You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Schools Division Office of Cauayan City
Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela 3305

TRAINING NEEDS ANALYSIS


I. Below are human resource organizational development needs based on organization priorities and
concerns.

Training Needs Strongly Optional Not


Necessary Necessary
Division Roll-Out on SPG/SSG Teacher Adviser Training
Program

II. Recommendations / Proposed Interventions


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

III. Remarks
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Prepared by: Noted:

_____________________________ ________________________________

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Benepisyo ng paglalakad
72
SHARES
1
0
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - January 20, 2019 -
12:00am
SA lahat ng uri ng ehersisyo, isa sa mga higit na inirerekomenda ng mga health expert, scientist at ibang
dalubhasa sa medisina at kalusugan ang paglalakad. Ito kasi ang ehersisyong madaling gawin ng sino
man, bata o matanda, kahit anong oras at saan mang lugar nang walang kailanganing gastusin kaya
matipid.

Hindi na kailangan ang anumang mga gadget para gawin ito. Isa ito sa mga ehersisyong napakababa ng
bilang ng mga nasasaktan o nagkakaroon ng pinsala sa katawan.

Kabilang din ang paglalakad sa mga klase ng ehersisyo na lubhang dumaan sa maraming pag-aaral at
pananaliksik. Ito umano ang pinakamagaling na paraan para mapabuti ang pangkalahatang kalusugan at
mapahaba ang buhay ng isang tao.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Batay sa mga pag-aaral, ang mga tao na mas maraming beses naglalakad kaysa sa umuupo ay mayroong
mas mababang body mass index (BMI) na isa sa mga indicator ng obesity. Nasa normal healthy range ang
kanilang BMI.

Sa paglalakad, nababawasan nang pitong porsiyento ang peligrong magkaroon ng high blood pressure at
high cholesterol.

Ang mga mahilig o madalas maglakad ay nababawasan nang 12 porsiyento ang pa-nganib na magkaroon
ng type 2 diabetes. Bumubuti rin ang memory at cognitive functions ng mga naglalakad. Mas gumaganda
ang kakayahan nilang tutukan ng atensiyon ang isang bagay at magpalipat-lipat ng iba’t ibang gawain. Sa
isang pag-aaral, lumabas na merong koneksiyon ang paglalakad sa greater volume ng gray matter ng utak
na isang sukatan ng kalusugan ng utak.

Tulad ng ibang uri ng aerobic exercise, ginigising ng paglalakad ang produksyon ng neurotransmitter sa
utak (tulad ng endorphins) na tumutulong na mapabuti ang mental state ng isang tao. Bumababa ang
stress at pinapaganda ang kanyang mood.

Natuklasan din ng ilang mga researcher na ang paglalakad nang halos tatlong oras kada linggo ay
kunektado sa 11 porsiyentong bawas sa peligro ng maagang pagkamatay kumpara sa hindi gaanong
naglalakad o ganap na walang ginagawa.

Sinasabi rin na ang minimum na rekomendasyon para sa mabuting kalusugan ay 30 minutong moderate
intensity walking sa loob ng limang araw kada linggo

Read more at https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2019/01/20/1886526/benepisyo-ng-


paglalakad#62bpVLMwueMJAQ3G.99

Lengguwahe ng teknolohiya
280
SHARES
5
0

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - June 24, 2018 -
12:00am
WALANG direktang salin sa wikang Filipino ang terminong hack o hacker o hacking sa usapin ng
computer. Karaniwan kasing kahulugan sa sarili nating wika ng “hack” ay tinaga o sinibak. Pero
iskandalosong pakinggan kung sasabihing ang isang website ay “sinibak” o “tinaga” kung pagbabatayan
ang kahulugan nito sa diksyunaryong Ingles. Pero, kung hindi tayo magiging literal, puwede namang
sabihin na lang na “sinira” ang isang website. Isa ring isyu ‘yang website na wala ring katumbas sa sarili
nating wika.

At dahil nga ang computer ay gawa sa ibang bansa, nasa Ingles o ibang wika (depende sa bansang
pinagmulan), lahat ng mga terminolohiyang ginagamit nito ay nasa wikang dayuhan. Pero, kalimitan,
nasa Ingles ang terminong ginagamit sa lahat ng bagay na merong kinalaman sa computer tulad ng sa mga
piyesa nito at sa mga programa. Maging ang internet ay Ingles ang pangkalahatang wikang ginagamit.

Mukhang tinatanggap na lang ng lipunan natin sa araw-araw ang mga salitang Ingles sa mga usapin sa
computer. Wala kang mararamdamang pagkilos ng mga kinauukulan para malutas ang usaping ito. Meron
namang pagtatangka sa mga akademya tulad sa University of the Philippines pero mas palasak pa rin ang
paggamit ng wikang Ingles sa computer.

ADVERTISING

Lumalabas na “Taglish” (magkahalong Tagalog at Ingles) kapag meron kang isinusulat o kailangan kang
magpaliwanag sa sarili nating wika na merong kaugnayan sa information technology. Merong mga
computer program o mga website sa internet na nagtatangkang isalin sa Filipino ang ilan sa mga salitang
Ingles tulad ng “isinakay” para sa upload. Ang Google ay meron ding bersyon sa tagalog. Pero hindi
naman lahat ng termino nito ay merong katumbas sa Tagalog. Maging ang Internet ay walang direktang
salin sa sarili nating wika. Masyado namang hahaba kung igigiit nating isalin sa Filipino ang Internet
(magkakawing-kawing o magkakaugnay na mga bagay) batay sa kahulugan nito sa Ingles. Parang
masagwa ring tawaging “pandaigdigang sapot” ang “world wide web’’ kaya marahil tinatanggap na lang
ito sa Ingles. Isa kasing problema sa teknolohiyang ito ng computer ang kakaibang terminong ginagamit
kapag hahanapan ng katumbas sa Filipino. Tulad ng mouse na lumalabas na nakakatawa kung tatawaging
“daga’.

