You are on page 1of 19

Kagamitang Pampagkatuto 1- Filipino G4 Q1-16

Paunang Salita

Para sa Mag-aaral:

Isang pagbati ng magandang buhay sa iyo, minamahal na


mag-aaral! Hangad namin na matulungan ka sa iyong pag-aaral
kung kaya’t inihanda namin ang modyul na ito para sa iyo. Sa
modyul na ito, mahuhubog ang iyong mga kakayahan tulad ng
pagbibigay ng kahalagahan ng midya.

Ang nilalaman ng modyul na ito ay alinsunod sa


kasalukuyang kurikulum ng Filipino. Ang mga gawain na inihanda
para sa iyo ay nakadisenyo batay sa apat na antas na pamamaran
ng IDEA (Introduction, Development , Engagement, Assimilation)
panimula, pagpapaunlad, pakikipagpalihan at paglalapat.
Sa kabuuan, hangarin ng modyul na ito na mapaglingkuran
ka, at ang iyong guro sa Filipino sa pagkamit ng adhikain ng
Kagawaran ng Edukasyon para sa isang mahusay at kalidad na
edukasyon tungo sa isang maayos na lipunan.

Inihanda po ang Kagamitang Pampagkatuto upang mahubog ang kaalaman, pagunawa,


pag-uugali at saloobin ng inyong anak. Ang mga gawain ay nakadisenyo sa IDEA na may
apat na bahagi: Panimula (Introduction) ay tungkol sa dati ng alam o karanasan ng mga
mag-aaral, , Pagpapaunlad (Development) ay nagbibigay ng kaalaman at kakayahan sa
tatalakaying aralin, Pagpapalihan (Engagement) ay mga gawaing magpapatibay sa
nakamit na kaalaman, Paglalapat (Assimilation) ay may kasamang pagtatasa upang
malaman kung hanggang saan ang natutunan ng mga mag-aaral at mabigyan siya ng p
Bilang tagapag-alaga, malaki ang papel na inyong gagampanan sa pagkatuto ng
mga mag-aara ng mag-aaral ang aralin. Maaari ring malayang gawain ng mag-aaral ang
mga takdang gawain.

1
PAGBIBIGAY NG KAHALAGAHAN NG
MEDIA

Panimula

Ang midya (Ingles: media) ay mga pinagsamang mga


pagpapalabas o kagamitan na ginagamit sa pagtala at
paghatid ng impormasyon o datos. Ang media ay mga midyang
katulad ng radyo, internet, o iba pang mga bagay na
nakakaabot sa maraming mga tao
Sa pagtatapos ng aralin ay inaasahang :
Maibibigay ko ang kahalagahan ng midya.

Development (Pagpapaunlad)
Gawain 1
Basahing mabuti ang talata sa ibaba at pagkatapos sagutin ang mga
tanong tungkol dito.

Ang paggamit ng social media sa edukasyon ay nagbibigay ng


impormasyon para sa atin mag-aaral.Ngayon sa kasalukuyan may
dalawang bilyong na tao at estuyante ay gumagamit ng internet sa
buong mundo, at ito din ay nakaaapekto sa edukasyon.Dahil ang
social media ay makapangyarihan sa amin ng mga mag-aaral. At ito
ay walang katapusan,dahil magagamit natin ito tuwing gusto natin.
Ngunit dapat tayong maging maingat sa mga maling impormasyon
na naibibigay ng internet o kaya mga blog sites.

Tungkol saan ang iyong binasang talata?


Nakatutulong ba ang midya sa iyong pagaaral?

Sa ano-anong mga paraan?

2
Ang iyo bang binasa ay nagbibigay impormasyon, nagbibigay
aliw o nanghihikayat?

TANDAAN:

Kahalagahan ng Media:
Pang-impormasyon - mahalaga ang media lalo na sa pagpapakalat
ng impormasyon dahil mas marami itong nararating na audience
lalo na ang broadcast media
Pang-aliw - napakahalaga ng media bilang pang-aliw ng tao dahil
sa media ay may mapapanood ka at mapapakinggang radio
drama, teleserye, pelikula, talk show, sports at marami pang iba.
Panghikayat - ang media ay mahalaga lalo na bilang panghikayat
sa mga tao halimbawa manghikayat na bilhin ang isang bagay.
Kumbaga ginagamit ito para sa advertising.

