You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikapitong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Femilyn Omega Bulanon
Editor: Sandra S. Dimasuhid, Arnie P. Taclap, Shyrl Z. Tano
Tagasuri: Riela Angela C. Josol
Tagalapat: Gerald V. Dumat-ol
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Ikinagagalak kong natapos mo ang paglalakbay sa makulay at mayamang


kulturang tradisyon sa mga katutubong Panitikan. Muli, liliparin mo naman ang mga
pagapapahala at paggalang sa mga magulang sa ating katutubong panitikan na
nagmula sa kabisayaan. Inaasahan na pagkatapos ng ating paglalakbay ay
matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang angkop sa diwa ng panungusap.


F7PT-IIc-d-8
2. Natutukoy at nabibigyang sariling interpretasyon ang mga salitang paulit- ulit
na ginamit sa akda. F7PT-IIc-f-9

https://www.google.com/search?q=bitmoji+images&tbm=isch&chips=q:bitmoji+images,g_1:school:svRRqb9L3xU%3D&rl
z=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjupKW3f7sAhVPMt4KHSTUD7kQ4lYoBnoECAEQIQ&biw=1349
&bih=657#imgrc=ZLsug9vb0R1B_M&imgdii=Fd9Lv6lR9LICgM

Isa sa ipinagmalaki ng mga Pilipino ay ang pagiging magalang sa magulang. Ibat


– ibang paraan ang ginamit para mapapanatili at maipapakita ang pagpapahalaga
nito, Tulad ng pagmano ng kamay, pagbati, pagbanggit ng po at opo na kung saan ito
ang isa sa mga espesyal na paraan sa paggalang ng mga magulan nakakatanda.
Isang halimbawa ay Alamat ng Butiki kung saan nagiging pasaway si Kiko,
palibhasa walng kaibigan sapagkat siya ay pasaway. Kaya napagdiskitahan niya ang
isang punso na kung saan kanyang winasak galit nagalit ang may – ari ng punso pero
pinatawad pa din siya. Kinabukasan may nakita na naman siyang bayawak at ito
naman ang kanyang pinagdiskitahan, nakita niya ang itlog nito at tinirador niya ito isa
– isa at nakita iyon ng dewende. Nagalit ang dewende at ginawa siya nitong butiki
para tuwing hapon hahalik sa lupa bilang tanda ng pagpapakumbaba. Isa pa ay
Alamat ng Pinya na kung saan si Pna any nagiging pinya o prutas na maraming mata
sa kadahilanan ng kawalan ng enteres at pagiging tapad na hanapin ang ang mga
bagay na pangluto sa pagkain sa kanyang inang may sakit.
Sa Aralin 4 ay babasahin mo ngayon ay nagtataglay ito ng pagkakatulad kung
saan kapahamakan ang kinasasadlakan ng anak sa pagiging suwail sa mauling.

Gawain 1:

1. Naranasan mo na ba na di sumunod sa inyong magulang?


_____________________________________________

2. Sa anong paraan mo sila sinuway. Maglahad….


______________________________________________

3
3. Sa iyong palagay, paano maiwasan ang pagsuway ng anak sa magulang
______________________________________________

Gawain 2: 4 PIC 1 WORD

Gamit ang larawan bumuo ng isang salita.


https://l.facebook.com/l.p
hp?u=https%3A%2F%2Fw https://www.kingsne
ww.google.com%2Fsearch
%3Fq%3Dadam%2520and ws.org/articles/does-
%2520eve%2520story%26s a-text-displace-its-
ource%3Dlnms%26tbm%3 own-beginnings-pt-
Disch%26sa%3DX%26ved%
3D2ahUKEwiUpLew8v7sAh 2?fbclid=IwAR3tGM1
XxKqYKHX5NCZoQ_AUoAX zI8pvaD0W5zYW4vM
oECA8QAw%26biw%3D13 bw82KqXW5wdTNaS
66%26bih%3D657%26fbcli
d%3DIwAR3g7teifdKcFHGR x0iV3Vn9QMvF5eG
3L8EVspfv3vMtmvWu6zqL M-XEwc 8/24/20
wLhCUjpEv3jXOW2k6BVzE
E%23imgrc%3DbBzRhoEnv
5yCIM&h=AT2wbW5eROw
H7xAg6e4OioeUJepIPIWQZ
O_ajQa7MYodpK6XM6W_
2bIdsQ8itIxLYA127JMcPtH
_4YqnSTjTRsN7tkWBVqi3I1
5GqDHcCCvH3NSq_hdDut
bEgfBKMPS2I 8/24/20

https://www.dreamstime.com/sleeping-newborn-
https://www.google.com/search?q=beginning&
baby-boy-cute
image122892338?fbclid=IwAR2lZLRZciMW_4-- source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjL
uJFmd5N7YQC- pbbD8cfrAhUjBKYKHeI9AnEQ_AUoAXoECA8QA
OHejcIKRbf7rMik010ROvStIw2rg0tE 8/24/20 w&biw=1034&bih=620&fbclid=IwAR3g7teifdKcF
HGR3L8EVspfv3vMtmvWu6zqLwLhCUjpEv3jXO
W2k6BVzEE#imgrc=kpRDayPf3A8vLM

