You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lemery Pilot Elementary School
Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas

I. Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Cognitive: Matutunan ang kahulugan ng kapayapaan.
Affective: Mapapahalagahan ang pagkatuto tungkol sa maidudulot ng kapayapaan.
Psychomotor: Makakalahok ng aktibo sa klase at sa pangkatang gawain ng masigla at masaya.

II. Nilalaman
Kapayapaan

III. Sanggunian

Slide deck Presentation Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=BWf-eARnf6U


https://www.youtube.com/watch?v=EzIZp_aAuGE
Mga Kagamitan: papel, manila paper, krayola, lapis, at pentel pen

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

I. Pagbati sa mga bata


Magandang araw mga bata! Kumusta ka? Handa na ba kayong makinig? Handa na ba kayong
matuto? Ang lahat ay umupo ng maayos sa pagsisimula ng ating aralin. Halina’t sumali at makisabay sa
bagong aralin na ating tatalakayin.

II. A. Pagpapakilala
Sa araling ating tatalakayin, ang bawat isa sa inyo ay inaasahang:
 Matutunan ang kahulugan ng kapayapaan.
 Mapapahalagahan ang pagkatuto tungkol sa maidudulot ng kapayapaan.
 Makakalahok ng aktibo sa klase at sa pangkatang gawain ng masigla at masaya.

B. Ice breaker Activity


Song Opener
Slide deck Presentation Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=BWf-eARnf6U

Ngayon mga bata sa pagsisimula ng ating aralin may ipaparinig ako sa inyong kanta. Pakinggan ito
ng mabuti. Pagkatapos ninyo itong mapakinggan ay ibabahagi ninyo kung ano ang inyong pagkakaunawa
mula rito.

Mga bata ako ay may inihandang gawain para sa inyo. Ito ay tatawagin nating “Peaceful-Word
Collage”. Mula sa mga ipinadalang kagamitan kahapon ay maaari ng ilabas ang inyong mga dalang
kagamitan at ihanda. Ngayon ay makinig ng mabuti sa mga hakbang na aking sasabihin upang maging
gabay ninyo sa paggawa.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Mula sa nakita ninyo sa video ay gumuhit ka ng simbolo na nagbibigay kahulugan sa
kapayapaan.
2. Sa ilalim ng iyong iginuhit na larawan ay isulat ang mga salitang maiuugnay mo sa ating aralin.

Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas


107409@deped.gov.ph Deped Tayo- Lemery Pilot ES- Batangas 043-740-1438
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lemery Pilot Elementary School
Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas

C. Multi-Media Exploration
Sagutin Natin!
Mula sa ating nakaraang aralin, ibahagi mong muli kung paano nakilala o naging katangi-tangi ang
mga bayani sa ating bansa. Sino-sinong mga bayani ang nakipaglaban para sa atin upang makamtam
natin ang kalayaan para sa ating bansa? Ano kaya ang naging bunga ng kanilang pakikipaglaban para sa
kalayaan ng ating bansa?

Ngayon naman mga bata ay may inihanda akong ipapanood na video para sa inyo. Bago natin
simulan ay ano-ano nga muli ang mga pamantayan na dapat sundin sa panonood ng video? (Ibabahagi ng
mga mag-aaral ang pamantayan). Ngayon ay sisimulan na natin ang panonood.

Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=EzIZp_aAuGE

Mula sa napanood na video, sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang napanood mong video?


2. Anong mensahe ang nais iparating nito?
3. Bakit mahalaga sa buhay natin ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa?

D. Small Group Discussion


Para naman sa sunod nating gawain, isasagawa natin ang pangkatang gawain at ito ay tatawagin
nating “Lights, Camera, Action”. Papangkatin ko kayo ngayon sa tatlo. Para sa mga hakbang na dapat
sundin sa inyong gagawin ay makinig nang mabuti sa babasahin kong tula tungkol sa kapayapaan.
Pagkatapos kong basahin ito ay magsasagawa kayo ng role play na kung saan ay maipapakita ninyo ang
mensahe, simbolo, o kahulugan na ipinararating ng tula na inyong narinig. Bibigyan ko kayo ng sampung
minuto upang isagawa ang inyong gawain.

Babasahin ng guro ang tula tungkol sa kapayapaan.

“Kapayapaan”
ni: Glaidel Marie C. Piol

Kapayapaan at pagkakaisa
Kapayapaan para sa masa
Kapayaan para sa bansa
O, bakit kay hirap mong matamasa?

Ganito na ba ang salamin ng mundo


Kapayapaang negatibo at positibo, may iba’t-ibang aspeto
Ngunit ano nga ba ang magagawa mo
Para sa mga tao at munting mundong apektado?

Halina’t magsama-sama, hidwaan ay iwasan


Kapit-bisig! Magkaisa, kababayan ko ay lumaban
Kapayaan ay itaguyod tungo sa kaunlaran
Upang pagbabago ay tumatak at makamulatan

Kapayapaan para sa lahat

Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas


107409@deped.gov.ph Deped Tayo- Lemery Pilot ES- Batangas 043-740-1438
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lemery Pilot Elementary School
Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas

O, pagtingin at kalingang pantay at sapat


Na dapat makamtan dahil ito ang nararapat
Upang sa bawat bukas ay masabi ang mga katagang Salamat.

