You are on page 1of 15

ANG PANANAW NG MGA PILING ESTUDYANTE NG BAITANG 11 STEM-A SA

PAGGAMIT NG GADGETS

Mga Mananaliksik:

ALUM, ROSEMARIE

ANTIPUESTO, ANGELINE

AQUINO, BREXT

CABILOGAN, LADY CHATTERLY

DAET, JANY MARIE

EJANEL, JONATHAN

HUSAIN, HADZRIA

MAMA, ZANIERA

NACONAS, CEDRIC DEM

PADRE, KARLO

Isang akademikong papel na iniharap sa mga dalubguro ng Pambansang Mataas


na Paaralan ng Pigcawayan bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng
pampinal na marka sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik.

ABRIL 2019
Kabanata 1

SULIRANIN AT SAKLAW NITO

INTRODUKSYON

Ang gadget ang tawag sa isang klase ng instrumento na maaari ng magamit sa

maraming paraan sa kasalukuyang panahon. Ito ay isang uri ng mga kagamitang

nagagamit at napapatakbo sa pamamagitan ng mga elektronikong paraan. Sa

kasalukuyan,ang mga gadgets ay isa sa mga pinakamahalagng instrumento sa

pagpapatakbo ng mundo at unti-unti na itong nagiging isa sa mga pangunahing

pangangalaingan ng bawat indibidwal.

Talagang napakahalaga ng gadgets. Napakahalaga ito sa kadahilanang ito ay

nagagamit na sa iba’t ibang paraan kagaya na lamang sa komunikasyon, transportasyon,

at iba pang mga transaksiyon, maging libangan. At sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng

kagamitang ito, habang tumatagal, mas lalo pa itong napapaunlad gamit rin ang

teknolohiyang ito. Buhat nito, mas nagiging isang matinding pangangailangan ito ng mga

tao upang magamit nila ito para sa kanilang ikauunlad. Dahil dito, nagiging

pangangailangan na rin ito ng mga estudyante ngayong panahon. Sa pagkakaroon nito,

nagagamit nila ito sa kanilang ikauunlad at ikabubuti, lalo na sa pag-aaral.

Ngunit, sa hindi inasahang mga pagkakataon at iba’t ibang pagtanggap at

reaksiyon ng mga taong gumagamit nito, meron na ring nagsusulputang problema dahil

dito. Sa kabila ng ating mga nakamtan sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, sa kalaunan,

unti-unti na rin nating nakikita ang mga maaaring hindi magagandang epekto ng paggamit
nito. Minsan, ang paggamit ng gadget bilang isang libangan ay naaabuso na rin. Maaaring

ang isang tao ay malulong sa bagay na ito na maaaring maging sanhi ng paggiging mas

hindi produktibo ng taong ito at iba pang masasamang epekto katulad na lamang ng

masamang kalusugan, hindi lamang sa pisikal, kundi maging pati na rin sa iba pang

aspeto ng kanyang pagkatao. At sa panahon ngayon, marami ng taong namasmasdang

napapabilang sa mga taong inaaabuso ang gadgets at nalululong na rito, at ilan na rito

ang mga estudyanteng napapabilang sa klase ng Baitang 11 STEM-A ng Mataas na

Paaralan ng Pigcawayan.

Hindi naman talaga natin maipagkakaila na ang mga gadgets ay isa na sa mga

pangunahing pangangailangan ng isang tao sa panahong ito. Lalo na at halos lahat ng

mga aktibidades ng lipunan ay may kinalaman at nangangailangan ng gadgets. Ngunit

tayong mga tao ay may iba’t ibang pananaw, lalong lalo na hinggil sa mga bagay na ito.

Marami na ring nagsasabi ito raw ay masyado ng maraming masamang epekto sa tao na

hindi lamang nakakaapekto sa kanilang pagiging produktibo kundi pati na rin sa kanilang

kalusugan, lalong lalo na sa kabataan at sa mga estudyante. Ito ang isa sa mga

pangunahing dahilan kung bakit hati ang opinyon hinggil sa pagggamit ng kagamitang ito.

