You are on page 1of 7

RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

Araling Panlipunan 4
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin: Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino


MELC: Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin. (AP4KB-Iva-b-1)
Layunin:
• Naiisa-isa ang tungkulin ng mamamayang Pilipino.
• Natatalakay ang mga tungkulin na dapat isakatuparan ng mga mamamayan.

Susing Konsepto
Sa nakaraang aralin, natutuhan at naunawaan mo ang konsepto hinggil sa karapatan at
ang mga karapatan na dapat mong tamsahin o ng lahat ng tao. Kaugnay nito, dapat maunawaan
mo din ang kahulugan ng tungkulin na kaakibat ng bawat karapatan na mayroon ka.
Kung ang karapatan ay nangangahulugang mga bagay na ipinagkaloob ng pamahalaan
sa mamamayan o isang tao, ang tungkulin naman ay tumutukoy sa mga bagay na dapat
isakatuparan ng isang mamamayan para sa kanyang sarili at para sa bayan. Ito ang mga bagay
na iniatang ng pamahalaan na dapat sundin ng mga mamayan na siyang magbibigay daan sa
kaunlaran ng iyong sarili at ng buong bansa.
May iba’t ibang mga tungkulin na dapat suriin at unawain ng mga mamamayan. Atin
silang isa-isahin.

1. Tungkuling maging tapat sa Republika ng Pilipinas


Ito ay nangangahulugang pagiging tapat sa bayan at pagkakaroon ng ganap na
pagtitiwala sa Republika at higit sa lahat ay ang pagmamahal sa bayan.

2. Tungkuling igalang ang bandila o watawat ng Pilipinas


Sumisimbolo ang watawat sa makasaysayang pakikipaglaban ng mga Pilipino upang
makamit ang ating Kalayaan. Kaya ito ay nararapat lamang na igalang at pahalagahan
ng bawat Pilipino.

3. Tungkuling ipagtanggol ang bayan


Ang ating mga bayani ay nagpamalas ng di matatawarang pakikipaglaban sa mga
mananakop kung saan ang sarili nilang mga buhay ay kanilang ibinuwis para lamang
maipaglaban ang ating bayan at makamit ang minimithing kalayaan. Dahil dito, nararapat
lamang na ating suklian ito at ipagtanggol din sa mga mananakop o banta na agawin ang
ating Kalayaan.

4. Tungkuling sumunod sa batas at igalang ang may kapangyarian


Ginawa ang batas upang maging maayos, matiwasay,mapayapa at mapaunlad ang
pamumuhay ng mga mamamayan. Ang pagtatanggol at paggalang sa mga taong
nagpapatupad nito ay nararapat lamang isagawa ng mga mamamayan.

5. Tungkuling magparehistro at bumoto


Ang isang mamamayan na nasa edad na labingwalong taong gulang ay may tungkulin na
magparehistro at bumoto sa pamayanang kanyang kinabibilangan.
RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

6. Tungkuling gamitin ang mga karapataan at pagggalang sa karapatan ng iba


Upang makapamuhay ng mapayapa ang bawat mamayan, dapat na huwag
gumawa ng mga bagay na makakasira sa kaligahan at kapayapaan ng ibang tao o ng
kapuwa.

7. Tungkuling tumulong sa mga mahihina, naapi at sa mga nangangailangan.


Isa sa mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino ay ang pagiging matulungin sa
kapuwa na isa sa mga tungkuling dapat isagawa upang mabigyan ng atensyon ang ating
kapuwa na lubos na nangangailangan ng tulong o suporta.
Ang mga tungkuling ito ay dapat na isagawa ng bawat mamamayan para sa
kaunlaran ng kanyang sarili at ng bayan.

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA sa


sagutang papel kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI kung hindi.

1. Pakikilahok sa mga programa na may kinalaman sa pagkalinga sa mga


nangangailangan.
2. Pag-awit at kilos nang wasto habang inaawit ang pambansang awit.
3. Laging panindigan at ipaglaban ang mga ideya kahit hindi na ito tama at magdudulot
ng kapahamakan sa ibang tao.
4. Wasto at kusang-loob na pagbabayad ng buwis sa itinakdang panahon.
5. Ipaglaban ang bansa laban sa mga kaaway at sa panganib na maaring kaharapin nito.

