You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Silangang Asya–
Banghay ng Maikling Kuwento

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Supportive Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Panitikang Asyano: Banghay ng Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melba A. Carolasan
Closilda J. Castillon
Editor/Tagasuri Lea Jane T. Lañoso /Alma R. Santiago
Tagalapat: Kevien Ian I. Albon
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD
Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

InilimbagsaPilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang lugar na ating lalakbayin ay hindi na bago sa inyo.


Malaki ang naging impluwensya ng bansang ito sa ating
kultura at tradisyon. Marami sa mga nagugustuhang
pagkain ng mga Pilipino ay nagmula sa kanila tulad ng
pansit, mami, siomai, siopao, lumpia at lechon. Mula sa
pagkain, damit at mga kagamitan sa bahay, naging
bahagi sila ng ating pang-araw-araw na buhay. May ideya
ka na bas a bansang aking tinutukoy? Tama! Ang
bansang Tsina. Nais mo bang malaman ang iba pa nilang
kultura? Kilala ang mga Tsino sa pagpapahalaga sa
kanilang pamilya. Makikita sa mga nakakaangat ng
pamilya ang pagsasama-sama sa iisang bubong hanggang
sa ikalimang henerasyon. Higit din nilang
pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa sa babae dahil
ang lalaki ang magdadalang apelyido pamilya. Lalaki rin
ang inasaahang magtatrabaho para sa pamilya at ang
babae naman ang mangngalaga sa tahanan.

Handa ka na bang malaman ang kuwento ng Niyebeng


Itim?

Simulan natin ang ating aralin gamit ang inyong matang mapanuri! Inaasahan
na pagkatapos ng ating paglalakbay ay matutuhan mo ang mga sumusunod:
• Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.
(F9PN – IIe-f-48)
• Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang sa kuwento. (F9PS-IIe-f-50)
• Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.
(F9PU-IIe-f-50)
• Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at
pagtatapos ng isang kuwento.(F9WG-IIe-f-50)

1
Balikan

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+ama+na+dapat+tularan&tbm=isch&ved=2ahUKEwih87mhn__sAhVQAaYKHRPaAuoQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+ama+na+dapat+tularan&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAOgQIABAeOgYIABAIEB5Q0MsPWKiaEGCYnhBoAnAAeASAAfgBiAG-
LZIBBjEuMzYuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=0FauX6HLHNCCmAWTtIvQDg&rlz=1C1SQJL_enPH908PH908#imgrc=aoLUsG66EazAJM&imgdii=c1lbS
7TVH02CiM

Shttps://www.google.com/search?q=larawan+ng+lalaking+lasing&tbm=isch&ved=2ahUKEwjF5IPMof_sAhURNaYKHRabAWEQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+lalaking+lasing&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOggIABCxAxCDAToGCAAQBRAeOgYIABAIE
B5Q-
GNY_eQBYPLnAWgMcAB4BIABoQOIAYA7kgEKMC4zNy44LjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=QlmuX8W7Jp
HqmAWWtoaIBg&bih=625&biw=1366&rlz=1C1SQJL_enPH908PH908#imgrc=9EBDSQeycFLB6ino

1. Sino sa dalawang ama na nasa larawan ang dapat tularan? Bakit?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Paano ba ang tamang pagtrato at pagpapalaki ng isang ama sa kanyang anak?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Alam mo ba?
Ang akdang iyong babasahin ay mula sa bansang Tsina – ang isa sa
pinakamalaking bansa sa buong daigdig. Ito ay halos may sakop na 90
porsiyentong lupain sa Silangang Asya.

Isang mapangaraping Tsino ang makikilala mo sa kuwentong babasahin. Ito ay


isa sa mga magagandang katangian nilang nagpaangat sa kanilang buhay
kasama ng kasipagan. Napatunayan na ito ng maraming beses maging ng mga
Tsino na naninirahan sa ating bansa. katunayan ang pinakamayamang tao sa
Pilipinas sa loob ng maraming taon hanggang sa kasalukuyan ay mula sa lahi ng
mga Tsino.

2
Modyul Maikling Kuwento
6 Niyebeng Itim

Tuklasin
Gawain 1. Paglalarawan sa kultura ng Tsino sa anyo ng maikling
salaysay.

