You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 4

W1 Markahan Ikatlong Markahan Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Kakayahang Protektahan ang Personal at Pribadong Impormasyon sa
Social Media.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Share the ability to protect personal and private information in social
KASANAYANG PAMPAGKATUTO media HGIPS-IIIb-3
(MELCs) Naibabahagi ang kakayahan upang maprotektahan ang personal at
pribadong impormasyon sa social media.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagbabahagi ng Kakayahan Upang Maprotektahan ang Personal at
Pribadong Impormasyon sa Social Media.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Madalas ka bang gumamit ng social media? Isa ka rin ba sa maraming kabataan na nawiwili sa paggamit
nito? Ano-ano ang iyong madalas na ginagawa sa social media? Ano- ano nga ba ang mga dapat mong gawin
upang maprotektahan ang iyong personal at pribadong impormasyon sa social media?
Sa nakaraang aralin, ay natutunan mo ang kahalagahan ng mga magulang o tagapag-alaga sa pagpili
ng propesyon at bokasyon.
Sa araling ito, masusubok mo ang iyong kakayahan upang maprotektahan ang personal at pribadong
impormasyon sa social media.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 25 minuto)
Marahil isa ka sa mga kabataan na nawiwili ngayon sa paggamit ng social media. Alam mo ba na maaari ka
ring mapahamak sa maling paggamit nito? Alam mo ba kung paano mo mapoprotektahan ang iyong pribado
at personal na impormasyon sa social media? Narito ang ilan sa mga paalala ng tamang paggamit ng social
media upang maprotektahan ang iyong personal at pribadong impormasyon.
Basahing mabuti ang mga impormasyon at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Paano natin mabibigyang proteksyon ang ating mga sarili?
1. Maging responsableng tagagamit ng teknolohiya.

● Alalahanin natin ang golden rule.


Gawin natin sa iba ang gusto nating gawin ng iba sa atin. Palaging maging magalang sa mga
taong nakasasalamuha natin tuwing gumagamit tayo ng mobile phone, computer, at iba pang
uri ng teknolohiya.
● Ugaliing gumamit ng positibong salita at mensahe.
● Mag- isip bago magpost at magbahagi ng ating mga opinyon, larawan, at video.

SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf

● Maging maingat at kritikal sa paggamit ng mga gadget.

Gamitin lamang ang mga gadget sa tamang lugar at panahon.

Sa iyong palagay, tama bang gumamit ng gadget sa mga sumusunod na pagkakataon:

SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf

● Kontrolin ang oras na inilalaan sa paggamit ng internet.


Ang buhay natin ay hindi dapat umikot sa paggamit ng internet. Tandaang mayroon pa tayong
ibang mga responsibilidad.

SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf

2. Maging maingat tuwing gumagamit ng internet.

● Gumamit tayo ng private settings sa ating mga social media accounts.


● Maging maingat tayo sa pagbibigay ng personal na impormasyon.
● Ano ang mga posts na maaaring ibahagi sa publiko?
✔ Balita
✔ Panawagan
✔ At iba pang impormasyon na makatutulong sa komunidad
● Ano ang mga uri ng posts na nararapat na ibahagi lamang sa pamilya at malalapit na kaibigan?
✔ Personal na litrato at video
✔ Kasalukuyang lokasyon
✔ At iba pang sikretong impormasyon
● Sa social media, i-add lamang natin ang mga taong kilala talaga natin.
● I-block o ihinto natin ang komunikasyon sa mga tao, grupo, at kumpanyang nagbibigay sa atin
ng hindi magandang pakiramdam.

SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf

● Gumamit tayo ng mga passwords na mahirap hulaan ng ibang tao.

SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf
● Ugaliing mag-sign out.

SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 : Bigyang kasagutan ang sumusunod na mga gabay na tanong. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Tungkol saan ang iyong nabasang impormasyon?
2. Ano – anong mga paraan o impormasyon na tinalakay sa itaas ang maaaring gawin upang
maprotektahan mo ang iyong mga personal o pribadong impormasyon sa social media?
3. Mahalaga ba na alam mo ang mga ito? Bakit?

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Iguhit ang kung nagpapakita

ng pagprotekta ng personal at pribadong impormasyon sa social media ang sitwasyon, at naman


kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________ 1. Hindi mo ina-accept ang friend request kapag hindi mo kakilala ang tao.

___________ 2. Ipinagbibigay alam mo muna sa iyong magulang kapag may nais na mag-invite sa iyo sa kahit na
anong grupo sa facebook.

___________ 3. Naka-public lagi ang mga post mo sa facebook at ibang social networking site account mo.

___________ 4. Hindi ka nakikipag-chat sa kung sino- sinong tao na hindi mo kakilala.

___________ 5. Madalas mong makalimutan na ilog- out ang iyong account kapag nagbubukas ka ng twitter sa
cellphone ng iyong kaibigan.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Ang paggamit ng social media ay may kalakip na mabuti at masamang epekto sa atin. Nasa atin din kung
paano natin magagawang protektahan ang ating mga personal at pribadong impormasyon sa paggamit nito.
Ikaw, bilang isang mag- aaral sa ikaapat na baitang, alam mo na ba kung ano ang mga dapat at di mo
dapat gawin sa paggamit nito? Natutunan mo na ba kung paano mo mapoprotektahan ang iyong personal at
pribadong impormasyon sa social media? Maisasabuhay mo ba ang mga aral na natutunan mo dito sa ating
aralin?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bumuo ng isang pangako tungkol sa responsableng paggamit ng social media.

Ako si ____________________________ ay nangangako na _____________________


_____________________________________________________________________________________________________________
upang maprotektahan ko ang aking personal at pribadong impormasyon sa social media
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3

Homeroom Guidance MELCs, page 713


VII. SANGGUNIAN
“SafeWeb4Kids.” Mindanao Action Group for Children’s Rights and Protection at Child
Rights Coalition Asiaa. Accessed May 18, 2021.
https://www.crcasia.org/wpcontent/uploads/2016/11/SafeWeb4Kids_Filipino.pdf

Drozd, Denys. “Thumbs Up And Thumbs Down Vector Icon Set. Confirmation Illustration Sign
Collection. Like Or Dislike Symbol. Stock Vector - Illustration of Satisfaction, Isolated: 181876109.”
Dreamstime, May 6, 2020. https://www.dreamstime.com/thumbs-up-down-vector-icon-set-
confirmation-illustration-sign-collection-like-dislike-symbol-can-be-used-web-mobile-
image181876109

Inihanda ni: MA. ELOISA Z. SUAREZ Sinuri nina: ROWENA M. FAYLON


MARILYN P. MONTALBO
MARIA ELENA J. OPANO
MARIA ELENA M. GUSTILO

CAROLYN I. CHAVEZ
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like