You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

LESSON EXEMPLAR in EPP 5 – AGRIKULTURA


PRE-TEST
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi
wasto.

___________ 1. Isang kapaki-pakinabang na libangan ang pag-aalaga


ng isda.
___________ 2. Kailangan ng isda ang sapat na gulang bago anihin.
___________ 3. Pabayaang bumaba ang tubig sa fishpond.
___________ 4. Iwasang magsiksikan ang mga isda sa fishpond.
___________ 5. Hayaang umapaw ang tubig sa palaisdaan para
makatakas ang maliliit na isda.
___________ 6. Maganda ang naidudulot sa ating katawang ang
pagkain ng isda.
___________ 7. Mabilis dumami at lumaki ang isda.
___________ 8. Tapunan ang fishpond ng mga bagay na nakalalason
para mamatay ang mga peste.
___________ 9. Ang fishpong ay dapat lagyan ng pataba o dumi ng
hayop upang mapanatiling mataba ito.
___________ 10. Mainam na gawing hanapbuhay ang pag-aalaga ng
isda.

LESSON EXEMPLAR in EPP 5 – AGRIKULTURA


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Buwan: ______________ Petsa: _______________
Bilang ng araw: 5
Paksa: Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Isda
Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagsisimula ng Palaisdaan

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pang-unawa sa panimula kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


1. Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng isda.
EPP5AG-0e-11
2. Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa pagsisimula ng
palaisdaan.
EPP5AG-0h-16

II. NILALAMAN: Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Isda


Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagsisimula ng Palaisdaan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: TG pahina 20-22
2. Mga pahina sa Teksbuk: KM pahina 94-96
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
Compendium of Notes in EPP 5 pahina 9-10, DZTC script, larawan o totoong
aquarium
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
IV. PAMAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:
Natutunan ninyo sa ating nakaraang aralin ang tungkol sa mga hayop
na maaaring alagaan tulad ng manok.
Ang pag-aalaga ng manok ay isang kapaki-pakinabang na gawain na
maaaring gawin ng mag-anak kung may kapirasong lugar sa bakuran o likod-
bahay. Ito ay maaaring gawing libangan at mapagkakakitaan pa kung labis sa
pangangailangan ng mag-anak ang alagaang manok. Ang itlog at karne ng
manok ay sagana sa protina na makatutulong sa kalusugan ng mag-anak. Ito
ay may dalawang uri-ang layer at ang broiler. Ang layer ay inaalagaan para sa
itlog at ang broiler ay inaalagaan dahil sa taglay nitong karne.
Ang mga pagkain para sa alagang manok ay:
1. Starting mash- ito ay ibinibigay sa mga bagong pisang sisiw
hanggang anim na linggo.
2. Growing mash- ibinibigay ito bilang pagkain para sa anim na
Linggo hanggang sa handa nang ipagbili o hanggang
mangitlog ang inahin
3. Laying mash-ito naman ay ibinibigay sa mga manok na
nagsisimulang mangitlog.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipakita ang aquarium/larawan ng aquarium. Ipasabi ang mga bagay na nakikita
sa aquarium.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

https://images.app.goo.gl/TSD2QsNyAcuDByJd7

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ipatukoy ang mga iba’t ibang isda na makikita sa pamayanan. Maaring
gumamit ng mga totoong isda, larawan o
video clips.
Paano kaya inaalagaan ang mga isda sa aquarium/ palaisdaan?
May kabutihang maidudulot ba ang pag-aalaga ng isda sa atin at sa
ating pamilya?
Ano-ano ang mga dapat natin isaalang-alang sa pagsisimula ng
palaisdaan?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ang pag-aalaga ng isda o fishculture na tinatawag ay malaking tulong
sa kabuhayan ng isang mag-anak. Natutugunan nito ang kanilang pang-araw-
araw na pangangailangan.

