Professional Documents
Culture Documents
Lp-Co1-Empania Epp
Lp-Co1-Empania Epp
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL
CAMP TINIO, CABANATUAN CITY
I. Layunin
Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa
at pakpak o isda.
Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik pugo o tilapia.
Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda.
II. Nilalaman
IV. Pamamaraan
Pagbati
Panalngin
Pag check ng attendance
Balik Aral
Sagutin ang mga sumusunod na tanong?
1. Bakit mahalagang malaman ang mga palatandaan na ang tanim ay maaari nang
anihin?
2. Paano napapanatili ang mataas na kalidad ng mga produktong gulay sa
pamilihan?
3. Sa inyong palagay, gaano kahalaga ang pagpaplano sa ipagbibiling aning mga
gulay?
4. Ano ang kaugnayan nito sa pag-unlad ng pamumuhay ng mag-anak na Pilipino?
5. Bakit mahalaga ang pagtatalata ng ginastos at pinagbilhan sa mga inaning gulay?
Exhibited effective strategies that ensure safe and secure learning environments to enhance
learning through the consistent implementation of policies, guidelines and procedures.
Exhibit effective practices to foster learning environments that promote fairness, respect and
care to encourage learning.
Talasalitaan:
1 hindi naglaon
2. kinagigiliwan
3. naidudulot
4. palamuti
5. tropikal
Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop? Paano ninyo ito inaalagaan? Ano ang kahalagahan nito
sa ating buhay
Basahin ang tula.
Ang Aking Alagang Manok
Sunshine Joy C. Manglib
teaching areas.
Modeled effective applications of content knowledge within and across curriculum teaching
areas
Integration of Filipino and ESP
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula
2. Anong hayop ang inlagaan sa tula?
3. Anu-ano ang mga katangian nito?
4. Ano ang dulot ng pag-alaga ng manok na binanggit sa tula?
5. Bakit naging masaya ang lahat
;Pagpapakita ng video:
Gawain 1
Kilalanin ang mga sumusunod na hayop sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik. Isulat ang inyong
sagot sa kartolina, ipaskil sa board at iulat sa klase.
1. K – O – M – N – A
CLUE:
Napagkukuhann ng itlog at karne.
2. L – I – A – P – I – A - T
CLUE:
Inaalagaan sa tubig-tabang. Kilala din sa food business na “Aquatic Chicken”
3. O – P – G – U
CLUE:
Ang itlog nito ay halos limang beses na mas mataas sa iron at potassium kumpara sa itlog
ng manok. Camp Tinio Elementary School
School ID 107100
Block 10, Brgy. Camp Tinio, Cabanatuan City
FB page: Camp Tinio Elem School
Guro at Batang Campo, Dakila at Mabuting Pilipino
a
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL
CAMP TINIO, CABANATUAN CITY
4. K – I – T – I
CLUE:
Ang itlog nito ang pinagmumulan ng sikat na pagkaing pinoy na “balut”.
Paglalapat
Panuto: Sagutan ng TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung
hindi. Kopyahin ang mga pahayag at isulat sa patlang ang tamang sagot.
Gawin ito sa iyong kwaderno.
________ 1. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya ang pag-aalaga ng hayop.
________ 2. Mabisang gawing pataba sa mga tanim ang dumi ng hayop.
________ 3. Nakapagdagdag ng kita ng mag-anak ang pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa, pakpak o isda.
________ 4. Nagbibigay ng stress sa tao ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa, pakpak o isda.
________ 5. Ginagawang palamuti ang mga balahibo ng hayop na may dalawang
paa, at pakpak.
Gawain 2
Kilalanin kung ano ang kabutihang dulot sa mga isinasaad ng bawat
pangungusap. Piliin ang angkop na kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Developed and applied effective teaching strategies to promote critical and creative thinking, as
well as other higher-order thinking skills.
Kapakinabangan ng Inaalagaang Hayop
- Napagkukuhanan ng itlog, karne, gatas, balahibo at balat na maaaring mapakinabangan o maipagbili.
- Nakapagbibigay oras “bonding” lalo na sa mag-anak at maaaring maglayo sa mga ito sa mga hindi magandang
gawain
.