Marahil nga, bahagi na ng pagsulong at pag-unlad ng ating lipunan ang pagtanggap at paggamit ng mga
salitang Ingles sa teknolohiya ng computer. Tila tulad din ito ng ibang dayuhang salita na isinasama na
rin sa wikang Filipino. Hindi na kailangang hanapan ng katumbas sa sarili nating wika dahil mga bagay
ito na hindi sariling atin.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Read more at https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/06/24/1827492/lengguwahe-ng-
teknolohiya#Tgk5JgAtjTXr1C6h.99

Kailangan ba natin ang Facebook?


25
SHARES
2
0
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - April 22, 2018 -
12:00am
MARAMING maiinit na kontrobersiyal na isyung nag-lalabasan hinggil sa social media entity na
Facebook. Tulad ng sinasabing paglapastangan sa privacy ng ilang milyong gumagamit nito. Pinakahuli
iyong mga pagbatikos ng mga tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon sa pagtatalaga ng Facebook
bilang fact checker nito sa Rappler at Vera Files. May mga nag-uudyok sa kanila na layasan na ang
Facebook at lumipat sa ibang social media platform pero mukhang hindi naman ito kinakagat nang
marami.

Kaya maitatanong kung kailangan ba natin ang Facebook? Depende siguro. Milyun-milyong tao sa
mundo ang nahumaling dito dahil sa maraming features nito lalo na nang mauso ang smartphone na kahit
anong oras ay maaaring makapagbukas ng Facebook ang sino man. Nagagamit din ito sa trabaho at
negosyo at linya ng komunikasyon bukod sa pagiging isang uri ng libangan. Puwede ring imbakan ng
files o litrato na nais mong maipreserba. Nagkakausap dito ang maraming tao sa mundo kahit libu-libong
milya ang layo nila sa isa’t isa. Nagagamit din ito sa pananaliksik at pagkakawanggawa at maging sa
pagbubunyag at paglutas sa mga krimen.

Pero dati naman nabubuhay tayo sa araw-araw noong panahong hindi pa naiimbento ang Facebook. Bago
nga ito dumating ay meron na ring iba pang social media entity tulad ng Friendster. Magpapatuloy pa rin
ang buhay kahit wala ito. Nagkataon lang na nauso ito, sumikat at nagkaroon ng tinatawag na bandwagon
na kahit sinong may computer at smartphone ay matutuksong magbukas ng account dito. Marami ang
nahuhumaling na kahit disoras ng gabi ay nagtse-check sa kanilang account. May mga kaibigan at kaanak
na nagkalayo na muling nagkakaugnayan dahil dito. Nagkita-kitang muli ang mga dating magkaeskuwela
halimbawa at may mga nabubuo ditong mga relasyon o pag-iibigan.

Dadating din ang panahon na malalaos ang Facebook lalo na kung may susulpot na iba pang nakakahigit
pa rito na social media entity. Dapat lang magpakahinahon, maging maingat at alalay lang sa paggamit
nito. Sabi nga, ang anumang sobra ay nakakasama sa kalusugan.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Read more at https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/04/22/1808243/kailangan-ba-natin-
ang-facebook#jBJ7MA9gmosmiiFg.99
Paggamit ng power bank
8
SHARES
0
0
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - January 29, 2017 -
12:00am
ISA sa bunga ng makabagong teknolohiya sa kasalukuyan ang tinatawag na power bank na naging
solusyon sa problema ng mga baterya ng smartphone na naubusan na ng enerhiya at walang electrical
outlet sa paligid na maaaring masaksakan ng re-gular na recharger nito.

Nilutas ng power bank iyong mga sitwasyon na nasa isa kang umaandar na sasakyan na kailangan mong
gumamit ng smartphone pero ‘lowbat’ na ito o nasa isa kang liblib na lugar na walang regular na
electrical outlet na masasaksakan ng recharger. Maaari ring habang ginagamit mo ang smartphone tulad
sa pagtawag o panonood ng video o paglalaro ng games ay nakasaksak dito ang power bank para matiyak
na mas hahaba ang buhay ng baterya. Kailangan nga lang tanggalin ang power bank kapag full power na
ang baterya para hindi ito masira.

Parang naging katulong ng mga regular recharger ang mga power bank na hindi naman matatawag na
kahalili ng una sa pagsu-suplay ng kuryente sa baterya ng smartphone.

ADVERTISING

Kung tutuusin, ang power bank ay imbakan lang ng reserbang kuryente na magagamit sa sandali ng
lubhang pa-ngangailangan. Hindi rin naman permanente ang reserbang ito dahil nasasaid din ang laman
niya sa matagal na paggamit. Kapag naubusan ito ng power, kailangan din itong i-recharge. Kaya nga,
hangga’t maaari, ginagamit lang ang power bank sa panahon ng emergency o mga pagkakataong walang
ibang paraan kung walang nakalaang regular na recharger o electrical outlet. Para siyang banko ng pera
na magwi-withdraw ka lang kung kailangan talaga. Hindi siya dapat ituring na kapalit ng regular na
recharger ng baterya.

Hangga’t maaari, kung me masasaksakan naman ang regular na recharger ng iyong smartphone, ito na
ang gamitin. Marami na rin namang mga charging station sa kapaligiran tulad sa mga convenience store
at shopping mall na sa konting barya lang ay maaari mo nang mai-recharge ang baterya ng iyong

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
pinahahalagahang smartphone. Puwede rin ngang i-recharge ang smartphone sa mga computer o laptop
dahil sa mga USB devices ng mga ito.