Alamin natin ang baon mong kaalaman tungkol sa nakapaloob sa araling


tatalakayin natin upang sa pagtatapos ay maipaliwanag mo kung gaano kabisa ang
mga akdang pampanitikan sa Silangang Asya lalo na ang Tsina sa pagpapakilala
ng kultura at kaugalian ng bansang ito.
Sa ibaba ay may makikita tayong iba’t ibang larawan ng Tsina. Gagawin
mong gabay ang mga larawan/imaheng ito.
Panuto: Ilarawan ang sariling kultura ng Tsina sa anyo ng maikling salaysay.

https://www.cctvmixz.com/index.php?main_page=product_info&products_id=33607

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3
https://www.fluentu.com/blog/chinese/2014/07/15/chinese-food-vocabulary-word-list-dimsum/

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

https://www.vecteezy.com/vector-art/1222735-chinese-dragon-in-number-8-on-red-pattern

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4
https://www.emaze.com/@AZTFQCTL

(Kuwento mula sa Tsina)


salin ni Galileo S. Zafra

Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li


Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin,
dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya
ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima.
Nagulat ang klerk kaya nasabi nitong hindi sila sigurado kung maganda pa rin ang
litrato kapag ganoon karami.

May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para
mapigilan ang sarili na sumtukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para
hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na
kahangalan ang ganito.

Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang
kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at
lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang
litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman. Labinlimang
magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang
may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa
kanyang inaasahan. Parang mas manipis ang kanyang labi dahil nakatikom,
nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas
guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo.
Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan
sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang
opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensiya para sa kariton. Hindi naaprobahan
ang kanyang aplikasyon para sa lisensiya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na
ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong.
Mayroon na lamang lisensiya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos.
Wala nang pakialam si Li Huiquan kung anuman ang maaaring itinda.

Ang mahalaga mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang
pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabgal naman sa damit, at mas
mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan
o koneksiyong black-market para talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang
sumubok. Kailangang palakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot

5
magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit
pa iyon sa natatanggap niya bilang alila, hindi ba? Bahala na.

Ang tanging lisensiyang naroroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero


at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kahit anong itinda. Ang mahalaga ay
may gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Inimbita si
Huiquan ng kaniyang Tiya na manood ng magandang palabas sa tv ngunit
tumanggi ito sa kadahilanang marami pang gagawin. Ibinigay kay Huiquan ang
pwesto sa may Timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang nagtangkang
tumingin ng mga paninda niya. “Sapatos na tatak Perfection mula sa free economic
zone! Sapataos tatak perfection gawa sa Shenzen...” ang sigaw niya. Mga blusang
batwing! Halikayo rito!” muli niyang sigaw.

Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na nagsara sa
hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng
muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala
pang kalahating oras nang magbukas ng kaniyang tindahan ay nakabenta siya ng
damit na pang army sa apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero
sa Silangang tulay ay nagkulay talong ang labi nila sa lamif. Ngunit nailigtas
naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.

Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo. Ngunit


naging inspirasyonsa kaniya ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting
maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka
di ba?

Binabati kita sa nagawa mong


paglalarawan sa sariling kultura ng Tsina
sa anyo ng maikling salaysay.

Ngayon, alam kong may kaalaman


ka na sa maikling kuwento dahil napag-
aralan mo na ito noong nakaraang
markahan kung saan sinuri ang kuwentong
makabanghay.

Gawain 1. Pagpapalawak ng Kaisipan

Panuto: Suriin ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa batay sa


paggamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagpapadaloy at
pagtatapos ng napakinggang kwento.

Kaisipang Hango sa Kuwento Suriin batay sa estilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay

1. Kailangang palakasin niya ang


kanyang loob; kung ididilat lamang niya
ang kanyang mata, paaandarin ang
utak, at di matatakot magtrabaho,
maaayos ang lahat.

6
2. Saanman siya magpunta, lagging may
nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat
at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya
nang mababa, umaangat ang kanilang
sarili.

3. Gusto niyang lumaban, pero wala


siyang lakas. Kaya mgpapanggap siyang
tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at
nagmamatyag.

4. Isa siyang basurahan o isa pirasong


basaahn na nais magtago sa isang
butas.

5. Mas mabuting maghintay kaysa


umayaw, dahil walang nakaaalam kung
kalian kakatok ang oportunidad.

Natutuwa ako sa ipinakita mong kahusayan.


Alam kong handa ka ng linangin at
paunlarin pa ang kakailanganing pang-
unawa sa tulong ng mga inilaang gawain.

Gawain 2. Kayarian ng Kuwento

Panuto: Ilarawan ang tauhan, tagpuan, tema ayon sa sariling kultura sa


anyo ng maikling salaysay.
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ilarawan ang tagpuan sa kuwento? Sa iyong palagay, anong panahon naganap
ito? Patunayan.
3. Ano ang tema ng kuwentong binasa?
4. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?

