tulad na lamang
ng kanilang edad, kasarian at sa paglinang ng pagbabasa
sa ilang linggo at bilang ng oras na ginugol sa pagsuri
sa pag basa. Ang Process frame ay tumutukoy sa mga
hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha
ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng isang sarbey o
pag iinterbyu, pagbasa ng mga kaugnay na literatura,
paggawa ng listahan ng mga katanungan o kwestyuneyr,
dokumentasyon ng mga nakalap na datos at pagsusuri
habang ang output frame naman ay sumasaklaw sa
implekasyon ng mga nakalap na datos at ang epekto o
resulta ng pag aaral alin sunod sa paksa na "Pagsuri ng
kakayahan na makapag basa ng mga mag aaral sa San Jose
City National Highschool Senior Highschool". Binibigyan
ng balangkas konseptwal ang pananaliksikna ito upang
higiy na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag
aaral na ito.
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL
Paradaym:
Di-Malayang
Malayang Baryabol Baryabol
Lugar ng pag-aaral:
Ang Lungsod ng San Jose City, Nueva Ecija ang
nagsilbing hanguan ng mga nagsilbing respondente upang
matugunan ang mga kahingian ng pananaliksik na ito.
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL
Ang paaralang pinili ng mananaliksik ay ang San Jose
City National High School at ang mga respondente ay
ang mga Grade 11. San Jose City National High School ay
isang pampublikong institusyong matatagpuan sa Cadhit
Street, Barangay Calaocan, San Jose City Nueva Ecija.
At kasalukuyang pinamamahalaan ng punong Guro na si G.
Loreto S. Alfonso.
Ang mga Respondente:
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay
nagmula sa paaralan ng San Jose City National High
School – Senior High School. Ang mga mag – aaral ay
mula sa iba’t ibang strand ng Grade 11, mula GRADE 11 -
ABM, GRADE 11 – GAS, GRADE 11 – HUMSS, GRADE 11 – STEM,
GRADE 11- TVL, na may (n=10) bawat strand.