GAINPANLUM - ___________________

Aralin ALAMAT NG ISLA


5 NG PITONG MAKASALANAN

Tuklasin

Gawain 3: Arrow ng mga Puso


Bigyang interpretasyon ang mga salitang paulit – ulit. Sa pamamagitan ng paglalahad
ng mga salitang iugnay sa bawat isa. Isulat sa sagutang papel

4
Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na alamat malaman mo kung


masasalamin ang mga katangian ng isang anak sa kanyang magulang.
Ang alamat ay pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon
ng katutubo. Layunin ng panitikang ito na ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagsasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Dahil ito
ay nabibilang sa piksyon, ang mga pangyayari ay hango sa mga di-kapanipaniwalang
pangyayari at walang basehang siyentipiko o pag-aaral. Magsasagawa ng
dugtungang pagbabasa, kasama ang buong pamilya iangkop ang boses base sa
karakter ng alamat.

Alamat Ng Isla Ng Pitong Makasalanan Alamat ng Bisaya

5
ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN – Sa paksang ito, ating babasahin
ang buod ng alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.

https://philnews.ph/2020/02/19/alamat-ng-isla-ng-pitong-makasalanan-buod-ng-alamat-na-ito/ 8/24/20

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong


anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-
Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing
hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng Isla ng Panay. Araw-araw
makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya
nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang lumalangoy,
naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda habang
nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.

Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan


kundi maging sa malalayong lugar. O kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang
tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng
isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis
niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng
mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung makakahanap man ng
mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang hindi sila
mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmamasdan ang
kanyang mga anak na abala sa mga gawaing bahay.

Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang


dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng
mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga
kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis
na bangka.

Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga bisita sa mga dalaga. Naging mabilis
ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero.
Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang
nagsipayag.

6
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.
“Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga bianatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi
ako papaya.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga anak
na sumama sa mga binata.

Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw
at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.

“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-
kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong
bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.

Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda


ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang
kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol
ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang
maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na
niya nahabol ang mga anak.

Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga
anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! ang walang katapusang pagsigaw at
pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi siya
pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding
pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak,
walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y
nakidalamhati sa kanya maging mga kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng
araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng pagdilim ng himpapawid. Gumuhit
ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog. Biglang
pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi na
lamang.

Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang


kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana.
Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan ng kanyang
ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang matanda.
Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa
kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan ang
inalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa
paglalakbay.

Kinaumagahan, indi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Inisip


niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng panahon
nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang kanyang mga anak. Subalit

7
anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na
islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng
Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda kahapon at alam na alam niyang walang mga
islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.

Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso


ang mabilis niyng paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo
niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga
anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang
kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan na niya
ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga
bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon
kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-
hiwalay ang mga ito.

Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla
ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanng nagawa ng
pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2017/11/alamat-ng-isla-ng-pitong-makasalanan.html

Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan


Nabibigyang - kahulugan ang mga bagong salitang batay sa gamit sa pangungusap
Tukuyin ang kahulugan ngmga salitang ginamit sa akda. Piliin ang sagot sa hanay B
at isulat sa linya ang titik ng tamang sagot.

A B
_____ 1. Ang pitong dalaga'y tila mga nimpa dahil a. sakay
sa taglay nilang kagandahang hinahangaan ng madla

_____ 2. Ang mga binata ay dumating lulan ng b. diwata


malalaking bangka.
_____ 3. Ang bawat isa sa kanila'y naghahangad na c. pumalaot
ibigin din ng napupusuang dalaga.
_____ 4. Umiyak nang malakas ang kanilang ama d. umaasang
dahil sa galit at lungkot sa pagsuway ng makakuha
kanyang mga anak
_____ 5. Kinabukasan ay maagang namangka papunta e. baybayin
sa gitna ng dagat ang matanda upang hanapin f. humagulgol
sa karagatan ang kanyang mga anak.

