You are on page 1of 17

Estado ng Pag-aaral ng mga Working at Non-Working Student ng

Eastern Samar State University

Sa bahagyang katuparan ng mga kinakailangan sa asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri tungo sa Pnanaliksik

Ipinasa nina;

DELMONTE, JHON CARLO C.

GURA, JESSA MAE

CARVAJAL, MIZZIE

PARA, LEA A.

LUTERIA, ELEAZAR
MAY 2020
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang bilang ng mga estudyanteng dropout sa buong Pilipinas ay tinatayang

tumataas, nagpapahiwatig lamang ito ng hindi magandang pangitain para sa bansang

patuloy na nagpapalaganap sa antas ng ekonomiya at estado ng pag-aaral ng kabataan.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA) ni Cervantes, F. (2018), sa survey ng

Philippine Statistics Authority (PSA) tinatayang 3.8 milyon o isa sa sampung mga

estudyate edad anim hanggang dalawamputapat ay mga out of school o hindi na

nag-aaral. Napakaraming mga rason ang mahihinuha kung bakit karamihan sa mga

bata sa ngayon ay hindi na makapag-aral, maaring ito ay dahil sa kakulangan ng

interes pumasok sa eskwela, kawalang karampatang pasilidad at kagamitan sa mga

paaralan, peer pressure, at higit sa lahat ay ang kakulangan sa pinansyal na

kakayahan upang matustusan ang akademikong pangangailangan, nang sa gayon ay

sila ay nauudyok sa pagtigil ng pag-aaral o di kaya naman ay mag trabaho habang

nag-aaral (working student).

Sa buong Pilipinas ay may tinatayang 81% ang mga undergraduate na

nagtratrabaho sa kadahilanang kulang ang isang mag-aaral sa pinansiyal na kakayahan

nang matustusan ang pag-aaral, upang makatulong sa gastusin ng pamilya at upang

mapalaganap ang kakayahang pansarili. Base naman sa pag-aaral ni Darolia (2013)

dahil sa pagtratrabaho ng mag-aaral ay naapektuhan nito ang estado ng kanyang

pag-aaral. Ang natuklasan mula sa pag-aaral na ito ay nagpapahiwatig na mayroong

kaunting epekto ang ginagawang pagtratrabaho ng mga estudyante sa estado ng


kanilang pag-aaral dahil sa nahahati ang kanilang oras sa pag-aaral at trabaho sa

gayon ay nagkakaroon ng kakulangan pagpopokus sa pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang estado ng pag-aaral ng mga

working at non-working students ng Eastern Samar State University. Layunin rin ng

mga mananaliksik na ipakita kung sino ang may mas magandang estado ng pag-aaral:

working o non-working students.

Isasagawa ang pag-aaral na ito upang matuklasan ang mga sumusunod:

1. Ang estado ng pag-aaral ng mga working students ng Eastern Samar

State University sa larangan ng:

1.1 Akademikong pagganap

1.2 Attendance

1.3 Time Management

1.4 Pagtuon sa gastusin sa paaralan

2. Kung sino ang mas nakakapagbigay ng pokus sa kanilang pag-aaral, at

3. Ang kaibahan sa pagitan ng estado ng pag-aaral ng mga working at

non-working students ng Eastern Samar State University.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isasagawa ng mananaliksik ay naglalayong matuklasan at

paghambingin ang estado ng pag-aaral ng mga working at non-working students ng


Eastern Samar State University (ESSU) Main Campus. Anuman ang matuklasan sa

gagawing pag-aaral ay magsisilbing patnubay at maktutulong sa mga sumusunod :

Mga Tagapamahala, ​inaasahan na ang pag-aaral na ito ay higit na makatutulong

sa tagapamahala ng paaralan upang mas mapaigting ang suporta na maaring maibigay

sa mga estudyante katulad ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng iskolarship.

Mga Guro, ​mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat maktutulong ito sa pagpili ng

akmang estratehiya na magagamit sa pagtuturo upang magabayan ng tama ang

parehong working at non-working students.

