You are on page 1of 2

PAGBASA AT PAGSUSURI

WEEK 9

1. Ano ang makikita sa bibliograpiya?

Sa aking pagkakaalam, ang bibliograpiya ay isang talaan ng mga ginamit na sangguniang aklat,
pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nang paalpabeto. Makikita rito ang pangalan ng may akda,
pamagat ng aklat o artikulo, pangalan ng magasin o pahayagan, lugar kung saan ito nailathala , taon ng
pagkalimbag at pahina.

2. ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bibliograpiya?

Maraming dapat tandaan at isasalang-alang sa pagsusulat ng bibliograpiya. Una, dapat ay matatagpuan


ito sa hulihang bahagi ng aklat o artikulo at dapat ay nakaayos ito nang paalpabeto. Sa bibliograpiya,
nararapat na nakapasok ang ikalawa o sumusunod na linya ng sangguanian. Pangalawa, sa pagsusulat ng
pangalan ng may akda, apilyedo ang unang isulat at lagyan ito ng tuldok sa huling bahagi. At panghuli,
kailangan tandaan ang tamang paggamit ng tamang bantas sa bawat bahagi. Ang tamang paggamit ng
tuldok o period ay para sa pangalan at pamagat, tutuldok o colon sa lugar na pinaglathalaan, kuwit o
comma pagkatapos ng tagapaglathala at tuldok pagtapos ng taon.

3. bakit kailangan pa ang pansamantalang bibliograpiya?

Sa aking pang-unawa, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pansamantalang pananaliksik ay nagbibigay


ito ng kanais-nais na pananaw ng iba sa ginawang pananaliksik. Maiiwasan ang pagtataka at pagdududa
ng mga mambabasa sa mga inilalaman ng pananaliksik. Isa rin itong daan upang madaling mabalikan o
matuklasan ang sangguniang ginamit sa isinagawang pananaliksik kung ito ay muling kakailanganin.

4. ano- ano ng mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliograpiya?

Sa paggawa ng bibliograpiya, may mga bagay o hakbang na dapat sundin at kinakailangan na isaalang-
alang ang mga hakbang ito. Una, kailangan na pumili ka ng paksa at siguraduhin na ito’y malawak o
masaklaw. Pangalawa, mangalap ng sapat na sanggunian at gumawa ng balangkas para sa paksang
tatalakayin. Pangatlo, ihanda ang mga sangguniang magiging kapakipakinabang at gumawa ng talaan ng
iba’t ibang sanggunian. Sa pagtatala nito,sipiin ang awtor, pamagat, at mga tala ukol sa paglilimbag, ang
lugar, ang mga naglimbag at taon ng paglimbag. Panghuli, isulat ito ng organisado at suriing mabuti ang
mga naitala.

5. Saan-saan makukuha ang mga impormasyon para sa pananaliksik?

Makukuha ang mga impormasyon para sa pananaliksik sa mga aklat, dyornal, balita, sa telibisyon at sa
mga social media networking sites. V
Gawain B

Pahalang

Social Media

Impormasyon

Aklat

Mananaliksik

Dokumentratyo

Pahaba

Internet

Datos

Sanggunian

Pahilis

Bibliograpiya

WEEK 10

Radyo o tv

Sabillo, A.S. (2021) COVID-19 deaths in Philippines top 17,000. ABS-CBN Corporation

Magasin

D’Cuncha, D.S. (2021) The Magical Benefits of Neem and Turmeric for Busy Moms. Mommy’s Magazine
Corporation

Aklat

Abueg, E.R. & Cruz,E.E. (1990) Filipino sa Bagong Henerasyon. Malolos Bulacan: Press

Pelikula

R edford,R. (1980) Ordinary People. Network Music Inc.

You might also like