Gawain 5: Pag-unawa sa Akda


https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBD_
enPH877PH878&source=univ&tbm=isch&q=bit
moji+images+riding+a+paper+airplane&sa=X&v
Mga Katanungan… ed=2ahUKEwjI8_u05_7sAhUC_GEKHZl_BeoQjJkEegQI
ChAB&biw=1366&bih=657#imgrc=QgHhPG8DNGT5WM
&imgdii=lRXu1HadmSGVfM 8/24/20
Kayang-kaya ko to!

8
Sagutin ang mga tanong: Isulat sa inyong kwaderdo.
1. Ano ang katangian ng mga dalagang labis na hinahangaan ng bawat
makikita sa kanilang?
2. Bakit pumayag ang ama na magpaalam ang anak na sumama sa mga
binatang bago pa lamang nakilala?
3. Kung ikaw ang isa sa dalaga susunod ka ba o susuway sa iyong ama?
Ipaliwanag.
4. Kung ikaw naman ang ama, ano ang maari mong gawin para hindi na
humantong sa pagtakas ng mga anak?
5. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga susunod ka ba o susuway sa iyong
ama? Ipaliwanag.
6. Ano ang ginawa ng anak na labis na nasasaktan ang kalooban ng ama?

Gawain 6: Mensahe Taglay ko!!


Piliin at lagyan ng kulay ang talulot o (petals) ayon sa bawat bilang ng mensaheng
taglay sa binasang alamat. At ipaliwanag ang napiling mensahe sa akda.

1. Nagalit ang ina kaya pinalayas ang kanyang mga anak.


2. Kapahamaka ang kinasadlakan ng mga anak nadi sumunod sa magulang.
3. Dapat marunong tayo magpatawad at gawin natin ang mga bagay na karapat-
dapat.
4. Minahal ng ama ang lahat ng kanyang mg anak.
5. Di sumunod ang mga anak sa sa kagustuhan ng ama sa kanila.
6. Nagkaroon ng malaking kaguluhan sa kinasadlakan ng ama.
7. Gaano ka halaga ang mensaheng napili mo sa buhay, bilang isang kabataan
tulad mo? __________________________________________________
_____________________________________________________________

9
Pagyamanin

Sulong para sa Tagumpay!

Gawain 1 Bubble Map. Isulat sa Papel


Punan ng mga hakbang na kung saan maaring gawin ng isang mag – aaral
tulad mo, upang mapanatiling mapalaganap at babasahin ng mga tao lalo na sa mga
kabataan ang mga alamat.

1. Bilang isang kabataan, mag -aaral ano ang maitutulong mo upang ang
alamat ay mapanatili sa susunod na henerasyon?

Bubble Map

Mga hakbang na
gawin ng
mag - aaral

https://www.google.com/search?q=bubble+map+graphic+organizer&tbm=isch&ved=2ahUKEwjR28mn6f7sAhUbxWEKHemxBcIQ2cCegQIABAA&oq=bubble+&gs_lcp=CgNpbWcQ
ARgAMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDOgUIABCxAzoCCABQwqoHWKSB2D63gdoAHAAeACAAe
UGiAHXEJIBCzAuNC4xLjEuNi0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=PR6uX5HJMJuKhwPp45aQDA&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc
=9OkcQPlHSrdaWM 8/24/20

Gawain 2.Kilalanin Mo!!


Panuto : Isulat sa graphic organizer ang katangian ng tauhan. Gamit ang sariling
papel sa pagsagot.

10
Rubriks

Pamantayan Napakagaling Magaling Katamtaman


Malinaw at kompleto ang Hindi gaanong
Kaayusan sa Malinaw na malinaw at pagsulat malinaw at
pagsulat kompleto ang pagsulat kompleto ang
pagsulat
Nasusunod ang hini-hingi Hindi gaanong nasusu- Hindi nasusunod
Kawaastuhan ng mga gawain. nod ang hinihingi ng mga ang hinihingi ng
gawain. mga gawain.
Kalinisan Hindi gaanong malinis Hindi malinis ang
Malinis na malinis
pagkasulat
Kabuuan 15

Isaisip

Sa iyong paghahalungkat at paglalakbay ay ating napag- alaman


ang kaaibang pangyayari na yumanig sa ating nanahimik sa isip,
dahil dito malapit mo nang makamtan ang iyong tagumpay. Kaya
Isigaw mo ngmalakas “Kayang kaya Ko to!!” (ulitin mo pang ang
pasigaw) Alam kong lubos mo ng naintindihan ang ating leksyon
pero may ibibigay pa akong mga katanungan na susukat sa iyong
kaalaman.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Ibigay ang tiyak na


sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Kung ikaw ang magulang, ano ang gagawin mo upang mapalaki pa ring mabuti
ang ang iyong anak sa kabila ng pandemic na nangyayari sa ating lipunan
ngayon?
2. Bakit kailangan igalang at sundin ang payo ng ating mga magulang?

