You are on page 1of 12

SANHI NG ADDICTION SA WATTPAD AT KAUGNAYAN SA

KASANAYANG PAGBASA

Isang pananaliksik na iniharap kay


G. Kier Patrick M. Bayanid

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri

Iniharap nina:

Rossele Manalo

Renz Criz Manguiat

Mary Rose Hilig

Renan Cyrus Hernandez

Mark Anthony Jampolina

2020
KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa Wattpad, isang online reading site. Maaari ka

magbasa ng mga istorya ng libre. Pwede din i-download ang Wattpad application sa mga smart

gadgets para makapagbasa ka pa rin kahit walang koneksyon sa internet. Ang tawag sa

pagbabasa ng Wattpad na hindi gumagamit ng internet ay offline reading. Kinahuhumalingan ng

mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad dahil nagsilbi na itong libangan pampalipas-oras

nila.Ano nga ba ang Wattpad? Ang wattpad ay isang app King saan ang karamihan ay

nahuhumaling dito dahil sa ganda ng mga istorya na nilalaman nito kung kaya't marami ang may

gusting magbasa o gumamit into, ang iba pa nga ay halos hindi na natutulog para lamang

matapos ang kanilang nasimulan na istorya, ang iba ay nabilis bumasa dahil ito ay nahahasa sa

kanilang paulit-ulit na pagbabasa, ang iba pa ay may natututunan sa kanilang mga nabasa, mga

bagong salita/Di kilalang salita at nadedevelop din ang kanilang pang unawa.

Ngunit meron din namang iilan na ma's pinipili na magbasa ng mga pocketbook at iba pang

babasahing libro sa kadahilanan daw na para hindi lumabo ang kanilang mata ngunit ito ay may

kamahalan sa kadahilanang ang mambabasa ay bibili pa ng libro para lamang makabasa ng

iisang istorya pero sa wattpad ay pag may load ka pwede ka ng magdownload ng kahit ilan at

kahit anong uri ng babasahin na nakapaloob dito, ito ang dahilan kung bakit wattpad ang

ginagamit ng karamihan kaysa sa mga pocketbook.

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Ang pagbasa ay importanteng kasanayan na dapat taglayin ng isang tao. Ito ay isa sa

mahalagang pundasyon ng pagkatuto na dapat nating paunlarin. Ngunit dahil sa patuloy na pag-
unlad ng modernong panahon marami ng nagsisilabasang bagay at pangyayari na naging dahilan

kaya nawala ang interes ng tao sa pagbabasa. Ilan sa modernong teknolohiyang ito ay ang T.V

kung saan panonoorin mo na lamang ang mga ipinalalabas at makukuha mo na ang ideya ng

pinapanood mo, mga laro sa kompyuter atbp. na mas kinagiliwan ng tao sa kadahilanang hindi

na nila kailangan ng komprehensibong pag--iisip

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kung paano ginamit ang modernong teknolohiya

upang maibalik ang interes ng tao sa pagbabasa. Ito ay ang Wattpad. Ang Wattpad ay isang

website na nagbalik ng interes sa pagbabasa ng mga tao. Ito ay parang isang makapal na libro na

kinapapalooban ng iba't ibang genra ng mga kwento, tula, artikulo, sanaysay at iba't ibang likha

ng literatura na gawa ng mga gumagamit ng site. Ang site na ito ay kahangahanga sapagkat hindi

lamang kasanayan sa pagbasa ang mahahasa mo dito dahil hinihikayat rin ng site na ito ang

pagsusulat. Ang mga taong may sariling user account ay maaari ring gumawa ng sarili nilang

gawa at ilathala ito sa site.

BALANGKAS TEORETIKAL

Ang balangkas teoretikal ng kasalukuyang pag-aaral ay ibinatay sa Literary theory

naisang sistematik na pag-aaral ng likas na katangian ng panitikan at mga pamamaraan para

sapagsusuri nito. Ito ay isang teoryang pampanitikan kung saan binibigyang-daan nito upang

mapagaralan ang tungkol sa addiction ng kabataan sa wattpad.

Ayon sa Rational Decision Making Theory ni Neil Smelser, nakabatay sa sariling gawi at

kaugalian ang desisyon ng mga tao maging sa kondisyon ng isang sitwasyon. Dito papasok ang

dahilan ng mga respondente sa pagtangkilik at hindi pagtangkilik ng mga kuwento sa Wattpad.


