You are on page 1of 7

Self-Instructional Packets (SIPacks)

Araling Panlipunan Grade 3


Quarter 4 – WEEK 2
Aralin: Pang-ekonomiyang Pakinabang ng mga Likas na Yaman

A. Layunin (Objectives)
1. Natutukoy ang mga likas na yaman ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon; at
2. Nakapaglalarawan ng pakinabang pang-ekonomiya ng mga likas na yaman ng kinabibilangang
lalawigan at rehiyon.

Pamamaraan (Procedure)
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:
Gawain 1
Panuto: Punan mo ng mga letra ang mga kahon, upang mabuo ang mga salita sa ibaba gamit ang mga
pangungusap bilang iyong gabay. Sagutin nang pasalita.

1. Ito ay mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, at iba
pa.

L K S
N
Y M N

2. Ito ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Dito malalaman kung ang
isang bansa ay maunlad.

E K N M Y A

3. Ito ay nangangahulugang benepisyo o halaga.

P K N B A G

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)


Ang bawat rehiyon at lalawigan ay sagana sa likas na yaman. Maraming pakinabang ang

Page 1 of 7
maaari nating makuha mula sa mga likas na yamang ito. Ito rin ay nakatutulong upang masuportahan ang
pangunahing pangangailangan ng mga tao at mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Sa araling ito, inaasahan na maipapakita mo ang mga sumusunod na kasanayan:


1. Natutukoy ang mga likas na yaman ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon; at
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas yaman ng
kinabibilangang lalawigan at rehiyon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gawain 2
Panuto: Suriin mo ang mga larawan sa ibaba. Sagutin mo nang pasalita ang mga tanong pagkatapos.

1. Ano-ano ang makikita mo sa mga larawan?


2. Alin sa mga ito ang makikita mo sa iyong lalawigan?
3. Ano ang mga likas na yaman na maaari mong makuha dito?
4. Paano nakatutulong ang mga likas na yamang ito sa pag-unlad ng iyong lalawigan at rehiyon?
5. Mahalaga ba na pangalagaan ang mga likas na yaman ng iyong lalawigan at rehiyon? Bakit?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang/


Alamin Mo/Paunlarin)

Kayamanang Likas ng Gitnang Luzon


● Ang Gitnang Luzon ay pinagpala ng malalawak na kapatagan, kabundukan, at magagandang
dalampasigan o baybay dagat.

Kapatagan sa Gitnang Luzon


● Ang malawak nitong kapatagan ang pangunahing pinagkukunan ng bigas sa buong bansa. Ang
lalawigan ng Nueva Ecija ang nangunguna sa produksiyon ng palay sa buong Pilipinas.
● Nagtatanim din ang mamamayan ng rehiyon ng tubo, mais, milon, pakwan, kasama na rin ang
matatamis na mangga mula sa Zambales, at iba’t ibang uri ng gulay.

Kabundukan sa Gitnang Luzon


● Kasama sa kayamanan ng rehiyon ang malalawak na kabundukan ng Aurora at Zambales.
Marami ang mga matitibay at magagandang puno rito.
● Matatagpuan din sa Zambales ang minahan ng chromite, tanso, at ginto.
● Mayroon ding minahan ng bakal, apog, at marmol sa Bulacan at Bataan, manganese sa
Tarlac, buhangin at luwad naman sa Pampanga.

Mga Yamang dagat sa Rehiyon III


● Maraming mga yamang dagat tulad ng mga isda, hipon, pusit, at iba pang pinagkakakitaan ang mga
tao sa rehiyon. Lalo na sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, at Zambales.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/


Alamin Mo/Paunlarin)

Pakinabang Pang-ekonomiya ng mga Likas na Yaman ng Gitnang Luzon

Ang likas na yaman ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan at pinagkakakitaan ng


buong rehiyon. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod:

Page 2 of 7
❖ Pinagkukuhanan ng pangunahing pangangailangan ng mga tao gaya ng bigas mula sa malawak
na kapatagan ng Nueva Ecija at iba pang kalapit lalawigan.

❖ Pinagkukuhanan ng tabla at poste ang mga puno mula sa Aurora at Zambales na ginagamit sa
paggawa ng bahay, upuan, mesa, aparador, muwebles, at iba pang mga gamit na gawa sa kahoy.

