You are on page 1of 7

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Rasyonal

Sa panahon ngaon ay tila ang layo-layo na ng henerasyon noon at sa henerasyon ngayon marami
na rin ang pinagbago ng pamumuhay ng bawat tao ngayon dahil na rin sa dulot ng tekonolohiya na ang
mga imposible noon ay naging posible na ngayon . Isa na rito ang aspeto ng pagbabasa na kung saan ay
isa rin sa pinakatampok na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming kabataan ngayon ay
ang wattpad. Ano nga ba ang wattpad? Sa panahon natin ngayon, sino pa ba ang hindi nakakaalam kung
ano ang wattpad. Marahil ay mga naunang henerasyon na lamang ang walang ideya sa kung ano ang
wattpad na kinagigiliwan ng mga kabataan ngayon at kung bakit sikat ito sa henerasyon ngayon.

Isa ito sa uri ng Social Networking Site at isa ring Online Community na kung saan ay maaaring
makapagbasa ng mga kwento na ala-nobela na likha ng mga manunulat sa sariling imahinasyon. Ito ay
pwede sa lahat, kung saan hindi na kailangan pang magbayad para magbasa. Ngunit ano ang tungkol sa
wattpad? Tama ba na ang mag-aaral ay magbasa nito o mas magandang gugulin na lamang nila amg
kanilang oras sa pag-aaral?

Dahil dito ang mananaliksik ay gumawa ng pananaliksik tungkol sa “ Impluwensiya ng pag-


babasa ng wattpad sa Academic Performance ng mga piling mag-aaral sa Barangay Makindol, Benito
Soliven, Isabela”. Ano ang epekto nito sa kanilang pag-aaral at kung isa nga ba ito sa magiging balakid sa
kanilang pag-aaral.
II. Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang impluwensiya sa mga estudyanteng nagbabasa ng wattpad.
Nais rin ng mananaliksik na bigayang linaw at maipahayag sa mg mag-aaral ang mg abagay na dapat
nilang malaman tungkol sa kanilang pagbabasa ng wattpad.

1. Ano ang impluwensiya ng pagbabasa ng wattpad sa academic performance ng mga mag-aaral?

2. Ano-ano ang dahilan ng pagkakahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng wattpad?

3. Matukoy kung nagsisilbing balakid sa Academic Performance ang pagkahumaling ng mga mag-aaral
sa pagbabasa ng wattpad.
III. Saklaw at Limitasayon ng pag-aaral

Ang pananaliksik sa ito ay nakatuon lamang sa mga piling mag-aaral mula sa Barangay Makindol,
Benito Soiven, Isabela upang malaman ang mga dahilan kung bakit maraming mag-aaral ang
nahuhumaling sa pagbabasa ng wattpad.
IV. Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa mg mag-aaral na malaman ang impluwensiya ng


wattpad sa kanilang academic performance. Ito rin ang siyang nagsisilbing babala sa pagbabasa at gabay
na rin upang hindi mapabayaan ang kanilang pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing kapakinabangan ng mga sumusunod:

Mag-aaral : ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga mag-aaral upang lumawak ang kanilang
kaalaman tungkol sa impluwensiya ng pagbabasa ng wattpad.

Guro : Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang maging inspirasyon sa mga guro na gamitin ang
wattpad bilang instumento na siyang mag-papabuti sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mananaliksik : Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik upang maipabatid ang
kanilang kaalaman tungkol sa impluwensiya ng pagbabasa ng wattpad.

Kapwa mananaliksik : Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod pang mananaliksik
na magkaroon ng mas marami pang impormasyon hinggil sa pagbabasa ng
wattpad.
V. Batayang konseptuwal

Ang diyagram na ito ang siyang magpapakita ng buong daloy ng batayang konseptuwal na
balangkas ng mag-aaral.

WATTPAD Mga piling mag-aaral mula


sa Barangay Makindo,
Benito Soliven, Isabela.
(Evolutionary Theory)

Mga impluwensiya ng
Kwalitatibong pagbabas ang wattpad
Pananaliksik sa academic performance
ng mga mag-aaaral.

POSITIBO

Epektong dulot ng
pagbabasa ng wattpad
NEGATIBO

Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang wattpad sumunod dito ang
napiling responte ng pag-aaral, ang mga piling mag-aaral mula sa Barangay Makindol, Benito Soliven,
Isabela. Alin sunod nito ang dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa wattpad o impluwensiya na
pagbabasa ng wattpad sa academic performance ng mga mag-aaral kung saan gagamitin ng kwalitatibong
pananalisik sa pagkalap ng mga datos at impormasyon, ang datos ng pag-aaral ay nakatuon din sa
epektong dulot ng wattpad sa mga respondante.
VI. Terminolohiya

Ang bahaging ito ay inilaan ng mga mananaliksik upang maibahagi ang mga kahulugan ng
iba't-ibang terminolohiya na nakapaloob sa kasalukuyang pag-aaral na isinasagawa.

Binigyang – kahulugan ang mga terminolohiya sa paraang operasyonal.

Wattapad – Isang website at app para sa mga manunulat na maglathala ng mga bagong kwento na nabuo
ng mga manunulat.

Academic Performance – Ano ang ipinapakitang kakayahan o kagalingan sa iyong pag-aaral, ito ay
resulta ng iyong pag-aaral.

Pagbabasa – Ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita.

Imahinasyon – Ang kakayahang pang kaisipan na kumakatawan sa mga imahe ng mga tunay o mainam
na bagay.

Pagkahumaling – Ang pagpapakita ng pagkagusto sa isang bagay.


Kabanat II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay pagsasaad ng mga literatura at pag aaral na may kinalaman
sa kasalukuyang isinasakatuparang saliksik. Ang mga importanteng konsepto ay inilahad sa tematikong
pamamaraan at ang mga synopsis ng mga nabasa ng mananaliksik ang batayan.

Epekto at Bunga ng pagbabasa ng wattpad sa unang taon ng mga mag aaral sa AB-SOCIOLOY.

Ayon kay Zandt,.J.C (2013) ang panahon ay hindi lamang nagbabago ito ay ganap at lubusang
nagbabago.Habang ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin isang malawakan at
demokratikong kulturang pagbabago

You might also like