You are on page 1of 14

MGA ANYONG LUPA

Bundok
Ang bundok ay anyong lupa na
lumalagpas sa taas ng paligid ng
mababang bahagi ng lupa sa isang
limitadong lawak.
Ang bundok ang pinakamataas na
anyong lupa.
Bulkan
Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na
naglalabas ng mainit na "lava" tuwing
pagputok.Ang isang bulkan ay maaring maging
di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng
pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
Ang Bulkan Mayon ang pinakamaganda sa
bansa dahil sa hugis-kono nito. Itoay
matatagpuan sa Albay,Bicol.
Lambak
Ang mga lambak ay patag na lupa na
nasa pagitan ng mga bundok o
burol.Ang lupa sa paligid ng
mga bundok ay nadadala sa
mga lambak tuwingumuulan at
pananim na gulay at palay.
Burol
Ang burol ay mas mababa kaysa sa bundok.
higit na mas mababa ito kaysasa bundok at ang
halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills
ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito
at tinutubuan ng mga luntiang damo sa
panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay
nagiging kulay tsokolate
Kapatagan
Ang Kapatagan ay isang malawak at patag na anyong
lupa.Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba
ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.Maaaring itong
taniman ng mga palay,mais,at gulay.
Talampas
Ang talampas aay isang patag na lupa sa mataas ma lugar.
Ito ay maaaringgawing pastulan ng baka at ibang
hayop.Tinatamnan din ito ng mgagulay,prutas, at palay.
Dahil ito ay nasa mataas na lugar, malamig ang klima sa
talampas. Ang Baguio na tinagurian Summer Capital of the
Philippines, ay isanghalimbawa ng talampas. Isa pa rito ay
ang Talampas ng Bukidnon kung saanmatatagpuan ang.
pinaka malaking taniman at pabrika ng pinya na pag-aaring
Del Monte sa Pilipinas.
Anyong Lupa Pangalan
___1.
A. Burol
___2.
B. Bulkan
___3.
C. Talampas
___4.

D. Bundok
__5.
E. Lambak

You might also like