Kung madalas kasi ang paggamit ng power bank, baka dumating ang panahon na kung kailan emergency
o kaila-ngang-kailangan mo ang serbisyo nito ay hindi mo pala mapapakinabangan dahil lowbat na rin ito
at walang masasaksakang electrical outlet para mai-recharge. Hindi mo na magamit ang regular recharger,
hindi pa rin magamit iyong power bank. Tandaan na ang power bank ay nauubusan din ng lakas. Isa lang
itong imbakan ng kuryente. Reserbang enerhiyang maaaring hugutin sa sandali ng lubang
pangangailangan

Read more at https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2017/01/29/1666547/paggamit-ng-power-


bank#2ujxst6vctO879qs.99

MAHAL ang kilo ng bigas na umaabot sa mahigit P30 ang 1 kilo. Pero ang nakapagtataka, mura naman
ang palay kapag binibili sa mga magsasaka. Sa kasalukuyan ang 1 kilo ng palay ay binibili lamang sa
halagang P12 at may mas mababa pa rito. Kaya naman ang mga magsasaka ngayon habang inaani ang
kanilang inalagaan at pinagkagastahang palay, napapailing na lang dahil hindi mababawi ang kanilang
gastos.

Panahon na ng anihan ngayon sa Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan) at sa iba pang


lugar sa Luzon. Masagana ang kanilang pag-aani sapagkat maganda ang resulta nang pagtatanim.
Naalagaan nila nang husto sa fertilizer, insecticide at tamang patubig ang palayan. Magaganda at mapi-
pintog ang butil ng mga palay. Kaygandang tingnan ng palay na animo’y ginto sa malawak na linang.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Napakasarap langhapin ng mga hinog na palay. Masarap anihin ang pinagbuhusan ng pawis at hirap. Ang
ilang buwan na paghihintay sa inalagaang palay ay magiging pera na sa wakas.

Pero malaking pagkadismaya sapagkat matapos anihin, giikin at isako, bibilhin lang pala ng mura.
Napakababa ng presyo! Sobrang baba na halos hindi mabawi ang kanilang ginastos. Taliwas ito sa
kanilang inaasahan na mataas ang presyo sa panahon ng pag-aani. Ang kanilang pinagbuhusan ng
panahon sa loob ng ilang buwan ay mabebenta lamang sa murang halaga. Ang kanilang inaasahan,
maipagbebenta ang kanilang palay ng P17 bawat kilo pero bigo sila sa inaasahan.

Nabaon sila sa utang habang inaalagaan ang kanilang mga tanim na palay. Kailangang utangin ang
pambili ng binhi, pataba at insecticide. At pagkatapos, mababa lamang palang bibilhin ang kanilang ani.

Ang sobrang pagdami ng imported na bigas ang itinuturong dahilan kaya mababa ang presyo ng palay.
Epekto ito ng rice import liberalization law. Dumagsa ang imported na bigas na mas murang ibinibenta.

Umaaray ang mga magsasaka sa nangyayaring bagsak-presyo ng palay. Ang iba, sa halip na magtanim ng
palay, nag-aalaga na lamang ng tilapia at ang iba ay manok at baboy. Sigurado raw ito dahil hindi
bumabagsak ang presyo.

Advertising
Scroll to continue
Tulungan ang mga magsasaka. Itaas ang presyo ng palay para makabawi ang mga magsasaka. Kung
maaari, bilhin ng National Food Authority (NFA) ang mga palay. Huwag pabayaan ang mga magsasaka.

Pagbaba ng presyo ng palay sa P7 kada kilo dapat aksyunan

Columns
By Bella CariasoSeptember 08,2019
share this

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
LABIS ang pighati ng mga magsasaka sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay kung saan umabot na ito
sa P7 kada kilo.

Kung palugi lagi ang mararanasan ng mga magsasaka, hindi na nakakapagtaka na tumigil na lamang sila
pagtatanim at ibenta na lamang kanilang bukirin.

Nagte-trending din sa social media ang mga reklamo ng mga magsasaka kung saan binatikos nila na
masyadong abala ang mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng transwoman na si Gretchen Diez at ng
SOGIE bill, gayong libu-libong magsasaka ang umaaray sa pagbaba ng presyo ng palay, na ayon sa kanila
ay mas dapat bigyan ng atensyon.

Isinisisi ng mga magsasaka ang labis na pagbaba ng presyo ng palay sa pagpapatupad ng Rice
Tariffication law at pagbaha ng mga imported rice.

For Cesar, the euphoric feeling of winning an award can’t beat the joys of fatherhood
For Cesar, the euphoric feeling of winning an award can’t beat the joys of fatherhood
Maarteng female celeb inireklamo na ng mga katrabaho sa tv network: Sobra na siya!
Maarteng female celeb inireklamo na ng mga katrabaho sa tv network: Sobra na siya!
Recommended by
Ayon sa mga magsasaka, mula P19 kada kilo noong isang taon, bumaba ito sa P15 kada kilo nang
simulan ang implementasyon nito ngayong taon.

Noong Agosto, bumaba ito muli sa P10 kada kilo hanggang umabot sa P7 kada kilo.

Nag-alok naman ang Department of Agriculture (DA) ng P15,000 loan kada magsasaka, bagamat umalma
lalo ang mga apektadong mga magsasaka.

Paano nga naman mababaon lamang sa utang ang mga magsasaka at ang kailangan nilang tugon mula sa
gobyerno ay tumaas ang presyo ng palay.

Binabarat kasi ng mga traders ang pagbili nila ng palay sa mga magsasaka kayat kailangan na ang
intervention ng gobyerno.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Nitong nakaraang araw inatasan ni Pangulong Duterte ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang
aning palay ng mga magsasaka para makaagapay sa epekto ng rice tariffication law.

Idinagdag ni Duterte na dapat ay magkaroon ng kasunduan sa presyo ng palay.

