You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

Semi – Detailed Lesson Plan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
B. Pamantayang sa Pagganap : Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o
paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto : Nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng
Kalayaan
D. Koda : EsP7PT-IIe-7.1
E. Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malalaman ang konsepto ng Kalayaan


2. Mauunawaan ang mga uri ng Kalayaan
3. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan
II. Nilalaman
A. Paksa : Kalayaan
Araw : December 12 - 16, 2022, araw 1
Oras : 11 – 12: 00 NN (Ro-MT) /10:00-11:00 AM (Ad./Gu-THF) / 3:00-4:00PM(Sam)
Paglalaan : Isang oras
ng oras

B. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral:


Sanggunian : LM : file:///C:/Users/Acer/Downloads/EsP7-Q2-Mod4_Kalayaan_v2.pdf
TG pahina: 70 – 81 / 192
MELC pahina: 94/723
Iba pang-Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=3t4k1EkrNPo
Kagamitan : Laptop, TV, Blackboard, Chalk and other learning resources

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral/Paglalahad ng Bagong Aralin
- Ang guro ay magbabalik-aral tungkol sa mga natutuhan ng mga mag-aaral sa nagdaang araw tungkol sa
konsensiya at likas na batas moral.
- Ilalahad ng guro ang panibagong aralin tungkol sa Kalayaan.
B. Paglalahad ng Layunin
- Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin
Mga Tiyak na Layunin:
1. Malalaman ang konsepto ng Kalayaan
2. Mauunawaan ang mga uri ng Kalayaan
3. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan

C. Paglalahad Ng Mga Halimbawa/Mga Pagkakataon Tungkol Sa Bagong Aralin


Gawain 1: Tama o Mali?
- Hahayaan ng guro na panuorin ng mga mag-aaral ang isang vidyow presentasyon at sasagutan
ang mga tanong na nasa vidyow.

D. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #1


- Hahayaan ng guro na panuorin ng mga mag-aaral ang isang vidyow presentasyon tungkol sa
Kalayaan.

E. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #2


- Magtatatanong ang guro tungkol sa mga natutuhan ng mga mag-aaral sa napanuod nilang
vidyow presentasyon.

F. Pagpapaunlad Ng Natutunang Aralin (Graded-Recitation):


- Hahayaan ng guro ang mga mag-aaral na magbigay ng mga halimbawa tungkol sa pagkakaroon o kawalan
ng Kalayaan at ibibigay ang mga indikasyon nito.

G. Paghahanap Ng Praktikal Na Aplikasyon Ng Aralin At Kasanayan Sa Pang-Araw-Araw Na Buhay


- Ang guro ay magbibigay ng mga halimbawa ng Kalayaan na pinapakita ng mga mag-aaral habang
nagtatalakay ang guro.

H. Paglalahat
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga natutunan ng mga mag-aaral tungkul sa aralin. (4 na mag-aaral
lamang)
Halimbawa:
- Ano ang kahulugan ng Kalayaan?
- Anu-ano ang mga uri ng Kalayaan?
- Paano natin malalaman na tayo ay Malaya? Ano ang mga indikasyon nito?

IV. Pagtataya # 10:


Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at ISULAT ANG LETRA NG TAMANG SAGOT ¼
NA PAPEL

1. Alin sa mga sumusunod ang binibigyan ng kahulugan ng “Nangangahulugan ito na malaya ang taong
gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.

A. Kalayaan B. Konsensiya C. Likas na batas moral D. Kilos-loob

2. Ito ay uri ng Kalayaan kung saan nakabatay ito sa mga nais at hindi nais ng isang tao.

A. Kalayaang gumusto B. Kalayaang tumukoy C. Panlabas ng Kalayaan D. Panloob ng Kalayaan

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng Kalayaan?

A. Naghugas ng pinggan C. Nakinig ako sa aralin ng aming guro


B. Sinampal/sinapak ko ang aking kaklase D. Nagmano ako sa aking lolo/lola
4. sa bilang pang-apat (4), ano ang palatandaan o indikasyon kung bakit nawawala ang ating Kalayaan?
I. Nakakasakit tayo ng kapwa
II. Bawal ang manakit ng kapwa
III. Hindi ito mabuti

A. I B. II C. III D. I, II, III

5. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay limitasyon sa Kalayaan ng tao?

A. Kalayaan B. Konsensiya C. Likas na batas moral D. Kilos-loob

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Sa inyong bahay, magsulat ng mga halimbawa ng mga gawain na nagpapakita ng Kalayaan at mga
gawaing hindi nagpapakita ng Kalayaan.

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
_____________________________________________
B. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan ng Karagdagang Gawain para sa Pagpapaunlad ng kaalaman
_____________________________________________
C. Gumana ba ang Remedyal na talakayan? Bilang ng mga mag-aaral na natututo sa aralin
_____________________________________________
D. Bilang ng mga-aaral na kailangan pa rin ng pagpapaunlad
_____________________________________________
E. Alin sa mga paraan ng pagtututo ang gumana? Bakit ito gumana?
_____________________________________________
F. Talakayan at harapang pag-uusap
_____________________________________________
G. Anong mga kahirapan ang aking naranasan na kinakailangan pa ang tulong ng aking mga nakatataas
para masolusyunan?
_________________________________________
H. Anong mga Inobasyon o mga pampamayanan na mga kagamitan ang aking ginamit na gugustuhin
kong ibahagi sa aking mga kapwa guro?
_____________________________________________

Inihanda ni: Winasto ni:

MA. LUISA C. ADVINCULA


JORDAN S. HULAR MT-II/Grade 7 Department Head
SST I

Binigyang-Pansin ni: Inaprobahan ni:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


HT - I Principal III

You might also like