Ang Psychological
IV Exchange Theory naman ni George Homans ay naglalarawan sa

interaksyon ng1. mga tao ng


Profayl natagasagot:
binubuo ng mga pabuya at parusang iniugnay ng mananaliksik sa

1.1.epektong
mgamabuti at masamang DVbooks.
Edad na dulot ng pagbabasa ng Wattpad

1.2. Kasarian 3. Kasanayang Pagbasa


Kaalinsunod nito ang isa pang teorya ni Homans, ang Rational Choice Theory kung saan
2. Addiction sa Wattpad: 3.1. Persepsyon
nakabatay ang desisyon ng bawat indibidwal sa kanilang sariling pananaw at sa positibong
2.1. Komprehensyon 3.2. Komprehensyon
impluwensiya ng iba. Inilahad ng mga mananaliksik ang teoryang ito bilang tugma sa personal
2.2. Oras 3.3. Reaksyon
na persepyon, opinion o pananaw ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng wattpad.
2.3. Hilig 3.4. Integrasyon

MODELONG KONSEPTWALL 3.5. Asimilasyon

Paradima ng Pag-aaral

Ang modelong konseptwal na ito ay naglalarawan ng mga kakailanganing datos

upang maisagawa ang nasabing pag-aaral, ito ang magpapatibay sa maaaring maging resulta ng

pananaliksik at upang ito ay lubusang mapalawig.


Figure 1. Nagpapakita ng Ugnayan ng Malaya at Di malayang baryabol

Paglalahad Suliranin

Naglalayon ang pananaliksik na ito na malaman kung may ugnayan adiksyon sa pagbasa

ng watpad ng mga mag-aaral mula sa baitang 11 ng Ibayiw Integrated National Highschool.

1.Ano profayl ng tagasagot hinggil sa;

1.1. Edad

1.2. Kasarian?

2. Ano ang sanhi ng addiction sa wattpad hinggil sa?;

2.1. Komprehensyon

2.2. Oras

2.3. Hilig

3. Ano ang kasanayang pagbasa hinggil sa;

3.1. Persepsyon

3.2. Komprehensyon

3.3. Reaksyon
3.4. Integrasyon

3.5. Asimilasyon

4. Anong makabuluhang ugnayan ng profayl ng tagasagot sa kasanayang pagbasa?

5. Among makabuluhang ugnayan ng addiction sa wattpad sa kasanayang pagbasa?

HAYPOTESIS
1. Walang makabuluhang ugnayan ang profayl ng tagasagot sa kasanayang pagbasa.

2. Walang makabuluhang ugnayan ang addiction sa wattpad sa kasanayang pagbasa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa Mga Mag-aaral matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o mamaintindihan

kung ano ang maaring maging sanhi ng addiction sa wattpad sa kanilang kasanayang pagbasa.

At dahil sa kaalamang ito matutulungan silang palawakin ang paggamit nito o maglagay ng

limitasyon sa paggamit.

Sa Mga Magulang Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang

magabayan nilang mabuti ang mga anak sa wastong paggamit ng wattpad at malimitahan sila sa

maaaring maging epekto nito sa kanilang kasanayang pagbasa.

Sa Mga Guro Maaari itong maging daan upang maintindihan ng mga guro ang mga akto

ng kanilang mga mag-aaral at maging epektibo ang pamamaraan ng kanilang pagtuturo, tungo sa

ikauunlad ng mga mag-aaral.

Sa Mga Susunod na Mananaliksik Magsisilbi itong gabay at kuhaan ng mga impormasyon na

naka-angkla sa pananaliksik na isinagawa ng mga naunang mananaliksik sa nasabing pag-aaral.


SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa sanhi ng addiction sa wattpad at kaugnayan sa

kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral mula sa baitang labing isa sa Mataas na paaralan ng

Ibayiw Integrated National High School (IINHS) panuruan taong 2019-2020. Limitado lamang

sa aming paaralan ang pag-aaral na ito at ang mga nasabing mag-aaral lamang ang masasaklaw

nito. Gagamitan ito ng pamamaraan o metodolohiyang pagse-survey.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGANG GINAMIT


Aspektong Sikolohikal ay tumutukoy sa kung paano ang paraan ng pag-iisip ng isang

indibidwal at kung paano ito nakakaapekto sa pag kilos ng isang tao, ilan na dito ay ang sa

pag-uugali, paniniwala, pananaw at pagkatao.

Edad tumutukoy sa kung anong bilang ng taonFacebook ng tao na namamalagi

dito at ito ay nadadagdagan.

Facebook Ito ay isang uri ng social networking sites na kung saan ang mga

makakilala ay maaring mag post ng mga larawan,damdamin,mag kommento at iba pang

uri ng pakikipag komunikasyon paraan ng pag kontak sa mga taong gustong makausap ng

isang tao.