❖ Ang magagandang dalampasigan o baybay dagat sa Aurora, Bataan, at Zambales ay madalas


ding gawing pasyalan ng mga turista.

❖ Nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao ang mga likas na yaman gaya ng pagsasaka,
pagmimina, at pangingisda. Mayroon ding uri ng hanapbuhay na pantahanan tulad ng paggawa ng
silya at basket na yari sa yantok.

❖ Nakagagawa ng iba’t ibang produkto mula sa iba’t ibang pagawaan gaya ng:
a. pagawaan ng sawali sa Tarlac
b. pagawaan ng alahas at kultihan ng balat ng mga hayop, pagawaan ng kutsilyo, itak,
bakya, at paso sa lalawigan ng Bulacan
c. pagawaan ng mga higante at makukulay na mga parol, muwebles, at asukal sa
Pampanga

❖ Mayroon ding malalaking babuyan, manukan, at palaisdaan ng bangus, sugpo, at iba pa sa


lalawigan ng Bataan, Bulacan, at Pampanga.

Sa pangkalahatan, ang sektor ng agrikultura ang nangunguna sa malaking ambag sa ekonomiya


ng rehiyon. Makikita ito sa mataas na produksiyon ng palay, mais, at iba pang mga pananim at
paghahayupan.

Pumapangalawa namang nakaaambag sa ekonomiya ng rehiyon ay ang mga ikinabubuhay sa


mga industriya gaya ng industriya ng turismo at iba pa.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Pagyamanin)


Gawain 3
Panuto: Isulat ang pakinabang na makukuha mula sa kapaligiran ng mga lalawigan sa sariling rehiyon.
Anong mga produkto at hanapbuhay ang makikita rito? Sabihin ang iyong sagot.

Lalawigan Mga Produkto Hanapbuhay


1. Aurora
2. Bataan
3. Bulacan
4. Nueva Ecija
5. Pampanga
6. Tarlac
7. Zambales

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin mo/Aplikasyon)


Performance Task – 15 puntos
Gawain 4
Panuto: Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba. Gamit ang graphic organizer, iguhit mo sa tapat ng
bawat larawan ang likas na yaman na maaaring makuha dito at ang produktong magagawa mula sa likas
na yamang iyong iginuhit. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

Likas na Yaman Mga Produkto

1.
Page 3 of 7
2.

3.

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)


● Ang mga pakinabang na nakukuha sa mga likas na yaman ay nakatutulong upang umunlad ang
ekonomiya ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon dahil ito ay nagsisilbing pinagkakakitaan at
pinagkukunan ng pangunahing pangangailangan ng mga tao na maaaring makatulong din sa pag-
unlad ng bansa.
● Nararapat lamang na pangalagaan at pahalagahan ang mga likas na yaman upang makatulong sa
pag-unlad ng ekonomiya.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) – Lingguhang Pagsusulit (Written Work)

Magaling! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng gawain. Sigurado akong handa ka na sa
maikling pagsusulit na iyong gagawin.

Pagtataya A: Basahin mo ang mga sitwasyon at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang lalawigan ay biniyayaan ng kapatagan at mabundok na anyong lupa na angkop sa pagtatanim ng


niyog. Ano ang pakinabang na maidudulot nito sa lalawigan?

2. Ang lalawigan ay pinagpala sa malawak nitong kagubatan. Anong pakinabang ang makukuha ng
lalawigan at rehiyon sa mga kagubatang ito na nasa mga kabundukan?

3. Kilala ang lalawigan sa industriya ng turismo dahil sa magandang dalampasigan nito. Anong
pakinabang ang idinudulot ng industriyang ito sa lalawigan?

4. Ang mga lalawigan ay mayaman sa yamang mineral tulad ng marmol, nikel, bakal, ginto, at tanso.
Paano makatutulong sa kabuhayan ng rehiyon ang mga yamang ito?

5. Ang mga lungsod ay pinakasentro ng kalakalan at komersiyo ng mga karatig lalawigan nito. Paano ito
makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon?