Gawain 2

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin kung anong tungkulin ang
isinasaad ng bawat sitwasyon. Piliin ang sagot sa mula kahon at isulat sa sagutang
papel ang titik na tumutukoy sa mga tungkuling ito.

A. Tungkuling Ipagtanggol ang Bayan


B. Tungkuling magparehistro at bumoto
C. Tungkuling maging tapat sa Republika ng Pilipinas
D. Tungkuling Igalang ang Bandila o watawat ng Pilipinas
E. Tungkuling sumunod sa batas at Igalang ang may kapangyarian
F. Tungkuling Tumulong sa mga mahihina, naapi at sa mga nangangailangan
G. Tungkuling gamitin ang mga karapataan at pagggalang sa karapatan ng iba

1. Laging umaawit ng buong puso at nakalagay sa dibdib ang kanang kamay ni


Saharodin sa tuwing itinataas ang watawat ng bansa sa kanilang paaralan.
2. Sa tuwing mamimili ng mga gamit si Sittie lagi niyang pinipili ang mga produktong
gawa sa Pilipinas.
RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

3. Pakikipagtulungan ng pamilyang Pangcga sa “Basura Ko, Responsibilidad Ko”,


na programa ng kanilang barangay.
4. Kahit malayo sa kanyang probinsya, siniskap ni Jeehan na makauwi sa kanila
tuwing halalan upang bumoto.
5. Sa tuwing may dumarating na padala para sa pinsan ni Saha, siya ang direktang
nakatatanggap nito. Bagama’ t minsan ay parang gusto niyang tingnan ang laman
nito, di niya ito ginagawa bilang paggalang sa pag-aari ng kanyang pinsan.

Gawain 3

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng
larawan kung ito ay tumutukoy sa tungkuling dapat sundin ng mga mamayan at
ipaliwanag sa isang pangungusap kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

Figure 1. - Source: Figure 2. - Source:


https://www.google.com/search?q=KARAPATANG+BUMOTO&source=lnms&tbm=i https://www.google.com/search?q=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULIN+NG+MAMAYAN&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7uNGR9NfvAh
VH5ZQKHY_RA8YQ2-
sch&sa=X&ved=2ahUKEwiVwPfk0YrwAhWXMN4KHR6zAQMQ_AUoAXoECAEQAw& cCegQIABAA&oq=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULIN+NG+MAMAYAN&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDO
gcIABCxAxBDOgQIABADOgYIABAFEB46BggAEAgQHjoECAAQHjoECAAQGFDx8y5YwNwvYPveL2gAcAB4BIABgQKIAeI8kgEGMC40OS41mAE
biw=1366&bih=600#imgrc=_VfS0Gbbny3XcM&imgdii=QotsuH6GqS34mM AoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=tgpjYLuFE8fK0wSPo4-wDA#imgrc=a-v5Ccyem8jEtM&imgdii=piC6dr0WXHL8MM

3. 4.

Figure 4. - Source:
Figure 3. - Source: https://www.google.com/search?q=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGpJ6ZgNjvAh
W6xIsBHWDcD9wQ2-
cCegQIABAA&oq=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6CAgAELED
https://www.google.com/search?q=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULIN+NG+MAMAYAN&tbm=isch&v EIMBOgYIABAIEB46BAgAEBhQvbskWOrQJGDP1CRoAHAAeAGAAZwCiAGXEJIBBjAuMTQuMZgBAKABAaoBC2d3cy1
ed=2ahUKEwi7uNGR9NfvAhVH5ZQKHY_RA8YQ2- 3aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=WxdjYIaLHbqJr7wP4Li_4A0&bih=600&biw=1366#imgrc=evP2TSz4USbwYM&imgdii=
cCegQIABAA&oq=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULIN+NG+MAMAYAN&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCA 3mdbvqhfBFMo1M
AQsQM6AggAOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgQIABADOgYIABAFEB46BggAEAgQHjoECAAQHjoECAAQGFDx8y5Yw
NwvYPveL2gAcAB4BIABgQKIAeI8kgEGMC40OS41mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei
=tgpjYLuFE8fK0wSPo4-wDA#imgrc=PaC2g-YgIRFNEM&imgdii=TejRRz7uMzGQcM

5.