Ang isda katulad ng manok, baboy at baka ay may napakahalagang


bahaging ginagampanan. Karaniwang ito ang makikita sa hapag-kainan ng
isang mag-anak dahil mura at
masustansiya ito. Maganda ito sa ating katawan bilang pinanggagalingan ng
protina.
Sa tamang pag-aalaga ng isda, matutugunan ang iba pang mga
suliranin sa bansa lalo na sa pagkain. Mainam din itong gawing hanapbuhay.
Ang pag-aalaga ng isda ay madaling gawin. Kailangan lamang ang
isang lugar na may sukat na apat na metro ang lapad, limang metro ang haba,
at isa at kalahating metro ang lalim. Ang ganitong kalaking sukat na
palaisdaan ay maaari ng maglagay ng isdang aalagaan upang makatulong sa
isang pamilyang may dalawa o tatlong anak.
Upang hindi tumagos ang tubig, ang paligid ng pag-aalagaan ay
sinesemento. Pagkatapos itong gawin, lagyan ng tubig buhat sa poso o sa ilog.
Hindi magandang gamitin ang tubig na may halong kemikal dahil maaaring
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
ikamatay ng semilya o binhi ng isda. Lagyan ng tubig hanggang isang metro
ang lalim. Hagisan ng dumi ng manok o itik upang magkaroon ito ng pataba.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Mga dapat isaalang-alang sa pagsisimula ng palaisdaan.
1. Binhi
Pumili ng isdang aalagaan na angkop sa lugar at panahon.
Ang tilapia, karpa, bangus at hito ay mga uri ng isda na maaari nating
alagaan. Ang tilapia ay mabilis lumaki at

maaaring anihin sa loob lamang ng 2 hanggang 3 buwan. Inaabot naman ng


isang taon bago anihin ang karpa. Anim na
buwang pag-aalaga naman bago anihin ang bangus at 5 hanggang 6 na buwan
ang hito.

2. Lokasyon
Pumili ng lugar na malapit sa pinagkukunan ng tubig tulad ng ilog,
balon o poso sa buong taon.
Mahalaga na laging sapat ang tubig sa palaisdaan lalo na sa panahon
ng tag-init upang maiwasan ang pagkamatay ng isda.
Mas mapapabilis din ang pagdami ng lumot na nagsisilbing pagkain ng
tilapia kung ang lugar ay naaarawan at hindi binabaha tuwing umuulan o sa
panahon ng tag-ulan.

3. Pagkain
Ang maliliit na halamang dagat na makikita nating berde na
lumulutang sa tubig ay pagkain ng mga isda. Ang mga itlog ng kulisap, suso,
darak, tinapay at liya o planktons ay pagkain din ng mga isda. May mabibili
rin sa pamilihan katulad ng mga pagkaing komersiyal.

4. Pag-aalaga
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Upang maging malusog at maayos ang paglaki ng mga alagang isda ay
naglalagay ng pataba o dumi ng hayop sa palaisdaan. Ito ang dahilan kung
bakit ang mga nag-aalaga ng isda ay nag-aalaga rin ng manok at baboy.
Ang malalaking isda ay dapat alisin o ihiwalay dahil ang mga ito ay
kumakain ng isdang maliliit at upang magkaroon ng malaking lugar ang mga
lumalaking isda. Dagdag pa dito, hindi dapat magsiksikan ang mga isda dahil
nababawasan ang
oxygen sa tubig na maaaring ikamatay ng mga ito. Iwasan ding matapunan
ang palaisdaan ng anumang bagay na nakalalason.
F. Paglinang sa Kabihasaan
Malayang ipatalakay sa mga bata ang mga dapat isaalang-alang
kung mag-aalaga ng isda at ang mga pakinabang na natatamo sa pag-aalaga
ng hayop at isda.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Kung ikaw ang papipiliin ng isdang aalagaan, ano ito at bakit gusto mo
itong alagaan?

H. Paglalahat ng Arallin
Laging tandan na sa pag-aalaga ng isda mahalaga ang pagiging
masikap, matiyaga at mapagtiis. Mahalaga rin ang pagsunod sa mga
alituntunin at mga pangunahing hakbang nito. Dapat ding isaalang-alang ang
binhi, lokasyon, pagkain at pag-aalaga sa pagsisimula ng palaisdaan. At sa
masusing pagsisikap at pagtutulungan ng buong mag-anak, makakamtam ang
bunga ng paghihirap at pag-unlad.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Pillin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang


papel.
1. Saan dapat itayo ang palaisdaan?
a. sa mainit na lugar
b. sa malayong lugar
c. sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
d. sa malayo sa tirahan