- Ano ang suliraning taglay ng angunahing tauhan?

7
- Paano hinarap ni Hiuquan ang kanyang problema?
- Paano sinikap ni Hiuquan na malutas ang kanyang suliranin?
- Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa?
- Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?

• Gawain 3. Maisasalaysay mo ba?

• Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga ilustrasyon. Isalaysay ang


sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa
nabasang kwento na kinabibilangan ni Hiuquan gayundin ang
kanyang kilos, , gawi at panininwala.

Huiquan, habang nasa loob ng bilangguan.


https://www.thenation.com/article/archive/rethinking-prison-from-the-inside-out/

nagtitinda ng kasuutang panlamig


https://www.amazon.com/MyGift-Mounted-Garment-Hanging-Clothes/dp/B01FEO0RCC

8
Suriin
Upang higit na maging malinaw ang ating kaalaman, may dalawang
bahagi tayong dapat matutuhan, at ito ay ang mga sumusunod:

A. Panitikan

Ang maikling kuwento


- ay isang akdang pampanitikan na naglalayong magsalaysay ng
isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.

- Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan


at ang diwa ay naglalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang
mabilis ang galaw.

Mga Bahagi ng Maikling Kuwento

1. Panimula: Sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa sa isang


kawili-wili at kapana-panabik na akda; karaniwang inilalalahad ang mga katangian
ng pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin na siyang magiging pokus ng
tunggalian.

2. Saglit na Kasiglahan: Dito matatagpuan ang mga pagbabalik-tanaw at


pagpapakita ng kung paano humantong sa ganoong punto ang sitwasyon. Makikita
rin dito ang pagtatagpo ng mga tauhan na kabilang sa suliranin ng akda.

3. Paglalahad ng Suliranin:Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng


pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga pangyayari sa akda. Ang mga
tauhang may malaking kahalagahan ay ang mga tauhang umiikot sa suliranin ng
pangunahing tauhan.

4. Tunggalian: Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaaring


mula rin sa suliraning nailahad. Maaaring kalaban ng tauhan ang kapwa tauhan,
ang sarili, ang kalikasan o ang lipunang ginagalawan ng pangunahing tauhan.

5. Kasukdulan: Ito ang pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda. Dito na


rin matatagpuan ang kalutasan sa suliranin o ang katapusan ng tunggalian ng
pangunahing tauhan. Makikita rin dito ang pinakamatinding pangyayari ng akda,
kamatayan ng bida o tagumpay.

6. Wakas/Kakalasan: Ang katapusan ng akda. Dito na mapapayapa ang mga


tauhan matapos malutas ang suliranin at humupa ang tunggalian.

9
Suriin ang estilo ng may-akda sa pagbuo niya ng
kuwentong ito. Ano ang masasabi mo sa estilo niya sa
pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas?

Suriin ang maikling kuwento gamit ang sumusunod na


gabay na tanong:

Pagsusuri ng Pagsisimula

Ano ang masasabi mo sa estilo ng may-akda sa pagsisimula


ng kuwento?
Paano niya ito sinimulan?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Pagsusuri ng Pagpapadaloy

Paano pinadaloy ng may-akda ang kuwento?


Bigyang-puna ang estilo ng may-akda sa pagpapadaloy ng kuwento?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pagsusuri ng Pagwawakas

Paano winaksan ng may-akda ang kuwento?


Naging epektibo ba ang estilo niya sa pagwawakas? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

10
Pagyamanin

Kultura ko, Ibibida Ko!


Ipagpalagay mong ikaw ay isang mamamahayag sa inyong paaralan
.Inatasan kang sumulat ng maikling kuwento na naglalarawan ng sariling kultura
sa anyo ng maikling salaysay.

Panuto: Isalaysay at ilarawan ang sariling karanasan na may kaugnayan sa


kultura na ginagamitan ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at
pagtatapos ng isang kwento sa anyo ng maikling salaysay.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Ang isusulat na maikling kuwento ay tatayain gamit ang rubriks sa ibaba.

3 – Napakahusay 2 - Mahusay 1 – Kailangan ng Tulong

- Nailarawan nang buong - Nailarawan ang kultura - Hindi gaanong


husay ang kultura sa sa nabuong kuwento. nailarawan ang kultura
nabuong kuwento. - Orihinal at akma sa sa nabuong kuwento.
- Orihinal at akma sa napiling paksa. - Hindi akma sa napiling
napiling paksa. - madaling maunawaan paksa.
- Kagiliw – giliw basahin at may kaisahan. - mahirap maunawaan
at may kaisahan. dahil walang kaisahan.

