You are on page 1of 21

INTRODUKSYON

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Sa panahon ngayon ay tila ang layo-layo na ng henerasyon noon at sa

henerasyon ngayon marami na rin ang pinagbago ng pamumuhay ng bawat tao ngayon

dahil na rin sa dulot ng teknolohiya na ang mga imposible noon ay naging possible na

ngayon. Isa na rito ang aspeto ng pagbabasa. Na kung dati rati, lahat ng mga kabataan,

aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng mga babasahin pero sa panahon ngayon

ay nakapapagbasa na tayo ng maraming kwento mula sa magkakaibang genre gamit

ang gating mga laptop, computer at maging sating mga cellphone.

Isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming

kabataan ngayon ay ang Wattpad. At alam niyo ba kung ano ang Wattpad? Sa

panahaon natin ngayon, sino nga ba ang hindi nakakaalam kung ano ang Wattpad.

Marahil mga malalayo na lamang sa kabihasnan ang hindi nakakaalam kung ano nga

ba ang Wattpad at bakit marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa dito.

Mula sa pangalan nitong Wattpad, ito ay literal na “PAD” o sulatan. Isa itong uri

ng social networking site at isa ring online community na kung saan ay maaaring

makapagbasa ng mga likhang kwento na ala-nobela na likha rin ng mga kapwa

kabataan. Maaari rin ditong magsulat at ilahad ng isang kabataan ang kanyang sarili sa

pamamagitan ng mga tula, simpleng kwento, nobela, o kahit reaksyon lamang. Ito ay

pwede sa lahat na kung saan malaya silang makapagbabasa ng mga iba’t-ibang

kwento na hindi na kailanagan pang magbayad para sumali para magbasa lamang ng

1
2

kwento na hindi na kailanagan pang magbayad para sumali para magbasa lamang ng

kwento. Ang Wattapd ay itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging

tanyag lamang sa lahat noong 2011.

Ngunit ano ba ang isyu tungkol sa Wattpad? Tama ba na ang mga mag-aaral ay

magbasa na lamang sa lahat ng oras at pabayaan ang mga importanteng mga gawain

gaya na lamang ng pag-aaral? Dahil dito ang mga mananaliksik ay gumawa ng

pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Wattpad sa Pagkatuto at Pag-aaral ng mga Mag-

aaral” at upang malaman kung bakit kinahuhumalingan ito ng mga mag-aaral. Paano ito

nakakaapekto sa kanilang pag-aaral at matukoy kung paano ito nagiging balakid sa

kanilang pag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa mag-aaral na malaman ang epekto ng

Wattpad sa pagkatuto at pag-aaral ng mga mag-aaral,. Ito rin ang siyang nagsisilbing

babala sa labis-labis na pagbabasa ng Wattpad at gabay na rin sa pagbabasa nito

upang hindi mapabayaan ang kanilang pag-aaral at pagkatuto.

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing kapakinabangan sa mga susmusunod.

Mag-aaral: Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga tiyak na datos na

makatutulong sa mga mag-aaral upang lumawak ang kanilang kaalaman tungkol sa

epekto ng pagbabasa ng Wattpad.


3

Guro: Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang maging inspirasyon sa mga guro na

gamitin ang Wattpad bilang instrumento na siyang magpapabuti sa pag-aaral at

pagkatuto ng mga mag-aaral..

Mananaliksik: Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik upang

maipabatid ang kanilang kaalaman tungkol sa epekto ng pagbabasa ng Wattpad.

Kapwa Mananaliksik: Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga susunod pang

mananaliksik na magkaroon ng mas marami pang impormasyon hinggil sa pagbabasa

ng Wattpad.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Zandt,J.C 2013 Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at

lubusang nagbabago. Habang ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin,

isang malawakan at demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong

ng ugnayan sa isa’t-isa, pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-

unting nahuhubog ang publiko, paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga

social networking site kabilang na ang Wattpad ngayon. Ang pundasyon ng pagtangkilik

ng maraming tao dito ay ang kakayahang pamamahayag nito na nagagamit ng

maraming tao sa buong mundo.


