You are on page 1of 10

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 4.1 Tungkuling Kaakibat ng Bawat


Karapatan ng Mamamayang Pilipino

Bilang ng Araw: 1 Araw

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga


sa kanyang karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng


pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at
pagsasabuhay ng kanyang karapatan

C. Pamantayan sa Pagkatuto:

Natatalakay ang tungkuling kaakibat ng bawat karapatang


tinatamasa

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan

ng Mamamayang Pilipino

Kagamitan: activity cards, tsart,, cd player

Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral 4, pp. 354-361

Patnubay ng Guro, dd. 158-161

K to 12 – AP4KPB-IVc-3

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
● Pagbabalitaan sa mga kaganapan sa paligid na
may kaugnayan sa paksa.
2. Balik-aral
● Pagbalik-aralan ang mga tungkuling kaakibat ng
mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino

61
3. Pagganyak
● Pantomime (Pre-assigned sa mga piling mag-
aaral)
● Magkaroon ng pantomime ng mga sumusunod:
a. Dalawang mag-aaral na nagkukwentuhan at hindi
nakikinig sa guro (karapatan sa edukasyon)
b. Batang pinapakain ng gulay ngunit ayaw kumain
(karapatan sa pagkain o maging malusog)
c. Batang yakap ng magulang ngunit nanghahampas
(karapatan sa pagmamahal ng magulang)
d. Batang naglalaro habang nagsisimba (karapatan
sa relihiyon)
e. Tinderang nandaraya sa timbangan (karapatang
mamili ng hanapbuhay)
● Ipatukoy ang mga karapatang nakita nila sa
pantomime. Isulat ito sa pisara. Itanong kung ano ang
kanilang napansin sa mga ipinakitang karapatan.
● Isa-isahin kung ano ang mali sa pantomime.

Itanong:
Tama bang karapatan lamang ang mayroon
sa isang tao? Ano kaya ang kailangang kaakibat
nito?
Ano kaya ang mangyayari kung ang karapatan
ay walang kasamang tungkulin?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
a. Gawain 1 – Pagbasa ng Diyalogo
Ipabasa at ipasuri ang usapan nina Tengteng at
Dodi. Ipasagot ang mga tanong at talakayin ito:

- Ano ang pagkakaunawa ni Dodi sa karapatang


di maaaring makulong dahil sa pagkakautang?

-Ano ang pagkakaunawa ni Tengteng sa


Karapatang ito?
- Sino ang tama sa kanilang dalawa?

62
b. Gawain 2 – Pagbasa sa Teksto, LM, dd.355-356

c. Gawain 3 Pangkatang Gawain – Paggamit ng


Semantic Web Pagbibigay ng kaakibat na
Tungkulin sa bawat Karapatan ng mga
mamamayang Pilipino

Pangkat 1

Karapata
ng
mabuhay
at
maging
malaya

Pangkat 2

Karapat
ang
Bumoto

63
Pangkat 3

Karapat
ang
magsali
ta at
maglim
bag

Karapata
ng
mabuhay
Pangkat 4 at maging
malaya

Karapat
ang
Karapata
pumili
ng
Karapata
ng ng pumili
magkaroo
propesy
n ng ari- ng
on o
arian relihiyon
hanapb
uhay
64 pa
Pangkat 5

Karapatan
g bumuo
o sumapi
sa
isangsam
ahan

Pangkat 6

Karapata
ng pumili
ng
relihiyon

65
Pangkat 7

Karapata
ng
magkaro
on ng ari-
arian

Pangkat 8

Karapatan
g
66
makinaba
ng sa mga
likas
yaman
2. Pagsusuri
● Lahat ba ng nais gawin ng isang mamamayan ay
maaari niyang isagawa kahit sabihin pang karapatan
niya ito?
● Ano ang kaakibat na tungkulin ng mamamayan sa
karapatang mabuhay at maging malaya?
● Ano ang tungkuling kaakibat ng mamamayan sa
karapatang bumoto?
● Ano naman ang tungkuling kaakibat ng tao sa
karapatang mamili ng relihiyon? Karapatang
magkaroon ng ari-arian?
● Ano-ano ang tungkuling kaakibat sa karapatang
magsalita at maglimbag?
● Ano-ano ang tungkuling kaakibat ng karapatang
bumuo o sumapi sa isang samahan?sa karapatang
pumili ng propesyon? Sa karapatang makinabang sa
mga likas na yaman?
● Ano ang dapat gawin sa mga tungkuling kaakibat ng
mga karapatang ito? Bakit?
● Anong magiging bunga ng pagtupad ng mga
mamamayan sa kanilang tungkulin sa mga karapatang
ito?

