You are on page 1of 3

Pagbasa Tungo sa Kaunlaran

"Kabataan ang pag-asa ng bayan", ayon kay Dr. Jose Rizal ngunit paano kung ang
itinuturing na pag-asa ng bayan ay hindi marunong magbasa? Ang pagbasa ay isa sa mga salik na
kinakailangan sa pananaliksik at ang pananaliksik ay isang importanteng materyal tungo sa
kaunlaran kaya kung karamihan sa mga kabataan ay hindi marunong magbasa, paano na tayo
uunlad? Itinatayang 90% ng mga batang Pilipinong estudyante ang hindi marunong magbasa o
hindi naiintindihan ang kanilang binabasa sa kasalukuyan (GMA, 2023). Indikasyon na maraming
kabataan ang mahihirapan sa hinaharap dahil sa kakulangang ito.

Mahalaga na matutunan at ugaliin ng mag-aaral ang pagbabasa sa kadahilanang


makatutulong ito sa kanila sa araw araw na pamumuhay lalo na sa pananaliksik. Nagbibigay daan
ito sa masusing pag-unawa ng mga teksto at pagsusuri ng impormasyon. Ito rin ang
nagpapahusay sa kakayahang magsuri at magbigay ng maayos na buod ng mga akda. Bukod dito,
ang kasanayan sa pagbasa sa pananaliksik ay nagpapalawak ng kaalaman sa iba't ibang larangan.
Nakakatulong din ito sa pagtuklas ng mga bagong ideya at konsepto. Hindi lamang ito nagbibigay
ng kaalaman kundi nabibigay din ng kasanayan sa pagsusuri na mas kinakailangan sa
pananaliksik. Ang kakulangan sa pagbabasa ay maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng
limitadong oportunidad sa mga kabataan.

Bakit nga ba maraming kabataan ang hirap sa pagbasa? Una na rito ang kawalan ng
access sa mga aklat at iba pang reading materials ay maaaring maging hadlang sa pag-unlad ng
kanilang kasanayan sa pagbasa. Kadalasan, ang kahirapan at kawalan ng mga pasilidad sa
kanilang mga komunidad ay nagiging hadlang sa pagkakaroon ng sapat na access sa mga libro at
iba pang mapanlikha na materyales. Isa na rin dito ang kakulangan sa suporta mula sa mga
magulang at paaralan ay maaaring magresulta sa kawalan ng interes ng mga kabataan sa
pagbasa. Kapag hindi nabibigyan ng tamang suporta at inspirasyon ang mga kabataan upang ma-
develop ang kanilang kasanayan sa pagbasa mula sa kanilang mga tahanan at paaralan, maaaring
magkaroon ng kawalan ng pagganyak upang pagtuunan ito ng pansin. Bukod dito, ang
pagkakaroon ng maraming alternatibong atraksyon tulad ng mga gadget at social media ay
maaaring magdulot ng divertido na pansin mula sa pagbabasa. ang pagiging adik sa mga digital na
bagay ay maaaring magresulta sa pagkakaligaw sa kahalagahan ng pagbasa at literasiya sa
pangkalahatan (International Journal of Community And Public Health,2018).

Masusolusyonan ang problemang ito kung bibigyang-pansin ang mga pangangailangan


sa kagamitan at pasilidad sa edukasyon, lalo na sa mga komunidad na may pinakamababang
antas ng access sa mga ito (Rivera, 2019). Kailangan din palakasin ang mga programa at proyekto
na naglalayong mapalakas ang kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga
aklatan, pag-organisa ng mga pagtitipon sa pagbasa, at pagsasagawa ng mga kampanya upang
ipaalam ang kahalagahan ng pagbabasa. Mahalaga ring mabigyan sila ng tamang edukasyon at
suporta upang mapalawak ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pag babasa. Maaari rin silang
mag paturo sa kanyang pamilya, kaibigan o kamagaral na mayroong kaalaman sa pagbabasa para
lumawak pa ang kanyang kaisipan at mas matutunang magbasa.
Sa kabuoan, ang pagkakaroon ng limitadong kakayahan sa isang paksa dulot
ng walang kakayahang magbasa ay tunay na hadlang sa pagsulat at paggawa ng pananaliksik.
Ayon kay Dr. James Conan, ang pagbasa ay maituturing na pundasyon sa edukasyon. Ito ang
pinakamahalagang asignatura na dapat matutuhan ng mga bata pagkat, kakaunti ang matutuhan
nila kapag hindi muna nila matutuhan ang wastong paraan ng pagbasa. Ang konseptong ito ay
sinusuportahan ang ideya na ang isang tao ay dapat magkaroon ng abilidad sa pagbabasa upang
makabuo ng isang pananaliksik. Ang kaalaman sa pagbabasa ay mahalaga sa isang tao, upang
maunawaan ang kahalagahan ng paghahanap, pag-unawa, at pagsusuri ng impormasyon na
magiging kapaki-pakinabang sa pagbuo ng mga pananaliksik. Lubos ngang dumarami ang
porsyento ng mga indibidwal na walang kakayahan sa pagbabasa, at ito ay sa kadahilanang
marami ring mga salik na nag aambag dito, isa na rito ang kahirapan na siyang nagpapatigil na
makapag aral ang isang indibidwal at matuto ng pangunahin at mahalagang kasanayan tulad ng
pagbabasa. Sa pagpapatala sa paaralan, mataas na proporsyon ng mga batang ito ang napipilitang
huminto, lalo na't tumataas ang mga gastusin sa paaralan sa mga susunod na taon. (Laplana,
2015). Sa kabilang banda, marami rin namang mga solusyon at paraan upang mapalago ang
kakayahang magbasa, kung kaya't naniniwala si Dr. Jose Rizal na "ang kabataan ay ang pag-asa
ng bayan", ikaw? kaya mo bang mapatunayan?

PANGKAT 2 PAMANTAYAN

Leader: Eunice Llyka Rito - Nilalaman


Organisasyon ng Ideya 30
Secretary: Jodie Makiramdam Kalidad ng Mensahe
- Mapanghimok/Mapanghikayat 20
Members: ang Teksto
Bauden, Eunacia KABUOAN 50
Cacatain, Lorraine
De Guzman, Jillianne
Estoque, Agnes
Lazo, Leonard Justine
Rivera, Quincess
Robles, Hanna
Tamayo, Kate Claire
Valentin, Reynalyn
Villianueva, Venice

You might also like