You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

Semi – Detailed Lesson Plan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsiyensiya
sa Likas na Batas Moral.
B. Pamantayang sa Pagganap : Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama
ang mga maling pasiya o kilos bilang kabataan batay sa tamang
konsiyensiya.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto : Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang
pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama.
D. Koda : EsP7PS-IIc-6.1
E. Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malalaman ang kahulugan ng konsensiya at likas na batas moral


2. Maipaliliwanag ang kaugnayan ng konsensiya sa likas na batas moral at ang mga
katangian ng likas na batas moral
3. Mauunawaan kung bakit natatangi sa tao ang likas na batas moral

II. Nilalaman
A. Paksa : Ang Konsensiya at Ang likas na batas moral
Araw : November 28 – December 2, 2022, araw 1
Oras : 11 – 12: 00 NN (Ro-MT) /10:00-11:00 AM (Ad./Gu-THF) / 3:00-4:00PM(Sam)
Paglalaan : Isang oras
ng oras

B. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral:


Sanggunian : LM : *EsP7_Q2_Mod2_Ang-Konsensya-at-ang-Likas-na-Batas-Moral_v2-1.pdf
TG pahina: 50-58/192
MELC pahina: 94/723
Iba pang-Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=bdM8wOu08DE
Kagamitan : Laptop, TV, Blackboard, Chalk and other learning resources

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral/Paglalahad ng Bagong Aralin
- Ang guro ay magbabalik-aral tungkol sa mga natutuhan ng mga mag-aaral sa nagdaang araw.
- Ilalahad ng guro ang panibagong aralin

B. Paglalahad ng Layunin
- Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin

Mga Tiyak na Layunin:


1. Malalaman ang kahulugan ng konsensiya at likas na batas moral
2. Maipaliliwanag ang kaugnayan ng konsensiya sa likas na batas moral at ang mga
katangian ng likas na batas moral
3. Mauunawaan kung bakit natatangi sa tao ang likas na batas moral
C. Paglalahad Ng Mga Halimbawa/Mga Pagkakataon Tungkol Sa Bagong Aralin
- Hahayaan ng guro na panuorin ng mga mag-aaral ang isang balita tungkol sa “UTLOM”
- Pagkatapos, magtatanong ang guro tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa balita.

D. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #1


- Tatalakayin ng guro ang aralin tungkol sa ang konsensya at ang likas na batas moral

E. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #2


- Magbibigay ang guro ng iba pang mga halimbawa

F. Pagpapaunlad Ng Natutunang Aralin:


- Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga sitwasyon at magtatanong sa
mga mag-aaral kung ano ang kanilang dapat gawin.

G. Paghahanap Ng Praktikal Na Aplikasyon Ng Aralin At Kasanayan Sa Pang-Araw-Araw


Na Buhay
- Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga sitwasyon at magtatanong sa
mga mag-aaral kung tama ba ito o mali gamit ang kanilng

H. Paglalahat
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga natutunan ng mga mag-aaral tungkul sa aralin.
Halimbawa:
- Ano ang kahulugan ng konsenisya at ang likas na batas moral?
- Paano niyo maipaliliwanag ang ugnayan ng konsensiya sa likas na batas moral?
- Magbigay ng isang katangian ng likas na batas moral at ipaliwanag.
- Bakit natatangi sa tao ang likas na batas moral?

IV. Pagtataya # 6: Malinis ang aking konsensiya


Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong sa ibaba at isulat lamang ang TAMANG
LETRA NG IYONG SAGOT. (1/4 NA PAPEL)

1. Alin sa mga sumusunod ang binibigyang kahulugan ng pahayag na ito, “Ito ay likas sa tao dahil
siya ay may kaalaman o with knowledge”?

a. Konsensiya b. Isip c. kilos-loob d. Likas na batas moral

2. Ang salitang konsensiya ay nagmula sa mga salitang latin na cum at scientia na ang kahulugan
ay:

a. Walang kaalaman b. May kaalaman c. Walang pakialaman d. May pakialam

3. Bakit natatangi sa tao ang likas na batas moral?


Natatangi sa tao ang likas na batas moral,

a. dahil siya ay likha ng diyos na kawangis niya


b. dahil ginawa ito ng diyos para maging kanyang pamantayan sa tamang pagpapasiya
c. dahil ito ay gabay niya sa paghahanapbuhay
d. dahil ginawa ito ng diyos para maging kanyang pamantayan sa masamang pagpapasiya

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa ugnayan ng konsensiya sa likas na batas


moral?

a. Ang konsensiya ay kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti at masama na nakabatay sa dapat


at hindi dapat gawin o ang likas na batas moral
b. Ang Likas na Batas-Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga ng konsiyensiya na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama sapagkat may kamalayan at kalayaan ang pagtungo sa KABUTIHAN.
c. Sa pamamagitan ng konsenisya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang
likas na batas moral sa kanyang buhay
d. SANAOL

5. Sa pamamagitan ng batas na ito, nagkaroon ng kakayahan ang tao na kilalanin ang mabuti at masama
dahil ito ay nagsisilbing pamantayan o dahil ito ay iniukit ng diyos mula sa ating mga puso mula nang tayo
ay kanyang nilikha na kumilala ng dapat gawin at hindi dapat gawin.

a. Konsensiya b. Isip c. kilos-loob d. Likas na batas moral

6. Ito ay umiiral at mananatiling iiral dahil ang batas na ito ay walang katapusan, at walang kamatayan
dahil ito ay permanente

a. di nagbabago b. unibersal c. obhektibo d. walang hanggan

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Sa inyong bahay, magsaliksik tungkol sa mga wastong paraan upang mabago ang mga maling
pasya sa buhay.

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
_____________________________________________
B. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan ng Karagdagang Gawain para sa Pagpapaunlad ng
kaalaman
_____________________________________________
C. Gumana ba ang Remedyal na talakayan? Bilang ng mga mag-aaral na natututo sa aralin
_____________________________________________
D. Bilang ng mga-aaral na kailangan pa rin ng pagpapaunlad
_____________________________________________
E. Alin sa mga paraan ng pagtututo ang gumana? Bakit ito gumana?
_____________________________________________
F. Talakayan at harapang pag-uusap
_____________________________________________
F. Anong mga kahirapan ang aking naranasan na kinakailangan pa ang tulong ng aking mga
nakatataas para masolusyunan?
_________________________________________
G. Anong mga Inobasyon o mga pampamayanan na mga kagamitan ang aking ginamit na
gugustuhin kong ibahagi sa aking mga kapwa guro?
_____________________________________________

Inihanda ni: Winasto ni:

JORDAN S. HULAR MA. LUISA C. ADVINCULA


MT-II/Grade 7 Department Head
SST I

Binigyang-Pansin ni: Inaprobahan ni:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


HT - I Principal III

You might also like