Isaisip
Binabati kita sa layo ng iyong narating sa modyul na ito. Kayang-
Kaya di ba? Ngayon, kahit na alam ko na lubos mo ng naunwaan ng lubos at
nakuha na natin pareho ang layunin sa sesyong ito, ay bibigyan pa rin kita isa
pang pagsubok na lalong magdudulot sa iyo ng walang kapantay na karunungan
sa paksang ating sabay na nilakbay. Ang gagawin mo lang ay sasagutin mo ang
iilang katanungan na ibibigay ko sa iyo..Pssst bawal ang bugnutin kaya…ngiti
muna bago magsimula!

11
1. Kung ikaw si Hiuquan, paano mo maipapakita sa iba na sa kabila ng
pagsubok na iyong naranasan ay kaya mo pa ring bumangon sa iyong
kinasadlakan?Ipaliawanag.
2. Paano mo bibigyang pagpapahalaga ang mga taong tumulong sa iyo upang
makabangon?

3. Ano ang ginintuang aral na natutunan mo sa kuwento na magagamit mo sa


pang-araw –araw na buhay?

4. Ano ang mensahe na nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa?

Pagtataya
Gawain D. Gaya-gaya .. Ang Saya-saya!
Panuto: Isalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang kuwentong Niyebeng Itim.Gawin ito sa paraan
ng pagsulat ng liham na kahalintulad ng” Maalaala Mo Kaya”

Dear Ate Closi,


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG LIHAM

Mga Krayterya 10 7 4 2 PUNTOS


Labis na Naging Hindi Walang
nagpamalas ng malikhain gaanong ipinamalas na
pagkamalikhain sa pagsulat naging pagkamlikhain
Pagkamalikhain
sa pagsulat ng ng liham malikhain sa sa pagsulat ng
liham pagsulat ng liham
liham

12
Malinaw na Naging Hindi Hindi handa
Malinaw ang malinaw ang malinaw gaanong at hindi tapos
mensahe ng mensahe ng ang malinaw ang ang liham.
liham liham mensahe ng mensahe ng
liham liham.
Maayos na Naging Hindi Hindi ganap
Naipakita ng
maayos na maayos na gaanong na maayos
maayos ang
naipakita ang naipakita maayos ang ang layunin
layunin ng
layunin ng ang layunin layunin ng ng liham
liham
liham ng liham liham.
Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop
angkop ang paksa ng gaanong ang layunin
Kaangkupan sa
paksa ng liham liham angkop ang ng liham.
paksa
paksa ng
liham.
(mula kay Teacher Alma Santiago ang rubriks na ito )

Karagdagang Gawain

Alam kong mahilig kang manood ng telenobela. Pumili ng paborito mong


telenobela na iyong napapanood gabi-gabi sa telebisyon.Kung wala kang
telebisyon, pumili ka ng paborito mong nobelang iyong nabasa.
Panuto: Isulat ang maikling buod nito gamit ang mga pahayag sa pagsisimula,
pagpapadaloy at pagatatapos ng isang kwento.Kung wala kang tv, yung nobela na
lang na iyong nabasa.

Batayan ng pagmamarka:
Pahayag sa pagsisimula......................................................50%
Pagpapadaloy ng kwento.....................................................30%
Pagtatapos ng kwento..........................................................20%
Kabuuan............................................................................100%

13
Susi sa Pagwawasto
Iba-iba ang sagot depende sa kakayahan ng mag-aaral. (Tatayain ang mga gawain
gamit ang rubrik sa itaas)

Sanggunian
Pinagyamang Pluma – Ikalawang Edisyon
Ailene G. Baisa Julian; Mary Grace G. del Rosario; Alma M. Dayag
Panitikang Asyano 9

Google.com
https://zingnews.vn/bao-luc-gia-dinh-o-chau-a-duoc dung-duong-trong-nen-
van-hoa-nam-tri-post983958.html
https://365psd.com/istock/dad-son-balloons-577057
https://www.cctvmixz.com/index.php?main_page=product_info&products_id=3360
7
https://www.fluentu.com/blog/chinese/2014/07/15/chinese-food-vocabulary-
word-list-dimsum/
https://www.vecteezy.com/vector-art/1222735-chinese-dragon-in-number-8-on-
red-pattern
https://www.emaze.com/@AZTFQCTL
https://www.amazon.com/MyGift-Mounted-Garment-Hanging-
Clothes/dp/B01FEO0RCC
https://www.thenation.com/article/archive/rethinking-prison-from-the-inside-
out/

14

You might also like