3. Paghahalaw

67
Anong kabutihang maidudulot kung gagampanan
ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa mga
karapatan?

Ang bawat karapatan ay may katumbas na


tungkulin na dapat gampanan para sa ikabubuti ng sarili,
upang maging mapayapa ang pamayanan, at upang maging
kaagapay ng bansa sa pag-unlad.

4. Aplikasyon

Panuto: Hanapin sa hanay B ang kaakibat na tungkulin sa mga


pahayag sa A. Isulat sa notbuk ang letra ng tamang sagot.

A B
1. Si Anaya ay tapagbalita ng mga A. Sundin ang mga batas
batas sa isang pahayagan.

2. Naihalal si Joy na alkalde sa B. Magsabi ng katotohanan


kanilang lungsod

3. Si Cherry ay napagkalooban ng C. Maging mabuting kasapi


pabahay ng pamahalaan

4. Namasyal sa Hongkong sina D. Gawin nang tapat ang


Roxanne tungkulin

5. Nagtatag sina Aida ng isang E. Sinupin nang maayos


samahan sa paaralan

F.Gawin ang naising

68
gawin

IV.Pagtataya:

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng


tamang sagot.
1. Araw-araw, binibigyan sa Anafe ng baong pera ng kaniyang nanay
para pambili ng pagkain. Lagi siyang pinaaalalahanan nito sa
masustansiyang pagkain ang bilhin niya sa kantina. Ano ang dapat
gawin ni Anafe?
A. Ibili ng laruan ang pera dahil kakaunti lamang ang kanyang laruan.
B. Bumili ng sopas at tinapay dahil tungkulin niyang sumunod sa
kaniyang mga magulang.
C. Bumili ng junk food dahil masustansiyang pagkain naman ang lagi
niyang kinakain sa bahay.
D. Ibayad ang pera sa computer shop dahil hindi siya papayagang
maglaro nito pag-uwi sa bahay.

2. Masayang nagkukuwentuhan sina Wia at Ameerah. Sa kabilang silid


natutulog ang may-sakit nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang
gawin?
A. Itigil na nila ang kanilang kuwentuhan.
B. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging Masaya.
C. Hinaan ang kanilang mga boses upang hindi makaabala sa
maysakit.
D. Ituloy ang kuwentuhan dahil karapatan nilang ihayag ang kanilang
damdamin.

3. Madalas na walang pambili si G. Tonyo para sa kaniyang pamilya


dahil wala siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magpalimos sa daan.
B. Manghingi sa magulang.
C. Mangutang sa tindahan.
D. Maghanap ng pagkakakitaan.

4. Ang pamilya ni Allan ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar dahil


ang kaniyang mga magulang ay nagtayo ng isang samahan na
tumutulong sa mahihirap. Ano ang dapat niyang gawin?
(1) Tumulong sa samahan na itinayo ng kaniyang mga magulang.
(2) Ingatan ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagiging

69
mabuting tao.
(3) Gawin ang mga naisin kahit makasira ito sa pangalan ng kaniyang
pamilya.
(4) Pumunta sa ibang bansa upang hindi madungisan ang pangalan ng
Kaniyang pamilya.

A. 1 at 2
B. 2 at 3
C. 1 at 4
D. 3 at 4

5. Mangingisda si Mang Jose. Ito ang ikinabubuhay ng kaniyang


pamilya.
Sa kagustuhan niyang kumita nang malaki, gumagamit siya ng
dinamita.
Tama ba ang ginagawa ni Mang Jose?
A. Oo, para madagdagan ang kaniyang kita
B. Hindi, dahil baka siya tamaan ng dinamita.
C. Oo, dahil karapatan ng kaniyang pamilyang mabuhay.
D. Hindi, dahil ipinagbabawal ito at nakasisira sa kalikasan.

V.Takdang- Aralin:

Sumulat ng liham pasasalamat sa mga taong nagbibigay ng


proteksiyon sa iyo gaya ng iyong magulang, kamag-anak, kaibigan,
pulis, doctor, at bumbero.

70

You might also like