You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY
WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter: 1 Grade Level: 6


Week: 8 Date: Oktubre 17, 2023

Time: 9:00 – 9:50 Learning Area: Filipino 6


Topic/s: Nakasusunod sa panuto. Nakasusunod sa panuto F6PN-h-1.1

1. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagtala ng Liban sa Klase
- Maaari bang tumayo ang mga lider ng bawat grupo upang ibalita ang mga
liban sa klase.
Pagsasaayos ng silid – aralan
- Umupo ng tuwid, pakidampot ang mga kalat na nakikita sa paligid, handa na
bang making?
Indicator 5 – Established safe and secure learning environments to enhance learning through the consistent
implementation of policies, guidelines and procedures
Pagbati
- Magandang umaga mga bata! Kamusta kayong lahat? Handa na ba para sa
ating aralin ngayon araw?

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin. (3 minuto)


Panuto: Ibigay ang pinaka-angkop na kahulugan ng mga salitang may salungguhit
ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Ayusin ang mga nagulong salita
upang makuha ang tamang sagot.
Indicator 1-Within Curriculum (Filipino - Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap.)
1. Marami ang napahamak dahil sa walang patumanggang paglalaban kung
kaya’t napilitan silang umalis. N S A U K A T P S - KATAPUSAN
2. Tuwing piyesta, naririnig ang bunghalit ng mga tugtugin sa perya.
N G I Y A – INGAY
3. Isang marangyang karwahe na hila ng apat na puting kabayo ang
sinakyan ng prinsipe. M G A A R A – MAGARA
4. Bahagi ng kalinangan ng mga mamamayan ang mga tradisyon at
kaugalian. A R U T L U K - KULTURA
5. Maraming masasarap na pagkaing inihanda sa piging para sa kanyang
kaarawan. H N A A D A N - HANDAAN
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (5 minuto)
Babasahin ng mga mag – aaral ang maikling kuwento na nakapaskil.
Indicator 2 – Used a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and
numeracy skills.
BANGKANG PAPEL

Sa tuwing makikita niya ang mga batang naglalaro ng bangkang papel at sa tuwing
uulan nang malakas, naaalala niya ang isang batang hindi na natupad pa ang pangarap
niyang pagpalutang ng ginawang tatlong bangkang papel.

Nais sana ng bata na magpaanod ng bangkang papel kinabukasan kaya gumawa

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY
siya ng tatlong piraso. Gayunman, lubhang malakas ang ulan kaya naman umaasa siyang
wala na ito bukas upang mapaandar ang bangkang papel na ginawa.

Habang malakas ang ulan, naalala ng bata ang kaniyang amang sundalo. Tinanong
nito ang ina kung wala pa ang kaniyang ama at sinabing wala pa naman. Panahon kasi ng
digmaan noon kaya abala ang ama niya sa paglilingkod bilang sundalo.

Kinabukasan, kumalma na ang panahon. Ngunit ang ina ng bata ay ang siya namang
nawalan ng kapayapaan. Umiiyak ito na nakita ng kaniyang anak. Batid niya noong may
suliranin na kaya dahan-dahan ang kaniyang paglakad.

Dito na inilahad ng kaniyang ina ang nangyari sa kaniyang ama. Kasama ito sa ilang
nasawi sa nangyaring engkuwentro noong gabi kung saan malakas ang ulan. Hindi
malaman ng lalaki ang kaniyang mararamdaman.

Napaluha na lamang ito at napasigaw sa sinapit. At hindi na rin nito napaanod ang
ginawa niyang mga bangkang papel.

Ano ang inyong naramdaman sa binasa ninyong kuwento?


Naranasan niyo na bang magpaanod ng bangkang papel?

Upang maibsan ang ating mga nalulungkot na damdamin, at tayo ay bibigyan ng


pagkakataon na baguhin o dagdagan ang wakas ng kuwento ay sasamahan natin ang bata
na magpaanod ng bangkang papel.
Indicator 1-Within Curriculum (Filipino - Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (5 minuto)


Ngunit bago iyon ay gagawa muna tayo ng bangkang papel.

