You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 4.2 Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng


Mamamayang Pilipino
(Mga Karapatan ng isang Batang Pilipino)

Bilang ng Araw: 1 Araw

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa


kanyang karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap


sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay
ng kanyang karapatan

C. Pamantayan sa Pagkatuto:

Natatalakay ang tungkuling kaakibat ng bawat karapatang tinatamasa


ng mga batang Pilipino

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng

Mamamayang Pilipino

-Karapatan ng mga Batang Pilipino

Kagamitan: mga larawan, cd player at meta cards

Sanggunian: Learner’s Material, pp. 354-361

K to 12 – AP4KPB-IVc-3

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan

71
● Pagbabalitaan ng klase tungkol sa kaganapan
sa paligid

2. Balik-aral

● Magpabigay ng mga karapatang tinatamasa


ng mga Pilipino na napag-aralan na sa
nagdaang aralin.

3. Pagganyak

● Itanong:

Alin-alin sa mga karapatang ito ang


tinatamasa ng isang batang katulad mo?
Alam mo ba na may kaakibat na tungkulin ang
mga karapatang ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Pangkatang Gawain - Pag-aaral tungkol sa larawan

● Pangkatin ang klase sa anim .

● Bawat pangkat ay bibigyan ng envelop ng


mga larawan na nagpapakita ng batang
nagtatamasa ng mga karapatan

● Ipabigay ang kaakibat na tungkulin para sa


bawat karapatang ipinakikita sa larawan

Source:https://www.google.com.ph/search?
q=Karapatang+alagaan&biw=1511&bih=735&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi_id2f-
KXQAhVNv5QKHY1qAAYQ_AUIBigB&dpr=0.9#imgrc=sVeH7ZbhgC8hdM%3A
72
Source:https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fwww.wikitree.us
%2F_data%2Fup%2F2016%2F01%2F28%2FOgt3PH.jpg&imgrefurl=http%3A%2F
%2Fphi.wikitree.us%2Fstory%2F9993&docid=4Yshtq63bZ0CFM&tbnid=rHdmiL_WHeVpzM
%3A&vet=1&w=2048&h=1367&bih=735&biw=1511&ved=0ahUKEwiKo7SH9aXQAhXJjLwKHf7
sDZUQMwgZKAAwAA&iact=mrc&uact=8

Source:https://www.google.com.ph/search?q=Karapatan++sa+sapat+na+
+edukasyon&biw=1511&bih=735&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiQy6SD9qXQ
AhWHT7wKHX0TDIcQ_AUIBigB&dpr=0.9#imgrc=ddcl9bWkTZipHM%3A

Source:https://www.google.com.ph/search?
q=Karapatangmabuhay&biw=1511&bih=735&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi-
97K99qXQAhUEwbwKHSPSBZQQ_AUIBigB&dpr=0.9#imgrc=-n7BI16TS_svNM%3A

73
Source:https://www.google.com.ph/search?
q=Karapatang+magkaroon+ng+pangalan+at+nasyonalidad&biw=1511&bih=735&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjX9cni9qXQAhWMWbwKHYwqC4EQ_AUIBigB&dpr=0.9#img
dii=ZveeUB1o9g0SwM%3A%3BZveeUB1o9g0SwM%3A%3BWnSNwLaPYM8A9M
%3A&imgrc=ZveeUB1o9g0SwM%3A

Source:https://www.google.com.ph/search?
q=Karapatang+maging+malusog&biw=1511&bih=735&source=lnms&tbm=isch&sa=X
&ved=0ahUKEwjvxK-
n96XQAhWKv7wKHQLcAWcQ_AUIBigB&dpr=0.9#imgrc=YnfA4UJBOxrazM%3A

b. Pag-uulat ng bawat pangkat

2. Pagsusuri

● Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng


isang bata ang ipinakita sa mga larawan?

● Ano ang dapat gawin ng mga batang tulad nyo


sa mga karapatang nabanggit?

74
● Tama bang karapatan lamang ang mayroon sa
isang tao? Ano kaya ang kailangang kaakibat
nito?

● Ano kaya ang mangyayari kung ang karapatan


ay walang kasamang tungkulin?

3. Paghahalaw

● Tulungan ang mag-aaral na makabuo ng


konsepto tungkol dito. Ano ang dapat gawin ng
isang bata sa mga karapatan upang? Patuloy
niyang tamasahin ang mga ito?

4. Aplikasyon

a. Pangkatang Gawain

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang


kaakibat na tungkulin ng mga bata sa bawat
karapatan.

KARAPATAN TUNGKULIN

1.Karapatang mabuhay

2.Karapatang maging malusog

3.Karapatang magkaroon ng pangalan at


nasyonalidad

4.Karapatang alagaan at mahalin ng magulang

5.Karapatang magpahinga at maglaro

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa papel ang T kung ang isinasaad sa sitwasyon ay


tama at M kung mali.
1. Karapatan ng bata ang maglaro kaya maaari siyang maglaro kahit
anong oras niya gusto.
75
2. Karapatan ng bata ang mag-aral kaya kailangan niyang mag-aral
nang mabuti.

3. Karapatan ng mga batang alagaan ng kaniyang mga magulang


kaya dapat ding suklian sila ng pagmamahal.

4. Karapatan ng batang mag-aaral na ipahayag ang kanyang


saloobin kaya maaaring sabihin ng mga anak ang lahat ng nais
nilang sabihin sa anumang paraan.

5. Karapatan ng mga bata na maging malusog kaya maaari siyang


kumain ng lahat ng nais niyang kainin.

V. Takdang-Aralin:

Magtala pa ng mga tungkuling kaakibat ng bawat karapatan ng


mga mamamayang Pilipino.

76

You might also like