Engagement(Pakikipagpalihan )

Gawain A. Panuto:Ano ang kahalagahan ng midyang ipinapakita sa


bawat sitwasyon?Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang .

A. Pang-impormasyon B. Pang-aliw C. Panghikayat

____1. Si Jethro ay araw-araw nanonood ng ng balita upang malaman


ang mga nagaganap sa loob at labas ng bansa.
____2. Umiisip siya ng paraan kung paano niya ibebenta ang kanyang
mga produkto sa kanyang “facebook page”.
____3. Bago pumasok sa trabaho ay nagbabasa muna ng dyaryo si
Mang Kanor.

____4.Mahilig siyang manood ng pelikula tuwing araw na walang pasok.


____5. Sumasabay ang magkakapatid na Laroza sa mga awitin sa
youtube upang matanggal ang kanilang inip.

Gawain B. Basahin, suriin at unawain ang mga sumusunod


at ilagay kung anong kahalagahan ng media ang ipinapakita.

3
1. Mangingisda nawawala matapos tumaob ang sinasakyang
bangka sa N.Occidental

Nawawala ang isang mangingisda matapos tumaob ang kaniyang


sinasakyang bangka sa kaniyang pangingisda sa bayan ng Ilog,
Negros Occidental Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, nahagip ng bangka


ng magkapatid na Isagani at Ivar Avansenia ang fishing line ng
mga ito kaya't tumaob ito sa baybayin sakop ng Barangay 1.

May dumaan na isang fishing boat at naligtas si Ivar na nakakapit


sa tumaob na bangka pero hanggang sa ngayon, nawawala pa rin
ang nakababatang kapatid.

Patuloy pa ang search and rescue operation ng Coast Guard para


sa mangingisda.
Sanggunian: https://newsprod.abs-cbnnews.com/news/07/08/20

Kahalagahan ng media:____________________________

2.BALIKAN: Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa


UAAP men's basketball

Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle


Green Archers para masungkit ang kampeonato sa UAAP Season
80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para


tuluyang iwan ang La Salle, 88-86, at maagaw sa kanila ang
korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang


determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa pagtatapos ng unang
quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa


laban sa pamamagitan ng shooting at inside plays nina Ricci
Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.

Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

4
Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang
dipensa para maitabla ang iskor sa 66.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon,


nang tuldukan ng La Salle ang kanilang five-peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung


saan idinaos ang laro.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News


Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/sports/12/03/17

Kahalagahan ng media:____________________________

5
Sanggunian: https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=BV7%2b%2fQwG&id=7C78428F87DC4BCD222968C8E5A96E47E721629E&thid=OIP.BV7-
_QwG6BpjuQBbuCW4cQHaFD&mediaurl=http%3a%2f%2fmedia.philstar.com%2fimages%2fpang-masa%2fpunto-mo
%2f20160410%2fPunto.jpg&exph=410&expw=600&q=nanghihikayat&simid=607991185180918546&ck=234CDCB67D37E1B0E59C146DAB75E6CC&selectedIndex=40&ajaxhist=0

3.Kahalagahan ng media:____________________________

 Paglalahat
Buuin ang concept map sa pamamagitan ng paglalagay
sa mga bakanteng kahon ng iyong sagot.

Kahalagahan
ng Media

1. 2. 3.

6
Assimilation (Paglalapat)

Suriin ang mga sumusunod. Alamin kung ito ay nabibilang sa Pang-


impormasyon, Pang-aliw o Panghikayat.

1 Matinding Lagay ng Panahon


Bawat taon, libu-libong tao ang apektado ng panganib mula sa
matinding lagay ng panahon tulad ng mga ipuipo at matitinding
thunderstorm . Ang nakaraang taon ang pinaka-aktibong taon ng mga
sakuna sa nakaraang ilang taon, kung saan may mahigit sa 1,000
namatay dahil sa lagay ng panahon, at mahigit sa 8,000 napinsala.