Manok
Tinatawag na free range chicken ang mga manok na katutubo at nabubuhay sa paligid ng bahay.
Ang mga ito ay napagkukuhanan ng itlog at karne.
*White Leghorn –mainam mapagkuhanan ng itlog.
*Broiler – mainam mapagkuhanan ng karne.
Ang mga ito ay napagkukuhanan ng itlog at karne. Madaling alagaan lalo na at hindi maselan sa
pagkain.
Camp Tinio Elementary School
School ID 107100
Block 10, Brgy. Camp Tinio, Cabanatuan City
FB page: Camp Tinio Elem School
Guro at Batang Campo, Dakila at Mabuting Pilipino
a
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL
CAMP TINIO, CABANATUAN CITY
Pato Ang mga ito ay napagkukuhanan ng itlog at karne. Madaling alagaan lalo na at hindi maselan
sa pagkain.
.
Dalawang uri ng pato:*
Itik –mainam mapagkuhanan ng itlog(balut).
Bibe – mainam mapagkuhanan ng karne.
Pugo
Ito ay napagkukuhanan ng itlog at karne. Mainam ang dumi at balahibo nitong gawing pataba. Maaari ding alagaan ang
Japanese Seattle dahil sa mahusay na pangingitlog nito at pagiging malaman para mga mag-uumpisa sa pag-aalaga.
Tilapia at Hito
Ito ay isang uri ng isda na madaling alagaan. Nabubuhay ito sa tubig-tabang lalo na sa mga
bansang tropikal tulad ng Pilipinas. Isa rin ito sa pinakamainam alagaan kung may maliit na
palaisdaan, sapa, ilog o lawa sa likod bahay
Kilalanin ang tinutukoy na mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot.
1. Anong uri ng manok ang dapat alagaan kung nais magparami ng itlog?
a. Japanese Seattle
b. Free Range Chicken
c. White leghorn
d. Broiler
8. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalaga ng hayop maliban sa isa. Alin ito?
a. Dagdag kita para sa mag-anak.
b. Mapagkukuhanan ng karamdaman.
c. Nakawiwili at nakalilibang.
d. Mapagkukunan ng pagkain.
Paglalahat;
Anu-ano ang mga hayop na maaari nating alagaan?
Anu-ano ang panuntunang pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop?
Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop? Anu-ano ang kabutihang dulot nito sa ating buhay?
Anong pakinabang ang nakukuha natin sap ag –aalaga ng hayop?
Pagtataya
Panuto: Lagyan ng (✔) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at (✖) kung
hindi. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
________ 1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakatatanggal ng pagod at nakapagbibigay
kasiyahan sa isang tao.
Camp Tinio Elementary School
School ID 107100
Block 10, Brgy. Camp Tinio, Cabanatuan City
FB page: Camp Tinio Elem School
Guro at Batang Campo, Dakila at Mabuting Pilipino
a
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL
CAMP TINIO, CABANATUAN CITY
________ 2. May mga hayop na nakapagbibigay ng mga masusustansiyang produkto tulad ng
itlog at karne.
________ 3. Tunay na kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng hayop dahil ito ay
nakapagbibigay ng karagdagang kita sa isang pamilya.
________ 4. Nasasayang lamang ang oras ng isang tao sap ag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng
hayop.
________ 5. Walang ibang dala sa tao ang mga hayop kundi perwisyo at sakit ng ulo.
________ 6. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang mabisang paraan ng pag-eehersisyona
nakatutulong sa kalusugan.
________ 7. Ang mga dumi ng hayop ay maituturing na basura at walang pakinabang.
________ 8. Ang mga balahibo ng manok at pabo ay maaaring gawing mga palamuti sa bahay.
________ 9. Ang pagpaparami ng hayop ay isang magandang paraan upang kumita ng
malaki.
______ 10. Masama sa katawan ang labis na pag-aalaga ng mga hayop
V.MgaTala_______________________________________________________________________________
VI. Pagninilay
Prepared by:
EDNA F. EMPANIA
Master Teacher II Noted:
MARJORRIE S. LAZATIN
Principal III