You are on page 1of 5

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON

The National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN

PAKSA:

“Pagtuklas ng Positibo at Negatibong Kapayapaan”


(Cathch-up Friday)

MGA LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

Mga tiyak na layunin:


a. Nalalaman at nauunawaan ng mga mga-aaral ang positibo at negatibong
kapayapaan.

b. Naipapakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang mga paraan sa


pagkakaroon ng kapayapaan sa pamayanan at maging ang mga positibo at
negatibong epekto nito.

c. Napahahalagahan ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbuo ng


acronym nito.

INIHANDA NI
JONALYN C. GARCIA
Gurong Nagsasanay

IPINASA KAY
GNG. LEONES B. SANTUA
Gurong Tagasanay

February 16, 2024


MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
INIHANDA NI JONALYN C. GARCIA
GURONG NAGSASANAY

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
Pagganap kanilang sariling lugar

C. Mga Kasanayan sa Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:.


Pagkatuto

D. Mga tiyak na layunin a. Nalalaman at nauunawaan ng mga mga-aaral ang positibo at negatibong kapayapaan.

b. Naipapakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang mga paraan sa pagkakaroon ng


kapayapaan sa pamayanan at maging ang mga positibo at negatibong epekto nito.

c. Napahahalagahan ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbuo ng acronym nito.

II. PAKSA
A. PAKSA: Pagtuklas ng Positibo at Negatibong Kapayapaan
B. SANGGUNIAN:
C. KAGAMITAN: Powerpoint presentation
D. PAGPAPAHALAGA: Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kapayapaan.

IIII. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

PAGBATI
Magandang Araw Grade 7! Magandang araw din po Ma’am Jonalyn!

PANALANGIN
Bago natin simulan ang isa na naming makabuluhang talakayan
ay atin munang damhin ang presensya at hingiin ang basbas ng
ating Amang nasa langit sa pamamagitan ng isang panalangin. (Video ng Panalangin)

PAGSASAAYOS NG SILID
Bago kayo maupo ay siguraduhin munang nakahanay nang
maayos ang inyong mga upuan at malinis ang inyong paligid. (Isasaayos ang silid)

Maari na kayong umupo.

Mahusay kung ganun subalit bago ang lahat ay narito muna ang
ating mga alituntunin sa klase. Maari mo bang basahin Princess? 1. Huwag mag-ingay o makipag-usap sa katabi. Magsalita
lamang kapag hinihingi ng guro.
2. Iwasan ang pagtayo nang madalas at palakad-lakad
habang nagkaklase.
3. Makinig nang mabuti sa guro at maging marespeto sa
lahat.

PAGTATALA NG LIBAN
Klas, mayroon bang lumiban bas a klase? Wala po Ma’am.

Mahusay kung ganun sapagkat lahat ay makasasama sa isang


makabuluhang talakayan.

PAGBABALIK- ARAL

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Natapos na nating matalakay ang patungkol sa Antas ng Wika.
Nakapagsagawa na rin tayo ng mga gawain na nagpayabaong sa
inyong mga kaalaman at kasanayan patungkol sa paksang-aralin.

B. PANLINANG NA GAWAIN

PAGGANYAK
Sa puntong ito, narito ang isang maikling gawain upang kayo ay
mas lalong maganyak sa paksang ating pag-aaralan.

Pakibasa nga ang panuto.

“Konsepto Mo, Isulat Mo”


Panuto: Sagutin ang katanungan sa pamamagitan ng
concept map.

“Ano ang pumapasok sa isipan mo tuwing naririnig mo


ang salitang KAPAYAPAAN?”

Subukan mo nga Ayesha.

kasiyahan

KAPAYAPAAN

Mahusay Ayesha. Ikaw naman Andrei.

katahimika
n

kasiyahan kaayusan

KAPAYAPAA
N

Magaling Andrei. pagkakaisa seguridad

proteksiyo
n

Mahsusay sapagkat nasagot nang tama ang lahat ng mga salitang


nakadiin kung kaya’t natitiyak kong nauunawaan niyo nan ga
nang mabuti ang anting natapos na paksa.

PAGLALAHAD
Isa-isahin muna natin ang mga salitang iniugnay niyo sa
KAPAYAPAAN. Basahin nga isa-isa ang mga salita.