Figure 5. - Source:
https://www.google.com/search?q=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGpJ6ZgNjvAhW6xIsBH
WDcD9wQ2-
cCegQIABAA&oq=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6CAgAELEDEIMBOgYIA
BAIEB46BAgAEBhQvbskWOrQJGDP1CRoAHAAeAGAAZwCiAGXEJIBBjAuMTQuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&scli
ent=img&ei=WxdjYIaLHbqJr7wP4Li_4A0&bih=600&biw=1366#imgrc=qO9hRNWf3WnAXM&imgdii=7BpKgTDLa__8rM
RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

Gawain 4
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Ipaliwanag ang iyong pagsang- ayon
o di- pagsang-ayon dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Dahil sa paniniwala ni Berta na marami ang di nagbabayad ng wastong buwis, hindi rin
siya nagbayad nang wasto.
2. Sinisikap ni Mario at ng kanyang pamilya ang palagiang pagsuporta at pagtulong sa
mga proyekto ng kanilang barangay, lalo pa’t ang kasalukuyang punong-barangay ay
ang kanyang pinsan.
3. Ang magkaklaseng sina Saha at Jeehan ay madalas palitan ang titik ng Lupang
Hinirang kapag inaawit nila ito tuwing Lunes ng umaga.

4. Hindi inaaksaya ni Omieya ang kanyang papel dahil alam niya na ito ay galling sa
punungkahoy at naniniwala siya na dapat itong tipirin upang di-gaanong maraming
mga puno ang maputol.
5. Si Aslea, isang bagong butante, ay pinag-aaralang mabuti ang mga katangian ng mga
kandidato bago siya magdesisyong pumili at bumoto..

Mga Gabay na Tanong


• Bilang isang mag-aaral, bakit
kinakailangang isakatuparan
mo ang iyong mga tungkulin?
• Paano mo isasakatuparan
Figure 6. - Source:
https://www.google.com/search?q=girl+in+black+in+white+cartoon&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4z4b8kNjvAhUSB5QKHT_uCJ4Q2-
ang mga tungkuling ito sa
cCegQIABAA&oq=girl+in+black+in+white+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1AAWABg2K4RaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXd
pei1pbWc&sclient=img&ei=8ShjYLiTKZKO0AS_3KPwCQ&bih=657&biw=1366#imgrc=w4ColyPfq2_ipM&imgdii=e5I_gvrDRD_77M
iyong bayan?

• Kung bibigyan ka ng
pagkakataong pumili, alin ang
maituturing rito mas
pinakamahalagang tungkulin
mo bilang mamamayan?
Bakit?
Figure 7. - Source:
• Paano mo makukumbinsi ang https://www.google.com/search?q=girl+in+black+in+white+cartoon&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4z4b8kNjvAhUSB5QKHT_uCJ4Q2-
cCegQIABAA&oq=girl+in+black+in+white+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1AAWABg2K4RaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dz
LXdpei1pbWc&sclient=img&ei=8ShjYLiTKZKO0AS_3KPwCQ&bih=657&biw=1366#imgrc=orPCre_NrakjeM&imgdii=a2xjYP9HsjZEfM

ibang mag-aaral na gawin ang


kanilang tungkulin nang
maayos?
RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 3
1.
Tungkulin natin na magparehistro at bumoto.
GAWAIN 1
2.
1. Tama
Hindi tungkulin ng mga mamamayan ang mag
2. Mali rally sa lansangan pero maaaring ipahayag ng
mamamayan ag kanyang saloobin sa ibang
3. Mali
mga pamamaraan.
4. Tama
3. Ang passunod sa batas ay tungkulin ng
5. Tama bawat mamamayan.
GAWAIN 2 4.
1. D Hindi tungkulin ang magkaroon ng masayang
2. C pamilya. Ito ay karapatan ng bawat
mamamayan.
3. E
5.
4. B
Hindi ito tungkulin ng mamamayan bagkus ito
5. G
ay karapatan na makapaglibang at maging
masaya.
GAWAIN 4
(ANSWERS MAY VARY)
RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

Sanggunian

Mga Aklat

Macapagal, Ray-Ann G. et.al. 2006.MAKABAYAN – Pilipinas:Ugat ng Lahing Pilipino


(Workteks 4).pahina:312-316
Araling Panlipunan 4:Kagamitan ng Mag-aaral.2015. pahina:346-353