Mga Magulang, ​ito ay magsisilbing gabay sa pagbibigay ng panahon at atensyon

sa mga anak upang madagdagan ang kanilang kaalaman hindi lamang sa kalagayan sa

loob ng bahay kundi pati narin ang estado ng pag-aaral ng mga anak.

Mga Mananaliksik, ​mabibigyang kalutasan ang kuryusiti ng mananaliksik ukol

sa kaibahan ng estado ng pag-aaral ng mga working at non-working students.

Mga susunod pa na Mananaliksik, ​ito ay makatutulong sa kanila upang

magsilbing gabay na pag-aaral kung sila ay gagawa ng pag-aaral na may kauganyan

sa gagawing pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay naka pokus sa pagpapaliwanag sa mga

impormasyon na iaanalisa. Ito ay limitado lamang sa mga working at non-working na

mga estudyante na nag aaral sa Eastern Samar State University kung saan

kinabibilangan ng iba’t ibang mga departamento. College of Business Management

and Accountancy (CBMA), College of Criminal Justice Education (CCJE), College of


Agriculture and Natural Sciences (CANS), College of Art and Sciences (CAS),

College of Education (COEd), College of Engineering (COE), College of Nursing and

Allied Sciences (CONAS), College of Technology (COT) at College of Computer

Studies (CCS). Ang pag-aaral ay isasagawa sa pagitan ng buwan ng Abril hanggang

Mayo ng taon 2020.

Katuturan ng mga Salita

Upang mas maging madali at ganap ang pagkaka intindi ng mga mambabasa,

minamarapat ng mga mananaliksik na bigyang depinasyon ang mga sumusunod na

terminolohiya:

Estado ng Pag-aaral - ​ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang mag-aaral sa loob

ng isang klase. Kadalasang sinusukat sa pamamagitan

ng mga gawaing ibinibigay ng guro tulad ng

group activities at proyekto.

- ito ang kalagayan o kondisyon ng pag-aaral ng mga

respondenteng mag-aaral ng Eastern Samar State University.

sangkot sa pag-aaral na ito.

Working Students - ​mga mag-aaral na pinagsasabay ang pag-aaral at

pagtrartabaho. Kadalasan nila itong

ginagawa upang matustusan

ang kanilang pag-aaral.

- isa sa mga respondente ng pag-aaral na pagkukunan ng

mga datos at detalyepara sa mananaliksik. Sila ang mga


mag-aaral ng Eastern Samar State University na pinagsasabay

ang trabaho at pag-aaral.

Non-Working Students - ​mga mag-aaral na di nagtratrabaho upang matustusan

ang pag-aaral. Regyular o Karaniwang uri ng mga

estudyante.

- isa sa mga respondente ng pag-aaral na siyang

pagkukunan ng impormasyon para sa pananaliksik.


KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA\

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa

loob at labas ng localidad na magpapatibay at magpapatunay sa ginagawang

pag-aaral.

Kaugnay na literatura at pag-aaral

Mapaworking student man o hindi binibigyang halaga nila ang akademikong

pag-aaral. Lahat ng mag-aaral ay may kakahayang makakamit ng mataas na marka

ngunit sa kabila nito hindi maiiwasan na maapektuhan ang akademikong pag-aaral ng

isang working student pag ito'y napabayaan.

Sa mga mag-aaral na nagtatrabaho, mayroon silang mas mataas na workload sa

trabaho habang mas mababa ang pagganap ng akademiko kumpara sa mga mag-aaral

na hindi nagtatrabaho(Kurataa, Banob at Matiasa, 2015). Sinasabi na mas mataas ang

akademikong pagganap ng mga mag-aaral na walang part-time job kumpara sa mag

aaral na nagpapart time job. Ngunit ayon naman kay Augsburger (1974) na tila

walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga mag-aaral na hindi nagtatrabaho

at mga mag-aaral nagtatrabaho sa-campus;at mga mag-aaral nagtatrabaho sa

labas-campus na ang batayan ng kanilang pinagsama-samang marka ng mga average

na puntos bago ang semestre, ang kanilang pag-aaral semester grade point average, at

ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Sinasabi na walang pagkakaiba ang kanilang


mga marka at masasabi na hindi nakakaapekto ang pagtatrabaho sa kanilang pag-aaral

at nakadepende lamang ito sa mag-aaral.