Bawat estado sa U.S. ay dumanas ng mga ipuipo at matinding lagay ng


panahon at bagaman ang iba ay higit kaysa sa iba pa- ang lahat ay
nalalagay sa panganib at dapat na magsagawa ng mga hakbang para
makapaghanda kapag tumama ang matinding lagay ng panahon sa
inyong lugar. Ang pag-alam sa mga karaniwang panganib ng lagay ng
panahon sa inyong lugar, sa iyong pagkamaaapektuhan at sa kung anu-
anong pagkilos ang kinakailangan mong gawin ay maaaring makaligtas
sa iyong buhay at sa buhay ng iba pa.
sanggunian: https://www.ready.gov/tl/node/3961

Sagot: ______________________

Sanggunian: https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=hZsg9S8d&id=3B61357A8EFEF71058A94929AC5EF4C3ACDFEAAB&thid=OIP.hZsg9S8d0NsICH5t3PO7jgHaDQ&mediaurl=http%3a%2f%2fpinoyweekly.org%2fnew%2fwp-content%2fuploads
%2f2012%2f01%2fbantay-litis-copy3.jpg&exph=361&expw=820&q=bantay+litis&simid=607999139443574771&ck=EABFD4D9925115761A98A38DD1A2ED2B&selectedIndex=0&ajaxhist=0

Sagot: ______________________

7
3 Mga estudyante, nagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kapansanan
Pinatunayan ng ilang estudyante sa Legazpi City na hindi hadlang ang
kanilang kapansanan para magpursige sa pag-aaral. Kalahating oras
umaakyat at bumababa ng bundok ang 20-anyos na si Adam Andes para
mag-aral sa Banquerohan Elementary School Special Education Center. Sa
kabila ng kapansanan, pursigido siyang makatapos ng pag-aaral. Sabi ni
Andes, masaya siya na nag-aaral. May cerebral palsy naman ang 22-anyos
niyang kaklaseng si Ruben Arevalo. Hirap siyang pumasok sa eskwela lalo na
kapag umuulan. Pero katuwang niya ang kanyang inang nagtitiyaga para
mabigyan siya ng edukasyon. Sabi ni Arevalo, gusto niyang makapagtrabaho.
Kasama nila sa SPED Center ang iba pang special students na nais matutong
magbasa at magsulat. Napahanga ang mga guro sa kanilang dedikasyon.
Masaya rin ang SPED dahil mahigit 70 na ang kanilang estudyante.Pero may
ilang estudyanteng hindi natatapos ang pag-aaral dahil sa kawalan ng
pamasahe lalo na 'yung mga nakatira sa mga liblib na lugar. Kaya balak mag-
fun run ng mga guro para makalikom ng pondo para sa kanilang pamasahe.
Umaapila rin sila ng tulong para sa mga special children na determinadong
matuto.
Sanggunian:https://news.abs-cbn.com/news/06/09/17

Sagot: ______________________

Sagot:
______
______
______
____

8
Sagot: ______________________

Reflection (Pagninilay)

Ano ang kahalagahan ng midya?


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Kagamitang Pampagkatuto 2- Filipino G4 Q1-17
____________________________________________________
______________________________
Nagagamit ang Ibat-Ibang Uri Ng Panghalip Panao

9
Panimula
Isang mahalagang kasanayan sa pag-unawa ng tekstong binasa ay ang
pagsusunud-sunod ng mga pangyayari gamit ang mga pangungusap at
pagdugtong nito sa tulong ng ibinigay na pangungusap.

Sa araling ito ay matutuhan mo ang paggamit ng panghalip panao gamit ang mga
hinangong pangungusap mula sa tekstong iyong binasa.

Handa ka na bang matuto?Bago tayo magsimula tayo muna ay Umawit.

Gawain 1

Ako’y Isang Mamamayan


Ako, ako, ako’y isang
mamamayan (3x)
Ako’y isang mamamayan
Tayo ay sumayaw, ikaway
ang kamay, ikembot ang
baywang at umikot (2x)
(Palitan ang Ako ng Ikaw, at
Tayo

Pagpapaunlad

Ano ang naramdaman ninyo habang inaawit ito?


Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa awit.
Sino ang tinutukoy na ako?Tayo?Ikaw?
Kailan ginagamit ang ako?Tayo?Ikaw?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

10
Handa ka na ba?

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento pagkatapos ay sagutan


ang mga katanungan sa ibaba.
Pamilya Cuevas ng Navotas Pinarangalan bilang Huwarang
Pamilya ng 4Ps
Ni Lucy F. Broño

LUNGSOD NG QUEZON, Set. 23 (PIA)– Pinarangalan


ang pamilya Cuevas ng Barangay San Roque, Lungsod ng
Navotas sa isinagawang selebrasyon ng Family Week kahapon sa
SM Mall of Asia.
Sa 12 nominadong pamilya mula sa iba’t ibang local na
pamahalaan sa National Capital Region (NCR), ang pamilya ni
Herminio at Norma Cuevas ang tinanghal na Huwarang Pamilya ng
Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps).