Internet Source

https://www.google.com/search?q=KARAPATANG+BUMOTO&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=2ahUKEwiVwPfk0YrwAhWXMN4KHR6zAQMQ_AUoAXoECAEQAw&biw
=1366&bih=600#imgrc=_VfS0Gbbny3XcM&imgdii=QotsuH6GqS34mM- 4– 19-2021
https://www.google.com/search?q=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULI
N+NG+MAMAYAN&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7uNGR9NfvAhVH5ZQKHY_RA8YQ2-
cCegQIABAA&oq=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULIN+NG+MAMAYA
N&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgQIABAD
OgYIABAFEB46BggAEAgQHjoECAAQHjoECAAQGFDx8y5YwNwvYPveL2gAcAB4BI
ABgQKIAeI8kgEGMC40OS41mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclien
t=img&ei=tgpjYLuFE8fK0wSPo4-wDA#imgrc=a-
v5Ccyem8jEtM&imgdii=piC6dr0WXHL8MM – 4-2-2021

https://www.google.com/search?q=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULI
N+NG+MAMAYAN&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7uNGR9NfvAhVH5ZQKHY_RA8YQ2-
cCegQIABAA&oq=LARAWAN+NA+NAGPAPAKITA+NG+TUNGKULIN+NG+MAMAYA
N&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgQIABAD
OgYIABAFEB46BggAEAgQHjoECAAQHjoECAAQGFDx8y5YwNwvYPveL2gAcAB4BI
ABgQKIAeI8kgEGMC40OS41mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclien
t=img&ei=tgpjYLuFE8fK0wSPo4-wDA#imgrc=PaC2g-
YgIRFNEM&imgdii=TejRRz7uMzGQcM - 4-2-2021

https://www.google.com/search?q=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&tbm=
isch&ved=2ahUKEwjGpJ6ZgNjvAhW6xIsBHWDcD9wQ2-
cCegQIABAA&oq=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&gs_lcp=CgNpbWcQ
AzoCCAA6BAgAEEM6CAgAELEDEIMBOgYIABAIEB46BAgAEBhQvbskWOrQJGDP1
CRoAHAAeAGAAZwCiAGXEJIBBjAuMTQuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAE
B&sclient=img&ei=WxdjYIaLHbqJr7wP4Li_4A0&bih=600&biw=1366#imgrc=evP2TSz4
USbwYM&imgdii=3mdbvqhfBFMo1M- 4-2-2021

https://www.google.com/search?q=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&tbm=
isch&ved=2ahUKEwjGpJ6ZgNjvAhW6xIsBHWDcD9wQ2-
cCegQIABAA&oq=GAWAING+PANSIBIKO+ng+mga+mamayan&gs_lcp=CgNpbWcQ
AzoCCAA6BAgAEEM6CAgAELEDEIMBOgYIABAIEB46BAgAEBhQvbskWOrQJGDP1
CRoAHAAeAGAAZwCiAGXEJIBBjAuMTQuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAE
B&sclient=img&ei=WxdjYIaLHbqJr7wP4Li_4A0&bih=600&biw=1366#imgrc=qO9hRN
Wf3WnAXM&imgdii=7BpKgTDLa__8rM - 4-2-2021
RO_MIMAROPA_WS_AralPan4_Q4

https://www.google.com/search?q=girl+in+black+in+white+cartoon&tbm=isch&ved=2a
hUKEwj4z4b8kNjvAhUSB5QKHT_uCJ4Q2-
cCegQIABAA&oq=girl+in+black+in+white+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1AAWABg2K
4RaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=8ShjYLi
TKZKO0AS_3KPwCQ&bih=657&biw=1366#imgrc=w4ColyPfq2_ipM&imgdii=e5I_gvrD
RD_77M- 4-2-2021

https://www.google.com/search?q=girl+in+black+in+white+cartoon&tbm=isch&ved=2a
hUKEwj4z4b8kNjvAhUSB5QKHT_uCJ4Q2-
cCegQIABAA&oq=girl+in+black+in+white+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1AAWABg2K
4RaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=8ShjYLi
TKZKO0AS_3KPwCQ&bih=657&biw=1366#imgrc=orPCre_NrakjeM&imgdii=a2xjYP9H
sjZEfM- 4-2-2021

Inihanda ni:

JUNAIRA E. MACADATO

Sinuri ni/nina:

ARLINE M. MAYO
EDNA L. VENTURA

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like