“But you cannot demand a price. You arrive at a compromise of how much you are willing to lose a little
bit. Just to break even, as long as they won’t be shortchanged for their efforts. They are compensated but
do not demand a price that is unreasonable,” sabi ni Duterte.

Ipinagtanggol naman ni Duterte ang bagong batas sa pagsasabing ipinasa ito para mapagsilbihan ang mas
mayorya ng populasyon.

“So the solution there is for us to buy it. Even if we lose money. That’s why we collect taxes,” dagdag ng
pangulo.
Isinisi naman ni Agriculture Secretary William Dar sa mga sangkot sa hoarding sa pagbaba ng presyo ng
palay.

“Even before the [enactment] of the Rice Tariffication Law wasn’t there already a drop in palay prices?
So somebody is taking advantage and we see to it that we will apply the full force of the law [on those
caught] hoarding,” giit ni Dar.

Kung hoarding ang totoong problema, dapat umaksyon na ang DA at iba pang kaukulang ahensiya.

Ang importante, mapataas ang presyo ng palay dahil kung patuloy itong mangyayari, wala nang
magsasaka ang gugustuhin pang magtanim ng palay.

RECOMMENDED
Getting a Job in the UK Might be Easier Than You Think

Read more: https://bandera.inquirer.net/228109/pagbaba-ng-presyo-ng-palay-sa-p7-kada-kilo-dapat-


aksyunan#ixzz61qMNOfkP
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
EDITORYAL - Pinapatay ang mga magsasaka
(Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2019 - 12:00am

ANIHAN ng palay ngayon sa maraming bahagi ng bansa, gaya sa Mimaropa (Mindoro-Marinduque-


Romblon-Palawan). Sagana sila sa aanihing palay sapagkat maganda ang resulta ng pagta-tanim.
Naalagaan nila nang husto sa fertilizer, insecticide at tamang patubig ang palayan. Kaya magaganda ang
uhay ng mga palay. Kaygandang tingnan ng aanihing palay na nagmistulang ginto ang malawak na
linang. Napakasarap langhapin ng mga hinog na palay. Masarap anihin ang pi-nag-buhusan ng pawis at
hirap. Ang ilang buwan na paghihintay sa itinanim at inalagaang palay ay magiging pera na sa wakas.

Pero malaking pagkadismaya ang nakamtan ng mga magsasaka makaraang maani at ibenta ang kanilang
palay. Mababa ang presyo ng palay! Sobrang baba na halos hindi mabawi ang kanilang ginastos. Taliwas
ito sa kanilang inaasahan na mataas ang presyo sa panahon ng pag-aani. Ang kanilang pinagbuhusan ng
panahon sa loob ng ilang buwan ay mabebenta lamang ng P12 bawat kilo o mababa pa rito. Ang kanilang
inaasahan, maipagbebenta ang kanilang palay ng P17 bawat kilo.

Nabaon sila sa utang habang inaalagaan ang kanilang mga tanim na palay. Kailangang utangin ang
pambili ng binhi, pataba at insecticide. At pagkatapos, mababa lamang palang bibilhin ang kanilang ani.

Ang sobrang pagdami ng imported na bigas ang itinuturong dahilan kaya mababa ang presyo ng palay.
Epekto ito ng rice import liberalization law. Dumagsa ang imported na bigas na mas murang ibinibenta.
Dahil dito, mas tinatangkilik ng consumers ang murang imported na bigas. Siyem-pre, ang mura ang
kanilang pipiliin.

Umaaray ang mga magsasaka sa nangyayaring bagsak-presyo ng palay. Ang iba, sa halip na magtanim ng
palay, nag-aalaga na lamang ng manok at baboy. Sigurado raw ito dahil hindi bumabagsak ang presyo.

Nararapat tulungan ang mga magsasaka. Huwag silang patayin! Itaas ang presyo ng palay para naman
mabawi ng magsasaka ang kanilang nagastos. Huwag silang pahirapan.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
EDITORYAL - Hindi kinatatakutan ang Anti-Hazing Law
718
SHARES
6
4
(Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2019 - 12:00am
TATLONG beses nang may nangyayaring hazing sa Philippine Military Academy (PMA). Una ay noong
taon 2000 nang mamatay si Cadet Ace Bernabe Ekid. Ikalawa ay noong Marso 2001 nang mamatay
naman si Cadet Edward Domingo. Ang ikatlo ay nangyari noong nakaraang linggo nang mamatay si
Cadet Darwin Dormitorio. Sino pa ang susunod?

Noong nakaraang taon, namatay din sa hazing ang UST law student na si Horatio Castillo III. Namatay si
Castillo dahil sa rami ng mga palo sa katawan na ibinigay sa kanya ng mga brod niya sa Aegis Juris
Fraternity. Ang pagkamatay ni Castillo ang naging daan para magkaroon ng Anti-Hazing Law (Republic
Act 11053). Ilan sa mga ka-brod ni Castillo ang nakakulong na.

Maraming nag-akala na sa pagkakabatas ng Anti-Hazing, matitigil na ang pagkamatay dahil sa hazing


pero hindi pala dahil may nangyari na naman sa PMA. Wala rin palang epekto ang batas at lalo pang
kinakati ang kamay para may pumatay. Kung sa PMA ay may nangyayaring hazing, paano pa sa ibang
eskuwelahan o institution.

Marami nang nangyaring hazing sa nakaraan at magandang balikan para malaman ang masamang dulot
nito. Isang 18-anyos na babaing estudyante ng Lyceum of the Philippines-Manila na grabeng pinahirapan

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
ng may 20 miyembro ng Tau Gamma Sigma sorority noong 2017. Ayon sa biktimang si Larissa Coleen
Alilio, na anak ng isang mayor sa Batangas, pinalo siya ng stick nang may 50 beses at pinatakan ng
kandila ang kanyang likod. Sinabunutan din umano siya at sinampal ng mga suspect. Ayon pa kay Alilio,
binantaan siyang papatayin kapag umayaw o nag-backout sa sorority.