Katahimikan
Kaayusan
Pagkakaisa
Titignan natin kung ang mga kasagutan niyo ay kabilang sa mga Seguridad
salitang kaugnay ng kapayapaan sapagkat sa araw na ito ay ating Proteksiyon
tatalakayin ang patungkol sa…pakibasa nga. Kasiyahan

Pagkatapos ng isang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nalalaman at nauunawaan ng mga mga-aaral ang positibo at


negatibong kapayapaan. Pagtuklas ng Positibo at Negatibong Kapayapaan

b. Naipapakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang mga


paraan sa pagkakaroon ng kapayapaan sa pamayanan at maging
ang mga positibo at negatibong epekto nito.

c. Napahahalagahan ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbuo


ng acronym nito.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
PAGTALAKAY
Ano ang kapayaaan?
Ang kapayapaan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng
katahimikan at katiwasayan. Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo,
away, alitan, o digmaan.

Ang "positibong kapayapaan" ay isang kalagayan kung saan ang


isang lipunan o komunidad ay mayroong katiwasayan,
Negatibong Kapayapaan at Positibong Kapayapaan
pagkakaisa, at harmonya. Sa positibong kapayapaan, ang mga tao
ay nakakaranas ng kaligtasan, seguridad, at pagkakapantay-
pantay. Ito ay mas higit pa sa simpleng kawalan ng digmaan; ito
ay ang pagkakaroon ng aktibong ugnayan, pakikisama, at
pagkakaisa sa pagitan ng iba't ibang sektor at indibidwal sa
lipunan. Ang positibong kapayapaan ay nagpapahayag ng respeto
sa karapatan ng bawat isa, katarungan, at pagtanggap sa kultural
na pagkakaiba-iba. Sa ganitong kalagayan, ang mga tao ay may
kakayahang magpahayag ng kanilang mga opinyon at makilahok
sa proseso ng pagdedesisyon nang walang takot sa pang-aabuso o
pagtatangi. Ang positibong kapayapaan ay nagpapahintulot sa
pag-unlad at paglago ng isang lipunan, sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga oportunidad para sa edukasyon, ekonomiya, at
iba pang mga aspeto ng buhay.

Mahusay sapagkat nakuha niyo ang mga tamang kasagutan.

Ang "negatibong kapayapaan" ay isang konsepto sa konteksto ng


pag-aaral ng kapayapaan at kawalan ng digmaan. Ito ay
tumutukoy sa isang kalagayan kung saan wala man direktang
digmaan, mayroong mga hindi pagkakasundo, tensyon, o hindi
pagkakaunawaan na umiiral sa isang lipunan o lugar. Sa halip na
buhayin ang aktibong pag-uusap at resolusyon ng mga suliranin,
ang negatibong kapayapaan ay nagpapakita ng pagkawalang-
katiyakan at potensyal na panganib sa kapayapaan.

Halimbawa, ito ay maaaring magdulot ng mga isyu tulad ng


kawalan ng tiwala sa gobyerno, pagkakaroon ng mga armadong
grupo, o kawalan ng katiyakan sa seguridad. Ang negatibong
kapayapaan ay maaaring magresulta sa pagkalat ng takot at
pagkabalisa sa komunidad, at maaaring humantong sa mas
malaking mga alitan at pagkakabahabahagi sa hinaharap.

Maari bang magbigay pa ng negatibong kapayapaan?

(mga inaasahang sagot: kaligtasan, katahimikan,


katiwasayan, malayo sa gulo, panatag na puso at isipan,
Mahusay sapagkat nakuha niyo ang mga tamang kasagutan.
masayang buhay)
PAGLALAHAT

PAGLALAPAT
Upang masukat ang inyong natutunan ay magsasagawa tayo ng
isang gawain.

Pakibasa nga ang panuto.

Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


kapayapaan sa pamamagitan ng pagbuo ng acronym ng
salitang KAPAYAPAAN.

Halimbawa:
Katiwasayan ay makakamit kapag sa iligal na droga ay
umiwas sa paggamit.
A
P
A
PAGE \* MERGEFORMAT 2
Y
A
P
A
A
C. PANGWAKAS NA GAWAIN N
Mahusay mga mag-aaral sapagkat tiyak kong inyo ngang
naunawaan nang mabuti ang ating aralin ngayong araw na ito.
Binabati ko kayo at umaasa rin naman na ang mga aral na ito ay
tumatak sa inyong isipan at magamit sa pang-araw-araw ninyong
buhay.

Linisin ang kalat at ayusin ang mga upuan.

Paalam, Klas!

Paalam at salamat po Ma’am Jonalyn!

PAGE \* MERGEFORMAT 2

You might also like