You are on page 1of 1

1. Ano ang makikita sa bibliograpiya?

 Makikita dito ang katibayan ng pagiging makatotohanan pananaliksik o aklat na ginawa.


Matatagpuan din dito ang talaan ng aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag
na batis katulad ng pelikula, programang
pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang social media networking sites
na pinagkuhanan mo ng impormasyon. Makikita din dito ang pangalan ng awtor na
nauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/magasin, artikulo, pangalan ng
magasin/pahayagan, lugar ng pinaglimbagan, taon ng pagkalimbag at pahina.
2. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bibliograpiya?
 Mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar kung
saan ito nailathala tagapaglathala, at taon kung kailan ito nailathala.
 Dapat ay nakaayos ang mga ito nang paalpabeto.
 Dapat ay matatagpuan ito sa hulihang bahagi ng aklat o gawaing pananliksik.
 Sa pagsulat, kinakailangang nakapasok ang ikalawa o sumusunod na linya ng
sanggunian.
 Sa pagsulat ng pangalan ng may-akda, unang isulat ang apelyido sa langyan ng tuldok
sadulo.
 Isaalang-alang din ang paggamit ng tamang bantas sa bawat bahagi. Ginagamit ang
tuldok para sapangalan at pamagat. Tutuldok pagkatapos ng lugar na pinaglathalaan.
Kuwit pagkatapos ng tagapaglathala at tuldok pagkatapos ng taon.
3. Bakit kailangang pa ang pansamantalang bibliograpiya?
 Ang paggawa nito ay makakatipid sa oras at panahon sa paggawa ng pananaliksik. Hindi
pa ito pinal sapagkat maari ka pang magdagdag o magbawas sa sanggunian.
4. Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliograpiya?
 Maghanda ng mga index card na pare –pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgada ang
ginagamit ng iba.
 Isulat sa mga index card na ito ang mga impormasyon ng iyong sanggunian.
 Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian.
5. Saan-saan makukuha ang mga impormasyon para sa pananaliksik?
Makakukuha ka ng impormasyon sa disyunaryo, magasin, aklatan o kaya naman maaari pumunta sa
library. Maaari kang makakita nito sa internet, ito ay isa sa may pinakamabilis na hanapan ng datos at
impormasyon. Maaari ka ring makakuha sa mga

You might also like