4

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang Wattpad ay isang popular na social networking sites na kung saan

nagkakaroon ng interaksyon sa pamamagitan ng manunulat at mambabasa. Ang mga

kabataang nagbabasa ditto ay pwedeng ma-access ang kahit anong uri ng babasahin.

Sa pamamagitan din nito, nagkakaroon ka ng pagkakataon upang makapagsulat.

Ngunit dahil sa ito ay madaling ma-acces lalo ng ng kabtaan, hindi maiiwasan ang

pagkakaroon ng hilig ditto. Sa madalas na pagbabasa ng Wattpad, nagkakaroon ito ng

epekto sa kabataang gumamit nito, Ayon sa pag-aaral ni Jasmine Bacurin, (2014) ang

mga kabataang madalas na nagbabasa sa Wattpad ay tinatawag ang kanilang sarili na

Wattpader. Ayon sa kanyang mga respondante, lubos silang naapektuhan sa mga

kwentong kanilang nababasa na para bang sila ang mismong gumaganap sa kwento.

Dagdag pa ng mga respondante na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagbibigay

kasiyahan kaya naman sila ay nahuhumaling sa pagbabasa dito. Hindi lamang ito

nagbibigay ng kasiyahan, kung hindi nakapagtuturo din ito ng aral. Subalit kahit na may

mga mabuting naidudulot ang pagbabasa ng Wattpad, mayroong mga negatibong dulot

din ito. Dahul sa lubos na pagkahumaling ng mga respondante ni Bicurin, nagbubunga

ito ng pagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Imbis na ang pagbabasa sa Wattpad ay

pampalipas-oras lamang, mas inuuna nila ito kaysa sa kanilang pag-aaral.


5

BATAYANG TEORYA

Ang teorya ay isang balangkas ng mga salita at kaisipan na gustong magbigay

ng liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag. Produkto ito ng kuro-kuro o

hakahaka ng mga taong nagsagawa ng pag-aaral upang may mapatunayan. Sa

pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng mga

mananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas

malalim na pag-unawa sa pag-aaral.

Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan ay

unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong bagay,

mula sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging primitibo hanggang

sa mapalitan ng modernisasyon, mula rural na pamumuhay hanggang urban. Angkop

ang teoryang ito sa ebolusyon ng mga babasahing akalatin hanggang sa pagusbong ng

Wattpad.

Ang teorya ni Emile Durkheim ang siyang naging batayan ng mga mananaliksik

sa pag-aaral na ito. Ang teoryang Ebolusyonaryo ay swak sa pag-aaral na isinasagawa

ng mga mananaliksik patungkol sa mga babasahin patungo sa pag-usbong ng

makabagong aplikasyon na kung tawagin ay Wattpad. Pinaniniwalaan ng mga

mananaliksik na ang teoryang ito ang magiging daan sa maayos na daloy ng pag-aaral

at sa mas malinaw na mga impormasyon.


6

BATAYANG KONSEPTO

Ang batayang konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa teoritikal na balangkas na

nauna nang nailahad.

Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang Wattpad.

Sumunod dito ang napiling respondante ng pag-aaral, ang mga piling mag-aaral mula

sa ikalabing-isang baiting. Kaalinsunod nito ang dahilan ng pagkahumaling ng mga

mag-aaral sa Wattpad sa pagkatuto at pag-aaral ng mga mag-aaral kung ssan

gagamitan ng deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datosat impormasyon.

At mula sa metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng

Wattpad sa mga respondante, ang mabuti’t masama. Sa kabilang banda, ang pananaw

ng mga respondante ukol sa pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon.

Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng batayang

konseptwal na balangkas ng pag-aaral.


7

Dayagram 1.

Mga piling mag-aaral mula sa


WATTPAD baiting labing-isa ng
(Evolutionary Theory) Pambansang Mataas na
Paaralan ng Dr. Ramon De
Santos

Mga dahilan ng pagkahumaling


ng pagbabasa ng Wattpad sa
Deskriptib-Sarbey na Metodo
pagkatuto at pag-aaral ng mga
mag-aaral

Masama

Epektong Dulot ng pagbabasa


ng Wattpad

Mabuti

LAYUNIN NG PAG-AARAL

1. Matukoy ang mga epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa pagkatuto at pag-aaral

ng mga mag-aaral.
8

2. Malaman ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa

ng Wattpad.