“PANUTO SA PAGGAWA NG BANGKANG PAPEL”


1. Kumuha ng isang pirasong colored paper.
2. Itupi ang kinuhang papel ng pahalang sa gitna.
3. Muli itong itupi sa gitna ng pahaba.
4. Tanggalin sa pagkakatupi ang pahabang tupi na ginawa sa ikatlong hakbang
sapagkat ito ay gabay lamang upang magkaroon ng parehong sukat ang
magkabilang bahagi ng papel.
5. Itupi ang kaliwa at kanang bahagi ng itaas na dulo ng papel papunta sa gitna.

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY
Magtatagpo sa gitna ang dalawang dulo ng papel.
6. Itupi pahalang ang ibabang bahagi ng papel na hindi sakop ng tatsulok. Ito ay
dapat na umiibabaw sa hugis tatsulok na nabuo. Gawin din ito sa kabilang bahagi
ng papel. Itiklop na paloob ang dulo upang makabuo ng tatsulok na hugis ng
papel.
7. ibuka ang papel upang magkaroon ng hugis parisukat.
8. itupi ng pabukas sa magkabilang panig upang magkaroon ulit ng hugis tatsulok.
9. Ibukas muli ang papel upang magkahugis ng parisukat
10. hilahin ang magkabilang dulo ng papel na nasa loob.

Sa ibang bansa partikular sa bansang Japan, ang malikhaing pagtupi ng papel


ay tinatawag na Origami. Ito ay sining ng mga gawaing-kamay na kung saan ang
mga produkto ay maaaring gawing dekorasyon. Ang ganitong aktibidad ay
nagtuturo sa mga bata ng mahahalagang kasanayan tulad ng konsentrasyon at
pokus, pati na rin ang pagtaas ng mga kakayahan sa matematika at malikhaing
paggawa, pagsunod sa mga panuto, kontrol ng pinong motor, at pasensya.
Indicator 1-Across Curriculum (MAPEH- Package/Product Design)

Paano ninyo nagawa nang maayos ang bangkang papel?


Nasunod niyo ba ang bawat hakbang sa pagsunod nito?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
(20 minuto)
Ano ba ang PANUTO?

Ito ay ang direksyon, instruksyon, o paliwanag sa isang gawain o pangyayari


na dapat sundin.

Kumuha ng yeso at drillboard. Sa pagkakataong ito ay gawing pintor o


mangguguhit ang mga bata.

Una sa lahat, gumuhit ng hugis tatsulok sa bandang itaas ng drillboard.

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY

Pagkatapos, gumuhit naman ng parisukat sa ibaba ng tatsulok siguraduhing


nakadikit ito sa ibabang bahagi ng tatsulok.

Pagkaraan, gumuhit ng dalawang maliit na parisukat sa loob nito. Isa sa kaliwa


at isa sa kanan.

Pagkatapos, gumuhit ng patayong parihaba sa loob ng malaking parisukat sa


bandang ibaba.

Panghuli, gumuhit ng isang punongkahoy, mga halaman at isang pamilya sa


tabi at labas ng nabuong mga hugis.

Ano ang inyong naiguhit na larawan?

Kung ang naiguhit ay bahay ng isang pamilya, kayo ay nakasusunod ng wasto sa


panutong ibinigay.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Mahalaga ang pagiging mapagmasid sa panutong ibinigay.
Anu-ano ang mga salitang nakatulong sa pagsunod ng panuto?
Bakit kailangan gumamit ng bilang o ng mga salita na nagsasaad ng pagsusunod-
sunod ng mga gawain sa pag intindi ng panuto?

Ang mga salitang nagsasaad ng hakbang ay nakatutulong sa pagsunod ng


panuto.

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY

Una sa lahat….. Pagkaraan…


Ang una mong gawin… Pangalawa…
Pagkatapos… Pangatlo…
Susunod… Panghuli…

F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment) (6 minuto)


PANGKATANG GAWAIN

ISTASYON NG KAALAMAN
Hatiin ang klase sa 4 na grupo.
Iikot ang bawat grupo ng tig dadalawang minuto sa bawat istasyon.
Susundin ang mga panuto upang makuha ang mga kaalaman na nakatalaga
dito.
Indicator 6 – Maintained learning environments that promote fairness, respect and care to encourage
learning.

