Noong unang panahon sa Pilipinas hanggang ngayon, napakaraming
magagandang pook pasyalan na maaaring mapuntahan. Isa narito ang aking Unang- una napuntahan ay ang isang beach resort sa Bataan. Sobrang ganda ng mga tanawin roon, malinis ang dagat, tahimik, at napaka-lambot ng buhangin. Sumunod ay isa ring di malilimutang paglalakbay noong pumunta kami sa Baguio kasama ang aking buong pamilya. Sobrang lamig sa Baguio noong mga oras na iyon. Nagpunta kami sa Burnham Park, isang napakalaki at napaka-gandang parke doon. Pagkatapos pinuntahan din naming ang Strawberry Farm kung saan nagtatanim ng Strawberry at maraming nagbebentang mga keychains at marami pang iba. Sa Rehiyon 1 matatagpuan ang Ilocos Norte at Ilocos Sur. Ako at ang aking pamilya ay nagbakasyon sa Ilocos Norte. Pumunta kami sa lalawigan ng Bangui, kung saan matatagpuan ang mga dambuhalang windmills. Pagkatapos naming pumunta doon ay nagpunta naman kami sa Parola o Light House na matatagpuan parin sa Ilocos Norte. Ang sarap pala ng pakiramdam ng umaakyat sa isang Parola at tumingin ng magagandang tanawin. Masayang maglakbay, lalo na kung kasa-kasama ang buong pamilya. Mula noon hanggang ngayon ang aming paglalakbay ay isa sa mga diko malilimutan karanasan sa buhay ko.