3. Matukoy kung nagsisilbing balakid sa pagkatuto at pag-aaral ang pagkahumaling

ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Watpad.

SULIRANIN NG PAG-AAARAL

1. Ano-ano ang mga epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa pagkatuto at pag-aaral

ng mga mag-aaral?

2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaaral sa pagbabasa

ng Wattpad?

3. Bakit nagsisilbing balakid sa pagkatuto at pag-aaral ang pagkahumaling ng mga

mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga piling mag-aaral mula sa

baiting labing-isa upang malaman ang mga dahilan kung bakit maraming mag-aaral

ang nahuhumaling sa pagbabasa ng wattpad. Ang pag-aaral na ito ay gaganapin sa

Pambansang Mataas na Paaralan ng Dr. Ramon De Santos, Brgy. San Antonio,

Cuyapo, Nueva Ecija, Taong 2017-2018


9

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Wattpad: Isang makabagong midyum o aplikasyon kung saan Malaya ang mga

gumagamit na magsulat at magbasa ng mga kuwentong piksyonal.

Mag-aaral: Isang taong nag-aaral o pumapasok sa eskwelahan upang makapagtapos

at makakuha ng isang particular na propesyon.

Kabihasnan: Ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.

Pag-aaral:
METODOLOHIYA

Ang metodolohiyang ginamit sa pananaliksikna ito ay deskriptib-sarbey method

na angkop sa mga mag-aaral na nahuhumaling sa pagbabasa ng Wattpad. Tinangkang

suriin ng mananaliksik ang kasalukuyang damdamin, kaalaman at pananaw ng mga

respondante sa ibat-ibang patunay ng pagiging Wattpadder, dahilan ng kanilang

pagkahumaling nila rito maging sa mabuti’t masamang epekto ng pagbabasa ng

Wattpad sa kanilang mga tugon sa pagtangkilik sa Wattpad.

DISENYO NG PAG-AARAL

Ang deskriptib-sarbey metod ay isinagawa na ang pangunahing layunin ay

malaman ang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa pagkatuto at pag-aaral ng mga

mag-aaral na siyang karaniwan sa populasyon ng mga mag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng mga

datos na kakailanganin ka kanilang pag-aaral. Kinunsulta ng mga mananaliksik ang

kanilang Guro sa pananaliksik tungkol sa pagbabalangkas ng kanilang talatanungan

upang makapangalap ng mga variable na kakailanganin sa kanilang pag-aaral.

INSTRUMENTONG GINAMIT

Talatanungan o kwestyoner ang instrumenting ginamit sa pananaliksik na ito.

Binubuo ang talatanungan nang tatlong bahagi na naglalaman ng antas ng pagsang-

10
ayon at di pagsang-ayon ng mga estudyante na naglalaman ng dalwampung bilang na

kaugnay sa epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa pagkatuto at pag-aaral ng mga mag-

aaral na ipinamahagi’t ipinasagot sa mga respondante. Sinagot ng mga kalahok na

respondante ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa

talatanungan. Sa kabuuan, ang instrumenting ginamit ay siyang nagging daan para

makapangalap ng mga datos na susuporta sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

MGA RESPONDANTE

Ang mga respondante ng pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral mula sa

baiting labing-isa ng senior high school mula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng

Dr. Ramon De Santos, San Antonio, Cuyapo, Nueva Ecija. Ang mga naturang mag-

aaral ay pinili sa kadahilanang sila ay nagbabasa ng Wattpad na may kabuuang

tatlumpo.

PAGBUO AT PAGDEBELOP NG KWESTYONER

Sa pagbuo at pagdebelop ng talatanungan ang mga mananaliksik ay nagsama-

sama at nagbigay ng kani-kanilang ideya ukol sa kanilang paksa. Nang makumpleto

ang kinakailangang bilang ng tanong ay kinunsulta ng mga mananaliksik ang kanilang

guro upang malaman kung may kailangan pang ayusin at rebisahin sa kanilang

talatanungan. Ang mga komento at suhestiyon ay kinonsidera sa pabuo ng

talatanungan.
11

PAGLIKOM NG DATOS

Bago ang aktwal na pagsasagawa ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

nangalap ng kaugnay na literature at kaugnay nap ag-aaaral mula sa ibat-ibang

batayan gaya na lamang ng mga website mula sa internet. Ito ang nagsisilbing basehan

ng impormasyon ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang isinasagawang pananaliksik.

