You are on page 1of 3

Aralin Lipunang Sibil

12

Competency: natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang


kanya-kanyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang
kabutihang panlahat.
ESP 9 WEEK 7, 1ST QUARTER
Ano ang dapat kong malaman

Dahil kapos ang kakayahan ng pamahalaan upang ang katiwaliang ito ay mabigyang-
lunas, at lahat tayo ay nabibigatan sa kalakarang ito, napakarami rin ng kailangan nating
katuwangin sa pagtugon dito, at sabihang, “Paki lang.” May mga nag-organisa ng kani-
kanilang sarili upang ipahayag ang pagkasuklam sa ganitong sistema. Isang musikerong
nagngangalang Ito Rapadas ang nagpasimuno sa Facebook ng ideyang maramihang
pagpapahayag ng pagkadismaya, at ikinalat ng isa pang nagngangalang Peachy Bretaña ang
ideya. Sa pagpapalitan ng mga mensahe ng mga gumagamit ng Facebook, nabuo ang planong
Million People March. Inendorso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa
Facebook account nito ang plano, na ginanap sa Luneta noong Agosto 26, 2013, Araw ng
mga Bayani. Sinabayan ito ng ganoon ding aktibidad sa labing-isa pang mga lunsod sa buong
bansa. Nasundan pa ito noong Oktubre 4, 2013 sa Makati, at tinitiyak ng mga nag-organisa na
magtutuloy-tuloy pa ang ganitong mga pagkilos hanggang hindi naibabasura ang sistema ng
pork barrel.

Ang ganitong kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang


pagtuwang sa isa’t isa ang tinatawag nating lipunang sibil. Hindi ito isinusulong ng mga
politiko na ang interes lamang ay ang pananatili sa kapangyarihan. Hindi rin ito isinusulong
ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay
ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang lipunang
sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kayâ
nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali
at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.
Ano ito

Halimbawa:

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F
%2Fbbgupta.com%2Fsystem-driven-vs-individual-driven- https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
organizations-bbgupta %2Fwww.shutterstock.com%2Fsearch%2Freligious
%2F&psig=AOvVaw0Z7osVdMkVQrN5IGXQTW23&ust=15941956208 %2Bsymbol&psig=AOvVaw0lvIvnUZVpjt405riH4Mct&ust=1
52000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJjtkNeTuuoCF 594195702453000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjR
QAAAAAdAAAAABAD xqFwoTCNi8vf6TuuoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FGabriela_Women
%2527s_Party&psig=AOvVaw1nXJKZnLfHVNRJeDySQPjB&ust=15941
95823050000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDf0ra
UuuoCFQAAAAAdAAAAABAD

Ano ang magagawa ko

Gawain 1

Isulat sa kuwaderno ang sagot sa mga sumusunod na tanong:

a. Ano-anong mga pangangailangan ng iyong pamilya ang hindi ninyo kayang matamo kung
sa iyong pamilya lamang iaasa? Ipaliwanag.
b. Ano-anong kalagayang panlipunan ang humahadlang kung kayâ hindi ninyo matamo ang
mga ito? Ipaliwanag.
c. May mga hakbang bang ginagawa ng pamahalaan upang matamo ninyo ang mga ito?
Patunayan.

Gawain 2

Panuto: Matapos pag-ugnay-ugnayin ang mga konsepto at maipaliwanag ang mga


pagkakaugnay-ugnay ng mga ito, gumawa ng isang rap na humihikayat sa mga tagapakinig
na mag-ambag ng kanilang partisipasyon sa pagsusulog ng kabutihang panlahat.

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mgapagkatuto sa modyul
na ito?
Gawain 3

Sagutin sa iyong journal.

Anong pagpapahalaga ang maaaring magbunsod sa iyo upang makisangkot sa isang


lipunang sibil? Ano ang pinaka-layunin mo sa paikisangkot na ito?

Prepared by:

GUALBERTO G. PAMINTA
SST-III

Checked:

LILIBETH Y. ABAMONGA
School Head

Reviewed:

MAY P. EDULLANTES JASMINE I. GAOGAO JULIET M. TAGPAN


EPS, LRMDS PSDSEPS. (Edukasyon Sa Pagpapakatao)

Recommending Approval:

ANACLETA A. GACASAN AUDIE S. BORRES


Chief ES, CID Asst. Schools Division Suprintendent

Approved:

JEAN G. VELOSO
Schools Division Superintendent

You might also like