Sa huli, sa mga kadahilanang ito, may nagsasabing ito raw ay nakasasagabal sa

mga tao at kinakailangang limitahan sa paraang ito ay nasa pinakaikling panahon ng

paggamit sa pinakaproduktibong paraan. Mayroon ring nagsasabing ito ay napakahalaga

sa puntong hindi dapat ito ipagkait kanino man. Bagkus, turuan na lamang ang mga

gumagamit nito na gamitin ito sa pinakaepektibo at pinakaproduktibong paraan na hindi

nalilimitahan ang panahon ng kanilang paggamit. Sa mga dahilang ito, ang diskusyon at

suliraning ito ay pinakamabisa at napakamagandang gawan ng isang malalimang

pagsasaliksik.
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na sagutin at bigyang linaw sa isip ng mga tao

ang mga katanungang naitala sa ibaba:

1. Paano ba ng mga kalahok mailalarawan ang kanilang pagkahumaling sa

gadgets?

2. Gaano ba kadalas gumagamit ng gadgets ang ating mga kalahok?

3. Ano-ano at gaano ba katindi ang mga nararanasang mabubuti at

masasamang epekto ng mga kalahok sa paggamit ng gadgets?

4. Paano ba nalilimitahan ng mga kalahok ang oras nila sa paggamit ng

gadgets?

5. Sa kabuuan, Gaano ba katindi at paano ba mailalarawan ng mga kalahok

ang naranasang pagbago sa kanilang buhay dahil sa paggamit ng gadgets?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral na ito upang alamin ang kaisipan

at kakayahan ng mga estudyante ng Baitang 11 STEM-A ng Pigcawayan National High

School, kung ano ba ang opinyon ng bawat isa patungkol sa suliraning inilalahad sa pag-

aaral na ito. Inaasahan sa pag-aaral na ito ang pagbigay ng pansin at solusyon sa mga

problemang naipresenta at ang maiaambag nito sa lipunan.

Mga estudyante – mas maimulat ang mga kaisipan ng mga estudyante sa mga

epekto ng paggamit ng gadgets sa kanilang buhay, lalong lalo na sa kanilang pag aaral

at ang epekto nito sa kanilang pagkatao.


Mananaliksik – upang mabigyang linaw at mas lubos na pag-unawa tungkol sa

suliranin at konseptong pinaguusapan ang mga mananaliksik.

Mga gumagamit ng gadgets – mailahad at mapaunawa ang mga opinyon at ideya

patungkol sa mabubuti at masasamang epekto ng paggamit ng paggamit ng gadgets sa

kalusugan at pagkatao ng mga gumagamit ng gadgets.

Mga susunod na mga Mananaliksik – makapag-ambag ng kaalaman sa lahat ng

mga kaalamang kakailanganin para sa mga susunod pang pag-aaral patungkol sa

suliranin o usaping pinaguusapan at iba pang mga pag-aaral na nauugnay dito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay magaganap sa seksyon ng mga estudyante ng Baitang 11

STEM-A ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pigcawayan at tanging sa loob lamang

ng nasasakupan at bakuran ng nasabing paaralan.


Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong teknolohiya

at gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga

institusyon, mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay

patuloy na umuusbong linggid sa kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng

sarili nitong momentum at walang taros na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000)

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang para sa

mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali

ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga estudyante (M.

Underwood, 2009).

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang

computer, mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong gadyets?

Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit

ang makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante ngayon ay gusto ng

pagbabago, Gaya ng pagbabago sa paraan ng pag-aaral nila

sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang

iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang

makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav, 2007)

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi

niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong


paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din

sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag

komunikasyon sa kapwa (Chandler, 2000)

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (2000) at B. Winston (1998) kanyang inalisa

sa kanyang artikulo na How are Media Born and Developed ang mga mabubuti at

masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya at gadyets sa lipunan. Naniniwala

siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pagunlad ng ating mundo. Ngayon tayo

aynasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating pamumuhay

gayun na din sa ating mga pribadong buhay.

Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas maraming mga tao. Nakikita

natin ang pagbuti patungkol sa karunungang bumasa’t sumulat dahil sa paglago ng

internet (K. Croxton 2000)

Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang Telepono ay nagtuturo sa mga taong bingi

kaya’t siya ay interesado sa mga pagyanig ng tunog o kung paanong ang tunog ay

tumatalbog at naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na ang mga pagyanig na ito ay maaaring

gawing sunud-sunod na mga takbo ng kuryente na maaaring maipadala sa pamamagitan

mga kable mula sa isang lugar patungo sa iba. Mula dito ay naimbento niya ito. Ang

kanyang imbensyon ay Hindi lamang ginawang posible ang pakikipag-usap sa mga

kaibigan na milya ang layo kundi nagbukas ng pintuan para sa mga intercoms, radyo, fax

transmission at pati na rin sa Internet. Ito ay nagpalapit sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham

Bell 1876)

Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga

tahanan, ang mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang dekuryente ang
nakapagpapabukas at nakapagsasara sa telebisyon at nakapapapalit ng mga estasyon,

o kumukontrol sa temperatura ng iyong refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at

iba pang mga sasakyan ay nag-aayos ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay

ginagamit din sa mga makina sa ospital tulad ng x-rays. Alam mo ba na ang mga

kompyuter ay pangunahing ginawa upang magamit sa masalimuot na kalkulasyon

matematika? Ang mga makinang ginagamit upang gumawa ng mga masasalimuot na

kalkulasyong matematika ay nag-ugat libong taon na ang nakalilipas sa mga abakus ng

Intsik. Ang abakus ay isang grupo ng mga butil na nakahanay at ginagamit sa pagbibilang.

Noong 1945, ang ENIAC o ang Electronic Numerical Integrator and Calculator ay

isinilang. Ito ang kauna-unahang kompyuter. Subalit, di Gaya ng karamihan sa mga

kompyuter sa ngayon, nangailangan ito ng isang napakalaking silid at mayroong sariling

air-conditioner. Ngayon, salamat sa mga bagong pagpapaunlad gaya sa mga kompyuter

chips, ang isang kompyuter na may parehong kakayahan ay maaaring magkasya sa

palad ng iyong kamay. Sa ngayon, ang mga kompyuter ay kailangan na sa lahat ng mga

opisina. Sa katunayan, ang mga kompyuter ay ginagamit din sa pag-aaral at paglalaro.

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The Influence of Technology

on College Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya

ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay na rin sa

kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na ang kasaysayan at kultura ay

may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan.

Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pa-

ng impluwensya ng gadyets.
Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi nila

na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya

ng impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng

politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung

paano sila makitungo sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-

aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod,

Mp3 players, at online social networks gaya ng facebook, twitter, instagram.

Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaring

makapag pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay may

malaking impluwensya sa academic performance nila sa loob ng klase. (Howe,

Markiewicz at Strauss, 2008).

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na

ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa

kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa mga walang

kwenta bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral

ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at

kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa

iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin

ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon.

Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito

mawawaldas nang may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano

kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung
malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos

29% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa stress

na nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng media

sa pag-aaral ng mga mag-aaral. napag-alaman nila na mayroon itong

malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang

kaibigan, kamag-aral, at guro.

Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na globalisasyon, at

patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng

teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong

teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng

larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong

opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit na ng

computer sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang personal computer ay may

mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa ibat ibang uri ng pakikipag-

transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas ang siyang cellphone capital

of the world, dahil ultimong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit nang

cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o

hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pagunlad maging

sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating pamumuhay,

maging sa larangan ng edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pagunlad


ng teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t

higit sa mga mag aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng

teknolohiya ay binusisi at pinag aralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o

hindi. Kanilang hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung nakalalamang

ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naayon sa umiiral na batas ng

ating bansa, partikular sa edukasyon.