Hindi rin naman malilimutan ang pagkamatay ng isang estudyante ng De La Salle-College of St. Benilde
noong 2014 dahil sa hazing na isinagawa ng mga mi-yembro ng Tau Gamma Phi fraternity. Ang biktima
ay nakilalang si Guillo Ceasar Servando. Isinagawa ang hazing sa isang apartment sa Palanan, Makati
City. Ang masaklap, hindi na malaman kung nakamit ng mga kaanak ng biktima ang katarungan sa
pagkamatay.

Walang natatakot sa Anti-Hazing Law. Kulang ang ngipin ng batas kaya marami ang sumusuway sa batas
na ito. Dapat dagdagan ang parusa sa mga gumagawa ng hazing.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/24/1954373/editoryal-


hindi-kinatatakutan-ang-anti-hazing-law#MC8h2ZoH5RcPw1Pc.99

EDITORYAL - I-monitor ang mga binibiyaheng baboy


(Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2019 - 12:00am
PATULOY ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at itinuturong dahilan ay ang mga nakakapuslit
na ibinibiyaheng baboy. Napigil na ang pagkalat ng ASF sa Rizal province pero sa kasalukuyan, sa
Quezon City naman may narereport na pagkamatay ng mga baboy. Noong Lunes, may mga baboy na
namatay sa Tatalon at Roxas District sa Quezon City. Magkalapit lamang ang dalawang lugar kaya
hinihinalang may naipuslit na mga baboy na may ASF doon. Pawang mga baboy na inaalagaan sa likod
ng bahay ang mga namatay.

Unang na-report na may mga baboy na namatay sa Payatas at Bagong Silangan sa Quezon City din na
hinihinalang may ASF. Maraming baboy sa lugar ang sama-samang pinatay at ibinaon para hindi na
kumalat ang sakit. Ang mga apektadong hog raisers ay inayudahan naman ng Quezon City government.
Halos mawalan ng malay ang mga nag-aalaga ng baboy sapagkat malaki ang nawala sa kanila. Hindi raw
nila alam kung paano makakabayad sa mga utang nila dahil sa pag-aalaga ng baboy.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Inamin naman ng Department of Agriculture na wala silang pondo para matulungan lahat ng mga
apektadong hog raisers. Ayon pa rin sa DA, ang maipagkakaloob lamang nila sa mga naapektuhan ay ang
pautang na pera para makapagsimula uli at hindi para sa mga pinatay nilang baboy na may ASF.

Bago umalis si President Duterte patungong Russia, mahigpit niyang pinag-utos sa DA na i-con-tain ang
pagkalat ng ASF. Nararapat mapigilan ang pagkalat upang hindi na lumubha ang pinsala sa kabuhayan.
Dahil sa ASF, malaki ang inilugi ng mga magkakarne sapagkat natatakot ang mga tao na bumili ng
karneng baboy. Sabi naman ng DA, hindi direktang nakakaapekto ang ASF sa tao. Ganunman, sinabi ng
Department of Health (DOH) na lutuing mabuti ang karneng baboy bago kainin.

Para ganap na mapigilan ang ASF, i-monitor ng DA ang mga ibinibiyaheng baboy. Siguruhing may
papeles ang mga ito. Ipagbawal naman ang pagpapakain sa mga baboy ng mga tira-tirang pagkain na
nagmula sa mga malalaking hotel. Hinala na isa ito sa dahilan ng pagkalat ng ASF.

EDITORYAL - - Huwag matakot sa polio vaccine


694
SHARES
3
0
(Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am
NAKAKAHINDIK malaman na ang poliovirus (VDPV) ay makikita sa mga imburnal, poso negro o
sewage. Nadiskubre ito makaraang magsagawa ng testing sa Manila sewage ang Department of Health
(DOH) noong nakaraang buwan at nagpositibo sa virus. Sabi ni DOH Secretary Fran-cisco Duque III,
bagama’t wala pang naitatalang kaso ng transmissions, dapat maprotektahan na ang mga bata sa virus.
Ayon pa kay Duque, nasa kapaligiran na ang poliovirus kaya dapat pabakunahan ng mga magulang ang
kanilang anak laban sa polio.

Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Wala umanong gamot sa polio
kundi ang kumpletong bakuna. Nanana-wagan ang DOH na dalhin ng mga magulang ang kanilang anak
sa barangay health center o mga pampublikong ospital para mabakunahan nang libre. Nagsimula na ang
pagbabakuna sa Maynila noong nakaraang buwan.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa
maruming kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumudumi.
Kaya ang panawagan ng DOH sa mamamayan, maging malinis para hindi mabuhay ang virus.
Kailangang mapanatili ang proper sani-tation.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Marami naman ang nagkaroon ng takot sa bakuna mula nang maging kontrobersiya ang Deng-vaxia
vaccine laban sa dengue. May mga batang binakunahan ng Dengvaxia ang umano’y namatay dahil sa
kumplikasyon. Karamihan sa mga bina-ku-nahan ay hindi pa nagkaka-dengue. Ayon sa Sa-nofi, maker ng
Dengvaxia, dapat mga nagka-dengue lamang ang dapat mabakunahan.

