You are on page 1of 3

RHOXINE F.

UMAYAM ABM-B2

Bilang 1: AKADEMIKONG SULATIN 11/14/19

Pangalan ng Mananaliksik: Dizon, atbp.

Pamagat ng Pananaliksik: "Epekto ng Pagiging Working student sa Senior High School na mag-aaral ng
Mataas na Paaralan ng Rosales."

Paaralan: Rosales National High School

Address: Rosales, Pangasinan

Taon: 2018-2019

__________________________________________________________________________________________

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Epekto ng Pagiging Working student sa Senior High School na mag-
aaral ng Mataas na Paaralan ng Rosales."Ito ay isinagawa upang malaman at makapag-bigay ng impormasyon sa
mga tao lalo na sa mga estudyante tungkol sa maaaring epekto ng pagtratrabaho habang nag-aaral.

Qualitative na pananaliksik ang ginamit ng mga mananaliksik dahil ito sa naglalaman ng mas maraming salita
kaysa mga numero. Ang pananaliksik na ito ay mayroong 10 estudyante na may 7 babae at 3 lalaki lamang na
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Rosales. Ang mga mananliksik ay gumamit ng purposive/judgmental
sampling na nakapaloob sa non-probablity sampling sa pagkalap ng impormasyon.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng palatanungan para sa kanilang mga katugon bilang kanilang instrumento.
Ito ay kanilang ibinigay para sagutan ng kanilang mga katugon ang ilang mga katanungan upang malaman ang
mga posibleng epekto ng pagiging isang mag-aaral habang nagtratrabaho.

Nang matapos makalap ang mga impormasyong kinakailangan, ang mga mananaliksik ay mabuting sinuri at
ipinaliwanag ng maayos ang mga sagot ng bawat katugon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talahanayan na
naglalaman ng mga naging sagot ng mga katugon sa lahat ng katanungan. Ito ay nagpapatunay na sila ay may
kanya-kanyang pagpapahalaga, layunin, at saloobin sa paksang ito na nagpapaliwanag ng mga kasagutan ng mas
malinaw patungkol sa kaso ng mga katugon.

Base sa naging resulta ng pananaliksik na ito ang mga katugon ay napag-alaman ng mga mananaliksik na may
kanya-kanyang stratehiya kung papaaano nila pinamamahalan ang kanilang oras. Ang mga estudyanteng ito ay
may kaalaman kung paano nila malalagpasan ang mga epekto ng pagtratrabaho habang sila ay nag-aaral. Ito ay
nakakatulong upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Sa pagtatapos, ang naging kongklusyon sa mga working students ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa
mga posibleng problema na maaari nilang makaharap. Kinakailangan rin na mahusay nilang mapamahalaan ang
kanilang oras at sundin ng tama ang kanilang iskedyul. Ito sa makakatulong upang maiwasan ang pagkapagod,
dapat alam nila ang maayos na pamamahala ng kanilang oras sa pagitan ng kanilang pagtratrabaho at pag-aaral.
Nararapat na mas pagtuunan ng pansin ang pag-aaral upang maiwasan ang pagkakaroon ng mababang grado sa
paaralan dahilan ng pagiging isang working student.
Claire Alyssa M. Gido ABM-B2

Akademikong sulatin: Abstrak Nobyembre 14,2019

Pangalan ng Mananaliksik: Dizon, atbp.

Pamagat ng Pananaliksik: "Epekto ng Pagiging Working student sa Senior High School na mag-aaral ng
Mataas na Paaralan ng Rosales."

Paaralan: Rosales National High School

Address: Rosales, Pangasinan

Taon: 2018-2019

__________________________________________________________________________________________

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Epekto ng Pagiging Working student sa Senior High School na
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Rosales."Ito ay isinagawa upang malaman at makapag-bigay ng
impormasyon sa mga tao lalo na sa mga estudyante tungkol sa maaaring epekto ng pagtratrabaho habang nag-
aaral.

Ang uri ng datos na ginamit ng mga mananaliksik ay kwalitatib na pananaliksik dahil ito ay maraming
salitang kaysa sa numero. Ang pag-aaral ay isinagawa sa sampung mag-aaral na working student , siyam na
babae at tatlong lalaki ng paaralan ng Rosales National Highschool sa Rosales, Pangasinan. Ang mga mananaliksik
ay gumamit ng makusa sampling sa non-probability sampling para sa pagtitipon ng mga datos.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng listahan ng tanong bilang instrumento sa pagtitipon ng mga datos
sa kanilang mga tagatugon. Sila ay nagbigay ng mga listahan ng tanong sa kanilang mga tagatugon upang kanila
itong sagotan patungkol sa mga epekto.

Pagkatapos ng pagkolekta ng mga datos, ang mga mananaliksik ay kanila itong sinuri at binigyang
kahulugan ang mga sagot. Sila ay gumawa ng ng talahayan na naglalaman ng sagot ng mga tagatugon sa mga
katanungan at gumawa ng pagtatalakay sa bawat talahanayan na nagpapakita ng mga kaisipan, damdamin,
saloobin, o kaya tungkol sa paksa upang ipaliwanag ng mabuti ang kalagayan ng mga tagatugon.

Ang layunin ng paggawa ng pananaliksik na ito ay para malaman at ipagbigay-alam ang mga epekto sa
akademikong pagganap ng isang working student at para malaman ng mga tao ang tungkol sa paksa.

Batay sa resulta ng pag-aaral , ang mga mananaliksik ay isinali ang mga stratehiya ng mga tagatugon kung
paano nila pamahalaan ang kanilang oras. Ang mga tagatugon ay meron din kung paano nila na lalagpasan ang
mga problema nilang kinakaharap at tinutulongan sila para makaipon ng pera para masustentohan ang kanilang
pangangailangan.

Sa kongklusyon, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay sa pamamagitan ng pagsulong. Ang working


student ay dapat na alam ang mga posibilidad na problema na kanilang kakaharapin. Kailangan din nilang
balansehin ang kanilang oras at sundin ang mga iskedyul at wag maging tamad. Para maiwasan ang laging pagod,
kailangang nilang balansehin ang kanilang oras sa pagtratrabaho at pag-aaral. Ang pangunahing pagtuonan ng
pansin ang kanilang pag-aaral para maiwasan ang pagbaba ng kanilang grado. Ang working student ay dapat
handa sa mga posibleng epekto ng akademikong pagganap dahil sa pagtratrabaho nila.

You might also like