You are on page 1of 4

R. G.

De Castro College
Bulan, Sorsogon

"PAGBUO NG LAYUNIN

SA PAGTUTURO NG

ASIGNATURANG FILIPINO "

(Midterm Wk 1: Pagsasaliksik)

Inihanda ni:

Mark Justine Pelenia

Block 101/ Bsed Filipino

(2020 - 2021)
Bilang isang guro, at nagpapakadalubhasa sa pagtuturo, kailangan nating
matutunan kung papaano gumawa o bumuo ng layunin sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino. Paano? At bakit? Bago nating tunguhin at talakayin ang
paksang ito, ano nga ba ang ibig sabihin ng layunin?

LAYUNIN
• Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng
mga mag-aaral. • Makikita rin dito ang mga estrateheya na nararapat gamitin at ilapat ng mga guro sa
pagtuturo.

Pangunahing Hakbang sa Pagbuo ng mga Layunin Pampagtuturo


1. Kailangang tukuyin ang mga inasahang bunga ng pagkatuto.

2. Ang mga inasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap ay namamasdan o
pagsasagawa ay nakikita.

Dapat tandaan sa paglalahad ng mga Layunin


• Ang gawi o kilos ay nakapokus sa kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral matapos ang leksyon.

• Ang gampanin ay ilalahad sa paraang makikita o ang bunga ng pagganap.

• Dapat ding isaalang-alang kung sa anong kalagayan gagampanan ang gawain.

• Dapat ding banggitin ang sukat o antas ng pagganap ng gawain.

ABCD Pormat Audience Behavior Condition Degree


Halimbawa: • (a) Ang bawat pangkat (b) ay nakasusulat (c) ng isang sanaysay na naglalahad (d) ng hindi
kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal. • Masasagutan nang
tama ng bawat mag-aaral ang 8 sa 10 suliraning pangmatematika sa isang sanayang pagsusulit.

Domeyn ng Layuning Pampagtuturo


•Kognitib Domeyn

•Apektib Domeyn

•Saykomotor Domeyn
Domeyn Pangkabatiran
• Mga layunin na lumilinang sa mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral

• Tumutukoy rin ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko at intektwal.

• Karamihan sa kabatirang pangkobnitibo ay napapaloob sa Bloom’s Taxonomy ni Benjamin Bloom.

Blooms Taxonomy of Objectives


• Anim na lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip ayon kay Benjamin Bloom noong 1959.

• Mula sa pinakapayak hanggang sa pinakakomplikado.

Ebalwasyon, Sintesis, Analisis, Aplikasyon, Komprehensyon, at


Kalaman
• Kaalaman –tumutukoy sa simpleng paggunita sa mga natutuhang impormasyon. (bigyang-
kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin)

• Komprehensyon –binibigyang diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong natutuhan at


pag-uugnay nito sa mga dating impormasyon. (asalin, baguhin, lagumin, tatalakayin, hanapin,
ipaliwanag, lagumin, ilarawan, ipahayag)

• Aplikasyon –paggamit sa natutuhan sa iba’t ibang paraan o tekto. (ilapat, paghambingin,


klasipikahin, idayagram, ilarawan, uriin, markahan, pag-ibahin)

• Analisis –pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi atorganisasyon g natutuhan upang makita ang
kabuuan.(pag-ugnay-ugnayin, tukuyin, kilalanin, bumuo ng hinuha, suriin at magbuod.)

• Sintesis –kailanang pag-ugnayin ang iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng bagong kaalaman.
(lumikha, bumuo, idesenyo, iplano, sumulat, bumalangkas)

• Ebalwasyon –nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag ng mga inilahad na


mga krayterya. (kilatisin, timbangin, suriin, punahin, magtangi, paghambingi, pahalagahan)

Bakit binago ang Bloom’s Taxonomy ng 1959?

Revision ng Bloom’s Taxonomy 2001

Domeyn na Pandamdamin

 Nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at
pagpapahayaga ng mga mag- aaral.
 Ito ay may limang kategorya, Pagtanggap (Receiving), Pagtugon (Responding), Pagpapahayaga
(Valuing), Pag-oorganisa (Organization), at Karakteresasyon (Characterization).

D.R Krathwohl's Taxonomy for Affective Domain

Domen na Saykomotor

 Psycho o mag-iisip at Motor ay galaw.


 Napapaloob dito ang mga layuning makalilinang sa kasayang motor at manipulatibo ng bawat
mag-aaral.

Banghay Aralin

• Isang balangkas ng mga layunin , paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na


isasagawa sa pagsasakatuparan ng mga layunin at napipintong bunga nito. • Kalimitang bahagi ng
banghay aralin.

REFERENCE:

 https://www.slideshare.net/mobile/GlaizaBugarin/mga-layunin-sa-pagtuturo

You might also like