Istasyon ng Agham Istasyon ng Kasaysayan


Sundin ang mga Panuto. Sundin ang mga Panuto.
1. Sagutin ang tanong. 1. Kumuha ng isang sobre na
2. Upang makuha ang naglalaman ng pira-prasong mga
sagot kwentahin ang larawan.
mga sumusunod: 2. Buuin ang larawan.
3. Kunin ang katumbas na 3. Sagutin ang tanong.
letra ng bawat numero 4. Isulat ang sagot sa likod ng sobre.
upang makuha ang 5. Ibalik ang mga larawan sa loob ng
tamang sagot. sobre.
_____ ______ ______ ____ _______
170/17= 23+13= 126-56= 41x3= (14x2)-5

Aling planeta ang umiikot nang


paatras kumpara sa iba?
C Z V O L S M
5 125 10 15 41 23 32

N T U
Gregoria De Jesus
A I S E
70 125 123 Melchora Aquino
73 52 23 36
Trinidad Tecson
Teresa Magbanua
Istasyon ng Talento Istasyon ng Sining
Sundin ang mga panuto. Sundin ang mga panuto.
1. Iyuko ng kaunti ang 1. (unang grupo) Paghaluin ang kulay
kalahating bahagi ng pula at asul.

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY
katawan. 2. (Ikalawang grupo) Paghaluin ang
2. Ipatong ang kanang dilaw at pula.
kamay sa kanang 3. (Ikatlong grupo) Paghaluin ang asul
tuhod. at dilaw
3. Ipatong ang kaliwang 4. (Ikaapat na grupo) Paghaluin ang
kamay sa kaliwang pula at puti.
tuhod.
4. Ikembot ang katawan Anu- anong kulay ang inyong mga nabuo?
na parang uod.
5. Sayawin ang “Tayo’y
mag otso – otso”

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (2 minuto)


Sundin ang mga panuto.
Una, ayusin ang mga upuan.
Pangalawa, damputin ang mga kalat na nasa ilalim ng upuan.
Pagkatapos, umupo ng tuwid.
At panghuli makinig sa leksyon.

H. Paglalahat ng Aralin (3 minuto)


Ano ang panuto?
Ano ang maaaaring bunga ng hindi pagsunod ng panuto?
Kapag nasunod mo naman ano ang dulot nito?
Bakit kailangan gumamit ng bilang o ng mga salita na nagsasaad ng pagsusunod-
sunod ng mga gawain sa pag intindi ng panuto?

Indicator 3 – Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as well as other
higher-order thinking skills.

I. Pagtataya ng Aralin (5 minuto)


Sundin ang sumusunod sa mga panuto at tingnan kung ano ang iyong mabubuo.
1. Kumuha ng isang papel. Isulat sa unang linya sa bandang kaliwa ang
pangalan sa malalaking titik, sa bandang kanan ay isulat ang petsa ngayon.
2. Gumuhit ng malaking bilog sa gitna ng papel.
3. Lagyan ng maliliit na bituin sa bandang itaas ang loob ng bilog.
4. Gumuhit ng mga pakurbang linya sa bandang ibaba ng loob ng bilog
5. Sa ibabaw ng unang pakurbang linya ay gumuhit ng bangka.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation


Sundin ang mga sumusunod na panuto.
Una, tumulong sa mga gawaing bahay.
Pangalawa, gawin ang mga takdang aralin.

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
SAPINIT ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN, ANTIPOLO CITY
Pangatlo, matulog ng maaga
At panghuli, magdasal at magpasalamat lagi.

PAGNINILAY:

Inihanda ni:

SHANEKYN PRINCESS T. BAGAIN


Guro sa Filipino 6

Iniwasto nina:

DR. MARIE ROSE F. MUÑEZ DR. MARIE ROSE F. MUÑEZ MRS.ZENAIDA R. CANDIDO
Dalubguro I/TA Provider Dalubguro I/TA Provider Dalubguro I/TA Provider

Binigyang-pansin ni:

DR. CATALINA M. BONAYON


Punongguro

Sports Educ. Hub, Sen. L. Sumulong Mem. Circle, Brgy. San Isidro, Antipolo City
Telephone No.: (02) 8630-3110 local 101-115

https://depedantipolocity.edu.ph/ antipolo.city@deped.gov.ph DepEd Tayo Antipolo City

You might also like