LUNGSOD NG QUEZON, Set. 23 (PIA)– Pinarangalan ang


pamilya Cuevas ng Barangay San Roque, Lungsod ng Navotas sa
isinagawang selebrasyon ng Family Week kahapon sa SM Mall of
Asia.
Sa 12 nominadong pamilya mula sa iba’t ibang local na
pamahalaan sa National Capital Region (NCR), ang pamilya ni
Herminio at Norma Cuevas ang tinanghal na Huwarang Pamilya ng
Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps).
Nahirang na Huwarang Pamilya ang pamilyang Cuevas dahil
sa pagiging mabuting magulang, sa magandang pagsunod sa
mga alituntunin ng programa, sa magandang serbisyo sa
komunidad, at sa magandang pagpapalaki ng mga anak.
Ang pamilya ay naging benipisyaryo ng programa mula noong
Disyembre 2008 at tumatanggap ng cash grant na

11
nagkakahalaga ng Php1,100 para sa mga pangangailangan sa
edukasyon at kalusugan.

Sinabi ni DSWD Regional Director Alicia Bonoan na napiling


Huwaran ang pamilya Cuevas dahil kahit kakarampot ang kita
ng mag-asawa, naibuhos nila ang kanilang kakayanan at
abilidad upang masuportahan ang pamilya kasabay ng
pagiging aktibo sa mga gawaing komunidad at pagtupad ng
mga alituntunin ng programa.
Samantala, sinabi ni Abubakar Sansaluna ng National
Commission for Muslim Filipinos na isa sa board of judges ng
Huwarang Pamilya, na isang “epitome of a model family”
ang Cuevas sapagkat kahit lubha silang naghihirap, naitanim
nila ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang mga anak.”
Ang pagtatakda ng Huwarang Pamilya mula sa mga
benipisyaryo ng 4Ps ay isang paraan upang maitaguyod ang
programa, ang pagkakaisa ng pamilya na malampasan ang
mga unos sa buhay , at maging ehemplo sa ibang pang mga
benipisyaryo.
Sa welcome speech ni Pasay city Mayor Antonino Calixto
hinimok niya ang mga benipisyaryo na maging inspirasyon sa
ibang pamilya sa kabila ng maraming pagsubok at ilagay ang
Maykapal sa gitna ng kanilang buhay.
Ang buong araw na selebrasyon ay isinagawa ng
Regional Inter-Agency Committee on Filipino Family ng
National Capital Region (RIAC-Filipino Family ng NCR) na
pinangunahan ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) kasama ang iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan at mga non-government organizations (NGOs)
upang maitaguyod ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat
pamilya at ang kontribusyon ng programang 4Ps sa pag-angat
sa buhay ng mga lubhang nagdarahop.

1Ano ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap?


2.Ano ang pinalitan nito?
3.Paano ito ginamit?
4.Sino ang tinutukoy nito?
5.Kailan lamang ito ginagamit?

Mahusay

12
Ngayon handa na ba kayo sagutan ang sumusunod?
Gawin Ninyo
Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno ng
wastong panghalip panao sa bawat patlang. Kumuha ng kapareha
at basahin nang malakas ang usapan.
Bing : Magandang umaga sa (1)
_____________Denice.
Denice : Magandang umaga rin (2) ____________ Bing.
Bing : Nakapunta ka na ba sa Encantadia?
Denice : Hindi pa. (3) __________, nakapunta ka na ba?
Bing : Oo, nakapunta na (4)____________. Kasama ko
ang aking mga magulang, sina Kuya Henry at
Nene. (5)____________ pa nga ang nagyaya sa
akin pagpunta roon.
Bing : Kasama rin ba ang lola at lolo mo?
Denice : Hindi (6) _________ nakasama kasi
nagbakasyon
sila sa Quezon.
Bing : Naku sayang naman. Kailan ulit (7) __________
pupunta roon?
Denice : Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag
pupunta ulit (8) _____________.
Bing : Sana makasama ako sa pagpunta (9)_________.
Denice : O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa.
Natitiyak kong papayag at matutuwa (10)______.

Pakikipagpalihan
Enrichment Activity
1.Palitan ng angkop na panghalip na panao ang mga pangngalang
nakakahon.

