You are on page 1of 5

LEMERY PILOT ELEMENTARY SCHOOL

Paaralan Baitang/Antas III

PEACE
Guro Asignatura
EDUCATION
Petsa Enero 19, 2024-Biyernes Markahan IKALAWA

I. LAYUNIN
Pamantayang
A.
Pangnilalaman
Pamantayan sa
B.
Pagganap
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
C.
Pamantayan sa
Cognitive: Matutunan ang kahulugan ng kapayapaan.
Pagkatuto /
Affective: Mapapahalagahan ang pagkatuto tungkol sa maidudulot ng kapayapaan.
Layunin / CODE
Psychomotor: Makakalahok ng aktibo sa klase at sa pangkatang gawain ng
masigla at masaya.
KAPAYAPAAN (Initiative)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian:
Mga Pahina DM#001 s. 2024 pp. 27-28 (Peace Education)
1. sa Gabay (Suggested Strategies for Peace Education)
Guro
Mga Pahina
sa
2. Kagamitang
Pang-mag-
aaral
Mga Pahina
3.
sa Teksbuk
Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=BWf-eARnf6U
4.
kagamitan https://www.youtube.com/watch?v=EzIZp_aAuGE
mula sa portal
ng Learning
Resouce
Iba pang
B. Kagamitang papel, manila paper, krayola, lapis, at pentel pen
Panturo

IV. PAMAMARAAN

Panimulang Pagbati sa mga bata


A.
Gawain
Magandang araw mga bata! Kumusta ka? Handa na ba kayong makinig? Handa
na ba kayong matuto? Ang lahat ay umupo ng maayos sa pagsisimula ng ating
aralin. Halina’t sumali at makisabay sa bagong aralin na ating tatalakayin.

Sa araling ating tatalakayin, ang bawat isa sa inyo ay inaasahang:


 Matutunan ang kahulugan ng kapayapaan.
 Mapapahalagahan ang pagkatuto tungkol sa maidudulot ng kapayapaan.
Makakalahok ng aktibo sa klase at sa pangkatang gawain ng masigla at masaya.
Slide deck Presentation Video Link:
Ice Breaker https://www.youtube.com/watch?v=BWf-eARnf6U
Activity Ngayon mga bata sa pagsisimula ng ating aralin may ipaparinig ako sa
inyong kanta. Pakinggan ito ng mabuti. Pagkatapos ninyo itong mapakinggan ay
ibabahagi ninyo kung ano ang inyong pagkakaunawa mula rito.
Mga bata ako ay may inihandang gawain para sa inyo. Ito ay tatawagin
nating “Peaceful-Word Collage”. Mula sa mga ipinadalang kagamitan kahapon ay
maaari ng ilabas ang inyong mga dalang kagamitan at ihanda. Ngayon ay makinig
B. ng mabuti sa mga hakbang na aking sasabihin upang maging gabay ninyo sa
paggawa.

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Mula sa nakita ninyo sa video ay gumuhit ka ng simbolo na nagbibigay kahulugan


sa kapayapaan.
2. Sa ilalim ng iyong iginuhit na larawan ay isulat ang mga salitang maiuugnay mo sa
ating aralin.
Sagutin Natin!
C.
Mula sa ating nakaraang aralin, ibahagi mong muli kung paano nakilala o
naging katangi-tangi ang mga bayani sa ating bansa? Sino-sinong mga bayani ang
nakipaglaban para sa atin upang makamtam natin ang kalayaan para sa ating
bansa? Ano kaya ang naging bunga ng kanilang pakikipaglaban para sa kalayaan
ng ating bansa?

Ngayon naman mga bata ay may inihanda akong ipapanood na video para
Multi-Media sa inyo. Bago natin simulan ay ano-ano nga muli ang mga pamantayan na dapat
Exploration sundin sa panonood ng video? (Ibabahagi ng mga mag-aaral ang pamantayan).
Ngayon ay sisimulan na natin ang panonood.

Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=EzIZp_aAuGE

Mula sa napanood na video, sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang napanood mong video?


2. Anong mensahe ang nais iparating nito?
3. Bakit mahalaga sa buhay natin ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa?
Small Group Para naman sa sunod nating gawain, isasagawa natin ang pangkatang
D.
Discusiion gawain at ito ay tatawagin nating “Lights, Camera, Action”. Papangkatin ko kayo
ngayon sa tatlo. Para sa mga hakbang na dapat sundin sa inyong gagawin ay
makinig nang mabuti sa babasahin kong tula tungkol sa kapayapaan. Pagkatapos
kong basahin ito ay magsasagawa kayo ng role play na kung saan ay maipapakita
ninyo ang mensahe, simbolo, o kahulugan na ipinararating ng tula na inyong narinig.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto upang isagawa ang inyong gawain.