Pagtataya B: Piliin ang angkop na hanapbuhay na maaaring ibigay ng mga sumusunod na likas na
yaman ng bawat lalawigan sa Gitnang Luzon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
a. Pagtotroso
b. Pagsasaka
c. Pagmimina
d. Pangingisda
e. Paghahayupan

Page 4 of 7
_____ 1. Kabilang sa kayamanan ng Rehiyon III ay ang malawak na kapatagan ng lalawigan ng
Nueva Ecija.
_____ 2. Ang lalawigan ng Aurora ay may malawak na kabundukan na pinagkukunan ng tabla at poste.
_____ 3. Ang lalawigan ng Zambales ay may malawak na kabundukan na pinanggagalingan ng mga
mineral tulad ng chromite, ginto, at tanso.
_____ 4. Maraming palaisdaan o fishpond sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, at Pampanga. Bangus,
tilapia, sugpo, alimango, at iba pang seafood ang matatagpuan dito.
_____ 5. Ang taniman ng tubo sa lalawigan ng Tarlac na ginagawang asukal na nagbibigay kabuhayan sa
mga mamamayan dito.

J. Karagdagang Gawain at Remediation


Gawain 5
Panuto: Punan mo ng angkop na mga salita o parirala ang bawat patlang upang mabuo ang talata. Isulat
at sagutin sa sagutang papel.

Ako si _________________________. Ako ay nakatira sa lalawigan ng ___________________.


Isa sa mga likas na yaman na makikita sa aming lalawigan ay ang ________________. Ang pakinabang
ng likas na yamang ito ay ____________________________. Bilang pasasalamat sa pakinabang na
ibinibigay ng mga likas na yaman, ang gagawin ko ay ___________________________.

Mahusay! Natapos mo ang iyong aralin para sa linggong ito. Ipagpatuloy mo ang iyong
kasipagan sa pag-aaral.

Page 5 of 7
Araling Panlipunan Grade 3
Quarter 4 - Week 2 Modified Assessment – SY 2021-2022

Name: _________________________________ Section: _______ Score:

K. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) – Lingguhang Pagsusulit (Written Work)


Pagtataya A: Basahin mo ang mga sitwasyon at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang lalawigan ay biniyayaan ng kapatagan at mabundok na anyong lupa na angkop sa pagtatanim ng


niyog. Ano ang pakinabang na maidudulot nito sa lalawigan?

2. Ang lalawigan ay pinagpala sa malawak nitong kagubatan. Anong pakinabang ang makukuha ng
lalawigan at rehiyon sa mga kagubatang ito na nasa mga kabundukan?

3. Kilala ang lalawigan sa industriya ng turismo dahil sa magandang dalampasigan nito. Anong
pakinabang ang idinudulot ng industriyang ito sa lalawigan?

4. Ang mga lalawigan ay mayaman sa yamang mineral tulad ng marmol, nikel, bakal, ginto, at tanso.
Paano makatutulong sa kabuhayan ng rehiyon ang mga yamang ito?

5. Ang mga lungsod ay pinakasentro ng kalakalan at komersiyo ng mga karatig lalawigan nito. Paano ito
makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon?

Pagtataya B: Piliin ang angkop na hanapbuhay na maaaring ibigay ng mga sumusunod na likas na
yaman ng bawat lalawigan sa Gitnang Luzon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
a. Pagtotroso
b. Pagsasaka
c. Pagmimina
d. Pangingisda
e. Paghahayupan

_____ 1. Kabilang sa kayamanan ng Rehiyon III ay ang malawak na kapatagan ng lalawigan ng


Nueva Ecija.
_____ 2. Ang lalawigan ng Aurora ay may malawak na kabundukan na pinagkukunan ng tabla at poste.
_____ 3. Ang lalawigan ng Zambales ay may malawak na kabundukan na pinanggagalingan ng mga
mineral tulad ng chromite, ginto, at tanso.
_____ 4. Maraming palaisdaan o fishpond sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, at Pampanga. Bangus,
tilapia, sugpo, alimango, at iba pang seafood ang matatagpuan dito.
_____ 5. Ang taniman ng tubo sa lalawigan ng Tarlac na ginagawang asukal na nagbibigay kabuhayan sa
mga mamamayan dito.

Page 6 of 7
L. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin mo/Aplikasyon)
Performance Task – 15 puntos
Gawain 4
Panuto: Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba. Gamit ang graphic organizer, iguhit mo sa tapat ng
bawat larawan ang likas na yaman na maaaring makuha dito at ang produktong magagawa mula sa likas
na yamang iyong iginuhit. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

Likas na Yaman Mga Produkto

1.

2.

3.

Page 7 of 7

You might also like