0% found this document useful (0 votes)
195 views2 pages

Anyong Lupa

Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang anyong-lupa sa Pilipinas tulad ng bulkan, burol, lambak, talampas, kapatagan, lawa, ilog at karagatan. Binigyang-diin nito ang ilang halimbawa ng bawat anyong-lupa kasama ang kanilang lokasyon.

Uploaded by

Guidong Reyes
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
195 views2 pages

Anyong Lupa

Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang anyong-lupa sa Pilipinas tulad ng bulkan, burol, lambak, talampas, kapatagan, lawa, ilog at karagatan. Binigyang-diin nito ang ilang halimbawa ng bawat anyong-lupa kasama ang kanilang lokasyon.

Uploaded by

Guidong Reyes
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

BULKA BUROL LAMBA TALAMP

Ang bulkan ay mataas na anyong-lupa gaya ng bundok. Ito ay maaaring magbuga


ng kumukulong putik, malalaking bato, lahar, at gas.

Ang Bulkang Mayon ay may hugis na perpektong kono at matatagpuan sa Albay


sa probinsiya ng Bicol.

Ang burol ay mataas na anyong-lupa ngunit mas mababa sa bundok.

Ang Chocolate Hills ay nababalot ng luntiang damo sa panahon ng tag-ulan, at


nagiging kulay tsokolate sa panahon ng tag-init. Ito ay matatagpuan sa Bohol.

BULUBUNDU KAPATAGAN TALON


ILOG LAWA KARAGATAN
Ang lawa ay isang anyong-tubig na napapalibutan ng lupa. Karamihan ay
nagsisilbing pangisdaan at pinagkukunan ng tubig para sa gawaing-bahay.

Ang Lawa ng Taal ay pangatlo sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ito ay


matatagpuan sa Batangas.

Ang talon ay may tubig na bumabagsak mula sa isang mataas na dalisdis.

Ang Talon ng Maria Cristina na na matatagpuan sa Mindanao ay pinagkukunan


ng elektrisidad sa isang lalawigang matatagpuan dito.

Ang karagatan ay ang pinakamalaking anyong-tubig. Ang Pilipinas ay


napapalibutan nito.
Ang Karagatang Pasipiko ay matatagpuan sa silangan ng Pilipinas.
Ang lambak ay patag na lupa na matatagpuan sa pagitan ng mga bundok o
burol.

Ang Lambak ng Cagayan ay ang pinakamalawak na lambak sa Pilipinas. Ito ay


matatagpuan sa Rehiyon II.

Ang talampas ay patag na lupa sa mataas na lugar.

Ang Lungsod ng Baguio o “Lungsod ng mga Pino,”ay nasa isang talampas.

Ang kapatagan ay isang malawak na patag na lupa. Maraming tao ang


naninirahan ditto.

Ang Gitnang Kapatagang Luzon ay ang pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas.


Ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,
Pangasinan, at Tarlac. Dito nagmumula ang malaking suplay ng bigas sa bansa.

Ang ilog ay mahaba at makipot na anyong-tubig na umaagos mula sa mga sapa


o bukal sa itaas ng bundok, patungo sa karagatan.

Ang Ilog Cagayan ay ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Dumadaloy ito sa mga
lalawigan ng Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya.

You might also like