Babasahin ng guro ang tula tungkol sa kapayapaan.

“Kapayapaan”
ni: Glaidel Marie C. Piol

Kapayapaan at pagkakaisa
Kapayapaan para sa masa
Kapayaan para sa bansa
O, bakit kay hirap mong matamasa?

Ganito na ba ang salamin ng mundo


Kapayapaang negatibo at positibo, may iba’t-ibang aspeto
Ngunit ano nga ba ang magagawa mo
Para sa mga tao at munting mundong apektado?
Halina’t magsama-sama, hidwaan ay iwasan
Kapit-bisig! Magkaisa, kababayan ko ay lumaban
Kapayaan ay itaguyod tungo sa kaunlaran
Upang pagbabago ay tumatak at makamulatan
 Mga bata natapos na ang inyong oras. Maaari na kayong bumalik sa inyong
E.
mga upuan upang masimulan na natin ang inyong pag-uulat sa inyong
ginawa.
 (Pagbibigay komento/suhestiyon sa isinagawang presentasyon).
 Ngayong natapos na ang presentasyon ng bawat grupo ay gawin naman
natin ang pagbabahagi ng saloobin ng bawat isa sa inyo tungkol sa konsepto
ng kapayapaan.
Group
Presentation Sagutin ang mga tanong:
1. Para sa iyo, ano ba ang kahulugan ng kapayaapaan? Nararanasan mo ba ito?
Nagawa mo na bang maging dahilan upang magkaroon ng kapayapaan?
2. Batay sa iyong obserbasyon sa ating bansa o paligid, nakakamtan ba ng
bawat isa sa atin ang pagkakaisa at kapayapaan?
3. Sa paanong paraan mo maipapakita ang kahulugan ng pagkakaroon
kapayapaan at pagkakaisa? Magbigay ng halimbawa.
4. Anong aral mula sa ating naging aralin ang tumatak para sa iyo? Bakit?
Wrap Up Karagdagang Kaalaman:
F.
KONSEPTO NG KAPAYAPAAN

1. KAPAYAPAANG PANSARILI
Ito ay tumutukoy sa kapayapaan ng kalooban at ng puso. Kahit na may ingay
o gulo, nananatili pa rin na panatag at kalmado ang kalooban.

2. PAMUMUHAY NANG MAY HABAG AT HUSTISYA


Ang isang tao ay makakapamuhay nang may katarungan kung walang
karahasan.
Karahasan- Kinapalooban ito ng pinsala, pananakit, pang-aabuso,
pagsasamantala, pananakot, pang-aapi, at pagpatay.

URI NG KARAHASAN:
Pisikal- pananakit, pagsipa, pagsaksak, at iba pa.
Sikolohikal- pagbabanta, mababang pagtingin, pagpapahiya, pagpapahina
ng loob, at iba pa.

3. PAGTANGGAL NG KULTURA NG DIGMAAN


Ang digmaan ang isa sa mga hadlang sa pagkakaroon ng kapayapaan at ito
rin ang suliraning mahirap lutasin. Ayon sa isang pag-aaral, ito ay raw nakaugat sa
ating kultura. Ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno. Sa ngayon, ang pagkakaroon
ng Edukasyong Pangkapayapaan ang nakikitang tanging pag-asa upang ito’y
malutas.

4. KAMTAN ANG KARAPATANG PANTAO


Ang bawat mamamayan ay protektado ng Karapatang Pantao. Ito ay
nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights at sa ating sariiling
konstitusyon.

5. PAMUMUHAY NANG MAY PAKIKIISA SA MUNDO


Kailangan alagaan ang kapaligiran sapagkat nababawasan ng 100,000
ektaryang lupa ang ating bansa taon-taon dahil sa pagsira sa kagubatan. 11 milyong
ektarya ng masaganang lupa rin ang nagiging disyerto. Dahil dito, hindi natin
namamalayan na pinaiikli natin ang haba ng ating buhay.
6. PAKIIKIISA SA IBA’T-IBANG KULTURA
Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat etniko at mayaman tayo
sa iba’t-ibang kultura.

Tandaan:
Ang kapayapaan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at
katiwasayan. Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan, o digmaan.
Maliit man o malaking hidwaan ay marapat na idaan sa mabuti at maayos na
paraan. Ang pagnanais, pagiging inspirasyon, at pagbibigay-kusa sa
pagpapalaganap ng kabutihan, pagkakaisa, at kapayapaan para sa iba ay

Inihanda ni: Iwinasto ni: Binigyang pansin:

ARCELITA O. RICALDE LOUIE L. ALVAREZ


Guro I Dalubguro II Punongguro III

You might also like