You are on page 1of 1

R. G.

De Castro College

Bulan, Sorsogon

"Aktibiti C"

Name: Mark Justine Pelenia

Kurso at Block: Batsilyer sa Sekondaryang

Edukasyong Nagpakadalubhasa sa Filipino

(Block 208)

Ang mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at
magkapatid na Juan at Antonio Luna ay kapwa nakapag-aral, may talinong taglay at iniibig ang bayan. Si
Dr. Jose Protacio Rizal ay nag-aral para sa bayan, at may layong ipaglaban ito na hindi nangangailangan
ng dahas, ngunit sa pamamagitan ng talino. Si Rizal bilang isa sa nagtatag ng propaganda ay may diwang
nasyonalismo, tapat, at may mataas na pangarap para sa bansang kanyang iniibig. Samantala, si
Graciano Lopez naman ay isang matapang na manunulat na tumutuligsa sa ganid na pamamahala ng
prayle. Si Marcelo H. Del Pilar naman, tulad ni Graciano Lopez, ay isang dakilang makata't manunulat.
Matapang niyang isinisiwalat ang kabalahuraan ng mga namumuno na Kastila. Siya ay matalino't may
pinag-aralan. Ang bawat kilos na kanyang ginagawa ay para sa bayan. Si Mariano Ponce at si Juan Luna
ay may talento sa pagpipinta, siya rin ay matapang at isang manunulat. Ang kapatid niyang si Antonio
Luna na naging isang Heneral, ay isang matapang, magiting, at matalino na handang makipagpatayan
para sa kanyang Bayan. Silang lahat ay kapwa na hangad ang kalayaan at madinig ang boses ng bawat
Pilipino. Silang lahat ay may diwang nasyonalismo at hangad nila ang kalayaan na hindi dimadaan sa
tabak at bolo.

You might also like