2. Mahalaga ang paglaki ng mga isda. Ano ang gagawin mo


para tumaba ang mga ito?
a. lagyan ng buhangin
b. lagyan ng langis
c. lagyan ng pataba o dumi ng hayop
d. lagyan ng tubig na may halong kemikal

3. Gustong mag-alaga ng isdang tilapia si Rosa. Alin ang dapat niyang isaalang-alang
sa pagpili ng isda na aalagaan?
a. binhi
b. halaga ng kikitain
c. imported na pagkain ng isda
d. halaga ng gagastusin

4. Bakit kailangang ihiwalay ang mga malalaking isda sa mga


maliliit na isda?
a. para makatago ang mga maliliit na isda
b. para magkaroon ng malaking lugar ang mga
lumalaking isda
c. para hindi na lalaki ang mga maliliit na isda
d. para madaling maibenta

5. Ang sumusunod ay mga mabuting maidudulot ng pag-


aalaga ng isda sa isang mag-anak maliban sa isa, ano ito?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng mag-anak.
b. Napagkukunan ng regular na kita ng pamilya.
c. Nakapagbibigay ng karagdagang pagkain sa hapag-
kainan.
d. Nagiging sagabal sa pag-unlad ng mag-anak.
6. Anong uri ng isda ang inaabot ng isang taon bago anihin?
a. bangus b. karpa c. hito d. tilapya
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

7. Bakit maraming mangingisda ang nawiwiling mag-alaga ng


tilapya?
a. dahil madali itong hulihin
b. dahil mabilis itong lumaki
c. dahil maraming nag-uulam nito
d. dahil matataba ito

8. Alin sa sumusunod ang hindi pagkain ng isda?


a. planktons b. darak c. tinapay d. tuyong dahoon

9. Anong pakinabang ang naidudulot ng pag-aalaga ng isda?


a. laruan b. pagkain c. palamuti d. pataba

10. Ano ang naibibigay sa ating katawan ng pagkain ng isda?


a. bitamina b. calcium c. iron d. protina

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Ipagpalagay na mayroon kayong maliit na palaisdaan. Ano ang iyong
gagawin upang maging kawili-wili ito sa lahat ng kasapi ng pamilya lalo na
kung ang nakatatanda mong kapatid ay walang interes sa pag-aalaga ng isda?
Ilahad sa isang malinis na papel ang iyong mga hakbang at paraang gagawin.

Rubrik sa Paglalahad
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Puntos
Pamantayan
5 3 1
1. May kabuluhan ang inilahad at pagkakaugnay ng
detalye, organisado.
2. Malinaw ang layunin, nasa pokus
3. Gumamit ng payak at angkop na mga salita at
lubos na naunawaan.
4. Wasto ang gamit sa malalaking titik (Kung saan
kailangan) gayundin ang mga bantas, baybay ng
mga salita, at iba pang mekaniks sa pagsulat
Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan:
25 = Napakahusay
15 = Mahusay
5 = Kailangan pang Magsanay
V. Mga Tala
VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


Kabuuang Bilang: _____ Nakakuha:______

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation
Kabuuang Bilang: _____ Hindi Nakakuha: _____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa


aralin
_________________________________________________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
Kabuuang Bilang: ______ Nakakuha:______
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
_________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
________________________________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
_________________________________________________________

POST-TEST
I. Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

fishpond tilapya bangus


liya (planktons) karpa
1. Ito ay nilalagyan ng pataba o dumi ng hayop upang mapanatiling
mataba.
2. Isang uri ng isda na maaari ng anihin sa loob ng dalawa o
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
hanggang tatlong buwan.
3. Ang isdang ito ay umaabot ng isang taon bago maani.
4. Ito ay ang pambansang isda ng Pilipinas.
5. Ang mga ito ay mga pagkain ng mga isda.

II.Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi
wasto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_________6. Ihiwalay ang malalaking isda dahil ang mga ito ay kumakain ng
isdang maliliit pa.
_________7. Ang fishpong ay dapat binabaha tuwing umuulan upang makawala ang
mga isda.
_________8. Pabayaang matuyo ang tubig ng fishpond.
_________9. Isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ay ang
pangingisda.
_________10. Ang mga itlog ng kulisap sa tubig, suso, darak, at tinapay ay pagkain
din ng alagang isda.

You might also like