MGA DEPINISYON NG MGA KATAWAGANG GINAMIT

Gadget – ito ay madalas ginagamit upang tukuyin ang isang maliit na bagay na maraming

gamit na madalas nagagamit sa pamamagitan ng elektronikong paraan.

Mobile Phone – isa sa mga katawagan ng cell phone.

X-ray – isang malakas at hindi nakikita na alon ng mga maliliit na mga partikulo na

makikita rin sa ilaw na kung saan madalas ginagamit upang makita ang mga laman at

buto sa loob ng katawan ng tao.

Ipod – isang gadget na ginawa ng kumpanyang nagngangalang Apple.

Computer – isang gadyet na marami ang gamit.

Online Social Networks – mga lugar sa Internet na kung saan pwedeng maging tulay

upang makipag-ugnayan sa mga taong malayo kahit mapaibang bansa man.

Internet – isang malaking interkoneksiyon ng mga kompyuter sa iba’t-ibang parte ng

mundo na kung saan ito’y nagsisilbing tulay sa pagbibigayan at papalitan ng

impormasyon.
Kabanata 3

PAMAMARAAN

Sa bahaging ito inilalahad ng mag-aaral na mananaliksik ang estilo at pamamaraan

ng pangangalap ng datos, mga istrumentong ginagamit at kung saan mabigyang

kasagutan ang mga suliranin at ang istatiska sa maayos at maingat na pagsusuri.

Disenyo sa Pag-aaral

Ang mananaliksik ay gagamit ng descriptive research design

Mga Respondente o Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mag-aaral na nakapaloob sa klase ng Grade 11 STEM-A ng

Pambansang Mataas na Paaralan ng Pigcawayan – Senior High School, Pigcawayan,

Cotabato

Pangongolekta ng Datos

Ang unang hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ay ang paghingi ng

pahintulot sa tagapayo, punong-guro at mga kalahok bago isasagawa ang pag-aaral.

Magbibigay ng panuto at ipaliliwanag ng mga mananaliksik ang dapat gawin ng mga

kalahok upang lubos na maintindihan ang mga ipamimigay na katanungan.

Upang makita ang wastong resulta ng pananaliksik, itala ang mga datos na nalikom

batay sa mga katanungang ipinamigay ng mga mananaliksik sa mga kalahok, partikular

ang mga mag-aaral ng Grade 11 STEM-A ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Pigcawayan – Senior High School, Pigcawayan, Cotabato. Pagkatapos maitala ang mga

nalikom na datos, susuriin ito at bibigyan ng interpretasyon at pag-aanalisa.


INSTRUMENTO

ANG PANANAW NG MGA PILING ESTUDYANTE NG BAITANG 11 STEM-A SA PAGGAMIT NG GADGETS

Pangalan: _________________(opsyonal)______________________________________________________________________

Edad: ____________________________________________________________________________________________________

Baitang at Strand: _________________________________________________________________________________________

Petsa: ___________________________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan at sagutin ang mga ito nang maayos at nasa isip.

1. Gaano ba katindi ang pagkahumaling mo sa gadgets?

_________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________

2. Gaano ka ba kadalas gumamit ng gadgets?

_________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________

3. Sa anong paraan ka ba naaapektuhan ng gadgets, mabuti o masama, at gaano ito katindi?

_________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________

4. Paano mo ba nalilimitahan ang paggamit mo ng gadgets?

_________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________

5. Sa pangkalahatan, paano mo ba mailalarawan ang naranasan mong pagbabago na ibinigay ng gadgets sa iyong buhay?

_________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________
BIBLIOGRAPI

 https://www.academia.edu/34461314/EPEKTO_NG_GADYETS_SA_MGA_MA

G-AARAL

 https://brainly.ph/question/985378

 https://www.academia.edu/10450129/Modelong_Halimbawa_ng_MGA_KAU

GNAY_NA PAG-

AARAL_AT_LITERATURA_Kabanata_2_MGA_KAUGNAY_NA_PAG-

AARAL_AT_LITERATURA

 https://www.academia.edu/31575690/KABANATA_II_MGA_KAUGNAY_NA_L

ITERATURA_AT_PAG-AARAL

You might also like