Hindi rin nakabase sa status ng mag-aaral kung ano man ang makukuhang marka ng

mag-aaral kundi ito ay nakabase sa pagiging kompotent ng isang mag-aaral lamang.

Ayon kay Katsikas at Panagiotidis (2011) ang mga resulta ay nagmumungkahi na ang

katayuan ng mag-aaral ay hindi nakakaapekto sa mga marka sa anumang punto ng

empirical pamamahagi ng nakasalalay na variable; ang mga nagtatrabaho na

mag-aaral ay maaaring makamit ang mataas o mababang marka na katulad sa paraan

tulad ng maaaring gawin ng mga mag-aaral na hindi nagtatrabaho(p.159). At ang

mga natuklasang empirikal ay nagmumungkahi na wala sa mga ito ang mga variable

ay nagtatangi o nadidiscriminate laban sa isa o sa iba pang pangkat ng mga mag-aaral;

ang mga degree-grades ay hindi nagpapakita ng pagkakaiba sa pagitan ng

nagtatrabaho at hindi nagtatrabaho na mga mag-aaral o sa pagitan ng mga mag-aaral

ng magkakaibang background na pang-edukasyon o sa pagitan ng mga mag-aaral na

ipinataw ng hindi pantay na gastos ng mga pag-aaral (p.160).

Hindi man ganon kadale ang pagkakaroon nga trabaho habang nag-aaral, mayroon

mang part-time job o wala ang isang mag-aaral sa kanila lamang mababase kung

hahayaan nilang maapektuhan ang kanilang pag-aaral o hindi.

Kaugnay na literatura at pag aaral sa labas ng bansa sa working student

Sa rami ng mga tinatayang working student dito sa Pilipinas ang pagtatrabaho o

part-time job ay isa sa maituturing nilang solusyon pangkolehiyo o pinansyal sa

pag-aaral. Hindi rin maiiwasan na makaapekto ang pagtatrabaho sa kanilang pag-aaral


pero ito ay nakabase kung ito'y nalilimitahan. Ang nagtatrabaho ng limitado o

maraming oras ay hindi lilitaw na saktan ang GPA o hindi maaapektuhan ang GPA

nito habang nagtatrabaho ng 10-19 oras bawat linggo ay nauugnay sa isang benepisyo

(Marx, 2006,p.112).

Kaugnay sa kanilang marka, ang kawalan ng kakayahan ng mga mag-aaral na

nagtatrabaho sa part-time na dumalo sa mga lektura at klase ay hindi binabawasan ang

kanilang posibilidad na makumpleto ang mga pag-aaral sa inaasahang haba ng degree

at makamit din ang mga mapagkmapagkumpitensyang (Katsikas at Panagiotidis,

2010). Sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho o part-time job ay nagiging

kompetitive ang isang mag-aaral dahil sa mga karanasan na nakukuha nito. Ang mga

mag-aaral na may pinakamataas na GPA ay mas angkop na magkaroon ng mga

trabaho na may kaugnayan sa kanilang mga plano sa post-graduate, kanilang

pag-aaral sa kolehiyo,at upang magamit sa layunin ng pagkakaroon ng karanasan sa

trabaho(Marx, 2006,p.112).

Mayroon mang part time job o wala ang isang mag-aaral, sa kanila lamang mababase

kung hahayaan nilang maapektuhan ang pag-aaral nila o hindi.

