You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon at pagsalungat.


2. Nakapapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang isyu o suliraning
panlipunan.
3. Nakasasagawa ng isang Debate.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: MGA PAHAYAG NG PAGSANG-AYON AT


PAGSALUNGAT
Kagamitan: (1) Projector; (1) Laptop; (1) Chalk
Sanggunian: Enrijo, Willita A., et. al. 2013. Panitikang Pilipino- Ikawalong
Baitang. Filipino- Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon
2013. 21 E Boni Serrano Ave. Q. C. Book Media Press. 38
Dansalan St., Mandaluyong City. Printwell Inc.
Estratehiya: Malayang Talakayan
Tanong-Sagot
Pangkatang Gawain

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULA
Paghahanda sa kapaligiran ng mag-aaral.
(pisikal at mental na kapaligiran)

Pagbati sa mga mag-aaral.


“Magandang Hapon.” “Magandang Hapon din po naman.”

Magtalaga ng isang mag-aaral na mangunguna sa “Tumayo ang lahat para sa panalangin.”


panalangin.

Pagtsek ng Atendans
Mga mag-aaral na liban at hindi liban sa klase.
“Nandito na ba ang lahat?” “Opo.”

Pagbabalik Aral
Magtalaga ng tatlong (3) mag-aaral na maglalahad ng “Mayroong apat (4) na aspekto ang
araling tinalakay kahapon. pandiwa; Aspektong Perpektibo,
Aspektong Imperpektibo, Aspektong
Kontemplatibo, Perpektibong Katatapos.”
“Nagbibigay linaw ang mga pandiwa sa
mga pangyayari at nagsasaad ng kilos
upang magkaroon ng buhay ang mga
tauhan.”
B. PAGGANYAK

Two Bodies, One Heart


Maghahanap ang bawat mag-aaral ng kapareha. Pipili “Mainit o Maulan?”
ang bawat isa sa dalawang bagay na sinabi ng guro. “Kape o Ice cream?”
Kung ang napili ng magkapareha ay iisa sila ay “Karne o Gulay?”
magpapatuloy sa paglalaro. Subalit kung magkaiba ang “English o Filipino?”
kanilang sagot, mauupo na at hindi na maaaring “Science o Math?”
ipagpatuloy ang paglalaro.

“Mayroong mga bagay na hindi sinasang-ayunan ng


lahat at mga bagay na iisa ang pasya. Mga panahong
nagkakasundo at panahon na nagsasalungat ang mga
diwa at desisyon ng isang tao.”

“Ang paksa natin sa hapong ito ay tungkol sa mga


pahayag na nagsasaad ng Pagsang-ayon at Pagsalungat.”

Handa na ba ang lahat na makinig? “Opo.”

C. PAGTALAKAY SA ARALIN
Malayang Talakayan

“Mahalagang aspekto ng dula ang manonood. Dahil


itinatanghal ito, nalalaman ng mga nagtatangahal ang
reaksiyon ng mga manonood.”

“Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon


at pagsalungat.”

Narito ang mga pahayag na dapat gamitin sa


pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Basahin at suriin … Pahayag na karaniwang nagsasaad ng
pagsang-ayon:
Sang-ayon ako.
Tama.
Iyan ang nararapat.
Pareho tayo ng iniisip.
Ganyan din ang palagay ko.

Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat:


Hindi ako sang-ayon.
Mabuti sana ngunit…
Ikinalulungkot ko ngunit…
Nauunawaan kita subalit…
Ayaw.

D. PAGLALAPAT
Tanong-Sagot

Magbibigay ako ng mga usapin o suliraning makikita


sa paaralan. Sasabihin ng mga mag-aaral kung ano
ang opinyon nila hinggil dito.
Gamitin ang mga pahayag na nagsasaad ng pagsang-
ayon at pagsalungat.
“Mga estudyanteng mayroong kasintahan.” “Hindi ako sang-ayon, dahil nandito sila sa
paaralan upang mag-aral at hindi
makipagrelasyon. Hindi sila makakapag-
pokus kung mayroon silang iniisip na iba.”

“Pagkakaroon ng kontribusyon sa paaralan.” “Sang-ayon ako, dahil kasabay ng


pagkakaroon ng magandang kapaligiran
ang mga mag-aaral, mas makakatulong ito
upang maging ligtas at kapaki-pakinabang
ang kanilang pag-aaral.”

E. PAGLALAHAT
Magtatalaga ng tatlong (3) mag-aaral na siyang “Ang mga reaksiyon ay kadalasang
maglalahad ng kanilang natutunan sa talakayan. pagsang-ayon at pagsalungat.”
“Mayroong mga pahayag na karaniwang
nagsasaad ng pagsang-ayon at pahayag na
nagsasaad ng pagsalungat.

Tandaan: “Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon o


pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan
munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman
tungko sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi
pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak
ng nakararami.”

IV. PAGTATAYA
Pangkatang Gawain

Ang klase ay hahatiin sa dalawang (2) pangkat. Bubunot ang bawat isa ng panig na
ipaglalaban. Ang paksang pagtatalunan ay babasahin ng guro at magsisilbing hudyat
upang magsimula ang debate. Ang dalawang pangkat ay unang sasabihin ang
kanilang panimulang katwiran. Malayang salungatin ang argumentong sinabi at
magbukas ng bagong ideya. Sa huli ay magbibitiw ng pananalita ang kinatawan at
magsisilbing hudyat upang tapusin na ang debate.
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG MARKA
Nilalaman 40%
Kaayusan ng Paglalahad 30%
ng mga argumento
Rebuttal 20%
Kooperasyon 10%
Kabuuan 100%

V. TAKDANG ARALIN
Pumili ng paksa, maaaring suliraning panlipunan at ilahad ang opinyon mo hinggil
dito. Isulat ang sagot sa kalahating papel (½ crosswise).

Inihanda ni:

CHARITY MAY B. DAYRIT


Applicant

You might also like