Ang pangyayaring iyon ay naghatid ng takot sa mga magulang kaya hindi na pinababakunahan ang mga
anak. Kahit bakuna sa tigdas, kinatakutan din. Ngayong nakita ang poliovirus, huwag isapa-laran ang
kalusugan ng mga anak. Pabakunahan

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/19/1953071/editoryal-


huwag-matakot-sa-polio-vaccine#keIXtlbgzACE1O9c.99

EDITORYAL - ‘Ninja cops’, dagdag dungis sa PNP


274
SHARES
1
0
(Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2019 - 12:00am
MARAMI nang dungis ang Philippine National Police (PNP) at lalo pang nadungisan dahil sa “ninja
cops”. Mai-imagine kung gaano kasama ang ginagawa ng “ninja cops” na ang drogang nakukumpiska ay
ibabalik sa kalye para pagkaperahang muli. Drug recycling talaga ang ginagawa ng mga pulis.

Nahalukay ang aktibidad ng “ninja cops” dahil sa pag-iimbestiga ng Blue Ribbon Committee ng Senado.
Nabunyag ang mga ito sa pagdinig ng Senado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Mas
natutukan pa ang “ninja cops” kaysa sa totoong isyu na pagpapalaya sa mga bilanggong may karumal-
dumal na kaso. Labintatlong pulis ang sangkot dito. Sila ang nagsagawa ng raid sa bahay ng Chinese drug
lord sa Mexico, Pampanga noong 2013. Nadakip ang drug lord. Umano’y 200 kilos ng shabu ang
nakumpiska sa Chinese pero 38 kilos lamang ang pinrisintang ebidensiya ng 13 pulis o “ninja cops”.
Pinatakas nila ang Chinese pagkaraang hingian ng umano’y P50-million. Makaraan ang raid, biglang
nagkaroon umano ng bagumbagong SUV ang mga pulis.

Ang pagbubulgar ay ginawa ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Si Magalong din ang nagsabi na isang 4-star police general ang sangkot sa kontrobersiyal na kaso. Sinabi
niya ito makaraang humingi ng session sa mga senador noong nakaraang linggo.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
ADVERTISING

Nagkaroon ng imbestigasyon sa 13 ninja cops pero sa halip na masibak ang mga ito sa puwesto, na-
promote pa. Kinumpirma naman ni PDEA director Aaron Aquino na tinawagan siya ng noon ay
Pampanga police director at ngayon ay PNP chief Oscar Albayalde at pinakiusapang huwag munang
ipatupad ang order sa 13 pulis sapagkat tauhan niya ang mga ito. Hindi naparusahan ang 13 pulis bagkus
na-promote pa ang mga ito.

Nararapat magsagawa ng bago at malalimang imbestigasyon sa kaso ng 13 pulis o “ninja cops”.


Halukayin pa ito para malaman ang katotohanan. Hindi maisasakatuparan ang totoong kampanya sa droga
kung ang mga pulis mismo ay sangkot sa “recycling”. Sayang ang sinimulan ng Duterte administration.

NINJA COPS
SIGN UP TO RECEIVE OUR EMA

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/10/06/1957737/editoryal-


ninja-cops-dagdag-dungis-sa-pnp#5oKEhjAw73EjJepY.99

EDITORYAL - Hubaran ang ‘ninja cops’ at police officials na korap


208
SHARES
0
2
(Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2019 - 12:00am
SABI ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon committee na nag-iimbestiga sa recycling ng
droga, dapat nang matapos ang masamang gawaing ito ng mga pulis. Sa isang radio interview kahapon,
mariing sinabi ni Gordon na tatapusin nila ang pag-iimbestiga sa drug recycling hanggang sa mahubaran
hindi lamang ang ninja cops kundi pati mga police officials na sangkot. Sa pagdinig noong nakaraang
linggo, lumilitaw na may mataas na police official na sangkot sa droga. Ayaw pangalanan ni Gordon ang
sangkot na police official. Bahala na raw si President Duterte na magbulgar sa mga ito. Naisumite na
umano nila ang pangalan ng “ninja cops” at tiwaling police officials.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Nararapat nang pangalanan ang mga pulis at kapag napatunayan, kasuhan at sibakin sa puwesto. Huwag
suspendihin lang dahil makakabalik pa sila sa puwesto. Anim na buwan lang ang suspension at
pagnatapos, balik uli sila sa serbisyo at magre-recycle uli ng shabu.

Dahil sa mga tiwaling pulis kaya hindi maubus-ubos ang shabu. Ang mga nakumpiska nilang shabu ay
ibabalik uli sa kalye. At nangyayari ito dahil may basbas ng kanilang superior. Kaya araw-araw man na
may makumpiskang shabu, hindi mauubos dahil ibebenta uli ng mga corrupt na pulis.

Ganito rin ang isiniwalat ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon
ay Baguio City mayor Benjamin Magalong nang tumestigo sa Senado. Ayon kay Magalong, isang dating
mataas na retiradong opisyal ng PNP at dalawang nasa aktibong posisyon ang sangkot sa tinatawag na
“agaw bato”. Humingi ng executive session si Magalong at binulgar niya sa mga senador ang pangalan ng
PNP officials na sangkot sa “agaw bato” o recycling ng droga.

Sobrang talamak na ang droga sa bansa at kaya hindi ito malutas ay dahil sa corrupt police officials.
Habang ang ibang mabubuti at tapat na pulis ay nagpapakamatay para makasamsam ng shabu, ang mga
“anay” naman sa PNP ay nire-recycle ito para magkamal ng pera.

