You are on page 1of 4

Mga makasaysayang lugar sa Cordillera.

1. Lungsod ng Baguio
- sentro ng kalakalan sa rehiyon.Tinatawag na summer capital ng Pilipinas.
- dinarayo ng mga turista dahil sa klima at mga magagandang pook pasyalan.

2. Camp Utopia, Kapangan


- dating kampo ng 66th Infantry, United Air Force ng Pilipinas, Northern Luzon na lumaban sa mga
Hapones. Dito itinago ng grupo ni Major Bado Dangwa ang mga opisyalales ng Amerika na tinutugis ng
mga Hapones.

3. Burial Site ni Apo Anno


- matatagpuan sa Sitio Nabalicong, Barangay Natubleng Bugias Benguet. Eto ay libingan ni Apo
Anno noong nakaraang ika-12 siglo at pagkatapos nawala ay naibalik sa taong 1984. Isa sa
pinakaimportanteng lugar tungkol sa sineng at kultura ng Benguet. Dito matatagpuan ang mummy ni
Apo Anno na nananatili hanggang ngayon.
4. World War II 66th Infantry Shrine
- matatagpuan sa Lengaon sa kalsada ng Halsema. Eto ay bantayog ng kagitingan na ipinamalas ng
mga sundalong Pilipino at Amerikano na dumepensa laban sa mga boma ng mga Hapones.

5. Veteran Memorial Marker


- eto ay tanda ng pagkakalaya ng Abatan at Buguias sa mga Hapones noong ika 27 ng Hulyo 1945.
Sa pamamagitan ng resolusyon ng munisipyo bilang 19, ang Hulyo 27, 1945 ay naideklarang
Liberation Day at naging kapistahan sa bayan ng Buguias.

6. Camp Bado Dangwa


- matatagpuan sa bayan ng La Trinidad, dating tinawag na Camp Holmes na ginawang sanayan ng
mga recruit na sundalo nong taong 1930 hangang 1935. Naging campa Dangwa eto bilang pagkilala
sa kagitingan ni Major Bado Dangwa sa nakaraang pangalawang digmaang pandaigdig at bilang dating
congressman ng Benguet.
7. Hagdan-hagdang palayan ng Banawe
- matatagpuan sa probinsiya ng Ifugao. Ito ay palayan na ginawa ng mga sinaunang mga taga Ifugao
sa papamamagitan ng kanilang mga kamay. Dati etong tinawag na 8th Wonders of the World.

8. Philippine War Memorial Shrine


- tinatawag ding Yamashita Shrine na matatagpuan sa bayan ng Kiangan, Ifugao. Bantayog na
nagpapaalala sa pagsuko ni General Yamashita ng Japan at pagtatapos din nga ikalawang digmaan
pandaigdig sa Pilipinas.

9. La Trinidad, Beguet
- ay isang ika-1 klase at kabiserang bayan ng lalawigan ng Benguet. Dito matatagpuan ang sikat na
taniman ng strawberry na pangunahing dinadayo ng mga turista.
- Tinawag na Salad Bowl of the Philippines.
10. Camp John Hay
- Eto ay isang 690-ektaryang kampo sa Lungsod Baguio sa kabundukang Cordillera. Itinayô ito ng
mga Amerikano noong 1903 bilang pahingahan at pook-libangan ng kanilang mga sundalo at
empleyado.
- Itinatag ni Theodore Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos, ang John Hay Air Station (o John
Hay Air Base) bilang military reservation ng Amerika. Ipinangalan ito sa kaniyang Kalihim ng Estado, si
John Milton Hay. Kabilang sa mga itinayông gusali ang tahanan ng Gobernador-Heneral ng Filipinas
para sa tag-init, na kilalá ngayon bilang The American Residence, ang tirahan ng embahador ng
Amerika sa Pilipinas.

11. The Mansion


- Opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas ang Mansion House (Mán•syon Haws) kapag
pumupunta ng Lungsod Baguio. Ang Mansion House ay isang makasaysayang gusali. Naitayô ito
noong 1908 sa pangunguna ng Governor General William Cameron Forbes, at ipinangalan niya ito sa
kanyang summer cottage sa New England. Dito ginanap ang pulong ng ikalawang Lehislatura ng
Filipinas sa loob ng tatlong linggo noong 1910.

You might also like