Bago ang aktwal na pangangalap ng mga datos, ang mga mananaliksik ay humingi ang

mga pahintulot sa mga guro upang isagawa ang sarbey sa kanilang oras. Upang

mapagtibay ang talatanungan, ang mga mananaliksik ay kumunsulta sa kanilang guro

na may malawak na kaalaman kung ano nga ba ang mga dahilan ng at epekto ng

pagbabasa ng Wattapad sa pagkatuto at pag-aaral ng mga mag-aaral ng Pambansang

Mataas na Paaralan ng Dr. Ramon De Santos. Ang mga talatanungan ay ipinamahagi

at pinangasiwaan ng personal ng mga mananaliksik sa mga piling pangkat ng baiting

labing-isa. Ang pagsasauli ng mga talatanungan mula sa mga respondate ay 100 %

yamang ang mga mananaliksik ang siyang nangasiwa sa paglikom ng mga datos ng

personal.

ISTATISTIKANG PANUNURI

Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan na natapos ng mga mananaliksik,

ang mga datos ay itinala, pinagtibay, at kinolekta pra sa mas madaling interpretasyon na nasa

anyo ng talahanayan. Sapagpepresenta ng istatistikang panunuri ng mga datos, bahagdan,

average weighted mean ang ginamit.


Ang mga nakalap na datos ay ipapaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na pormula

(P=F/N x 100)

Kung saan

P= Porsyento

F= Frequency ng mga repondante

N= Numero ng mga kalahok

W= Ang Weighted Mean ay makakalkula sa pamamagitan ng pormulang ito:

W=TWF/N

Kung saan,

W=Weighted Mean

TWF= Total weighted Frequency

N=Numbero ng Respondante

Ang talahanayang ito ay ang magiging basehan ng interpretasyon ng mga datos


Verbal na Interpretasyon

ANTAS WEIGHT DESKRIPSIYON

4 3.50-4.00 Lubos na sumasang-ayon

3 2.50-3.49 Sumasang-ayon

2 1.50-2.49 Lubos na di sumasang-ayon

1 1.00-1.49 Di sumasang-ayon
RESULTA, ANALYSIS,DISKUSYON

Talahanayan 2

Propayl ng Respondante: Edad

N=30

EDAD FREQUENCY PORSYENTO

16 12 40%

17 17 57%

18 1 3%

Total 30 100%

Ang talahanayan dalawa(2) ay nagpapakita ng edad ng mga respondante na sumasagot sa

talatanungan na may (40%) apat na pung porsyento ay nasa edad (16) labing anim,(57%)

limamput-pitong porsyento naman ay nasa edad(17) labing pito at (3%) porsyento naman

ay nasa edad (18) labing walo.

TALAHANAYAN 3:

Propayl ng Respndante : Kasarian

Kasarian Frequency Porsyento

Babae 27 90%

Lalaki 3 10%

Total 30 100%
4.1 Epekto ng Pagbabasa ng Wattpad sa Pagkatuto at Pag-aaral ng mga Mag-aaral