1.Si Mario ay nakapulot ng pitaka.


2.Ako at si Mario ay nagtanong sa aming guro.
3.Si Josie pala ang may ari ng pitaka.
5.Ako at si Mario ay pinasalamatan ng guro.

13
Guided Practice

Panuto A: Punan ng ako, ikaw, o siya ang patlang.

1. Ang kaibigan kong si Matty ay mas matangkad sa akin.


_________________ ang pinakamatangkad sa buong magkakaibigan.

2.Sinabi ng guro ko na _________________ ang napiling lumahok sa


aming klase na lumaban sa Quiz Bee.

3.Sabi ni nanay na_________________ ang magtatapon ng basura mamaya.


Ako naman ang pinaghuhugas nya ng mga pinggan.

4.Pupunta _________________ ng SM ngayon. Mamimili kami ng kaibigan ko


ng pangregalo para sa kaarawan ni nanay.

5._________________ ang bago mong makakasama sa trabaho, Milla. Ikaw na


ang bahalang magsabi ng mga kailangan niyang gawin.

Independent Practice

Mahusay! Ngayon magbigay ng ibat-ibat halimbawa ng panghalip panao.

Generalization

14
Binabati kita sa iyong ipinakitang galing. Paano mo nagawa ang
mga ito?Ngayon ano ang Panghalip panao?Sagutin ang mga
sumusunod:

Panuto : Punan ng sila, kami, kayo, o tayo ang patlang.

1._________________ ng tita mo ang makakasama ninyo sa kuwarto. Dalhin


niyo na ang inyong mga bag at iiwan na doon.

2.Magkasama _________________ ni Totoy pumasok sa paaralan kanina.


Hindi ko alam kung sasabay din siya sa akin pauwi.

3._________________ na lang ng papa mo ang sumundo kay Abby sa airport.


Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakasama.

4.Si tatay ang magluluto ng hapunan habang _________________ naman nila


ate at kuya ang pinapabili niya ng mga sangkap.

Paglalapat
Application
Tukuyin kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na mga
pangungusap. Isulat ang 1 kung madalas, 2 kung minsan at 3 kung hindi.
Gaano mo ito kadalas gawin?

Sinusunod ko ang utos ng aking mga magulang.


Iginagalang ko ang karapatan ng mga kapamilya ko.
Iginagalang ko ang kanilang pagkakaiba-iba.
Pinahahalagahan ko ang kakayahan at galing ng aming kapamilya.
Bumabati ako kapag may dumarating.
Nagpapaalam ako kapag umaalis.
Ipinapaalam ko kung saan ako pupunta.

15
Nagmamano/humahalik sa pisngi o kamay ng nakatatanda.

Assessment

A. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Piliin ang tamang panghalip sa bawat


bilang at isulat ito sa patlang.

(Siya, Akin) 1. ____________________ ang paborito kong artista.

(Kami, Ikaw) 2. ____________________ ba ang bago naming kaklase?

(tayo, ka) 3. Sasama ____________________ ba sa paglalakbay-aral bukas sa


Avilon Zoo?

(niya, sila) 4. “Handang handa na  ako sa paligsahan bukas!” sabi 

(Kayo, Iyo) 5. ____________________ ba ang mga ikatlong baitang?

B. Gamitin ang mga sumusunod na panghalip sa sariling pangungusap.

1. ka 2. atin 3. akin

4. niya 5. nila 6. ko

Pagninilay

Ano ang kahalagahan bakit kailangang matutunan natin ang panghalip


panao?

Sanggunian:
Kayumanggi Wika pahina 68-70
Yaman ng Lahi Patnubay ng Guro pahina 55-56

16
Yaman ng Lahi LM pahina 23-24,26

Susi ng Pagwawasto:
Gawin Ninyo
1.iyo
2.sa iyo
3.ikaw
4.ako
5.sila
Enrichment Activity
1.Siya
2.sila
3.siya
4.kami
Guided Practice
1.siya
2.ako
3.siya
4.ako
5.siya

17
Independent Practice
1.ako
2.ikaw
3.siya
4.sila
5.kami
6.tayo
7.kayo
Generalization
Gawain
1.kami
2.kami
3.sila
4.kami
Assessment
1.siya
2.ikaw
3.ka
4.niya
5.kayo
B.Maaaring iba-iba ang sagot

18
19

You might also like