KONSEPTUWAL NA FRAMEWORK
Figure 1: Ang paghahambing sa estado ng pag-aaral ng mga working student at

non-working student ng Eastern Samar State University.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito napakaloob ang disenyo ng pananaliksik, pook at panahon ng

pag-aaral, kalahok ng pag-aaral, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan sa

pagligom ng mga datos, panukat ng baryabol at ang pagsusuring istatistikal na

gagamitin upang makuha ang resulta na hinahanap sa pananaliksik.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang kuwalitatibong uri ng pananaliksik. Ito ay

naglalayong matuklasan ang pagkakaiba sa estado ng pag-aaral ng mga working at

non-working students, kung sagayon ay gagamit ng komparatibong aprots ng

pananaliksik nang sa gayon ay mapaghambing ang dalawang dependent na barayabol

working students at kanilang estado ng pag-aaral at non-working students at kanilang

estado ng pag-aaral. Ang komparatibong pag-aaral ay isang uri ng non-experimental

na metodo ng pananaliksik, kung saan ang mananaliksik ay paghahambingin ang

dalawang barayabol at uunawain ang mga ito.

Pook at Panahon ng Pag-aaral


Ang pangangalap ng datos sa pag-aaral na ito ay gagawin sa loob ng dalawang

buwan, sa Abril hanggang Mayo 2020. Ang lugar na pagkukunan ng mga datos na

kinakailangan ay ang main campus ng Eastern Samar State University (ESSU) na

naka destino sa Barangay Maypangdan, Borongan City, Eastern Samar.

Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga rehistradong estudyante ng

Eastern Samar State University Main Campus, taong pag-aaral 2019-2020. Sila ay

mga working o non-working student at maaring kahit saan na departamento nang

unibersidad nag-aaral. Ang respondenteng ito ay kukunin sa pamamagitan ng random

na purposib sampling, upang matiyak na ang kalahok ay makapagbibigay ng sapat at

tamang datos para sa pananaliksik.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang instrumento na gagamitin sa pag-aaral na ito ay isang survey questionnaire,

kung saan nakapaloob dito ang mga katanungan upang makuha ang profile ng

respondente, tulad ng antas o average grade ng kalahok at close ended questions para

masukat ang pagkakaiba ng estado ng pag-aaral ng mga working at non-working

student. Ito ay gagamitin upang makakuha ng detalyeng kinakailangan sa mga

kalahok ng pag-aaral at ito ang magsisilbing instrumento tungo sa pagtuklas sa resulta

ng ginagawang pag-aaral.
Pamamaraan sa Paglikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay hihingi muna ng permiso sa mga guro ng mga

estudyanteng magiging respondente sa pananaliksik na ito bago isagawa ang

pagpasagot sa mga questionnaire. Habang bakanteng oras lamang ng mga respondente

gagawin ang nasabing aktibidad. Survey questionnaire ang gagamitin bilang

instrumento ng paglikom ng mga datos upang maibigay ito sa mga respondente at

pagkatapos itong sagutan ay lilikumin ng mga mananaliksik.


Panukat ng Baryabol at Pagsusuring Istatistikal

Sa paglikom ng datos upang mapadali ang pagtatala ito ay isasaayos ng may

pagsususri at gagamit ito ng istatistik sa pagkuha ng porsyento para masukat ang

resulta ng pag-aaral.

Porsyento - isang uri ng isatatistikal na panukat na gagamitin upang malaman

ang proporsyon sa mga kasagutan ng respondente.

Kung saan;

% - porsyento

F - dalas (frequency)

N- Kabuuang bilang ng respondente

100 - konstant na balyu

Ito ay napili ng mga mananaliksik sapagkat ito ay makapagbibigay ng sapat at

mataas na porsyentong tama ang magiging resulta ng pananaliksik. At sa pagbuo ng

interpretasyon at resulta nang naturang pag-aaral magagamit ang porsyento o

bahagdan sa bawat sagot ng respondente at gagawa ng grapph, tsart o talahanayan

upang mas mapadali ang interpretasyon.