11
Tayahin

Mahusay! Ang galing mo…binabati kita sa iyong pagsisikap na


makasunod at makagawa ng mga gawain na inaatas sa iyo.
Ito na ang pagkakataon mo para mapatunayan ang iyong
galing.Tayo na….

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang


tamang titik ng tamang sagot. Isulat sa papel ang iyong mga kasagutan.

1. Humahagulgol ang batang iniwan ng kanyang magulang sa tabing ilog. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. sumigaw ng malakas
B. umiyak ng malakas
C. tumakbo ng walang tigil
D. galit na galit
2. Natatakot ang mga kalalakihan kung punta sa kagubatan at sa tabing ilog
sapagkat may madaming mga nimpang nag – aabang sa kanila. Ano ang
kahulugan ng salitang nimpa?
A. Diwata C. aswang
B. kapre D. dwende

3.Araw- araw makikita ng pitong dalaga habang nasasagawa ng kaniyang gawaing


bahay. Ano ang katangian ng tauhan?
A. malilinis C. masisipag
B. palautos D. masayahin

4. Ano mensaheng napapaloob sa alamat na binasa?


A. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang anak.
B. Ikinamatay ng ina ng pitong dalaga ang pag – alaga sa kanila.
C. Namumuhay silang payapa sa habang panahon.
D. Nagsisi ang anak at muling bumalik sa piling ng ama.

5. Tila estranghero sa akin ang ikinikilos ni Tyronne nitong nakaraang mga araw.
Alin sa ibaba ang tingin mong iterpretasyon sa salitang estranghero?
A. kaibigan C. bagong salta
B. kapatid D. kakaiba

6.Sobrang suwail ang nagiging anak ng aming kapit bahay. Ano ang magiging
interpretasyon mo sa salitang may salungguhit?
A. mabait na anak C. lasing girong anak
B. matulungin na anak D. matigas ang ulo

12
7.Ano ang tawag sa pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon
ng katutubo?
A. salawikain C. alamat
B. bugtong D. sanaysay

8.Sa kanyang pag – uwi ay isang napahimik at napakalungkot na tahanan ang


kanyang dinatnan. Alin sa palagay mo ang naramdaman ng ama sa mga
sandaling iyon?
A. labis na nagdaramdam C. labis na nasisiyahan
B. labis ang pagkagalak D. labis na nasaktan

9. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan ang
inalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa
paglalakbay. Ano ang katangian ng ipinakita sa ama?
A. maalalahanin C. mapagbigay
B. mapagmahal D. may malasakit

10.Paano mo magagamit ang aral na taglay nito sa pang -araw -araw mong
pamumuhay?
A. isasabuhay mo at susundin
B. magsulat ng madaming alamat
C. ipakilala sa buong mundo
D. ipalaganap sa mga kakilala

Karagdagang Gawain

Tara na...Basa mo! Sulat mo!


Isang hirit nalang matapos mo ang modyul na ito… Ikaw ngayon ay isang manunulat
ng komiks na magsasalin ng isang alamat sa anyong komiks. Isulat sa isang sulatang
papel.
Narito ang mga posibling alamat na pwede mong gawan mo ng komiks strip:
1. Alamat ng Butiki
2. Alamat ng Pinya
3. Alamat ng Saging
4. Alamat ng Bulkang Taal

https://angelarandall.net/wp-content/uploads/2017/05/Bitmoji-Talk-Soon-Winter-Casual.png

13
14
Tayahin
1. C
2. B
3. A
4. B
5. A
6. A
7. A
8. B
9. A
10.A
11.A
12.D
13.C
14.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M. Pinagyamang
Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2017

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.google.com%2Fsearch%3Fq%3Dad
am%2520and%2520eve%2520story%26source%3Dlnms%26tbm%3Disch%26sa%3DX%26v
ed%3D2ahUKEwiUpLew8v7sAhXxKqYKHX5NCZoQ_AUoAXoECA8QAw%26biw%3D1366%2
6bih%3D657%26fbclid%3DIwAR3g7teifdKcFHGR3L8EVspfv3vMtmvWu6zqLwLhCUjpEv3jX
OW2k6BVzEE%23imgrc%3DbBzRhoEnv5yCIM&h=AT2wbW5eROwH7xAg6e4OioeUJepIPIW
QZO_ajQa7MYodpK6XM6W_2bIdsQ8itIxLYA127JMcPtH_4YqnSTjTRsN7tkWBVqi3I15GqDH
cCCvH3NSq_hdDutbEgfBKMPS2I 8/24/20