Nararapat nang isiwalat ng Presidente ang mga pulis na sangkot sa recycling ng droga. Dapat malaman ng
mamamayan ang mga corrupt na sumisira sa imahe ng PNP at nagpapalala sa problema ng droga.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/29/1955794/editoryal-


hubaran-ang-ninja-cops-police-officials-na-korap#ATaYtQkqqM2j4fbc.99

EDITORYAL – Bigo ang drug campaign dahil sa ‘recycling’


(Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am
BIGO ang Duterte administration sa kampanya laban sa illegal na droga. Kahit araw-araw ay may
nahuhuling drug pushers at nakukumpiskang kilu-kilo ng shabu, hindi pa rin malutas ang problema sa
droga. Pabalik-balik lang. Patuloy ang bentahan ng droga at maski sa Bilibid ay pinagkakaperahan ito.
Laganap din ang droga kahit sa mga liblib na lugar sa bansa. Mas nauuna pang dumating ang shabu sa
mga barangay kaysa magkaroon ng kuryente o malinis na tubig. Ganito katindi ang problema sa droga.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na patuloy ang “recycling” ng droga at ito ang
dahilan kaya hindi malutas ang problema. Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mga corrupt
na pulis at PDEA agents ang nagre-recycle ng droga. Ang mga nakukumpiskang shabu ay muling
ibinabalik sa kalye at pinagkakaperahan ng mga tiwaling pulis. Ayon kay Aquino, masyadong talamak
ang “recycling” ng droga. Ayon pa sa PDEA chief, mayroon silang sinusubaybayang “drug queen” na
bumibili ng shabu sa police officers.

Bigo ang kampanya sa droga at maski si President Duterte ay batid ito. Katunayan, sa kanyang SONA
noong Hulyo, sinabi niyang hindi nananalo ang gobyerno laban sa illegal drugs. Ibig sabihin, bigo ang
drug campaign. Nagsimula ang kampanya noong 2016 at maraming napatay ang mga pulis sa drug
operations o “tokhang”. Bagama’t hindi nana­nalo, nagbanta naman ang President na ang hu-ling tatlong
taon niya sa termino ay mas magiging maigting pa. Ibig niyang sabihin, mas pag-iibayuhin pa ang drug
campaign.

Ngayong inamin ng PDEA na rampant ang “recycling” ng droga na ang gumagawa ay mga corrupt na
pulis, sila pala ang may malaking problema. Kung wala ang mga corrupt na pulis o PDEA agents,
maaaring magtagumpay ang kampanya. Mas makabubuti kung unahing “basagin” ang mga corrupt na
pulis at baka ito ang susi sa pagtatagumpay ng drug campaign. Alisin sa landas ang mga tiwali.

EDITORYAL - Huwag palubhain ang ASF


345
SHARES
1
0
(Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am
KINUMPIRMA ng Department of Agriculture na nakarating na nga sa bansa ang African swine flu
(ASF) at ito ang dahilan nang pagkamatay ng mga baboy sa Rodriguez, Rizal at Guiguinto, Bulacan,
dalawang linggo na ang nakaraan. Nagpositibo ang ASF makaraang ipasuri ang mga blood sample ng
mga baboy mula sa dalawang lugar. Sinuri ang blood sample sa United Kingdom. Ayon kay Agriculture
Sec. William Dar, 20 blood samples ang kanilang ipinadala sa UK at 14 sa mga ito ang nag-positibo sa
ASF. Gayunman, sa kabila na may presensiya ng ASF sa ilang lugar, ligtas ang mga karneng baboy para
sa human consumption. Para pawiin ang pa-ngamba, kumain pa sina Dar at Health Sec. Francisco Duque
ng mga nilutong karneng baboy.

Mula nang unang mapansin ang pagkakasakit ng mga baboy sa Rizal, maagap na nagkaroon ng
checkpoint ang DA at Bureau of Animal Industry para hindi mailabas ang mga baboy. Kailangang may
certification mula sa beterinaryo ang mga baboy. Dahil sa maagap na pag-iinspeksiyon, hindi na

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
lumaganap ang ASF sa iba pang lugar. Patuloy naman ang pagmonitor sa mga baboy na inaalagaan sa
mga likod bahay.

Ayon sa report, nakarating ang ASF sa bansa dahil sa mga pagkain (gaya ng pork) na dala ng mga
fo-reigners na naka-check in sa mga malalaking hotel. Ayon sa isang pinuno ng DA, ang mga tirang
pagkain sa hotel ay kinokolekta ng mga may-ari ng babuyan at ito ang pinakakain sa mga baboy. Nang
makain ng mga alagang baboy ang pagkain mula sa hotel, nagsimula na ang ASF. Ito umano ang pinaka-
numero unong dahilan kaya nakapasok sa bansa ang ASF.

Kamakalawa, limang patay na baboy ang nakita sa isang creek sa Bagong Silangan, Quezon City at
hinihinalang may ASF. Maaaring itinapon doon ang mga baboy. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad
kung sino ang nagtapon ng mga baboy.

Paigtingin ng DA ang pagmonitor sa mga nag-aalaga ng baboy sa likod bahay. Maaaring hindi na
inirereport ng mga ito kung may sakit ang kanilang mga alagang baboy at kapag namatay ay itatapon na
lamang. Hindi tama ang kanilang ginagawa sapagkat lalong kakalat ang sakit. Mas malaking problema
ang kahaharapin ng bansa. Makipagtulungan ang lahat para hindi kumalat ang ASF. Huwag palubhain
ang problemang ito.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/13/1951332/editoryal-


huwag-palubhain-ang-asf#pzuDJHRMDTt2vB8Z.99

Mabuti ang rice tarrification


147
SHARES
1
1
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019 - 12:00am
BINABATIKOS ngayon ang bagong batas na Rice Tarrification Law dahil wawasakin daw nito ang
industriyang agrikultural. Kawawa raw ang mga nagtatanim ng palay. Maganda ang layunin ng batas na
maging sapat ang supply ng bigas na abot-kayang bilhin ng masang Pilipino, at paunlarin din at gawing
moderno ang agrikultura.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Ang mga kritiko ng batas ay mistulang propeta ng lagim na humuhulang mapapahamak ang mga
magsasaka ng palay dahil sa batas na ito. Kesyo wala raw suportang ibinibigay ang pamahalaan sa mga
magtatanim ng palay sa bansa habang hinihikayat ang maramihang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang
bansa. Lihis sa katotohanan iyan.