Appendix A

Talatanungan

Mga Mahal na Respondente,

Maalab na pagbati! Ang mga mananaliksik ay nagtatangkang malaman ang


kaibahan ng estado ng pag-aaral ng mga working at non-working student, layunin rin
naming matukoy kung sino ang mas nakakapagbigay ng pokus sa kanilang pag-aaral.
Kaugnay nito, naghanda kami ng mga talatanungan bilang paraan sa paglikom ng
mga datos na kakailanganin sa pananaliksik na ito. Nais naming sagutin ninyo ng may
sapat na katapatan ang mga sumusunod na aytem at tinitiyak naming ang
impormasyong ibabahagi ay mananatiling konpidensyal. Marami pong salamat.
-Mga mananaliksik

PANUTO: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na katanungan.


Kung may pagpipilian, bilugan ang titik na tumutugon sa iyong sagot.
A. Profile ng Respondente
Pangalan (opsyonal): Kurso, Taon at Seksyon:
Kasarian: Edad: A. Working B.
Non-working
B. Mga Katanungan

1. Ano ang iyong ​GWA​?


a. 1 – 1.49 c. 2.0 – 2.49
b. 1.5 – 1.99 d. 2.5 – 3.0
2. Lumiliban ka ba sa klase?
a. Oo c. Minsan
b. Hindi d. Madalas
3. Ilang oras ang iyong kasalukuyang enrolled na subject sa isang lingo?
a. 0 – 6
b. 7 – 13
c. 14 pataas
4. Kung ​working student, p​aano mo pinamamahalaan ang iyong oras?
a. Kapag nasa trabaho, hindi muna iniisip ang pag-aaral.
b. Naglalaan ng sapat na oras para sa trabaho at sapat na oras rin para sa
pag-aaral.
c. Kahit na nasa trabaho ay nag-aaral parin.

5. Kung ​non-working student, p​aano mo pinamamahalaan ang iyong oras?


a. Sa pamamagitan ng pagpa-plano ng mga kinakailangang gawin at tapusin sa
paaralan.
b. Pagtatasa sa mga gawain. Kung marami ang mga gawain sa paaralan,
sinisimulan muna sa pinakamaliit hanggang sa mabuo ito at matapos ito.
c. Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinahaharap na gawain
sa paaralan.
6. Paano mo tinutugunan ang mga gastusin sa paaralan?

a. Sa pamamagitan ng pagtratrabaho
b. Humihingi sa magulang
c. Scholarship

Sanggunian

Augsburger, J. ( 1974 ) . An analysis of academic performance of working and

non-working students on academic probation at Northern Illinois Univerysity,

Journal of Student Financial Aid​, 4

Darolia, R. ( 2014 ). Working ( and studying ) day and night : Heterogenous effects of

working on the academic performance of full-time and part-time students. ​Economics

of Education Review , 4​5 . https://dx.doi.org/10.1016/j.econedurev.2013.10004

Dundes, L., & Marx, J. ( 2006 ). Balancing work and academics in college:Why do

students working 10 to 19 hours per week excel? . 8(1), 112

Katsikas, E., & Theodore P. ( 2010 ) . Student status and academic performance: An

approach of the quality determinants of university studies in Greece. ​The london

school of Economics and political science/the hellenic observatory , ​160

Katsikas, E., & Theodore, P. ( 2011 ). Student status and academic performance:

Accounting for the symptom of long duration of studies in Greece. ​Studies in

Educational Evaluation , 1​59. Retrieved from

https.doi:10.1016/j.stueduc.2011.03.009

Kurataa, Y., & Banob, M. ( 2015 ). Effects of workload on academic performance

among working students in an undergraduate engineering program. ​Procedia

Manufacturing , ​3365 , http://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/4.0/


Tessema, M., Ready, K., & Astani, M. ( 2014 ). Does part-time job affect college

students’ satisfaction and academic performance (GPA)? The case of a mid-sized

public university. ​International Journal of Business Administration , ​5 ,

www.sciedu.ca/ijba

You might also like