Pahayag Mean Rank Deskripsiyon

1. Nagkakaroon ang mga mag-aaral nang 3.16 2


malawak na kaalaman sa mga
panibagong salita sa pamamagitan ng
pagbabasa ng Wattpad
2. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga 3.43 1
mag-aaral sa tuwing sila ay nagbabasa
ng Wattpad
3. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng
Wattpad,nahuhubog nito ang abilidad
ng mga mag-aaral sa paraan ng pagsulat
4. .Lumalawak ang kasanayan at
pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbabasa ng Wattpad
5. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng
Wattpad nawawala ang disiplina ng
mag-aaral sa paghahati hati ngb
kanilangb oras para sap ag-aaral
6. Napapabayaan ng mga mag aaral sa
kanilang pag-aaral sapagkat nakatuon na
lamang ang kanilang atensyon sa
pagbabasa ng Wattpad
7. Nawawala ang konsentrasyon ng mag-
aaral sa oras ng klase sapagkat patuloy
na sumasagi sa kanilang isip kung
anong magaganap sa susunod pang mga
kaganapan sa bawat kabanata sa
Wattpad.
8. Sa pamamagitan ng Wattpad hindi
nalilimitahan ng mag-aaral ang kanilang
sarili sapagkat lubos silang
naeengganyo sa pagbabasa nito
Average
Ipinakikita sa talahanayan sa itaas na pinakamataas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa
pahayag na “Nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga mag-aaral sa tuwing sila ay nagbabasa ng
Wattpad” na may weighted mean na 3.43 at deskripsyon na sumasang ayon. Hindi kataka taka na
mataas ang sumagot sa pahayag na ito mula sa mga respondante sapagkat kanilang nararanasan o
nararamdaman ang kasiyahan sa tuwing sila ay magbabasa ng Wattpad. Pinakamababa naman
ang pahayag na “Napapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sapagkat nakatuon na
lamang ang kanilang atensyon sa pagbabasa ng Wattpad”, na may weighted mean na 2.3 at
deskripsyon na Di sumasang ayon. Mababa ito marahil ang mga respondante ay may kakayahang
hati hatiin ang kanilang oras sa pagbabasa ng Wattpad at sa kanilang pag-aaral. Limang aytem
ang nakakuha ng deskripsiyong sumasang ayon samantalang isa sa Di sumasang ayon.

4.2 Malaman ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag aaral sa pagbabasa ng
Wattpad.

Pahayag Mean Rank Deskripsyon


1. Kinahuhumalingan ko ang pagbabasa 3.16 1 Sumasang-ayon
ng Wattpad sapagkat ito’y nagsisilbi
kong libangan.
2. Ang pagbabasa ng Wattpad ay 2.9 4 Sumasang-ayon
nagsisilbi kong pampawala ng pagod
3. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng 2.7 6 Sumasang-ayon
Wattpad nalilimutan ko ang aking
mga problema.
4. Kinahuhumalingan ito ng karamihan 3.06 2 Sumasang-ayon
sapagkat ito’y patok at napapanahon
5. Lubos nilang kinahuhumalingan ang 3.03 3 Sumasang-ayon
pagbabasa ng Wattpad mula ng ito’y
kanilang matuklasan
6. Kinahuhumalingan ng mga mag- 2.8 5 Sumasang-ayon
aaral ang pagbabasa ng Wattpad
sapagkat ito’y nagbibigay ng
inspirasyon
Average 2.94 Sumasang-ayon
Ipinapakita sa talahanayan sa itaas na pinakamataas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pahayag

na “Kinahuhumalingan ko ang pagbabasa ng Wattpad sapagkat ito’y nagsisilbi kong libangan.” na may

weighted mean na 3.16 at deskripsyon na sumasang-ayon. Mapapansin na mataas ang sumagot sa

pahayag na ito mula sa respondante sapagkat ito’y kanilang nagagamit sa panahong sila ay walang

ginagawa at nagsisilbing pamatay oras. Pinakamababa naman ang pahayag na “Sa pamamagitan ng

pagbabasa ng Wattpad nalilimutan ko ang aking mga problema.”, na may weighted mean na 2.7 at

deskripsyon na sumasang-ayon. Ito man ang pinakamababa ay nagsisilbi pa rin naman itong positibong

epekto sa mga mag aaral sapagkat sa pamamagitan ng pagbabasa ng Wattpad ay nalilimutan nila ang

kanilang problema. Apat na aytem naman ang nakakuha ng deskripsiyong sumasang-ayon.

4.3 Matukoy kung nagsisilbing balakid sa pagkatuto at pag-aaral ang pagkahumaling ng


mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad.