https://www.google.com/search?q=beginning&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUK
EwjLpbbD8cfrAhUjBKYKHeI9AnEQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1034&bih=620&fbclid=IwAR3g
7teifdKcFHGR3L8EVspfv3vMtmvWu6zqLwLhCUjpEv3jXOW2k6BVzEE#imgrc=kpRDayPf3A8
vLM 8/24/20

https://www.kingsnews.org/articles/does-a-text-displace-its-own-beginnings-pt-
2?fbclid=IwAR3tGM1zI8pvaD0W5zYW4vMbw82KqXW5wdTNaSx0iV3Vn9QMvF5eGM-XEwc 8/24/20
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/border-design-with-bamboo-stem-vector-
18048458

http://poklorista,weebly.com/o-ang karungang_bayan.html

https://philnews.ph/2020/02/19/alamat-ng-isla-ng-pitong-makasalanan-buod-ng-alamat-na-ito/
8/24/20

https://www.dreamstime.com/sleeping-newborn-baby-boy-cute
image122892338?fbclid=IwAR2lZLRZciMW_4--uJFmd5N7YQC-OHejcIKRbf7rMik010ROvStIw2rg0tE
8/24/20

https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&source=univ&tbm=isch&q=bitmoji+images+ri
ding+a+paper+airplane&sa=X&ved=2ahUKEwjI8_u05_7sAhUC_GEKHZl_BeoQjJkEegQIChAB&biw=1366&bih=657#img
rc=QgHhPG8DNGT5WM&imgdii=lRXu1HadmSGVfM 8/24/20

https://www.google.com/search?q=bubble+map+graphic+organizer&tbm=isch&ved=2ahUKEwjR28mn6f7sAhUbxWEKHemxBcIQ2cCegQIA
BAA&oq=bubble+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIAB BDMgQIABBDMgQIABB
DMgQIABBDMgcIABCxAxBDOgUIABCxAzoCCABQwqoHWKSB2D63gdoAHAAeACAAeUGiAHXEJIBCzAuNC4xLjEu
Ni0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=PR6uX5HJMJuKhwPp45aQDA&bih=657&biw=13
66&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=9OkcQPlHSrdaWM

https://angelarandall.net/wp-content/uploads/2017/05/Bitmoji-Talk-Soon-Winter-
Casual.png

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And whe n the d ark nig ht wr ap s the gr ave y ar d ar ound
Through the gloom of night, to herald the day; With only the d e ad in the ir v ig il to s e e
And if color is lacking my blood thou shalt take, B re ak not m y re p os e or the m ys tery p r of ound
Pour'd out at need for thy dear sake And pe rc hanc e thou m ays t he ar a s ad hym n re s ound
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my c ountry, r aising a s ong unto the e .

My dreams, when life first opened to me, And ev e n my g rav e is r em em be re d no m ore


My dreams, when the hopes of youth beat high, Unm ark 'd by ne ve r a c r os s nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Le t the plow s we ep thr oug h it, the sp ade tur n it o' er
From gloom and grief, from care and sorrow free; That m y as hes m ay c arp e t e ar thly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. B ef ore into nothing nes s at las t the y are b lown.

Dream of my life, my living and burning desire, The n will ob liv ion br ing to me no c ar e
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As ove r thy v ale s and p lains I s we e p;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Thr ob b ing and c le anse d in thy s p ace and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With c olor and lig ht, with s ong and lame nt I f are ,
And sleep in thy bosom eternity's long night. Ev e r re p e ating the f aith that I k ee p .

If over my grave some day thou seest grow, M y F athe rland ad or' d, that s ad ne ss to my sor r ow le nd s
In the grassy sod, a humble flower, B e lov ed F ilip inas, he ar now m y las t g ood -b y!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I g ive the e all: p are nts and k indr ed and f r iend s
While I may feel on my brow in the cold tomb below F or I g o wher e no s lav e be f or e the op pr es s or b e nds ,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Whe r e f aith c an ne ve r kill, and God r e ig ns e ' er on hig h!

Let the moon beam over me soft and serene, F are well to y ou all, f r om m y s oul tor n away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, F rie nds of m y c hild hood in the home disp oss e ss ed !
Let the wind with sad lament over me keen ; Giv e thanks that I re s t fr om the we ar is om e d ay !
And if on my cross a bird should be seen, F are well to the e, too, s we e t f rie nd that lig hte ne d m y way;
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. B e lov ed cre ature s all, f are well! I n d e ath t her e is re s t!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and “I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.”
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness. 16

You might also like