Instagram ay isa itong online application na nagbabahagi ng larawan at pumapayag

din ang instagram na mag edit o mag upload ng mga maikling video sa pamamagitan ng

isang applikation na tinatawag na instagram at ang gumagamit din ng app na ito ay maari

silang pumili na gawing pribado ang kanilang profayl upang ang mga taga-sunod lang nila

ang makakita ng post.

Internet Isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapabilis ang ibat-

ibang bagay at sa panahon ngayon ay hindi na lamang mga kompyuter ang

makakakonekta sa internet ngunit lahat na ng mga bagong gamit katulad ng mga

tablet,kompyuter, mga cellphone at marami pang iba na ito ay ginagamit na kung saan ang

mga Ibat-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.


Kasarian ito ay tumutukoy sa pisikal na anyo ng bawat tao at ang kasarian ay

tumutukoy din ito sa pagkilos at pagsasalarawan ng kultura o lipunan sa pagkakaiba o

pagkakapateho ng pagiging babae o lalaki.

Makabagong Teknolohiya Ang pagusbong ng iba’t ibang kagamitan gaya ng

cellphone,laptop,kompyuter at iba pa na ginagamit upang mas mapabilis ang pag

komunikasyon sa isa't isa.

Milenyal indibidwal na positibo ang pananaw sa buhay. Grupo ng mga kabataan na

bukas ang isip, literal at tinatanggap ang makabagong ideya o pamumuhay.


Questionaire

Panuto: Lagyan ng check ang iyong sagot.

1.Ilang taong gulang ka nagsimula magbasa ng wattpad?

7-10

10-13

13 pataas

2.Kasarian: ____F ___M

3. Ilang istorya ang nabasa sa isang araw?

1-2

3-4

5 pataas

4. Gaano katagal magbasa ng wattpad sa loob ng isang araw?

1-2hours

B 2-4hours
5 hours pataas

5.Anong sa palagay nyo ang genre ng title na masikip?

Possessive action

Comedy fantasy

Masikip

Pinagmasdan ko ang nagtitigasan niyang mga bagang at matikas niyang pangangatawan pati
narin ang mapupungay na mata habang nalatingin sa akin ang malamig na tasa ng tsokolate sa
aking harapan. Nagmamakaawang sayarin ko na ang laman.

"Huwag ka ng magtampo"

Aking panunuyo na dahilan ng paglisan ng kanyang mga mata.

Galit naman siya

Nagpakawala ako ng hangin mula sa aking bibig. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na
hindi ko pa kaya. Pero mapilit siya at tila desperadong makuha iyon.

Ngayon ay ang ika-tatlong taon naming magkasintahan, at ni minsan hinde ko na naisipang


ibigay iyon sa kanya ngunit king siyay pagmamasdan ako ngayong namimighati sa kanyang
nararamdaman.

Napatuwid at tumigas ang aking likod ng mapagpasyahan ang aking desisyon at pumayag sa
kanyang hiling. Mabilis pa sa kisapmata ang pagbabago ng kanyang elspresyon. Kulay kamtis
ang kanyang mukha na tila ba gulat na gulat habang aloy nakayukot nahihiyang magpakita ng
mukha.

Isang mamasa masa at malamig na gabi, sabay kaming pumasok sa aming condo. Tila nagiinit
ang aking pakiramdam ngunit nangingibabaw ang kagalakan.

Buo na.

Buo na ang aking loob.

Ibibigay ko na talaga ng buong buo ito . Pumasok siya sa aking kuwarto at agad ko rin naman
siyang sinundan. Makalipas ang ilang minuto...

"Aaah hmm aray masakit!" Anagal niya

"Aaaaaaaa! Ayan na. Ayan na. Malapit na. Sige pa. Aaa"
Pakiramdam koy naliligo na kami sa sarili naming pawis at hapong happ na kami.

"Sige! Ipasom mo pa. Aaaa!" Sigaw ko

"Aaaah. A-aray ang sikip!" Angal niya

Humawak ako sa kanyang baywang habang sabay kaming gumagalaw.

"Mmmmm ayan na. Ayan na. Malapit na,malapit na MALAPIT NA MALAPIT NAAAAA!"

"YEEEEEESSSSSSS!!!!"

sabay naming sigaw ng makita naming kasya sa kanya ang paborito niyang signature pants na
binili namin kanina sa department store. Kasabay non ay ang muli nyang pagbati saakin ng ika
tatlong taon ng aming pagmamahalan.

You might also like