Pahayag Mean Rank Deskripsiyon


1. Nagiging balakid ang pagbabasa ko ng
Wattpad sa aking pag-aaral sapagkat
nauubos nito ang aking oras
2. Ang pagbabasa ko ng Wattpad ay nag-
uugat ng aking pagkahilo’t pagkapuyat.
3. Ang pagbabasa ng Wattpad ay
nagdudulot ng pagbaba ng aking grado
dahil sa lubos na pagkaadik dito
4. Nakakaligtaan ko ang aking mga
gawain dahil sa paggamit ko ng Social
Networking Sites
5. Nawawalan ako ng motibasyong mag
aaral sapagkat nakatuon na lamang ang
aking isip sa pagbabasa ng Wattpad
6. Natuto ako ng mga bagay bagay na
hindi nakatutulong sa aking pag-aaral
Average
Ipinakikita sa talahayanan sa itaas na pinakamataas ang kamalayan ng mga mag aaral sa pahayag

na “Ang pagbabasa ko ngb Wattpad ay nag-uugat ng aking pagkahilo’t pagkapuyat” na may weighted

mean na 2.96 at deskripsyon na sumasang-ayon. Makikita na mataas ang sumagot sa pahayag na ito mula

sa mga respondante sapagkat kanilang nararanasan ang pagkapuyat sa labis na pagbabasa ng Wattpad.

Pinakamababa naman ang pahayag na “Nawawalan ako ng motibasyong mag-aral sapagkat nakatuon na

lamang ang aking isip sa pagbabasa ng Wattpad”,na may weighted mean na 1.53 at deskripsyon na Di

sumasang-ayon. Mapapansin na ito ang pinakamababa sapagkat hindi basehan aang pagbabasa ng

Wattapad ng mga respondante sa pagkawala ng mga mag-aaral ng motibasyong mag-aaral. Tatlong aytem

naman ang nakakuha ng deskripsyong di sumasang-ayon at isa naman sa sumasang-ayon.

Lagom

Ang pananaliksik na pinamagatang “Epekto ng Pagbabasa ng Wattpad s Pagkatuto at Pag-aaral

ng mga Mag-aaral” ay naglalahad ng pagtuklas base sa presentasyon , pa-aanalisa ng mga datos at

interpretasyon sa nakalap na datos. Dito makikita ang naging resulta ng mga kinalap mananaliksik n a

datos at impormasyon ng mga mananaliksik. Ginamit ng mga mananaliksik ang paraang diskriptib o

palarawan upang mabuo ang isang mahalaga at makatotohanang impormasyon. Mga mag-aaral na may

kabuuang bilang na tatlumpo (30) ang tumugon sa talatanungan. Sila ay mula sa mga piling mag-aaral

mula sa baiting labing-isa (11) ng Pambansang Mataas na Paaralang Dr. Ramon de Santos.
KONKLUSYON

Nahinuha ng mananaliksik na marami itong positibo at negatibong epekto ang pagbabasa ng

Wattpad sa Pagkatuto at Pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang mga positibong epekto ay; nagkakaroon ang

mga mag-aaral ng malawak na kaalaman sa panibagong salita sa pamamagitan ng pagbabasa ng Wattpad;

sa pamamagitan ng pagbabasa ng Wattpad, nahuhubog nito ang abilidad ng mga mag-aaral sa paraan ng

pagsulat; lumalawak ang kasanayan at pagkamalikhain ng mga mag aaral sa pamamagitan ng pagbabasa

ng Wattpad. Habang ang mga negatibo ay; nawawalan ng konsentrasyon sa pag aaral dahil nakatuon na

lamang ang kanilang atensyon sa pagbabasa ng Wattpad ; hindi nalilimitahan ng mag-aaral ang kanilang

sarili dahil lubos silang naeengganyo sa pagbabasa . Sa pananaliksik mayroong(3) tatlong lalaki at (27)

dalawamput pitong babae kaya’t ang kabuuan ng populasyon ng respondante ay (100%) isang daang

porsyento.

REKOMENDASYON

Batay na rin sa nagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagmumungkahing:

1. Ipipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pagbabasa nng Wattpad na siyang makatutulongsa kanila

upang maging malawak ang kaalaman sa mga panibagong salita at mahubog an gang kanilang

pagiging malikhain.

2. Kasabay ng pagbabasa ng Wattpad ay, matutong limitahan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili

upang ‘di lamang matuon ang kanilang sarili sa pagbabasa ng Wattpad kundi mabigyang pansin

din ang kanilaang pag-aaral.

3. Gamitin ang wattpad upang magsilbing kasangkapan upang mas mapaunlad ang pag-aaral at

pagkatuto ng mga mag-aaral.

You might also like