May paunang P5-bilyong halagang ipinalabas ang Department of Budget and Management sa Department
of Agriculture bilang ayuda sa mga rice farmers. Ito ay ipambibili ng mga modernong kagamitan at
makinaryang pangsaka sa pangunguna ng Philippine Center for Post-harvest Development and
Mechanization.

Iyan ang ahensiyang itinalaga upang paunlarin ang larangan ng agrikuktura na ang makikinabang ay mga
magsasaka sa tinatayang 947 rice producing municipalities sa bansa. At ‘yan ay matutupad umano bago
matapos ang taong ito. Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa makaaagapay ang Pilipinas sa mga
kalapit nating bansa na maunlad na ang larangan ng agrikultura? Lahat naman ng programa ay may
period of adjustment. May kahirapan sa una pero sa huli’y naroroon ang ginhawa.

Kamakailan lang, inihayag ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan sa pagdinig ng House of


Representatives na ang Land Bank of the Philippines ay nagpalabas ng P109-milyong pautang sa mga
magsasaka bilang bahagi ng programa. Sa ilalim din ng Rice Tarrification Law, maglalaan ng halaga ng
P3-bilyon sa Philippine Rice Research Institute na mananaliksik sa produksyon ng mga makabagong
binhi na mag-aangat sa ani ng ating mga local farmers ng higit sa 50 porsyento.

Ayon pa kay Cayanan, ang regular na programa ng DA sa hybrid rice ay bukod pa sa Rice
Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng PhilRice. Ibig sabihin, mahigit pa sa doble ngayon ang
pondong nakalaan sa ating mga magsasaka ng palay. Kaya ang payo ng Agriculture official sa mga
kritiko, huwag maging kalawang na naninira sa isang magandang proyekto.

No homework policy para sa kindergarten hanggang high school students ipinanukala sa Kamara
August 26, 2019 Abner S. Bañares

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Imahe mula sa Everyday Me
Dalawang “No homework Policy” ipinanukala sa House of Representatives
Ang House Bill No. 3611 ay tuluyang magbabawal sa mga homeworks araw-araw
Ang House bill No. 3883 ay tuwing weekends lang ipatutupad ang no homework policy
Dalawang magkahiwalay na panukalang batas na nagsusulong ng “no homework” policy para sa mga
estudyante mula kindergarten hanggang high school ang inihain sa Kamara.

Imahe mula sa What Parents Ask


Layon ng dalawang House bills na ipagbawal ang pagbibigay ng homeworks upang magkaroon ng sapat
na panahon na makapag-bonding ang buong pamilya tuwing pagkatapos umuwi ng mga estudyante galing
sa kanilang paaralan.

Sa pamamagitan ng House Bill No. 3611, ipinanukala ni Sorsogon Representative at Deputy House
Speaker na si Evelina Escudero na dapat magpatupad ang Department of Education ng “no homework
policy” para sa mga mag-aaral ng K to 12.

“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and
interaction after school hours and even on weekends,” paliwanag ni Rep. Escudero.

Kasama rin sa kanyang panukala na huwag ipauwi sa mga estudyante ang kanilang mga aklat araw-araw
dahil may epekto ito sa kanilang kalusugan.

“No textbooks shall be brought home to prevent the adverse effects of carrying bag to-and-from school,”
ayon pa rin sa House Bill No. 3611.

Imahe mula sa Great Filipino


Kaugnay nito, sinabi sa panukala na dapat siguruhin ng lahat ng basic education schools na bigyan ng
sariling locker ang bawat estudyante kung saan nila maaaring iwanan ang kanilang mga textbooks.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
Si Quezon City Representative Alfred Vargas ay may kaparehong panukala – ang House Bill No. 3883,
pero ang isinusulong niyang no homework policy ay tuwing weekend lang.

Binanggit pa ni Rep. Vargas ang isang ginawang pag-aaral sa South Africa noong 2018 na ang homework
daw ay may negatibong epekto sa family life.

Sa ilalim ng panukala niya, papatawan ng multang P50,000 o kul0ng ng hanggang dalawang taon sa mga
guro na lalabag sa no homework policy.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/07/1949677/mabuti-ang-


rice-tarrification#p4OW8lMs6v0lmIeL.99

No homework bill inihain sa Kamara


By: Leifbilly Begas - 08/26/2019

23745081 – midsection of teenage classmates writing in book at desk

INIHAIN sa Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas na nagbabawal sa pagbibigay ng


assignment sa mga estudyante.

Sa ilalim ng House bill 3611 na akda ni House Deputy Speaker Evelina Escudero magkakaroon ng no-
homework policy ang Department of Education mula kinder hanggang high school.

“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and
interaction after school hours and even on weekends,” ani Escudero sa kanyang panukala.

Nakasaad din sa panukala na ipagbabawal ng iuwi ng estudyante ang kanyang mga libro sa bahay kaya
magiging magaan na ang dala nitong school bag.

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00
“This bill… will not only lighten the physical burden of schoolchildren and promote quality family
interaction but will also compel schools and teachers to come up with a more holistic and effective
pedagogy.”

Sa House bill 3883 naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ipagbabawal lamang ang pagbibigay ng
homework kapag weekend.

“The bill aims to promote and protect the physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being of
the youth to the end that the youth realize their potential for improving the quality of life must always be
observed,” ani Vargas.

Sa panukala ni Vargas papatawan ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong kulong ang mga
guro na magbibigay ng assignment kapag weekend.

“The bill also seeks to enjoy their free time from the precision of school during weekends and to be able
to have a quality time with their family and friends.”

Read more: https://libre.inquirer.net/14087/no-homework-bill-inihain-sa-kamara#ixzz61vYvSHjL


Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

FM-SGO-HRD-004 Rev. 00

You might also like