You are on page 1of 4

PANIMULA

Isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisado at sistematikong


pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong impormasyon na magagamit sa
buhay ng isang mag-aaral o individual.
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong naging masidhi ang pagsasagawa ng
pananaliksik. Naging magkakapitkamay ang teknolohiya at mga paksang ibig bigyan ng
kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.
Napakagandang matuto ng dapat para sa isang pananaliksik dahil ito’y isang akademikong
Gawain. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na mapalawak ang
karanasan,madadagdagan ang kaalaman, at higit sa lahat maging kapaki-pakinabang sa
kaniyang sariling pag-unlad ang naibibigay ng pananaliksik.
Bilang mag-aaral, tanggaping isang hamon ang gawaing pananaliksik sapagkat maaaring
magkaroon ito ng epekto sa interes ng mga mag-aaral positibo man o negatibo.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral ng SHS ng
NDSC at maipapakita ang epekto ng pananaliksik sa interes ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan:
1. San ayon ka ba sa pagkakaroon ng pananaliksik?
2. Ano ang epekto ng pananaliksik sa interes ng mag-aaral?
3. Naging epektibo ba ang pananaliksik sa pag-unlad ng ating pag-aaral?
4. Ano ang epekto sa mga mag-aaral sa pagsasagawa ng proseso ng pananaliksik?
5. Ano-ano ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik?
6. Paano mabatid ang interes ng mga mag-aaral sa pananaliksik?
7. Paano mabatid ang interes ng mga mag-aaral?
8. Ano ang saysay ng pananaliksik sa atin sa kasalukuyan at hinaharap?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay nakakatulong sa pag-aaral sa larangan ng Agham at


teknolohiya, kalakalan, medisina, sining at pagkilos at pag-iisip ng tao.
Nakakatulong din ito upang mapalawak ang kaisipan sa pamamagitan ng
pagbabasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad o paglalapat ng interpretasyon sa
paksa. Nakakalawak din ito ng isang eksperyensa ng isang manunulat sa mundo
ng pananaliksik dahil marami siyang makakasalamuha at matuklasan na mga
bagay-bagay. Nakakataas rin ito ng respeto at tiwala sa sarili kung maayos at
naisakatuparan ang pag-aaral na isinasagawa. Kaya ang pag-aaral na ito ay
magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:
1. Sa mga mag-aaral. Ang pag- aaral na ito ay nakakatulong sa kanila upang
malaman ang mga epekto ng pagsasagawa ng pananaliksik sa mga interes
at proseso ng kasanayan kapag isasagawa na nila ang pag-aaral.
2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay mag bibigay sa kanila ng kaalaman
ukol sa pagsasagawa ng pananaliksik at kung paano ito makakatulong sa
pag-uunlad ng bayan.
3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maari nilang
balikan at ito ay makakabigay ng ediya tungkol sa epekto ng pananaliksik at
kung paano ito nagbago dahil sa mga matutuklasang teknolohiya.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang epekto ng pananaliksik sa


mga mananaliksik, sa mambabasa at sa lipunan at ang pagbabago nito sa
susunod na henerasiyon. Sa mga tuntunin ng pagtuklas ng mga bagong
kaalaman ay mga limitasiyon na dapat isaalang-alang, ang dahilan nito ay
upang mapanatili ang kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Isinagawa ito upang
malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng ikalabing dalawang baitang ng
Notre Dame of Salaman College, taong panunuran ng 2017-2018. Ang
pagtitipon naming ng mga impormasyon at iba pang kinakailangan na
impormasiyon ay ginawa sa NDSC.

You might also like