You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

OCTOBRE 10 - 14, 2022, Araw 1


Semi - Detailed Lesson Plan sa Grade 7 – Edukasyon sa Pagpapakatao

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga hilig

B. PAMANTAYANG PAGGANAP:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig

C. KASANAYANG PAGKATUTO: Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay


makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa
pamayanan

D. KODA: EsP7PS-If-3.3
E. TIYAK NA MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag at maunawaan kung bakit nakatutulong ang pagpapaunlad ng hilig sa pagtupad


ng kanilang mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa
pamayanan

II. PAKSANG ARALIN:

 PAKSA: Pagpapaunlad ng Hilig, Paglawak ng tungkulin


 SANGGUNIAN: esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf ,
 KAGAMITAN: TV, LAPTOP, CHALK, CHALKBOARD.

III. PAMAMARAAN

I. PANIMULANG GAWAIN:
- Panalangin
- Pagbati
- Pagsasa-ayos ng silid
- Pagtatala ng liban

II. PAGGANYAK(MOTIBASIYON) O BALIK-ARAL:


- Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang aralin. Magsasabi ang guro ng mga
trabaho o prefession o kurso at sasagot ang mga mag – aaral kung anong uri ng larangan
ng hilig at kung saan nakatuon ang mga ito.
1. Flight attendant – outdoor - tao
2. Mayor – social service – tao, ideya, datos, bagay
3. Pagkukumpuni ng sirang electric fan – mechanical – bagay
4. Architect – Artistic – ideya, tao, bagay
5. Professional Singer – Musical – tao.bagay, datos, ideya

III. PAGLALAHAD

- Ilalahad ng guro ang paksa at mga layunin para alam ng mga mag-aaral ang dapat nilang
matutuhan sa araling ito.
Paksa: Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng Hilig
Layunin:
1. Maipaliwanag at maunawaan kung bakit nakatutulong ang pagpapaunlad ng hilig sa
pagtupad ng kanilang mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at
paglilingkod sa pamayanan

IV. PAGTATALAKAY SA ARALIN (Inquiry Based Approach)


- Magpapakita ng isang vidyow ang guro tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig.
- Pagkatapos, magtatanong ang guro tungkol sa kanilang mga natutuhan sa vidyow.

V. PAGLALAHAT/PAGPAPAHALAGA/PAGSASABUHAY
- Ang guro ay magtatanong sa mga mag – aaral tungkol sa sa kanilang mga natututuhan.
1. Ano ba ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng ating mga hilig?
Sagot:
Ito ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng
propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay,
pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan

IV. PAGTATAYA 9: TOTOO o CHAROT?


Panuto: Basahin ng Mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat ang TOTOO kung tama, kung
hindi, isulat ang CHAROT.

1. Si Lawrence ay inutusan ng kanyang ina na magsaing ng kanin at ito ay nagawa niya nang
maayos at may husay dahil ito ang kanyang hilig.
2. Si Jean ay magaling sa Matematika kaya sa paglaki niya ay gusto niyang maging isang Civil
Engineer
3. Si Paye ay nangangarap na maging Nurse balang araw kaya kapag maging SHS na mag-
aaral na siya ay kukuha siya ng Care giving na strand.
4. Si Adrian ay mahilig mag-ayos ng mga sirang gamit sa kanilang bahay lalo na ang pag-
aayos ng mga sirang kuryente kaya sa paglaki niya ay gusto niya maging electrician
5. Si Greg ay magaling magluto ng tinapay kaya sa kanyang paglaki gusto niya maging baker
at magtayo ng kanyang sariling negosya na bakery.
6. Palaging nakikita ni Rizzie na tumutulong palagi ang kanyang ina sa mga taong nahihirapan
kaya habang tumatagal ay nagiging hilig niya na rin ang pagtulong sa iba.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga paraan ng pagpapaunlad ng hilig.
Maglista lamang ng 2 o mahigit pa 5 pts.

VI. PAGNINILAY/Repliksyon:
VII. MARKA

INIHANDA NI: ISINURI NI:

JORDAN S. HULAR MA. LUISA C. ADVINCULA


Guro I DalubGuro II / Pinuno ng
Departamento, Baitang 7

IWINASTO NI: INAPROBAHAN NI:


RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD
Ulong Guro I Punong-Guro III

You might also like