E. Group Presentation
 Mga bata natapos na ang inyong oras. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga upuan upang
masimulan na natin ang inyong pag-uulat sa inyong ginawa.
 (Pagbibigay komento/suhestiyon sa isinagawang presentasyon).
 Ngayong natapos na ang presentasyon ng bawat grupo ay gawin naman natin ang pagbabahagi ng
saloobin ng bawat isa sa inyo tungkol sa konsepto ng kapayapaan.

Sagutin ang mga tanong:


1. Para sa iyo, ano ba ang kahulugan ng kapayaapaan? Nararanasan mo ba ito?
2. Batay sa iyong obserbasyon sa ating bansa o paligid, nakakamtan ba ng bawat isa sa atin ang
pagkakaisa at kapayapaan?
3. Sa paanong paraan mo maipapakita ang kahulugan ng pagkakaroon kapayapaan at pagkakaisa?
Magbigay ng halimbawa.
4. Anong aral mula sa ating naging aralin ang tumatak para sa iyo? Bakit?

KONSEPTO NG KAPAYAPAAN

1. KAPAYAPAANG PANSARILI
Ito ay tumutukoy sa kapayapaan ng kalooban at ng puso. Kahit na may ingay o gulo, nananatili pa
rin na panatag at kalmado ang kalooban.

2. PAMUMUHAY NANG MAY HABAG AT HUSTISYA


Ang isang tao ay makakapamuhay nang may katarungan kung walang karahasan.
Karahasan- Kinapalooban ito ng pinsala, pananakit, pang-aabuso, pagsasamantala, pananakot,
pang-aapi, at pagpatay.

URI NG KARAHASAN:
Pisikal- pananakit, pagsipa, pagsaksak, at iba pa.
Sikolohikal- pagbabanta, mababang pagtingin, pagpapahiya, pagpapahina ng loob, at iba pa.

3. PAGTANGGAL NG KULTURA NG DIGMAAN


Ang digmaan ang isa sa mga ahdlang sa pagkakaroon ng kapayapaan at ito rin ang suliraning
mahirap lutasin. Ayon sa isang pag-aaral, ito ay raw nakaugat sa ating kultura. Ito ay nagmula pa sa ating
mga ninuno. Sa ngayon, ang pagkakaroon ng Edukasyong Pangkapayapaan ang nakikitang tanging pag-
asa upang ito’y malutas.

4. KAMTAN ANG KARAPATANG PANTAO


Ang bawat mamamayan ay protektado ng Karapatang Pantao. Ito ay nakasaad sa Universal
Declaration of Human Rights at sa ating sariiling konstitusyon.

5. PAMUMUHAY NANG MAY PAKIKIISA SA MUNDO


Kailangan alagaan ang kapaligiran sapagkat nababawasan ng 100,000 ektaryang lupa ang ating
bansa taon-taon dahil sa pagsira sa kagubatan. 11 milyong ektarya ng masaganang lupa rin ang nagiging
disyerto. Dahil dito, hindi natin namamalayan na pinaiikli natin ang haba ng ating buhay.

Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas


107409@deped.gov.ph Deped Tayo- Lemery Pilot ES- Batangas 043-740-1438
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lemery Pilot Elementary School
Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas

6. PAKIIKIISA SA IBA’T-IBANG KULTURA


Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat etniko at mayaman tayo sa iba’t-ibang kultura.

F. Wrap Up

Tandaan:
Ang kapayapaan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang
katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan, o digmaan. Maliit man o malaking hidwaan ay marapat
na idaan sa mabuti at maayos na paraan. Ang pagnanais, pagiging inspirasyon, at pagbibigay-kusa sa
pagpapalaganap ng kabutihan, pagkakaisa, at kapayapaan para sa iba ay maghahatid tungo sa kaunlaran
at pagbabago.
Ikaw, ako, tayo, tayong lahat ay may sariling karapatan sa pagbibigay at pagpapamalasakit
para sa kapwa at sa bansa.

Mga bata muli nating balikan ang paksa ng ating aralin. Ang aralin natin ay tungkol sa aspeto ng
kapayapaan. Naunawaan ninyo ba ang naging talakayan natin para sa araw na ito? Ngayon naman ay
kunin ang iyong kwaderno at gawin ang gawaing aking ilalahad.
Sumulat ng maikling talata tungkol sa pagkakaunawa mo sa konsepto ng kapayapaan. Isulat kung
paano ito makatutulong sa pagsusuri ng kapayapaan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

PREPARED BY: CHECKED BY: NOTED:


GLAIDEL MARIE C. PIOL ARCELITA O. RICALDE LOUIE L. ALVAREZ
Teacher I Master Teacher II Principal III

Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas


107409@deped.gov.ph Deped Tayo- Lemery Pilot ES- Batangas 043-740-1438

You might also like