You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

Semi – Detailed Lesson Plan sa Araling Panlipunan 10

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman : Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang
kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.
B. Pamantayang sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung
pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto : *Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng


paggawa sa bansa
D. Koda : Linggo 3-4
E. Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malalaman ang mga tugon ng pilipinas sa isyu ng paggawa sa Pilipinas


2. Maipaliliwanag ang mga Karapatan at batas para sa mga manggagawa
3. Makapagbibigay ng sariling tugon laban sa isyu ng paggawa sa Pilipinas

II. Nilalaman
A. Paksa :Isyu sa Paggawa: Suliranin, Epekto at Tugon sa isyu ng paggawa
Araw :November 28-December 2, araw 1
Oras : 8:30 – 9:30 AM (MTW – Jupiter) / 4:00-5:00 PM (MTW – Earth)
Paglalaan : Isang oras
ng oras

B. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral:


Sanggunian : LM pahina: wala
TG pahina: wala
MELC pahina: 57/723
Learner’s Module: AP10_Q2_Mod2_Mga-Isyu-sa-Paggawa.pdf
Iba pang sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=HpOMKPioSSA

Kagamitan : Laptop, TV, Blackboard, Chalk

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral/Paglalahad ng Bagong Aralin

- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga natutuhan sa nakaraang
aralin tungkol sa isyu ng paggawa at ang epekto nito.
- Ilalahad ng guro ang panibagong aralin pagkatapos.

B. Paglalahad ng Layunin
- Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin

Mga Tiyak na Layunin:


1. Malalaman ang mga tugon ng pilipinas sa isyu ng paggawa sa Pilipinas
2. Maipaliliwanag ang mga Karapatan at batas para sa mga manggagawa
3. Makapagbibigay ng sariling tugon laban sa isyu ng paggawa sa Pilipinas

C. Paglalahad Ng Mga Halimbawa/Mga Pagkakataon Tungkol Sa Bagong Aralin


- Hahayaan ng guro ang mga mag-aaral na panuorin ang isang balita tungkol sa isyu ng paggawa
sa pilipinas at tatanungin ng guro ang mga mag-aaral pagkatapos tungkol sa kanilang napanuod
na balita.

D. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #1


- Tatalakayin ng guro ang aralin tungkol sa suliranin, epekto at tugon sa isyu ng paggawa sa
pamamagitan ng isang vidyow presentasyon

E. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #2


- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang napanood na vidyow tungkol sa
aralin.

F. Aplikasyon (Developing Mastery of the lesson):


- Hahayaan ng guro na panuorin ng mga mag-aaral ang isa pang balita at magbibigay sila ng
kanilang sariling tugon.

G. Paghahanap Ng Praktikal Na Aplikasyon Ng Aralin At Kasanayan Sa Pang-Araw-Araw


Na Buhay
- Ang guro ay magbibigay ng mga halimbawa ng mga isyu sa paggawa sa sta.margarita at ang
tugon nito.

H. Paglalahat
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga natutunan ng mga mag-aaral tungkul sa aralin.
Halimbawa:
- Anu-ano ang mga tugon ng pilipinas sa isyu ng paggawa?
- Magbigay ng isang Karapatan at batas para sa mga maggagawa at ipaliwana

IV. Pagtataya 7
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong sa ibaba, piliin lamang ang TITIK ng iyong tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na programa ng pamahalaan o ng DOLE ang nagbibigay tugon sa job-
skills mismatch kung saan ang programang ito ay nagbibigay ng experience o internship sa
mga naghahanap ng trabaho para makahanap agad ng trabaho.

a. Jobstart Philippines c. K to 12
b. TESDA d. PD 442 o LABOR CODE

2. Dahil sa suliranin sa Job-mismatch, ang pamahalaan ay nagtayo ng programa para matulungan


ang mga Pilipino na magkaroon ng sapat na kaalaman sa isang industriya.

a. Jobstart Philippines c. K to 12
b. TESDA d. PD 442 o LABOR CODE

3. Dahil sa batas na ito, ipinagbabawal ang pagkokontrata ng mga manggagawa kung ang
kapalit nito ay ang pagbabawas ng mga regular na manggagawa.

a. Jobstart Philippines c. DO 10 ng DOLE 18-02


b. TESDA d. PD 442 o LABOR CODE
4. Ito ay ang naging tugon ng Pamahalaan dahil sa lumalawak na demand ng pandaigdigang
pamantayan o global standard dahil sa epekto ng globalisasyon.

a. Jobstart Philippines c. K to 12
b. TESDA d. PD 442 o LABOR CODE

5. Ang batas na ito ay ang nangangalaga sa Karapatan ng mga manggagawa na nagtatakda ng


pagbabayad sa kanila kung sila ay napahamak o napinsala sa oras ng trabaho.

a. Batas Republika Blg. 1131 c. Batas Republika Blg. 1052


b. Batas Republika Blg. 772 d. PD 442 o LABOR CODE

B. Ipaliwanag. 5 pts.
Kung ikaw ay tatakbo bilang Mayor ng munisipalidad ng Sta. Margarita, ano ang magiging tugon o
solusyon mo sa isyu ng paggawa sa ating lugar?

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik sa internet tungkol sa kahulugan, uri at mga termino sa migrasyon.

VI. Marka:____________________________________________________________________

VII. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. _______
B. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan ng Karagdagang Gawain para sa Pagpapaunlad ng
kaalaman ________
C. Gumana ba ang Remedyal na talakayan? Bilang ng mga mag-aaral na natututo sa aralin
_____________________________________________
D. Bilang ng mga-aaral na kailangan pa rin ng pagpapaunlad. ____
E. Alin sa mga paraan ng pagtututo ang gumana? Bakit ito gumana?
_____________________________________________
F. Talakayan at harapang pag-uusap. ______________________________________
G. Anong mga kahirapan ang aking naranasan na kinakailangan pa ang tulong ng aking mga
nakatataas para masolusyunan?
_____________________________________________
H. Anong mga Inobasyon o mga pampamayanan na mga kagamitan ang aking ginamit na
gugustuhin kong ibahagi sa aking mga kapwa guro?
_____________________________________________

Inihanda ni: Winasto ni:

JORDAN S. HULAR POLICARPO V. UY


GURO I DALUBGURO I

Binigyang Pansin ni: Inaprobahan ni:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


ULONG GURO I PUNONG GURO III

You might also like